Chereads / Losing Our Past / Chapter 5 - Chapter 4

Chapter 5 - Chapter 4

Kabanata 4 

Vacation

"HUY, tapatin mo nga akong babaita ka." Malakas na ibinagsak ni Arianne sa harapan ko ang isang punpon ng kulay dilaw na mga bulaklak. "Nanliligaw ba sayo yung sugo ng demonyong lalaking yun, ah? Lhea?" Iritadong tanong nito bago pagbagsak na naupo sa pang isahang sofa na nasa harap ko bago ipinag-cross ang mga braso sa dibdib.

"Aba't kung lalaki lang din naman ang hanap mo, wag yun! Kasi sugo yun ng demonyo baka dalhin ka lang niya sa impyerno!" Malakas na sabi nito na siyang kinagulat ko.

"Teka nga lang! Bat ka ba sigaw ng sigaw?" balik na anya ko. "Affected much? Wag kang mag-alala sayong-sayo na si Auld." Mahina akong natawa nang makita kong nanlaki ang mga mata niya kasabay ng panlalaki ng butas ng mga ilong niya.

Dalawang araw na ang lumipas simula nang matanaw niya ang di dapat matanaw na bagay, simula din non ay di na ako lumalabas sa bahay pagwalang ginagawa, maliban nalang noong pumasok ako sa school, katulad nalang ngayon. Sa loob ng dalawang araw na iyun ay ilang beses na din siyang humingi ng patawad. May isang beses pa na nagpadala siya ng sulat, doon nagsimulang maghinala si Arianne na nanliligaw si Auld. Di ko maalis sa isipan ko ang iritabling mukhang ni Arianne tuwing nanenermon siya, kesyo daw hindi ko dapat sagutin si Auld dahil sugo siya ng demonyo, panget daw ugali ni Auld kaya dapat lang na bastidin, basta parang sinisiraan niya si Auld na ewan.

Kung di ko lang talaga kilala si Arianne, iisipin kong gusto niya si Auld kaya niya sinisiraan 'to eh.

Pero di ko rin sure kung kilala ko nga ba talaga si Arianne eh. Mahina akong natawa dahil sa pagpasok ng bagay na iyun sa isip ko.

"At talagang tumatawa tawa ka pa diyan ah? Wag mo sabihing magpapaloko ka sa lalaking yan, Lhea!?" Agad akong nanahimik nang muling marinig ang pagsaway ni Arianne.

Kasalukuyang akong nag-aayos ng mga gamit ko kasi dalawang araw nalang at uuwi na kami ni Arianne sa baryo. Dapat talaga'y bukas ang uwi namin, ang kaso lang may dagdag na gawaing binaigay ang isa sa mga teachers namin at sa bukas pa iyun ipinapasa, kaya kailangan naming ibahin ang araw ng pag-uwi.

"Arianne, mamaya daan tayo sa palengke, bibilhan ko lang sila nanang ng pasalubong." Malambing na anyaya ko dito. Nang tumingin siya sa akin ay agad akong ngumiti ng matamis dito. Ngunit inirapan lang ako ng babaita kaya mas lalo akong natawa sa itsura niya.

"Ito namang bestfriend ko, oh. Nagseselos agad, wag kang mag-alala, dapat mo laging tandaan na kayo ni Auld ang gusto kong magkatuluyan." Malambing kong sabi dito.

"Aba't!" agad na lumukot at sumambukol ang mukha nito. "Di ka ba nandidiri sa sinabi mo?" natawa nalang ako sa sinabi niya bago tumayo sa kinauupuan at inilagay sa gilid ng kama namin ang bag na siyang kinalalagyan ng mga gamit na dadaalhin ko sa pag-uwi.

"WALA ka na bang naiwan ka gamit?" tanong ni Arianne habang nag-aayos ng gamit dahil inilalagay niya sa bag niya yung binili niyang bagong tsinelas.

"Wala na, ikaw ba?" umiling lang ito bilang sagot syaka inayos sa tapat namin ang mga gamit na dala namin. Kasalukayan kaming nasa bus terminal at nakaupo sa isa sa mga bench dito habang naghihintay ng bus na papunta sa baryo.

