Chereads / Monster Invasion (Tagalog) / Chapter 9 - Despair

Chapter 9 - Despair

Ang One World Nation na itinayo dahil sa pagkakaisa ng iba't-ibang bansa ay nagsimulang gumawa ng aksyon upang labanan ang sumasakop sa daigdig.

Inaasahan na nila na marami ang mag bubuwis ng buhay para magkaroon sila ng kaalaman upang malaman ang kahinaan ng mga halimaw.

Ngunit ang resulta ay hindi nila inaasahan..

Ang Human Race o Sangkatauhan ay nalagasan ng mahigit sa 100 milyong tao sa isang araw lang na pag atake ng mga halimaw. Ito ang pinagbayaran nila para lang makakuha ng impormasyon tungkol sa mga ito.

Subalit nakakalungkot ng puso ang kanilang nadiskubre.

Nadiskubre nila na ang pinakamalakas na armas na hawak nila ay kaya lamang makasugat sa mga maliliit na halimaw.

Lahat ng motibasyon nila ay biglang naglaho at napalitan ng takot.

Unti-unti silang nawawalan ng pag asa!

Hindi nila inakala na ganito kasama ang resulta na mangyayari.

Nagpatawag sila ng emergency meeting at ang mga leader ng bansa ay nagpulong.

Nagpasya sila na subukang tulungan ang mga tao na naka-survive sa danger zone at ilipat sa ligtas na lugar habang nilalabanan ang mga halimaw.

Ang danger zone ay ang lugar kung saan nagtitipon-tipon ang mga halimaw.

Isinagawa nila ang pag-rescue sa mga tao at inabot ito ng ilang araw.

Nang matapos nila na ma-rescue ang lahat ng survivor sa danger zone, hindi man lang nila magawang mag diwang sapagkat pakiramdam nila ay hindi naging matagumpay ang plano na kanilang ginawa.

Naka rescue sila ng nasa 2 milyong tao galing sa danger zone ngunit ang kapalit nito ay ang pagkasawi ng mahigit sa 200 milyong katao.

Sa bawat araw na tuloy-tuloy na pakikipaglaban, may isang bagay sila na napagtanto..

"Wala ring mapapala ang paglaban natin.."

Sa loob lamang ng ilang araw ay mahigit sa 300 milyong katao ang binuwis ang kanilang buhay sa pakikipaglaban sa mga halimaw.

-

Ang pamilya ni Ye Song ay hindi nakatulog ng ilang araw dahil baka ang bansa na nila ang sunod na atakihin ng mga halimaw.

Ang Gobyerno ng Pilipinas ay nag deploy ng lahat ng kanilang mga sundalo sa iba't-ibang panig ng bansa para panatagin ang kanilang mamamayan. Binibigyan nila ito ng lakas upang patatagin ang kanilang kalooban.

Ngunit ng mapanood ng buong mundo ang balita kinabukasan, nawalan sila ng pag-asa.

"Mahigit sa 300 milyong tao ang namatay sa ilang araw na pag atake ng mga halimaw"

Isang malaking sabog sa kanila ang balitang ito!

Sa araw na iyon, naalala ng sangkatauhan..

Ang Takot.. na baka ito na ang katapusan ng mundo.

Ang iba sa kanila ay naiyak na lamang kung paano na sila mabubuhay ng normal ngayon.

Ang iba naman ay kinuha ang kanilang sariling buhay dahil sa sobrang takot na kainin sila ng mga halimaw..

Ang mga leader ng One World Nation ay nagsimulang gumawa ng plano kung paano I-evacuate ang bawat tao sa ligtas na lugar.

Ang mga halimaw ay patuloy na inaatake ang mga siyudad sa iba't-ibang panig ng mundo habang ang mga tao naman ay patuloy ang pag atras at pag iwas sa mga ito.

Napansin nila na parang pinaglalaruan lamang sila ng mga halimaw na parang isang hayop na walang matatakasan.

"Strong preys the weak"

Ito ang tamang deskripsyon sa nararanasan nila ngayon. masakit man aminin ngunit ito ang katotohanan..

