Labis na pagkagulat ang naging reaksyon ni Ye Song at ng kanyang pamilya ng mapanood nila ang balita na pinapalabas sa telebisyon.
Hindi pa rin sila makapaniwala na ang New York City ay wala na.
Napanood nila ang lahat ng nangyari at ang akala nila ay isa lamang itong promosyon para sa isang TV show.
Lahat ay nangyari lamang sa loob ng limang minuto kaya naman mahirap paniwalaan na ito ay totoo.
Habang sila ay nasa kanilang diwa, mayroong bagong balita ang lumabas sa telebisyon.
"Isang portal ang biglang lumitaw sa Australia"
Napatigil sila sa kanilang paghinga ng makita nila ang mga sunod na pangyayari.
Isang malaking octopus o pwede natin itong tawagin na Kraken na isang maalamat na halimaw ng dagat ang nahulog mula sa portal at bumagsak sa Sydney Opera House na isa sa sikat na landmark sa Australia.
si Ye Song ay dali-daling tumakbo at kinuha ang kanyang laptop na nasa kanyang kwarto upang tingnan ang iba pang kaganapan na nangyayari sa buong mundo.
Nakita niya ang mga tao na nagpopost ng maraming litrato at videos ng portal na lumilitaw sa kalangitan sa iba't-ibang panig ng mundo.
Maraming mga sikat na historical landmark ang nasira sa isang iglap lang!
Tumataas din ang bilang ng mga taong namatay!
Ikinuwento ni Ye Song sa pamilya niya ang tungkol dito at nagsimula silang kabahan dahil sa pag atake ng mga halimaw.
Ang mundo ay maayos kani-kanina lang tapos ay bigla na lang nangyari itong pag atake ng mga halimaw ng di inaasahan.
Hindi nila alam kung anong aksyon ang kanilang gagawin.
Habang sila ay nag uusap-usap, ang balita tungkol sa pag atake ng mga halimaw ay naantala..
Lumabas sa telebisyon ang presidente ng Pilipinas kasama ang mga presidente ng Amerika, China, Russia, Japan, Korea at marami pang iba.
Lumabas sila sa lahat ng channel na available sa buong mundo.
Ang representative ng mga leader na ito ay naglakad paabante at sinabi ang mga sumusunod na pahayag.
"Sa lahat ng tao na nonood sa buong mundo, nais namin ipaalam sa inyo na ngayong araw ay ang marka ng pinakamadilim na araw sa kasaysayan ng sangkatauhan. Mayroong malaking banta na pwedeng bumago sa buong mundo! Tayo ay sinasakop ng mga halimaw at hindi namin alam kung ano ang kanilang dahilan ng pagsakop sa atin. Wala rin kaming ideya kung paano nakapasok ito sa ating daigdig. Ang iba sa inyo ay sinasabi na ito ay isa lamang bogus o hoax pero gusto namin na malaman niyo na totoo ang lahat ng nangyayaring ito"
Ang representative ng mga leader ng mundo ay napatigil sa kanyang speech at napaiyak ng dahil sa lungkot na kanyang nararamdaman ngunit pinilit niyang gawin ang kanyang trabaho at muling nagsalita.
"Ang mundo natin ay nasa panganib dahil sa banta ng mga halimaw. mahigit kumulang sa 40 million na tao ang namatay sa loob lamang ng apat na oras dahil sa pag atake"
Nang marinig ito ng lahat ng tao sa buong mundo, lahat sila ay napatigil sa kanilang paghinga dahil sa labis na pagkabigla.
Ito ang isa sa pinaka di kapani-paniwalang nangyari sa buong kasaysayan ng sangkatauhan.
"Ang bilang na ito ay lalo pang tumataas sa mga sandaling ito kaya naman napagdesisyunan ng mga leader ng ibat-ibang bansa na mag sanib pwersa upang labanan ang banta ng pag atake ng mga halimaw"
Dahil sa banta ng mga halimaw na sakupin ang mundo. kinalimutan ng mga leader ng ibat-ibang bansa ang kanilang mga pansariling interest at nagkaroon ng pagkakaunawan.
"Dahil sa pangyayaring ito ay naisip namin na pagisahin ang mga bansa at gawing isang nasyon. Tatawagin namin itong One World Nation! kung mayroon mang oras ang sangkatauhan na kailangan ibigay nila ang lahat ng kanilang makakaya, ngayon na ang oras na iyon! Meron lamang tayong isang nasyon at yun ay ang Earth! Hindi natin pwedeng payagan na tayo ay sakupin ng taga ibang mundo!" Emosyonal na sinabi ng representative.
"Lalaban tayo para sa sangkatauhan!"
Tinaas ng representative at ng mga leader ng ibat-ibang bansa ang kanilang mga kamay at pasigaw na sinabi.
"we OWN it! kaya naman kailangan natin protektahan ito!"
Ang mga tao na nakikinig ay nakatulala sa kanilang telebisyon. Hindi nagtagal ay lumabas ang kanilang mga emosyon at nagsimulang magkaroon ng lakas para harapin ang panganib na kinakaharap nila ngayon.
Ang speech na ginawa ng representative ay bumuhay sa kanilang mga dugo at nagbigay sa kanila ng pag asa.
Hindi nila pwedeng payagan na pasakop sila sa taga ibang mundo at hayaang gawin ang gusto nito.
Kaya naman nagsimulang kumilos ang lahat upang pigilan ang mga mananakop.
Sa pangunguna ng Amerika, nagsimula silang magpadala ng mga Jet, Tank at iba't-ibang uri ng armas pangdigma.
Ang ibang bansa naman na sinasakop ay parehas ring gumawa ng aksyon at nagpadala ng tulong upang labanan ang mga halimaw.
Lahat ng klase ng missile at kanyon ay lumilipad sa iba't-ibang lugar sa bawat panig ng mundo. pinakawalan din nila ang pinakamalakas na armas na meron sila.
Ngunit masaklap ang riyalidad..
Nang tumama ang mga missile at kanyon sa mga halimaw, nagdulot ito ng malakas na pagsabog.
Ang mga maliliit na halimaw na nasa 3 to 9 feet ang taas ay nasugatan ngunit ang mga halimaw na nasa 10 feet ay galos lamang ang tinamo sa ginawang pag atake ng sangkatauhan.
Ang pinakamalakas na armas ng sangkatauhan ay galos lang ang ginawa laban sa mga halimaw!
Hindi pa nila ito nasusubukan sa mga higanteng halimaw pero base sa ginawa nilang pag atake ay malabo magkaroon ito ng epekto sa mga higanteng halimaw.
Ito ay nagdulot ng labis na pagkabigla sa kanila.
Nang makita naman ng mga halimaw na inaatake sila ay lalo pa itong nagalit at naging mas agresibo sa pag atake.
Nagsimulang mag panic ang mga sundalo at unti-unting umatras dahil ang machine gun na kanilang ginamit ay nakapatay lamang ng isang halimaw.
Nagsitakbuhan ang mga sundalo ngunit naabutan pa rin sila ng mga ito..
Ang mga halimaw sa buong mundo ay nilamon ang bawat tao na makuha nila..
Walang nagawa ang sangkatauhan kundi ang umatras..
At sa loob lamang ng isang araw...
Mahigit sa isang daang milyong tao ang namatay dahil sa pagsakop ng mga halimaw!