Nang magising si Ye Song kinabukasan ay sandali siyang kumain ng agahan bago magpaalam sa kanyang ina na payagan siya na lumabas.
"Aalis na ko para kumuha ng rasyon ma, babalik ako mamaya!" Sabi ni Ye Song habang tinatapik ang ulo ni Ye Ri.
Pagkatapos magpaalam ay dumiretso siya kaagad sa bayan ng Everest upang subukan ulit magparegister.
Nang makarating siya sa gate ay nakita niya ulit ang gwardiya na nakausap niya kahapon. Nilapitan niya ito habang nakangiting tinitingnan ang abalang gwardiya.
Samantala, ang gwardiya ay abalang nagbibigay ng rasyon para sa araw na iyon nang mapansin niya ang isang binata na naglalakad papunta sa kanya. tinitigan niya ito at naalala ang binata na nakita niya kahapon.
Kumunot ang kanyang noo ng makita ang binatang ito dahil hindi siya nakakain kahapon sapagkat binigyan siya ng parusa dahil siya ang nagdala sa binata doon sa base camp.
Nang si Ye Song ay nasa harapan na ng gwardiya ay napakamot ito ng ulo.
"H-Hello, gusto ko magregister bilang Chosen" nahihiyang sinabi ni Ye Song.
Nag pintig ang tenga ng gwardiya nang marinig ang sinabi ni Ye Song.
"Ulit!? alam mo ba na hindi ako nakakain kahapon dahil sayo?" pagalit na sinabi ng gwardiya.
Nakaramdam ng guilty si Ye Song nang malaman niya kung anong nangyari sa gwardiya.
"Hindi na ulit mangyayari iyon, meron na akong skill!" panatag na sinabi ni Ye Song.
Tinitigan ng gwardiya si Ye Song nang mabuti upang suriin kung ito ay nagsasabi ng totoo. Nag alangan ito saglit pero pumayag pa rin siya sa bandang huli.
"Bago tayo pumunta sa base camp patingin muna ng skill mo para makasigurado tayo"
Nagpunta silang dalawa sa lugar kung saan walang tao upang masubukan kung anong klaseng skill ang nakuha ng binata.
"Patingin ako ng skill mo" sabi ng gwardiya na may pagdududa sa kanyang boses. Lumingon ito sa kanyang likuran upang tingnan ang binata ngunit paglingon niya ay wala siyang nakitang sinuman.
"Asan ka!? akala ko sinusundan mo ako!?" naiiritang sinabi ng gwardiya.
"Andito po ako sa harap niyo"
Nagulat ang gwardiya sa kanyang narinig sapagkat walang sinuman ang nandoon maliban sa kanya pero mayroon siyang boses na narinig na para bang nasa hangin.
"Invisible ka!" pagulat na sagot ng gwardiya. nasorpresa siya sa pinakitang abilidad ng binata.
Biglang lumitaw si Ye Song sa kanyang harapan at ngumiti sa gwardiya.
Tinitigan ng gwardiya si Ye Song ng matagal at maya-maya ay nakaramdam siya ng labis na galak.
"Ok yang skill na nakuha mo. pwede ka nang manilip sa mga babae dahil sa ganyang skill haha" pabirong sinabi ng gwardiya kay Ye Song habang binibigyan ito ng thumbs up.
Hiya ang naramdaman ni Ye Song nang marinig niya ang sinabi ng gwardiya at sinubukan niyang ibahin ang usapan.
"Pwede na ba ako mag register?"
Humalakhak ang gwardiya sa sagot ng binata at tinapik ito sa kanyang balikat.
"Oo, pwede na. Ako nga pala si Tango, anong pangalan mo bata?"
"Ye Song po"
Sinamahan ni Tango si Ye Song papuntang base camp at doon ay nakita niya muli ang officer na nagreregister. Lumapit siya ulit dito pero ngayon ay ginamit na ni Ye Song ang kanyang abilidad.
