Chereads / Monster Invasion (Tagalog) / Chapter 17 - Dalawang pangkat ng mga halimaw!

Chapter 17 - Dalawang pangkat ng mga halimaw!

"Na-curious ako tungkol sa sinabi mo kanina, anong ibig mong sabihin sa kahit wala kang sinaktan sinuman ganito pa rin ang nangyari sayo?"

"Hmph! sa tingin mo ba lahat ng monster na nagpunta dito sa earth ay hina-hunt ang mga tao?"

Hindi napigilan ni Ye Song ang magulat sa sinabi ni Ahoka. nagbigay ito ng malaking katanungan sa kanyang isipan. habang siya ay nasa malalim na pag iisip, pinagpatuloy ni Ahoka ang pagsasalita.

"Merong hidwaan ang nagaganap ngayon sa mundo ng mga halimaw dahil hindi lahat ng halimaw ay gustong sakupin ang earth. Ang iba sa kanila ay gusto ng mapayapang pamumuhay at dahil doon ay nahati ang mga halimaw sa dalawang pangkat"

Natulala na lang si Ye Song habang nakabukas ang bibig dahil sa rebelasyong sinabi ni Ahoka tungkol sa mundo ng mga halimaw. hindi niya inakala na may hidwaan na nagaganap at nahati sa dalawang pangkat ang mga halimaw dahil sa pananakop nito sa kanilang mundo!

"Ano ang tawag sa dalawang pangkat na iyon?" tanong ni Ye Song kay Ahoka.

"Ang mga halimaw na tumangging sumama sa pagsakop sa earth at gusto lamang ng tahimik na buhay ay tinatawag na Angelwings. ang mga gusto naman sumakop sa mundong ito at patayin ang lahat ng naninirahan dito ay tinatawag na Devilslaves"

"Hindi ko akalain na may ganyang pangyayari sa mundo niyo" sagot ni Ye Song.

"Nagpunta ako sa earth upang iwasan ang hidwaang iyon at mag relax dito ngunit hindi ko inaakala na mamamatay ako. tinatakot lang naman kita kanina.." sinabi ni Ahoka kay Ye Song.

Nakadama si Ye Song ng pagka-guilty kaya sinabi niya kay Ahoka.

"Pero sinummon naman kita at binigyan ng panibagong buhay di ba?"

"Hmph! kung hindi ako god level monster hindi mo ako masa-summon!"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Kapag namatay ang isang god monster, merong maliit na chance na mahulog ang susi na nakuha mo. ang susi na iyon ay ang aming pangalawang buhay ngunit ang kapalit nito ay magiging pet kami kung sinuman ang makapag summon sa amin. para sa ibang god, ito ay nakaka insulto. kaya naman ang ginagawa nila ay sinisira na nila ang susi sa kanilang katawan at pinapasabog ang sarili bago pa sila mapatay ng iba"

Hindi pa nagsi-sink sa isipan ni Ye Song ang lahat ng sinabi ni Ahoka dahil ito ay nagbigay sa kanya ng komplikadong emosyon. hindi niya alam kung ano ang kanyang mararamdaman dahil sa mga rebelasyong kanyang nalaman. habang malalim ang kanyang iniisip ay narinig si Ahoka.

"Pero wala akong pakialam doon, nagpapasalamat ako dahil binigyan mo ako ng panibagong buhay master"

Nang marinig niya ang sinabi ni Ahoka ay napangiti ng bahagya si Ye Song. sa mga sandaling ito, unti-unti nang nagbabago ang tingin ni Ye Song sa mga halimaw. hindi man ito malaking pagbabago ay sapat na ito upang tanggapin niya si Ahoka. Hindi niya inakala na mayroon din palang mga emosyon ang mga ito na tulad ng sakanila.

Ngunit may narinig siya kay Ahoka na hindi maganda sa kanyang pandinig.

"Kayong mga tao ang mas malala pa sa mga halimaw"

Napakunot ng noo si Ye Song dahil dito.

"Anong ibig mong sabihin doon?"

"Sinubukan ng Angelwings iligtas ang mga tao sa mga Devilslaves na sumasakop sa inyong mundo ngunit imbis na kayo ay magpasalamat ay nakuha niyo pa silang traydurin" tumingin si Ahoka kay Ye Song na may malamig na ekspresyon.

"Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo" Iniling ni Ye Song ang kanyang ulo.

"Ang mga halimaw ay alam ang tama sa mali, pero kayong mga tao ay wala atang ideya tungkol dito. malalaman mo ang sinasabi ko kapag nakalabas ka na sa lugar nito" pahaging na sinabi ni Ahoka kay Ye Song.

Pagkatapos nito ay hindi na tinuloy ni Ahoka ang pagsalita tungkol dito. si Ye Song ay nalilito sa mga sinasabi ni Ahoka ngunit hindi niya ito isinapuso o dinibdib man.

Sinuri niya muli ang kanyang notification upang tingnan kung meron siyang nakaligtaan na item.

Di nagtagal ay nakita niya na may nakuha siyang bonus item dahil nakapatay siya ng isang god level monster.

[Heaven Gift Box]

Isang sinaunang kahon na naglalaman ng misteryosong bagay na walang makakaalam hangga't ito ay hindi nabubuksan.

"Ano itong heaven gift box na ito?"

*DING*

*Ito ay isang espesyal na reward para sa pagkumpleto ng isang accomplishment*

"Wow!" napasigaw sa tuwa si Ye Song nang marinig niya ang sinabi ng system. kahit na hindi siya nakakuha ng maangas na skill ay maswerte pa rin siya dahil dito sa bonus item na kanyang nakuha. hindi na siya nag atubili pa at dali-daling pinindot ang Heaven Gift Box.

[Gusto mo bang i-open ang Heaven Gift Box?]

"Yes!"

[Opening Heaven Gift Box please wait a moment]

10%..

30%..

70%..

*DING*

[Opening complete!]

[Congratulations! nakakuha ka ng item!]

[Ashura 1 obtained]

-

[Ashura]

Dagger

Type: Weapon

Weapon LV.5

A legendary dagger that is said to have been given to mankind by the gods.

Increases Critical Rate.

ATK +120

STR +5, AGI +3, DEX +3

Increase Back Stab skill damage by 20%.

Increases damage against small, medium, large size monsters by 40%

Impossible to refine this item.

[No hidden features]

[Condition: Kailangan magkaroon ng kalmadong pag iisip]

-

"Woah.."

Nang makita ni Ye Song ang weapon na kanyang nakuha, hindi siya humanga sa attribute nito.

Hindi man lang siya tumingin sa paglalarawan nito.

Ang tanging nasa isip lamang niya ay isang bagay lang.

"Dahil sa weapon na ito, makakapag pasikat na din ako sa mga babae. ang cool ng effects nito woo!"