Kabanata 1
Weird
"LHEA..Lhea!!" Muli, nagising ako sa panaginip na halos araw-araw kong nakikita.
"Prend? Okay ka na ba? Masamang panginip na naman?" nag aalalang tanong ni Arianne matapos akong abutan ng tubig.
Nakangiti akong tumingin at tumango dito.
Mapakla akong napangiti ng muling bumalik sa isip ko ang panaginip na iyon, halos araw araw na ata akong nananaginip ng ganoong senaryo. Siguro'y bahagi ito ng mga alaalang nakalimutan ko na, alaalang hindi ko malaman at matandaan kung bakit ko nakalimutan.
Apat na taon na ang lumipas mula iminulat ko ang aking mga mata sa isang lugar na hindi pamilyar saakin. Isang barong barong na ang nakatira lamang ay mag asawang Lopez, ang sabi ng mga ito ay nakita nila ako sa tabi ng kalsada nang mapadaan sila sa parting iyun.
Namatay na ang nag-iisang anak na babae ng mag-asawa kaya nang matapos nilang ikwento saakin kung paano nila ako nahanap ay nakiusap ang mga ito na kung maari ay pabayaan ko silang ituring ako bilang anak nila habang humahanap pa kami ng paraan kung paano malalaman ang tunay kong pagkatao.
Pagkalipas ng dalawang linggo ng pagpapahinga, nakiusap ako kaila nanay at tatay na pabayaan akong makatulong sa kanilang magtrabaho sa lupain ng mga Arcega, wala din naman silang nagawa kundi ang pumayag dahil sa pamimilit ko.
At isang taon nga ang lumipas mula ngayon ay napagdesisyunan naming dalawa ni Arianne, ang anak ng mga Arcega na naging kaibigan ko, na manatili sa bayan dahil sa nag aaral kaming dalawa at namamahala na din siya ng negosyo nilang pamilya.
"Sure ka bang okay ka parin? Ayaw mo bang magpacheck ulit kay doctor Manzano?" nag aalalang tanong pa rin nito nang makitang nakatulala na naman ako.
"Di ko rin maintindihan ang sarili ko Arianne, ni-hindi ko alam kung sino ba ang lalaking iyun, 'di ko alam kung sino ba talaga siya sa buhay ko." Ipinatong ko ang aking mga paa sa kamang aking hinihigaan at syaka inilagay ang aking mga baba sa tuhod ko.
Iisang panaginip lamang ang napapanaginipan ko simula pa noong nakaraang linggo, isang lalaki na mayroon magkaibang kulay ng mata, ang kanang mata nito ay kulay asul samantalang ang kaliwang mata naman nito ay kulay dilaw.
"Hay naku!" Sandali siyang napakamot sa sarili bago nagpatuloy "Minsan ganyan talaga pagsobrang ganda eh, siguro isa iyun sa mga niloko mo dati." pabirong saad nito bago tumayo upang magtimpla ng kape.
"Mamaya nga pala pupunta ulit tayo sa palengke ah, tumawag sila nana Imelda, sabi nila muli daw dadating iyung mga order kaya asikasuhin daw natin." Tumingin ito sa akin na "At nangangamusta din sila, wag mo daw kalimutan ang sarili mo, wag masyadong magpagod." Si nana Imelda ang itinuring kong ina simula nang makita nila ako.
"tatawagan ko sila mamaya, wag kang mag-alala." Nakangiti kong tugon na siya ring kinangiti niya.
TANGHALI na nang dumating ang mga produkto na ibabagsak sa palengke dito sa bayan mula sa pabrika nila Arianne na siya ngang pupuntahan namin para inspektiyunin.
"Lhea, pwede na itong mga Pinya, ipadala mo nalang sa mga kargador kaila manong Fred." Rinig kong sigaw ni Arianne.
"Sige." Balik na sagot ko dito. Agad akong tumawag ng mga kargadong upang tulungan ako sa paghahatid ng mga pinya.
Pagkatapos namin maihatid ang mga pinya ay napagdesisyunan ko munang maglibot sa palengke para kung sakaling may mabili ako para sa pang araw-araw namin dalawa ni Arianne. Sa paglilibot ay di nga akong nabigong makapamili ng mga karne, gulay at prutas na nakita, parang gusto ko kasing kumain ng pinakbet, saktong marunong ako kaya bumili na ako ng mga sangkap.
