[Eidolon Key]
isang malakas na artifact na maaaring tumawag ng celestial beast.
"Pwede ba talaga akong tumawag ng celestial beast gamit itong item na to?"
*DING*
*Yes, sa oras na makasummon ka ng isang celestial beast, magiging loyal sayo ito at ikaw lang ang kikilalanin niya bilang master*
"Hahaha ayos!" sigaw ni Ye Song.
Napatalon siya sa tuwa dahil hindi niya inaasahan na magkakaroon siya ng pagkakataon para makapagsummon ng pet!
Pwede niya itong gawing mount habang naghuhunt ng mga halimaw o kaya naman ay gamitin niya ito pang hunt ng halimaw habang siya ay nanonood lang sa gilid.
Hindi na nag atubili pa si Ye Song at dali-daling pinindot ang [Eidolon Key]. Nasasabik na siya kung anong uri ng pet ang kanyang makukuha!
[Gusto mo bang gamitin ang Eidolon Key?]
"Yes!"
[Establishing a connection on heavenly world, please wait a moment]
15%..
Nagkaroon ng kaunting paglindol ang lupa habang nag eestablish ng koneksyon ang [Eidolon Key] sa Heavenly World.
45%..
Habang tumatagal ay lalong lumalakas ang galaw ng lupa at nang ang koneksyon sa Heavenly World ay nasa kalahati na, nagsimulang dumilim ang kalangitan!
90%..
*DING*
[Connection complete!]
Isang portal ang biglang lumitaw sa harapan ni Ye Song.
Naglalabas ito ng nakakabulag na ilaw kaya pumikit siya upang protektahan ang kanyang mata.
Sa mga oras ding iyon, isang hayop ang naglalakad palabas sa portal.
Nang ma-adjust niya ang kanyang paningin, bumungad kay Ye Song ang isang hayop.
Ang hayop na ito ay nagbibigay ng vibe na siya ay isang celestial being!
Nang makita niya ang itsura nito, napabukas ang kanyang bunganga dahil sa gulat!
Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita!
Ang nakita ni Ye Song ay ang daga na pinatay niya kanina ngunit mayroong kaunting pagkakaiba.
Muka na itong hamster ngayon!
Hindi na rin ito dambahula katulad ng dati, malaki pa din ito ngunit kasing laki na lang ito ng baka.
Malaki ang pisngi nito at mataba ang katawan, kapag tinitigan mo siya ay muka itong kaibig-ibig!
-
Ang Rat God ay nalilito kung ano ang nangyayari at sinubukan niyang alalahanin ang nangyari kanina.
"Namatay ba ako? lumipat ba ako sa ibang mundo? hmm" sinabi ng Rat God sa kanyang sarili habang malalim ang iniisip.
Hindi napigilan ni Ye Song ang pag tawa nang marinig niya ang sinabi ng hamster dahil sa pagiging cute nito.
"Anong tinatawa mo diyan ah?!" tumingin ang Rat God sa direksyon kung saan niya narinig ang tawa.
Paglingon niya ay nakita niya ang isang binata na mukang pamilyar at nang ito ay titigan niya ay unti-unting bumalik ang kanyang alaala.
Nang mapagtanto niya kung sino ang binatang ito, nagsimula siyang manginig sa takot.
"I-Ikaw, P-paano.."
"Tinawag kita gamit ang susi na nakuha ko kanina"
"Ahh, ang swerte naman tsk. kahit na wala akong sinaktan, ganito pa rin ang nangyari saken. Sinummon mo ko pero bakit lumiit ang katawan ko! Malaki, cool at poging Rat God dapat ako nakakadismaya naman na pumangit ako" naiiyak na sinabi ng hamster.
Ang hamster na ito ay may malaking pride!
Napapangiti si Ye Song habang pinagmamasdan ang pagkadismaya ng hamster sa kasalukuyang itsura nito.
"Binalik ko ang buhay mo kaya ako na ang iyong master. simula ngayon, kailangan mong gawin ang makakaya mo para sundin ang mga utos ko"
Wala siyang balak pakawalan ang celestial being na ito dahil gusto niya itong makatulong sa kanya sa paghuhunt kaya naman kinumbinsi ni Ye Song ang Rat God na tanggapin siya bilang master ngunit ang Rat God ay napakataas ng pride at hindi tanggap ang pananaw ni Ye Song.
"Sana di mo na lang ako sinummon..." mahinang bulong ng Rat God.
Dahil sa kataasan ng pride ng Rat God ay naisip na ideya si Ye Song. ang mga katulad nitong Rat God ay mahilig sa mga pambobola!
"Makinig ka sa akin, medyo chubby nga ang mukha mo pero nagsilbi naman itong charm mo para magmuka kang cute at kaibig-ibig! parang ang sarap mo tuloy yakapin di ba!"
"Wahahaha!"
Ang simple mag-isip na Rat God ay madaling nakuha ang loob dahil sa pambobola ni Ye Song.
"Mabait si master, mukang okay naman siya pag silbihan" masayang sinabi ng Rat God.
"Oo naman, kailangan mo lang sundin ang mga utos ko sayo :)"
"Okay~ pero kailangan ko ng bagong pangalan master"
"Bakit?" Tanong ni Ye Song.
"Dahil panibagong buhay ko na ito, hindi na ako si Enimen"
Nag isip si Ye Song ng pangalan para sa demanding na hamster na kanyang sinummon.
"Master, mag isip ka ng magandang pangalan please~"
Mataas ang inaasahan ng Rat God sa kanyang bagong pangalan. Bilang isang god level monster, gusto niyang makakuha ng pangalan na nag nagkakatawan sa lakas at pride!
"Hmm simula ngayon, tatawagin kitang Ahoka!"
"Hindi ko alam kung ano yun pero tunog pa lang parang dominante na master! ano pong ibig sabihin nun?" masayang tanong ni Ahoka kay Ye Song.
"Ang ibig sabihin nun ay pinakamalakas na beast :)"
"Wow salamat master!"
[Ahoka LV.1]
Celestial Beast
Type: Pet
STATUS:
Skill:
[Unlocked at LV.10]
[Unlocked at LV.20]
[Unlocked at LV.30]
[Unlocked at LV.40]
[Unlocked at LV.50]
HP: 890
[MAX: 99,999]
MP: 320
[MAX: 99,999]
STR: 150
[MAX: 9,999]
VIT: 75
[MAX: 9,999]
DEX: 110
[MAX: 9,999]
AGI: 130
[MAX: 9,999]
INT: 25
[MAX: 9,999]
LUK: 8
[MAX: 999]
TITLES:
Rat God
Cute and Cuddly
-
Author: Ahoka = Japanese for "Are you an idiot"