Chereads / Losing Our Past / Chapter 3 - Chapter 2

Chapter 3 - Chapter 2

Kabanata 2

Kapit Bahay

"CAN'T you do that in a faster way, woman?" Mas lalong nangunot ang ulo ng lalaking ngayo'y nakaharap sa isang pintuan. Maya maya pa nga'y may isang babaeng lumabas doon.

Tumawa lamang ito nang makitang hindi na naman maipinta ang mukha ng lalaking kaharap.

Muling natigil ang mga alaalang biglang nag-flash sa isip ko dahil sa tawag ni Arianne.

"Lhea! Sabi ni papa pwede na daw tayong umuwi sa bahay kahit na bukas na bukas, welcome na daw tayo agad." Nakangiting saad ni Arianne matapos ang pakikipag usap sa ama sa telepono.

"Talaga? Sige ba, namimiss ko na rin sila inang at amang eh." Nakangiting sagot ko dito bago tuwang tuwang ipinagpapatuloy ang pagluluto ng kakainin namin ngayong hapunan.

Oo nga pala't malapit na ang bakasyon kasi magpapasko na kaya tumawag na si Arianne sa mga magulang niya para sabihing uuwi kami sa susunod na linggo. Nais ko na ring magpa-alam kina inang at amang dahil sa gusto kong magtrabaho na sa maynila para mas makatulong sa kanila, sa ngayon kasi ay pinag aaral nila ako kahit na di nila ako tunay na anak kaya nais kong ibalik ang lahat ng pagsasakripisyo at hirap na ibinibigay nila sa akin simula noong araw na nagising ako mula sa mahabang pagkaka-coma. Magtatapos na ako ngayong SEM sa kursong Business Management na alam kong mapapakinabangan ko pagdating ko sa Maynila.

"Huy, naririnig mo ba ako?" Naputol ang pag iisip ko ng marinig ko ang boses ni Arianne na nasa tabi ko na pala

"ahh, pasensya na may iniisip lang ako?" pagtatapat ko dito

Bumalatay sa mga mata nito ang pag aalala

"Tungkol ba 'to sa sinabi sayo ng lalaki kahapon?" napaiwas ako dahil sa tanong nito, mawawala na sana sa isip ko ang tungkol sa bagay na sinabi ng lalaki kahapon sa akin, halos buong gabi ko ring pinilit ang sarili ko na makaalala, pero kahit mga anino o mga larawan mula sa aking nakaraan ay wala akong nakita. Maging sa panaginip ko ay walang lumitaw na mga lumang alaala.

"Hindi naman, pero ang totoo niyan, kagabi pa ako binabagabag ng mga salitang sinabing ng lalaki." Pagtatapat ko dito.

"Prend, diba sinabihan ka na ng doctor na wag mong masyadong pilitin ang sarili mo na makaalaala dahil sasakit lang ang ulo mo, and worse baka mawalan ka na naman ng malay, di ko na naman alam ang gagawin ko sayo." Napabungisngis ito sa huli nitong sinabi, maging ako ay natawa dahil sa naalala ko na naman ang nangyari sa aming dalawa noon sa sakahan.

Naglalakad silang magkasama sa sakahan para makapunta sa bayan ng bigla na lamang akong nahilo matapos kong makakita ng lobong itim na lumilipad, di ko alam ang nangyari basta bigla nalang din akong nakakita ng mga larawan ng itim na lobo sa isip bago ako tuluyang binalot ng dilim.

Pagmulat ng aking mga mata ay ang mukha ni Arianne ang bumungad sa akin sabi nito ay labis daw itong nataranta ng bigla nalamang matumba, halos pati raw ito ay himatayin na sa nerbyos buti na nga lang at may napadaan daw na magsasaka na siyang tumulong sa amin na makarating sa bahay ng mga Arcega at doon ako pinatingin sa doctor ng pamilya.

"Para ka kasing shunga eh." Natatawa kong sabi na naging dahilan kaya pumula ang pisngi ni Arianne.