"Ate magkano po sa kalahating kilo ng kalabasa?" tanong ko sa babaeng natitinda ng mga gulay dito sa dry section ng palengke.
"45 nalang para sayo ganda." Nakangiti nitong tugon sa akin na.
Nahihiyang ngumiti ako dito pabalik syaka agad na nag abot ng bayad.
"Ayy, wait lang po pala. Pasabay na po nito." Sabi ko dito nang makikitang ilalagay na niya sana ito sa plastik. Kumuha pa ako ng ibang gulay at inilagay ito sa kiluhan. Nang matapos ay agad naman itong itinotal ng babae, saktong may dala akong bayong kaya di ko na kailangan pang i-plastik ang mga ipinamili ko.
"Miss, magkano to?" Akmang ilalagay ko na ang kalabasang binili ko na nang may isang kamay na dumampot dito.
"Ayy nako kuya, leyt ka na. Kay ate na po iyan." Nagulat din ang babae sa biglang pagkuha dito ng lalake
"Sandali, akin na iyan." Akmang aabutin ko ang kalabasa ng ilayo ito saakin ng lalaki syaka galit na humarap saakin.
Mukhang nagulat ito nang makitang magkalapit ang mukha naming dalawa, pero di lang iyon ang kinagulat ko, tila nakakita siya ng multo nsng unti unti siyang lumayo mula saakin at nanlaki ang mga matang tinignan ako mula ulo hanggang paa na siyang kinailang ko.
"Huy! Bat ka ganyan makatingin ah?!" Singhal ko dito na siya palalong kinalaki ng mga mata niya
"BABY A!!?" Singhal nito saakin na halos marinig ng lahat dahil sa lakas ng boses niya
"OH MY GHAD BABY A IKAW NGA! Wooohhh!! MAKAKAPAG PAHINGA NA AKO!! THANK YOU LORD!!" ekstraheradang sigaw ng lalakeng kaharap ko na naging dahilan ng paglingon o di kaya'y pagtingin ng bawat tao sa paligid namin.
Bigla ay niyakap ako nito at nagtatatalon na kasama ako.
"Wahhhh! Lhea, huy ikaw, Bat mo inaharas itong kaibigan ko ah?!" bigla ay may humatak saakin mula sa pag kakayakap ng lalake.
"Wait, sino ka ba?" may halong pagkairitang sabi nito "Bigla ka nalang nang hihila ng pagkakakitaan ko eh." Bigla ay hinila naman ako ng lalaki mula sa pagkakahawak ni Arianne na siyang humila saakin kanina.
"Abat, ako ba pinagloloko mo? Ano akala mo sa kaibigan ko?! KALAKAL?!" Singhal naman ni Arianne dito, nang makitang sasagot pa sana itong lalaki, ay agad ko na silang pinigil.
"Hep!" Pinanlakihan ko sila parehas na dalawa syaka marahas na hinila ang dalawa kong braso na hila nila.
"Pwede ba? Nasasaktan ako sa inyong dalawa ah?" galit na singhal ko sa dalawa na ngayon ay nagsusukatan pa rin ng tingin.
"Ayy sorry prend"
"I apologize, baby A." Halos sabay na paghingi ng tawad nilang dalawa.
"Baby A?" naguguluhang tanong ko dahil sa muling pagtawag sa akin nito sa endearment ba na di ko malaman.
"Yes, you were my baby A, right? Oh, come on, baby A." Natatawang anya nito "Butit't nahanap na kita, jusko... may maasar na naman tayo." Pilyong dagdag pa nito bago itinaas ang kamay na tila ba nakikipag-apir sa akin ngunit tinignan ko lamang iyun at di pinansin kaya unti unti niya itong ibinaba, bakas ang lungkot at pagtatampo sa mukha nito matapos kong di tanggapin ang kamay niya.
Ngunit maya maya ay tila natigilan ito at muling bumakas ang pagkaseryoso sa kanyang mukha.
