Chereads / Losing Our Past / Chapter 4 - Chapter 3

Chapter 4 - Chapter 3

Kabanata 3

Old Friend

"Hindi na ako natatawa!" malakas na singhal ko sa isang lalaking nakatayo sa harap ng sink, nababalot ng bula ang mukha nito. Ramdam ko rin na basang basa ang damit na suot.

Napuno ng malalalim na tawa ang buong kusina nang tumawa ang lalaking kaharap ko dahil sa muli niyang nahipahid sa mukha ko ang bulang bumabalot kanina sa kaliwang kamay niya, napadako ang mga tingin ko sa mga mata niya.

Magkaiba ang kulay ng mga ito, asul ang isa, samantalang dilaw naman ang sa kabila. Mababakas ang kasiyahan at pagmamahal sa mga mata nito.

Nais ko mang makitang malinaw ang mga mukha ng lalaking iyun sa panaginip ko ay di ko pa rin talaga magawa. Marahas kong naihilamos sa mukha ko ang damit na tinutupi ko, tinignan ko ito at nakitang kay Arianne pala ang damit na iyun kaya agad agad ko itong itinapon pabalik sa kama upang siya ang magtupi.

And speaking of Arianne,

"Arrrrggghhhh! Bwiset na lalaki talaga!" Gulat akong napatigil sa pagsasalansan ng mga labahin dahil sa biglang pagpasok ni Arianne.

"Bakit na naman ba?" mahinang akong natawa nang marealize kung sinong lalaki ang tinutukoy nito.

Tatlong araw na mula nang may lumipat sa katabing kwarto, at tatlong araw na ring maingay sa buong apartment nang dahil sa dalawang yan, minsan nga ay ako nalang ang nagpapasensya sa mga kapit-bahay dahil sa madalas—araw araw na away at pagbabangayan nila Arianne at ng lalaki sa kabilang kwarto—si Auld.

Mahina akong natawa dahil mukha ni Arianne, parang puputok na talaga ang butchi sa dami ng pinaglalaban.

"Seriously? Tawagin ba naman daw akong manyak?" nagdadabog na reklamo nito. "Akala mo naman sobrang laki ng katawan, yak! Para nga siyang tingting eh."

Mahina akong natawa dahil sa inakto niya. Kung di ko lang talaga kilala si Arianne, iisipin kong may gusto siya kay Auld kaya din siya ganyan.

Muli akong natigil sa pagtutupi ng mga damit dahil sa munting katok mula sa pinto. Mukhang ganoon din ang nangyare kay Arianne.

"Ako na." pagpiprinsinta kong buksan ang pinto na agad na sinang-ayunan ng babaita. "alam ko kasing tamad ka." Pabulong kong saad pero sapat na para marinig niya.

"Heh!" malakas niyang singhal bago ipinagpatuloy ang pagtitimplang kape.

"Sino yan?" tanong ko nang muli na namang may kumatok sa pinto di pa man ako nakakalapit ng lubusan sa may pinto.

"It's me."rinig kong sagot ng isang baritong boses na labis kong kinagalak.

"Buti naman at naisipan mo pang bumisita?" mataray kong bungad sa lalaking kaharap ko.

"Hey, ganyan ka na ba magsabi ng 'I miss you' sa pinaka mamahal mong lalaki?" May halo ng kapilyuhang saad nito.

"Eh kung bugbugin nalang kita?" Nakangiting sabi ko.

Nawala ang kaninang malaking ngiting nakapaskil sa mukha nito, sabayan pa ng panlalaki ang mata nito bago unti unting umatras sa pwesto.

"Hey, walang ganyanan, madaming magagalit sayo oras na bugbugin mo ko." Sinundan nito ng malakas na tawa ang sinabi na siguradong narinig ng isang nasa loob ng kwarto.

"Ang ingay ah? Sino ba yan?!" Galit na singhal ni Arianne. Narinig ko ang papalapit nitong hakbang, di pa man ako nakakabilang ng limang segundo ay muli kong narinig ang matinis na boses ni Arianne.

"KYAHHHH! Bakla kah!" Tili nito bago mabilis na tumakbo at yumakap sa lalaking kaharap namin.

"Wahhhh! Lalo tayong pumapanget ah?" naiiyak na wika nito ngunit bakas moa ng tono ng kasiyahan.

"Yan! Ganyan dapat ak—"

Di pa man natatapos ang sasabihin niya ng makarinig kami ng malakas na kalambag ng pinto mula sa kabilang kwarto.