"Ay pak! May papang naligaw dito"

"Ay nilagpasan lang ako!"

"Baby, I'm here."

Narinig kong bulungan mula sa likod ko kaya naki-usyoso ako at tinanaw rin ang taong tinitignan nila. Yun na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang makitang nakapameywang itong naglalakad papunta sa pwesto namin ni Arianne.

Agad kong siniko yung isa upang kuhanin ang atensyon niya mula sa pagkain.

"Ano ba yun?" Inis na anya ng mapalakas ang pagsiko ko dahil sa ilang hakbang nalang at nasa tapat ko na nang tuluyan ang lalaking pinagbubulungan ng mga taon sa likod ko. Rinig ko rin ang mga pagsinghap nila nang tuluyan na nga itong huminto sa harapan namin.

"Where the hell the two of you are going?" madiin at seryoso itong tumingin sakin bago inis na binalingan si Arianne. "At talagang sa ingay ng bunganga mo 'di mo man lang 'to binanggit sa akin?" may halong inis na sabi nito kay Arianne na seryoso lang ding nakatingin kay Auld, nakita ko ang pagtiim ng bagang nito dahil sa inirapan lang siya ni Arianne.

"Wala ka nang pake doon." Madiing sagot ni Arianne dito bago walang sabi sabing hinila ako patayo sa kinauupuan ko syaka kinuha ang mga gamit niyang nasa harapan namin. Syaka naunang maglakad, sa nakitang nandyan na ang bus na sasakyan namin papuntang baryo.

"Okay, ahm... sorry Auld kung 'di na namin nasabi sayo, pero uuwi na kasi kami ni Arianne sa probinsya kasi magpapasko na at doon namin balak na idaos yun." Ngumiti ako ng maliit dito, mas lalo ata siyang nainis dahil sa sinabi kong iyun dahil mas naging seryoso ang mukha niya. Parang ibang Auld ang kaharap ko ngayon, sanay ako na tumatawa siya habang nakikipa-away kay Arianne at isa pa'y sanay din ako na laging kapilyuhan ang makikita ko sa mata niya, ngunit ngayon iba. Wala akong mabakas na emosyon sa mukha niya, maging sa mata niya.

"Lhea! Halika na!" natigil ako sa mga iniisip ko dahil sa pagtawag ni Arianne.

"Babalik kami Auld, kung may dapat man kayong ayusin pagbalik namin... pag-isipan mo nang mabuti." Muli akong ngumiti dito bago tuluyang nagpaalam at sumunod na kay Arianne na naunang pumasok sa bus.

Nakita kong nakasilip si Arianne sa bintana, bahagyang natatakpan ang mukha niya at talagang mata niya lang ang nakalabas. Nakapwesto siya sa dulong bahagi ng bus na pang dalawahan lang naman ang upuan. Agad akong umupo sa tabi nito pagkatapos na mailagay ang bag ko sa compartment ng bus sa ulunan namin.

"Ayos ka lang ba, Arianne." Malambing kong tanong dito nang sumandal siya sa balikat ko. Pangalawang araw niya nang ganyan, matamlay. Kahapon, pag-uwi namin ay nag-away na naman sila ni Auld, nagalit kasi si Arianne sa pagsundo ni Auld samin.

DALAWANG oras lang ang itinagal namin sa biyahe at nandito na kami sa tapat ng bahay nila Arianne. Sa mismong tapat na nila kami bumaba dahil sa nadadaanan talaga ito ng mga bus.

"Surpresahin na muna natin sila tita tapos aalis na agad ako para sila nanang naman ang surpresahin." Masayang sabi ko kay Arianne na nakangiti na rin.

HINDI rin kami nagtagal sa bahay nila Arianne dahil pagkatapos nilang magyakapan ay nagpaalam na agad si Arianne na sasamahan niya muna ako kaila nanang at tatang, ayaw pa sana siyang payagan dahil baka daw hindi pa kami kumakain, pero dahil magaling mang-uto ang kaibigan ko na sinabi pang dadalhan niya ng puto ni nanang silang dalawa, pumayag agad ang mga ito.