Ang North at South America ay nasakop na ng mga halimaw at ang mga natirang nakaligtas sa pananakop doon ay lumipad papuntang Africa.

Ang Australia at iba pang bansa na nasa parteng timog ng mapa ay nagsimula ring gumawa ng paraan upang di mangyari sa kanila ang nangyari sa ibang lugar.

Tinipon nila ang lahat at lumipad patungong Pilipinas upang palakasin ang proteksiyon sa isang lugar. Pinagsama-sama nila ang kanilang mga depensa para mapataas ang tyansang mabuhay.

Ito ay medyo epektibo ngunit alam nila na hindi ito magtatagal..

Ang mga leader ng OWN ay nagpatawag ng emergency meeting ulit.

Lahat ng ito ay nangyayari habang patuloy na umaatake ang mga halimaw sa iba't-ibang lugar.

-

Si Ye Song ay naghihintay lamang sa kanilang tahanan habang sinusuri ang mga nangyayari sa paligid gamit ang kanyang laptop.

Ang tatay niya ay tinawag ang kanyang mga kaibigan sa Gobyerno upang tanungin ang ilang bagay.

Ang impormasyong nakuha ng kanyang Ama ay ang Mindanao nasa katimugang parte ng Pilipinas ay nasakop na ng mga halimaw!

Lahat ng tao na nandoon ay namatay ngunit walang binabalita tungkol dito..

"Mukang sadyang tinatago ito ng Gobyerno sa publiko upang hindi mag panic ang mga tao dahil mahihirapan silang kontrolin ang sitwasyon pag nangyari iyon.." Pahinang sinabi ng ama ni Ye Song.

"Meron ka bang nalaman sa iba pang lugar sa labas ng bansa?" Tanong ni Ye Song.

Ang tatay niya ay napaisip saglit bago sabihing.

"ang Antartica, North and South America at Australia ay nasakop na ng mga halimaw. Ang mga natirang nakaligtas ay lumipad papuntang Africa upang pumunta sa boundary ng Russia at China para magtayo ng isang kuta doon"

Nang marinig ito ni Ye Song ay hindi sila makapaniwala.

"Apat na kontinente na nasakop ng mga halimaw?! ano na mangyayari sa atin ngayon nito?.

Malungkot na sinabi ni Ye Song sa kanyang ama.

"Ang mga leader na nandito sa Pilipinas ay nagsabi na papalikasin nila ang mga Filipino at iba pang mamamayan ng kanilang bansa upang hindi maubos ang kanilang lahi kung sakali man na biglang sakupin ang Pilipinas ng mga halimaw" Madamdaming pagkakasabi ng ama ni Ye Song sa kanyang pamilya.

"Nagbayad ako ng malaki sa aking mga kaibigan sa Gobyerno para maisama tayo sa mga ililikas.."

Ito ang desisyon na ginawa ng kanyang ama para sa kanilang pamilya.

"Ye Song, hindi ka ba magpapaalam sa kanya? baka ito na ang huling pagkikita niyo" Pabirong sinabi ng ama ni Ye Song.

"Pwede din ba nating tulungan ang pamilya niya?" Nahihiyang sinabi ni Ye Song sa kanyang ama.

"Wag kang mag-alala, ang tatay niya ay mas marami pang koneksyon sa Gobyerno kaysa sa akin. Alam na niya kung ano ang nangyayari.."

Tumango si Ye Song ng marinig ang sinabi ng kanyang ama.

"Siguro ay sama-sama tayong ililikas dito, hindi ko na kailangang magpaalam.."

Napangiti si Ye Song habang iniisip siya..

Nang medyo nakahinga sila ng kaunti ay nakarinig sila ng isang anunsyo na magsasanhi ng takot sa kanilang kalooban.

"ANNOUNCEMENT!"

"ANNOUNCEMENT!"

"ANG PILIPINAS AY INAATAKE NG MGA HALIMAW!"

"INUULIT KO! ANG PILIPINAS AY INAATAKE NG MGA HALIMAW!"