Ang officer ay nagulat pero tumango agad-agad at sinabi kay Ye Song.
"Registered ka na pero hindi ka pa officially na Chosen. pumunta ka sa kabilang building, sasabihin nila sayo ang lahat ng kailangan mong malaman"
Panandaliang nasorpresa si Ye Song dahil ang akala niya ay kapag nagkaroon ka ng skill ay isa ka nang Chosen ngunit siya ay nagkamali. hindi niya inasahan na marami pa siyang kailangang gawin upang maging official.
Nagpasalamat siya sa officer at pumunta sa kabilang gusali na itinuro sa kanya.
Nang pumasok si Ye Song, nakita niya na may 12 tao na nakaupo at isang nakatayo sa harap. nang buksan niya ang pinto ay napatingin ang lahat ng nasa kwarto.
Tinitigan siya ng instructor saglit at sinabi.
"Maupo ka na kahit saan diyan, sasabihin ko sa inyo kung bakit kayo naparito"
Hindi nag atubili pa si Ye Song at dali-daling umupo at nakinig sa sinasabi ng instructor.
"Nang mag register kayo ay sinabihan kayo ng officer na hindi pa kayo official Chosen, tama ba?"
Sumang-ayon ang lahat sa sinabi ng instructor.
"Rehistrado na kayong lahat pero may isang bagay pa kayo na dapat gawin at yun ay matukoy kung ano ang inyong rank bilang Chosen. Ang inyong rank ang magsasabi kung gaano karaming pribilehiyo ang inyong makukuha sa Everest"
Halo-halo ang reaksyon ng lahat ng marinig ang sinabi ng instructor.
"Mas mataas ang inyong rank, mas maraming pribilehiyo ang inyong makukuha. Ang test ay gaganapin bukas kaya naman siguraduhin niyong bumalik kayo. Pag kayo ay nakapasa, doon kayo magiging isang tunay na Chosen at malalaman niyo ang isang sikreto tungkol sa mga halimaw"
"Dismiss!"
Si Ye Song ay tahimik lang habang nakakunot ang kanyang noo. Tinatandaan niya lahat ang sinabi ng instructor kanina at di pinansin ang kanyang paligid hanggang siya ay makalabas ng gusali.
"Mukang may natuklasan sila tungkol sa mga halimaw.." bulong ni Ye Song sa kanyang sarili.
Si Tango ay nag iintay sa kanya sa labas ng gusali at nang makita niya si Ye Song ay nilapitan niya ito. Nang babatiin niya ito ay nakita niya na tulala si Ye Song habang naglalakad.
"Anong nangyari bumagsak ka ba?" tanong ni Tango.
Ang nasa malalim na pag iisip na si Ye Song ay nabulabog ng makarinig siya ng boses malapit sa kanya. Tiningnan niya kung sino iyon at nakita niya si Tango sa kanyang harapan.
"Hindi, bukas ang exam namin. sinabihan lang kami ng instructor tungkol sa gagawin" sagot ni Ye Song.
Tinitigan lang ni Tango si Ye Song ng saglit at sinabi.
"Sana makapasa ka sa exam bukas, nagiging invisible ka lang at wala ng iba. pag wala kang ginawa tungkol dito makukuha mo ang pinakamababang rank. meron physical test bukas kaya ihanda mo ang sarili mo"
Binigyan ni Tango si Ye Song ng maraming payo tungkol sa gaganapin na exam at nagpapasalamat si Ye Song dahil dito. kahit na alam niya na madali lang siyang makakapasa, hindi alam ni Tango ang tungkol dito.
"Salamat, babalik na lang ako bukas. kailangan ko na umuwi"
Nagpaalam na si Ye Song at nagsimulang maglakad pauwi sa kanila.
Habang nasa daan ay malalim ang kanyang iniisip.
"Mukang kailangan ko maghanap ng halimaw para makakuha ng bagong skills"
Binago niya ang kanyang dinadaanan at nagpunta sa kagubatan.