"Tuloy na ba talaga yung plano mong pagpunta sa maynila?" may halong lungkot na anya ni Arianne, naglalakad na kami ngayon pa papunta sa bahay.

"Oo, pero baka di ko pa ipagpaalam ngayon kaila nanang, kaya itikom mo muna yang bibig mo. Masyadong malaki, eh." Sagot ko siyang kinasimangot ng mukha niya pero kalaunay napalitan ito ng isang matagumpay na ngiti.

"Puto! Here I come!" excited na sabi ni Arianne syaka nauna nang maglakad papunta sa tapat ng pinto ng maliit na barong-barong ng bahay nila nanang. Pagdating ko sa tabi niya ay agad siyang kumatok sa pinto.

"Nang!" masayang bati ko dito. Bakas ang pagkagulat at sigla sa mga mata ni nanang nang makita ako. Agad ako nitong niyakap nang mahigpit.

"Nandito rin po ako, nang." Pagpapansin ni Arianne kay nanang, kahit naluluha na ay nagawang ngumiti ni nanang dahil sa ginawang iyun ni Arianne.

"Namiss ko talaga kayo, mga anak." Naluluha pa ring anya ni nanang. Di nabigo si Arianne sa gusto niyang makuha, pinagluto pa talaga siya ni nanang ng puto kaya napatagal ang kwentuhan naming tatlo, wala pa si tatang dahil sa anihan ngayon sa sakahan kaya medyo magtatagal pa daw doon si tatang.

Uuwi na ngayon si Arianne dahil sa tapos nang maluto ang putong gusto niya.

Alas singko ng hapon at naka-uwi na nga si tatang, labis itong nagulat nang makitang ako ang nagluluto sa maliit na kusinang mayroon ang aming barong-barong.

Nasa labag kaming tatlo, tanging banig lang ang sapin namin pero ayos lang sa akin. May kama naman kasi ako, ngunit pinilit kong makatabi sila nanang kaya sa labag kaming tatlo matutulog.

"Good night, nang, tang." Ngayon lamang ulit ako matutulog na kasama silang dalawa kaya masayang masaya talaga ako

"MA?! Itigil na natin 'to!" Malakas na sigaw ko sa matandang babaeng nasa harap ko. Tinawag ko itong mama, bakas sa itsura niya ang dugong mayaman.

"Ano?! Matapos mong simula 'to bigla ka nalang aatras? Are you kidding me?" Malakas na sigaw nito bago ihampas sa pisngi ko ang itim na pamaypay na hawak. Tuluyan ng ngang nagsilaglag mula sa mga mata ko ang mga luha.

"Follow the plan and get what your parents want! Mahirap bang gawin yun?!" Muling singhal.

"Pero mahal ko si Tha—" Natigil ako sa sanay sasabihin ko nang malakas akong sampalin nito na siyang kinabuwal ko mula sa pagkakatayo.

"Wala akong pakialam kung ano man ang relasyon mo sa Ludwig na 'yun! Just do what we instruct you to do, if you want to do more, use your body to tame that son of bitch!" anya nito bago ako tuluyang iniwan at lumabas sa kung saan. Mas lalo lamang akong napaiyak dahil sa sinabi niyang 'yun.

Ganoon ba talaga ako ka-walang kwenta para sa magulang ko? Mahirap ba talaga para sa kanilang mahalin ako, o kahit na pahalagahan man lang?!

HANGGANG sa pagluluto ng agaha'y ang panaginip na iyon ang bumabagabag sa isipan ni Lhea. Sigurado siyang kasama iyon sa mga alaalang nalimutan niya kaya mas lalo siyang nababagabag.

"Aray!" malaskas niyang daing na siya ring muling nagpagising sa diwa niya nang biglang may tumilamsik na mantika sa pisnge mula sa tuyong niluluto.

"Ingat." Biglang anya ng nanang niya na nasa likod na niya rin pala at abala sa paghahati kamatis. Nginitian niya lang ito bilang sagot.

"Mamaya pala ay samahan mo ang tatang mo sa sakahan, may dadating kasing bisita ang pamilya Arcega, at total nandito na kayo ni Arianne, kayo na ang gumawa." Anya ng nanang niya habang kumakain.