"What the hell happened?! May nanloob ba sa inyo? Sinong gago yun ah?" nagmamadaling tanong ni Auld habang natataranta pa dahil sa hindi maayos na pagkakasuot ng pantalon nito.

"Pinagsasabi mo na naman?" may halo ng pambabarang tanong ni Arianne dito syaka ito tinarayan at muling itinuon ang pansin sa bagong dating na kaibigan.

Mahina akong natawang nang makitang sumambukol ang mukha ni Auld dahil sa pambabarang ginawa ni Arianne. Nakita ko rin ang pagbaling ng tingin ni Freed sa lalaking grabe ang pagkakasimangot.

"Tini-tingin mo?" Maangas na tanong ni Auld kay Freed.

"Nothing." Parang wala lang na sagot naman nitong isa.

KASALUKUYAN akong nag titimpla ng kape para kay Freed at Auld na ngayon ay kausap ni Arianne. Matapos ang pag-uusap kanina ng dalawang lalaki ay inaya na ni Arianne yung isa na pumasok na sa loob pero di nagpatalo si Auld at nagpumilit ding sumama sa amin sa loob. Katwiran niya ay baka kung ano pa daw ang gawin ni Freed sa amin. Di niya pa kasi alam na childhood bestfriend namin siya.

Pagkalabas ko sa maliit na kusina sa aming kwarto ay naabutan kong nagbabangayan na naman sila Arianne at Auld na naka pwesto malapit lang sa pintuan ng kwarto namin.

"Seriously? Pagkakatiwalaan niyo ang lalaking yan?!" bulyaw ni Auld kay Arianne na pilit siyang itinutulak palabas ng pinto.

"Wag ka na lang mangialam!" bulyaw naman ni Arianne.

"Di mo man lang pinigil yang dalawa?" tanong ko kay Freed na nakatutok sa kaniyang telepono habang naghuhubad ng sapatos.

"Ang ingay nila eh, pinabayaan ko nalang." Kibit balikat niyang tugon bago binalingan ang dalawa habang iniinom ang kapeng itinimpla ko.

Sinitsitan ko ang dalawa na siyang kinatigil naman nila. Nagpalitan muna sila ng matatalim na tingin bago tuluyang nanahimik. BUmalik na sa kaninang pwesto si Arianne, sa tabi ni Freed, samantalang si Auld naman ay nakatayo pa rin habang masama ang tingin sa dalawa kaya tinawag ko na siya at ibinigay dito ang isa sa mga kapeng tinimpla ko.

"SINO ka ba kasi?" seryosong tanong ni Auld sa katabi ko. Kanina pa kami magkakasama at magkakakwentuhan—mali, kaming tatlo lang pala at ngayon lang ulit nagsalita si Auld matapos manahimik na tila ba nag-oobserba.

Nakita kong natigilan sa pagtatawanan sila Arianne at Freed syaka napabaling sa isa. Umayos ng upo si Freed syaka humarap kay Auld, samantalang si Arianne naman ay masama ang pagkakatingin dito.

"I'm their old friend." Seryosong sagot ni Freed. "Ikaw? Sino ka ba at kailangan mo pa talagang sumama sa amin dito?" malamig na dagdag nito.

Umiigting ang panga ni Auld matapos siyang sagutin ni Freed dagdag pa ang lantarang pagngisi ni Arianne na tila proud sa kaiboigang sinagot lang ng ganon-ganon si Auld.

"Kapitbahay lang nila ako, mabuting kapitbahay." Umalis ito sa pagkakasandal sa sofa bago malamig na tuminging muli kay Freed. "At bilang isang mabuting kapitbahay, 'di ko hahayaang mapahamak silang dalawa dahil sa bisita nila." Masungit na dagdag nila.

"Kung gayon, maaari ka nang umalis dahil 'di ka na kailangan dito, masyado ka nang nangingialam." Matapang namang balik ni Freed.

"Hep!" tumayo ako sa kinauupuan ko para pigilan na silang dalawa. "Tama na yan, baka kung saan pa mapunta yang usapan niyo." Nakita kong natigilan silang dalawa sa pagtatalasan ng tingin bago napabaling sa akin.

"Labas tayo gusto niyo? Doon natin ipagpatuloy ang usapan." Anya ko bago hinila patayo si Arianne mula sa tabi ni Freed.

