"Oi guys, siya ang aking master kaya kung kayo ay aking tagasunod, kailangan niyo rin siyang kilalanin bilang master!" sinabi ni Ahoka sa apat na penguin.
"Iyan ay napakasimple, simula ngayon, idinideklara ko ang aking pagbibitiw ang pagigin isang pinuno at inaalok ang aking katapatan sa iyo. Listen men! Mula ngayon, susundan natin ang taong ito!" sagot ni Kuchi.
"Aye, aye Sir!" ang iba pang mga penguin ay tumugon sa sinabi ni Kuchi.
Nang matapos silang sumumpa ng katapatan ay naglakad ito papunta kay Ye Song ay sabay-sabay na sinabi.
"Binabati ka namin master!"
"Eh? yun lang ang gagawin nila?" nalilitong tanong ni Ye Song.
"Siyempre hindi master, kailangan nilang magtaguyod ng isang koneksyon upang matiyak na magiging matapat lamang sila sa iyo mula ngayon!" Sagot ni Ahoka.
Ngunit si Ye Song ay nalilito pa rin sa mabilis na pangyayari kaya naman tinanong niya ang mga penguin.
"Paano niyo nakilala si Ahoka?"
Bago pa man makasagot ang mga penguin ay sumabat na si Ahoka sa kanila.
"Ehem! hayaan mong sabihin ko sa iyo master! kagabi ay nakikipaglaban ako sa napakaraming halimaw at tinatalo ko sila ng madalian dahil doon ay nabighani ang mga penguin sa akin dahil sa aking kaaya-aya at labis na lakas kaya nagpasya silang sundin ako mula ngayon"
"Sabihin mo ang totoo!"
"Kilala ko na sila sa Monster World pa lang at nabalitaan nila na bumaba ako sa Earth kaya't sinundan nila ako dito upang maglaro dahil nabobored sila. nagkataon lang na nakita ko sila dito sa kagubatan kaya't nagpasya kaming tumambay"
Sumasakit ang ulo ni Ye Song dahil sa sinabi ni Ahoka. kay Ahoka pa lang ay malapit na siyang mabaliw kaya kapag sumama pa itong apat na penguin ay mas lalo pang sasakit ang kanyang ulo. pero ganun pa man ay nagpapasalamat siya dahil nadagdagan ang kanyang mga pet.
Nang makita nila ang pagkabalisang mukha ni Ye Song, si Kuchi na leader ng Penguin Commandos ay nagsalita.
"Hindi mo kailangang mag-alala tungkol sa aming pagkain master. kami ay sinanay na manirahan sa kagubatan kaya naman napakasimpleng gawain lamang para sa amin ito, hindi mo kailangang magalala tungkol dito. Halika, Itaguyod natin ang ating koneksyon"
Matapos sabihin iyon ni Kuchi ay mayroong isang maliit na tuldok na kumikislap ang lumabas sa kanyang katawan at ang parehong bagay na iyon ay nangyayari din sa iba pang mga penguin. ang maliliit na tuldok na iyon ay lumutang sa paligid ni Ye Song ng panandalian at pumasok sa kanyang ulo pagkatapos.
*DING*
*Congratulations sa pagtataguyod ng isang koneksyon sa isang god level monster Emperor Penguin*
*Congratulations sa pagtataguyod ng isang koneksyon sa isang boss level monster King Penguin*
*Congratulations sa pagtataguyod ng isang koneksyon sa isang boss level monster Royal Penguin*
*Congratulations sa pagtataguyod ng isang koneksyon sa isang high level monster Little Penguin*
Ilang sunod-sunod na notification ang lumabas sa screen ni Ye Song at naging dahilan ng kanyang pagkabigla sa nangyari. agad niyang tiningnan ang mga ito upang inspeksyunin.
[Kuchi LV.42]
Emperor Penguin
Type: Pet
-STATUS-
Skill:
[Glide LV.10] - move with a smooth continuous motion, typically with little noise
[Assassination LV.8]
[Leadership LV.10]
[Charisma LV.7]
HP: 58,380
MP: 8,358
STR: 903
VIT: 889
DEX: 1,005
AGI: 2,508
INT: 680
LUK: 25
TITLES:
Charismatic Leader
Commando
-
[Richi LV.38]
King Penguin
Type: Pet
-STATUS-
Skill:
[Glide LV.10] - move with a smooth continuous motion, typically with little noise
[Assassination LV.4]
[Analyze LV.9]
[Intuition LV.7]
HP: 42,380
MP: 12,358
STR: 650
VIT: 700
DEX: 830
AGI: 1,560
INT: 2,102
LUK: 28
TITLES:
Strategist
Commando
-
[Hachi LV.35]
Royal Penguin
Type: Pet
-STATUS-
Skill:
[Glide LV.10] - move with a smooth continuous motion, typically with little noise
[Assassination LV.5]
[Throw Grenade LV.10]
[Berserk LV.7]
HP: 39,380
MP: 5,358
STR: 900
VIT: 890
DEX: 1,230
AGI: 1,910
INT: 110
LUK: 25
TITLES:
Kaboom bruh!
Commando
-
[Pochi LV.22]
Little Penguin
Type: Pet
-STATUS-
Skill:
[Glide LV.10] - move with a smooth continuous motion, typically with little noise
[Assassination LV.2]
[Provoke LV.10] - deliberately make (someone) annoyed or angry.
[Endurance LV.6]
HP: 31,380
MP: 4,358
STR: 450
VIT: 340
DEX: 800
AGI: 1,240
INT: 280
LUK: 25
TITLES:
Private
Semi-Commando
Nagulat si Ye Song nang makita niya ang status ng mga penguin dahil ang mga ito ay magiging kapaki-pakinabang sa kanya kapag nagsimula siyang mag hunt ng mga halimaw.
Hindi niya kailangang gumawa ng anuman at hayaan silang mag hunt para sa kanya!
Kaya naman ng maisip niya ito ay labis ang kanyang pagkatuwa.
Habang siya ay nagagalak ay tinanong siya ni Ahoka ng isang katanungan.
"Ano ang nangyari sa test master? pumasa ka ba?"
"Hindi pareho ang pananaw namin ng Instructor kaya't umalis ako at hindi kumuha ng test"
"Ahh, ganun ba. mas mabuti na iyon kaysa manirahan ka sa tabi ng mga mapagpaimbabaw sa loob ng bayan"
Ang apat na penguin ay curious sa kanilang pinag uusapan kaya naman tinanong nila si Ye Song tungkol dito. nang malaman nila kung ano ang kanilang pinag uusapan ay biglang nakaisip ng ideya si Kuchi at ibinahagi ito kay Ye Song.
"Maaari ba akong magbigay ng mungkahi master?"
"Sige lang"
"Hmm, bakit hindi ka na lang magtayo ng sarili mo?"
"Magtayo ng ano?"
"Bakit hindi ka nalang magtayo ng sarili mong bayan para sa mga taong nakatira sa labas ng Everest Town?"
Nang marinig ito ni Ye Song ay sumagi sa kanyang isipan ang posibilidad na ito. nag isip siya ng malalim habang nakapikit ang kanyang mata.
Samantala, si Ahoka at ang mga penguin ay nakatingin lamang sa kanya habang hinihintay ang kanyang magiging desisyon.
Di nagtagal ay binuksan ni Ye Song ang kanyang mga mata at ngumiti sa kanila.
"Mukang magandang ideya ang naisip mo"