"Sino naman daw po?" Wala siyang naalalang may nabanggit si Arianne tungkol sa bisitang tinutukoy ng nanang niya, marahil ay biglaan lang ito.

"Hindi ko rin alam, basta ang alam ko ay magiging kasosyo siya ng mga Arcega." Sabi nito na siyang ikinatango lang niya bago nagpatuloy sa pagkain

"GANDA naman po pala ni ate Lhea." Malokong anya ni Arianne matapos nitong lumapit sa kanya.

Kasalukuyan na siyang nasa bahay ng mga Arcega para nga tulungan ang mga itong mag-asikaso sa bisitang dadating.

"Sira! Alangan naman magmukha akong ewan dito." Malakas itong tumawa dahil sa naging sagot niya, pero hanggang ngayon, ramdam niyang may kakaiba sa kaibigan. Naging iba ang mga ngiti at tawa nito, ayaw niya lang itong tanungin dahil gusto niyang ito mismo ang magsabi sa kaniya.

Nagulat silang dalawa nang mapansing sila nalang ang nag-iingay, sumunod ang tingin nila sa tinitignan ng mga katulong. Mula sa pwesto'y tanaw nila ang pagbukas ng gate at pumasok dito ang isang itim audi.

Napapitlag siya sa pwesto nang biglang bumilis ang tibok ng puso niya nang makita ang itim na kotseng iyon, di niya rin alam kung paano niya nalaman kung anong klaseng kotse ito. Tila ba basta nalang iyun pumasok sa utak niya.

Tahimik na nakaupo siya sa loob ng isang restaurant, dabi ng bintana kung saan tanaw niya ang labas.

Ilan beses nang lumapit sa kaniya ang waitress upang hingiin ang order niya ngunit ilang beses niya itong pinaalis dahil sa may hinihintay pa siya.

Rinig niya ang pagkalam ng tiyan niya, sunod ay ang ugong ng sasakyan mula sa labas. Doon ay nakita niya ang itim na audi na basta lang nagpark sa mismong tapat ng pwesto niya at lumabas mula doon ang isang lalaking nakashades na nakatingin sa kaniya.

Mataray niya itong inirapan nang huminto ito sa harapan niya. Wala na itong suot na shades ngunitmalabo ang hulma ng mukha nito kaya di niya makilala kung sino ito.

"Sorry?"

"Sorry"

Napapitlag siya nang bigla siyang mabuwal sa kinatatayuan niya, may isang lalaki na naka tuxedo ang bumangga sa kaniya. Ito rin ang humingi ng pasensya kaya nagising siya sa mula sa pagkakatulala.

Tumango lang siya bilang sagot dito bago napako ang tingin niya sa lalaking prenteng nakatayo at nakatingin sa kaniya na tila ba hinuhubadan siya.

Nakashades ito kaya 'di niya lubusang kita ang mga mata at kabuuan ng itsura nito, pero kahit ganoon kitang kita niya ang kakisigan nito. Matangkad, itim na buhok, matangos na ilong at mas kulado ang pangangatawan.

Agad siyang nag-iwas ng tingin dito nang magsimula muli itong magsimulang maglakad, pero muli siyang napatingin dito nang mapansing sa kaniya ito patungo.

"B-bakit?" utal niyang tanong matapos nitong tumigil sa mismong harapan niya, ilang dangkal lang ang layo nito kaya amoy na amoy niya ang bango mula sa lalaki. Unti unit itong yumako na para bang hahalikan siya. Naisip niyang sampalin ito ngunit tila ba nabasa nito ang inisip niya't agad nitong napigil ang kaliwang kamay niya.

Yumukod ito at itinapat ang bibig sa tenga niya na siyang muling kinabilis ng tibok ng puso niya.

"I already know it, since the day I've lost you." Malamig na bulong nito bago tanggalin ang shades nito kaya maayos niyang nakita ang mga asul nitong mata.

"Please don't wear your contacts?" She plead

"But... you're the only one who love this mismatched eyes." The man said before hugging her from the back.

"Super gwapo mo po kasi with that pair of eyes." She said facing and hugging the man back.

To be continued

COPYRIGHT 2019