"CHILDHOOD friend ni Arianne si Freed, nag-migrate daw sila noon dahil doon na siya magha-highschool. Tuwing bakasyon lang daw sila nauwi, pero noong nagcollege na, wala na. Noong mga panahong nakilal ko si Arianne nakilala ko rin si Freed kaya naging magkaibigan din kami ang kaso, huling linggo na niya yon dito. Pagkatapos nun, pitong buwan pa bago bumalik si Freeddito sa pinas ilang buwan din siya dito kaya mas naging close kami, last year lang ulit siya bumalik sa Canada." Kwento ko kay Auld na hindi talaga nanahimik at kinukulit akong ikwento sa kaniya kung sino ba talaga si Freed.

"Ahh, okay. Basta masama pa rin tingin ko sa kaniya." Kibit balikat nito syaka muling binalingan sila Arianne na naglalaro ng basketball dito sa Arcades, nasa mall kami ngayon. Kakatapos lang naming magmeryenda, nagyaya si Arianne dito pumayag naman si Freed, libre naman daw niya kaya di na kami umangal, siyang-siya pa nga si Arianne dahil sa libre.

Silang dalawa lang naman ang nakikinabang dahil kami ni Auld ay nakaupo lang dito sa sulok.

"Excuse me po kuya, may nagpapabigay po." Biglang may lumapit na binatilyo kay Freed at may inabot itong maliit na papel. Agad naman itong kinuha ni Freed at nag pasalamat.

"Shit!" malakas na mura nito pagkatapos na mabasa ang nakasulat sa papel, lumingon-lingon pa ito na tila ba may hinahanap.

"Bakit may problema ba?" tanong ko dito. Kita ko kung paano umigting ang panga niya habang patuloy pa rin sa paglinga sa paligid.

"Fuck!" Muling mura nito habang nakatingin sa isang bahagi ng glass wall nitong Arcades, nakita ko ang isang lalaking nakatayo doon, nang mapansing nakatingin ako sa kaniya ay umalis din siya sa pwesto niya.

"We need to get out of here." Malamig na anya ni Auld bago ako hinila papunta sa pwesto nila Arianne. Hindi nahirapang pilitin na umuwi na yung dalawa dahil sa ubos na din pala ang mga token ng mga ito.

"Yeah, it's me Auld. Please check the security of the area. Alright, we'll be coming back. I will." Habang naglalakd palabas sa mall ay lumapat ako sa pwesto ni Arianne habang si Freed ay busy sa phone, si Auld naman ay may kausap sa telepono.

"Ayos ka lang ba, Lhea?" nagitla ako dahil sa biglaang tanong ni Arianne "Para ka kasing balisa, masama ba pakiramdam mo?" Nag-aalalang tanong nito

"Ahh, hindi. Pagod lang siguro." Ngumiti ako dito upang mapanadag na rin ang loob niya, mukha naniwala naman siya kaya tumango lang siya at muling kumapit sa akin.

Iniisip ko lang, ano ba yun? Bakit parang nabalisa si Auld nang matanggap niya ang papel na yun, ano bang laman niyon?

"Arianne, Lhea." Agad kaming napalingon kay Freed na siyang tumawag sa amin. "Uuwi na muna ako, pinababalik na ako ni mom sa suite, lilipat na ata kami sa dati naming bahay." Paalam nito.

"Ganon ba, sige ingat ka." Natigilan si Arianne bago ngumawa. Buti nalang at nasa parking lot na kami.

"Wahhh! Ibig sabihin doon ka na?" nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa mga labi ni Freed bago tumango.

"Ingat kung ganon, so pinuntahan mo lang talaga kami para magpaalam ulit?" may halong pagtatampo sa boses ko.

"Sorry for that, Lhea. 'Di ko naman alam na talagang magpapahinga lang sila mommy bago kami tumuloy na tlaga sa bahay." Sinserong saad nito bago lumapit sa akin at ikinulong ako sa yakap na kasama si Arianne.

"okay lang ano kaba? Ikamusta mo kami kay tita ah, sabihin mo namiss ko na iyung spaghetti niya." Muling sumilay ang mga ngiti sa mga labi niya bago marahang tumango.

Kahit na naluluha ay nagawa pa rin magsalita ni Arianne.

"'di bale, next next week susunod kami sayo. Sabihin mo kay tito't tita na magpa-fiesta ulit, ah." Tuluyan nang umiyak si Arianne habang yakap si Freed. Natawa lang yung isa habang pinatatahan si Arianne.