"Luto na ito." Masaya kong anunsyo matapos tikman ang kakatapos lamang na malutong Menudo

"Yehey!" maligalig na sigaw ni Arianne bago tumayo mula sa pagkakaupo sa maliit na sofa syaka ako tinilungang mag ayos ng hapag nang makakain na.

ALAS SINGKO ng hapon at mag isa lang ako sa kwartong inaakupa namin ni Arianne, pumunta si Arianne sa palengke para bumili ng maluluto namin ngayong gabi.

Ako naman ay tahimik lamang na tinutupi ang mga tuyong damit na hinango ko kanina sa sampayan.

Isang malakas na kalampag mula sa kabilang kwarto ang bumulabog sa pananahimik ko, kaya agad akong tumayo sa pagkakaupo at dali daling lumabas ng kwarto upang tignan kung ano ba ang nangyari.

Laking gulat ko ng makakita ako ng mga lalaking nakauniporme pa ng isang sikat na Furniture Company dito sa probinsya, sunod na napadako ang tingin ko sa katapat kong kwarto kung saan nakasilip din si Ate Erlin, marahil ay narinig din nito ang malakas na kalampag.

"Ayo lang ba ang lahat , Hijo?" Nag aalalang tanong ni Ate Erlin sa lalaking natatapan ng isa pang lalaki, di kalayuan sa aking pwesto.

"Ah, pasensya na po sa ingay, bagong lipat po ako." Isang barito ngunit may lambing na boses ang sumagot sa tanong na iyun ni Ate Erlin.

Mula sa aking pwesto ngayon ay malinaw ko nang nakikita ang lalaking pamilyar sa akin, nakangiti ito habang napapakamot ng ulo.

"IKAW!" malakas kong sigaw na ikinawala ng ngiti nito sa labi syaka napatingin sa direksyon ko.

"Well, well, well. Hi there Miss Beautiful. What a coincidence ah?" may kahulugang saad nito. "Magkapit bahay pa talaga tayo." Dagdag nito bago ngumisi.

Agad na itinaas ko ang aking kilay bago masungit at matalim na tumingin dito.

"Anong ginagawa mo dito." Mataray na tanong ko dito. "Alam mo ba na bawal ang weirdo dito?" ako naman ang ngumisi dahil sa sinabi ko ng makitang nawala naman ang ngisi sa mga labi nito.

"Ahm... I actually don't know what to say." Natatawang sabi nito bago muling napakamot ng batok. "About yesterday, I again want to apologize to you and to your friend." Ngumiti na ito at unti unting lumapit sa pwesto ko.

"Aguy! English!" narinig kong sabi ni Ate Erlin bago pumasok at isara ang pinto ng kaniyang bahay.

Mahina akong natawa dahil sa inasta nito bago muling bumaling sa lalaking nakita niya at pinagkamalan siyang fiancé ng kaibigan nito na sa ngayon ay tuluyan nang nakalapit sa kaniya.

"So, Ahmm... I am Auld your new neighbor." May matamis na ngiting nakapaskil sa mukha nito at syaka naglahad ng kamay sa harap ko.

Muli, tinignan at tinaasan ko lamang siya ng kilay.

Kailangang magmukha muna akong nakakatakot na ewan bago ako makipagkaibigan sa isang to. Mamaya ay may masama palang balak 'to sa akin o di kaya ay kay Arianne kaya 'to nandito eh, sikat pa naman ang pamilya Arcega sa bayan. Di ako pwedeng umasa sa coincidence chuchu na iyan.

"Ah... can you understand me? I just want to make friend, so...?" Nagtatakang tanong nito.

Malamang naiintindihan ko siya duh?! May pinag aralan kaya ako.

Di ko pa rin pinansin ang kamay niyang nakalahad, nang mapansing wala akong balak na kamayan siya ay nahihiyang binawi niya ang kamay mula sa pagkakalahad.

"Grabe ka naman, mabait ako wag kang mag alala." Mukhang nabasa nito ang nasa isip niya at nalaman ang hinala niya dito.