"Are you... I mean, ikaw ba si Astrid? Do you remember me? Or isa na naman 'to sa malupitang trip mo?" May pang uuyam at sarkastikong tanong nito. "Hey, can't you remember me? It's me, Auld." Seryosong tanong nito ngunit nababakas pa rin sa boses nito ang pang uuyam na tila ba'y binibiro ko siya.
"Kilala mo ko? Kilala mo ng tunay na pangalan ko? Tama ba?" Naguguluhang tanong ko, kilala niya nga ba ako? Ramdam ko, may kaugnayan siya sa dating ako. Ramdam ang matinding kabang bumabalot ngayon sa buong pagkatao ko.
"Teka nga, bakit mo ba sinasabi yan mister, aber?" nang maramdaman ni Arianne ang kabang aking nararamdaman ay agad niyang hinawakan ang aking braso na tila bang nagsasabing nandiyan lang siya sa tabi ko.
"Wait, haha." Pagak at sarkastikong tumawaa ang lalaki na nagpakilalang Auld bago ako muling tinignan mula ulo hanggang paa.
"You don't know me, maybe...maybe I..." bahagya itong kumurap kurap at malalim na napabuntong hininga. Bakas ang lungkot ang mga mata nito, ngunit mamaya ay bigla itong napalian ng galit at yamot. "I thought you were my friend's fiancée, but yeah...my wrong. Pasensya na sa biglaang pagyakap ko sayo, I didn't expect my action as well. I'm sorry again." Dismayado itong tumalikod sa aming dalawa matapos ang paghingi nang tawad.
"Lhea, okay ka lang ba talaga? Di ka ba nagtataka kung bakit ka napagkamalang fiancé daw ng kaibigan niyong lalaki kanina?" biglang tanong ni Arianne sa akin.
Simula kaninang tanghali ay nanahimik lang kaming dalawa, mukhang pati siya ay apektado sa sinabi kanina ng lalaki.
"Nakakapagtaka, pero baka nga nagkamali lang siya, pero kung tama man...bakit? Ang gulo."
"If I told you to stay in this fucking house. STAY. You wouldn't know whose waiting for you from the outside, As-"
"Asan na naman ba lumilipad ang utak mo, Lhea?" Biglang tumigil ang mumunting tinig ng isang lalaki ng bigla akong tapikin ng malakas ni Arianne.
"Ah, pasensya na Arianne, medyo sumakit lang ulit ang ulo ko." Nakangiting saad ko dito na siyang kinabalisa naman niya.
"Ano? Na naman? Pacheck-up na kaya tao, Lhea. May extra pa naman akong pera eh, nitong mga nakaraang araw napapadalas na 'yang pagsakit ng ulo mo, nakakatakot." Bakas sa mukha nito ang pag aalala.
Hindi naman araw araw sumasakit ang ulo ko, sadyang minsan tuwing nakakarinig ako ng mga maliliit na boses sa utak ko o di kaya'y mga malalabong larawan na sa tingin ko'y parte ng aking nakaraan, ay bigla gibla na lamang kumikirot ang ulo ko. Halos isang buwan na mula noong huli kaming makapag-pachek up, nasabi naman sa akin ni doctor Manzano na normal lamang ito ngunit kailangan pa rin ng gabay ng mga espesiyalista dahil kung sumobra ay ikasama pa ng kalusugan ko.
"Wag na, Arianne. Okay lang naman ako, sabi naman saakin ng doctor dati normal lang minsan na manakit ang ulo ko dahil sa masyado kong iniisip ang mga bagay bagay." Nakangiti kong tugon dito bago ikinawit ang kaliwang braso sa kanang braso niya habang sabay na naglalakad.
Sa loob ng tatlong taong pangungulila sa dating ako, eto na ba talaga 'yun?
Kailangan bang umasa akong hinahanap talaga nila ako?
May babalikan pa nga ba ako?
Sana...
Sana nga ako nalang iyung babaeng tinutukoy ng lalake kanina...
Sana katulad niya rin ako, hinahanap kasi kailangan, hinahanap kasi mahal, at higit sa lahat... hinahanap dahil sa isa akong mahalagang tao.
To be continued...
COPYRIGHT 2018