"Bye." Muling paalam ni Freed nang marating namin ang pwesto kung saan naka-park ang kotse ni Auld. Hinalikan niya muna sa noo si Arianne bago hulik rin sa noo ko. Tumalikod na si Freed at nagmamadali nang umalis.

"Tss, siguradong di na makakatayo yang isang yan kung nakita niya to" Rinig kong bulong ni Auld habang pinagmamasdan kami. "Buti't naisipan nang umuwi ng isang yun." Mas lalo namang napasimangot si Arianne dahil sa narinig mula dito.

INIUNAT ko ang mga braso ko nang tuluyang makabangon sa kama. Nakita kong nakahiga na si Arianne

Sa dulonmg bahagi ng kama kaya agad ko itong itinulak ng marahan papuntang gitnang bahagi ng kama, ngunit ayaw nitong umusog kaya pinabayaan ko nalang.

Binuksan ko ang bintana upang pumasok ang liwanag. Nagsipilyo at naghinamos na rin ako pagkatapos. Dahil sa init ay naiisipan kong lumabas sa maliit na verandang meron ang ang kwarto namin, sa apartment namang ito, lahat ng kwarto ay may maliit na veranda na nakaharap sa mapunong bahagi kaya masarap ang simoy ng hangin.

Dala dala ang suklay at panali sa buhok ay lumabas nga ako sa veranda.

"Yeah, it's a threat Than... she's safe." Si Auld iyun, at mukhang may kausap na naman ito sa telepono. Mukhang bahagya itong lumayo dahil sa di na niya nang malinaw ang mga sinasabi nito. Nakasarado at natatakpan ng kurtina ang sliding door ng kwarto ni Auld na nagkokonekta sa veranda nito kaya marahil mas lalong di niya marinig ang mga sinasabi nito.

'Di ko na lamang pinansin ito at muling bumalik sa pagtatali ng buhok. Insaktong pagkatapos kong magtali ay narinig ko ang pagbukas ng sliding door ng kwarto nito ngunit hindi ako lumingon.

"with a boy... and hey listen, Than. He kissed her forehead. Haha, talo ka na ata... ayoko nga, balakadiyan!" bahagya akong lumingon dito, nakatalikod ito sa pwesto ko kaya marahil di niya pansin na nandito ako. Hawak niya ang mamahalin niyang telepono habang nakatapat ito sa kanang tenga. "Aba't obligasyon ko ba talagang ibalita sayo? Umuwi ka na kasi.." may halong pang-aasar na sagot nito sa kausap.

Unti unti itong lumingon sa pwesto ko kaya natigilan ito at dali daling pinatay ang tawag nang hindi nagpapa-alam sa kausap.

"Oh... haha, hey. Kanina ka nandyan?" kinakabahang tanong nito. Marahan akong tumango dito, nang ibinalik ko ang tingin sa kaniya ay nakita kong nanlaki ang mata niya syaka malakas na napansinghap bago takpan ang mga mata.

"Ah, Lhea... ano.. Gusto ko pa kasing mabuhay ng matagal." Kinakabahang saad nito habang nakatakip pa rin ang mga kamay sa dalawang mata.

"Ah, bakit may problema ba?" nagtatakang tanong ko, nakita ko ang pagsilip niya sa pagitan ng mga daliri niya, nang makitang bahagya akong lumapit ay dali dali siyang sumiksik sa dulong bahagi ng veranda niya.

"Ano kasi.... Nakalimutan moa tang mag ano.." natataranta niya pa ring sagot

"Mag ano?" tarantang tanong ko rin.

Umangat ang mga kamay niya at itinuro iyun sa dibdib ko.

"Pakshet!" Dagli akong pumasok sa loob ng kwarto habang nagtitili na siyang kinagising ni Arianne, nahulog pa ito sa kama dahil sa gulat kaya masama itong tumingin sa akin.

"Ano bang sinisigaw mo? Ang aga aga eh!" singhal nito bago bumalik sa taas ng kama.

Marahas akong napahilamos sa mukha ko gamit ang sariling plad dahil sa hiya. Ramdam ko ang pag-init ng magkabilang pisngi ko dahil sa kahihiyang nagawa.

Sa lahat ba naman ng makakalimutan bakit yun pa!

Bakit nakalimutan kong magsuot ng bra!

To be continued

COPYRIGHT 2019