"Wala akong pake kung mabait ka, bakit ka nandito? Mayaman ka ba? Kaya kayang mong mag-Ingles ng may accent pa?" nagtataka kong tanong dito.

Oo kaya nitong magsalita ng malinaw at may accent na Ingles kaya medyo nakakapagtaka lang. Ganito na ba ang modus ng mga masasamang loob ngayon?

Nang muli ko itong balingan ng tingin ay napapalunok ito at mukhang hindi alam kung ano ba talaga ang dapat na sabihin.

"ahm... para sayo? Papasa ba ako sa pagiging mayaman?" balik tanong nito. Tinitignan ko siya sa mata pero sadyang malikot ang mga mata niya na tila ba may hinahanap na kung ano.

"Ano ang pakay mo at nilapitan mo ako?" muli kong tanong dito syaka muli siyang tinignan ng masama.

"I want—Gusto kong makipag-kaibigan, that's why. Magiging bagong kapit-bahay mo na ako at—" Natigil ito sa pagsasalita bago masayang napabaling ang tingin sa likod ko. "Well." Mag bakas ng kasiyahan ang boses nitong wika.

Nagtataka din akong tumalikod upang tignan kung sino ba ang tinitignan nito.

Ganoon na lamang ang pagkagulat ko ng bigla nilipad ng taong iyun—mali, agad na nilipad ng babaeng iyun ang distansya naming dalawa at agaran akong hinila patago sa kaniyang likod.

"IKAW NA NAMAN?!" malakas na singhal ni Arianne sa lalaking nasa harapan namin na nagpakilalang Auld.

Mukhang di lamang ako at ang lalaking kaharap namin ang nagulat sa makas na sigaw ni Arianne kundi maging ang ibang tao sa floor na ito dahil sa halos lahat ng kapit-bahay namin sa floor ng apartment na ito ay napalabas sa kani-kanilang mga kwarto.

"Ahh, Pasensya na po, hindi pagkakaunawaan lamang po ito." Agad na hinging pasensya ko ng makita ang pagtataka, galit, at inis sa mga mata ng mga taong ngayo'y nakatingin sa aming tatlo.

Kung ako ay natinag dahil sa mga tingin ng mga kapit-bahay namin, itong dalawa naman ay tila kapwa ayaw magpatalo sa 'staring contest' nila. Parehas ayaw malayo ang tingin sa isa't isa, parehas na may inis ang mga mata.

Nang lamukusin ko ang mukha ni Arianne upang patigilin na ito sa kanilang ginagawa ay syaka lamang ito nagpatinag, ngunit mukha atang ikinainis lang niya ito dahil sa nakita ko rin kung paano ang nangangasar na ngumisi ang lalaking kaharap namin.

"Bakit ka nandito? At ano na naman abng kailangan mong Abno ka?" mahina ngunit may diin na tanong ni Arianne sa lalaki—kay Auld na malalim ang paraan ng pagkakatingin kay Arianne.

Napakamot ulo na lamang ako dahil mukhang mas hahaba pa ang usapan ng dalawa, mukhang pikon na rin si Arianne at immune naman si Auld sa pang-aasar.

Dahan dahan ay tinanggal niya ang pagkakahawak ni Arianne sa dalawang plastik kung saan nakalagay ang mga pinamili nito.

Muli ko silang tinignan ngunit heto na naman sila't sinisimulan ang sikat na sikat na 'staring contest' nila.

Nakahinga ako ng malalim ng makuha ko sa kamay ni Arianne ang dalawang plastik at naka alis sa tabi nilang dalawa ng hindi nila ako pinapansin.

Insaktong pag kapasok ko at pag kaapak ko sa loob ng kwarto at narinig kong napapalitan na ng mga salita ang dalawa sa labas.

"Hay naku! Maingay na naman po kami." Natatawang bulong ko sa sarili dahil unti unti ay lumalakas ang boses ng dalawa sa labas.

To be continued

COPYRIGHT 2019