Shelter (Underground Fight)
"Alpha Quillon naghihintay na po sila sa loob. Ilang minuto na lamang ay mag-uumpisa na po ang laban ni Amoz." ang betang si Gethro.
"Okay, magpadala ka ng ilang omega na mag-aasikaso sa mga panauhin. I'll be inside in a minute. I will accept this call."
Yumukod ang beta bilang tugon.
"Hello Ehla! What? Kailan siya dumating? Okay send Arvic back in my room right now.!"
Tiim bagang ibinaba ni Quillon ang kanyang phone. At salubong ang mga kilay na pumasok ito sa loob upang batiin ang mga panauhin.
Nang masiguro na kumpleto na ang lahat, isang senyas ang pinakawalan ni Quillon upang umpisahan na ang pinakahihintay na laban ng dalawang half blooded na sina Amoz at Abhinu.
Isang mahabang ring ang naging hudyat upang umakyat ang dalawang magkatunggali sa loob ng stage.
Ramdam ang init sa loob ng shelter nang makita na ang dalawa na ngayon ay magkaharap at nagtatagisan ng matalim na tingin.
Sa laban na ito ay may isang oras lamang ang ibibigay sa bawat panig. Sa ikalawang pagtunog ng bell ay hudyat ito na kailangan na nilang maghiwalay at pumunta sa kanilang nakatakdang pwesto upang hintayin ang huling hudyat upang sila ay umatake sa kalaban.
Tumunog ang pangalawang hudyat...
"Amoz kailangan sa unang atake mo ay mapatay mo na ang kalabang si Abhinu, malaki ang ipinusta ng halos siyamnapung porsiento ng mga nandito sa shelter. Huwag mong bibiguin si Alpha Quillon."
"Alam ko, hindi mo na kailangang sabihin iyan sa akin!" at ngumisi ito.
"Siguraduhin mo lang Amoz, kilala mo si Alpha Quillon ayaw niya ang natatalo sa kahit anong laban, bukod sa buhay mo pati buong pamilya mo mamamatay oras na binigo mo si Alpha!" panghahamon ni Aman sa kanya.
Nagtagis ang mga ngipin at biglang nagbago ang kulay ng mga mata ni Amoz, tanda na ito ay galit na galit na.
Muling humudyat ang huling tunog kaya naman ang bawat isa sa loob ng shelter ay biglang natahimik.
Sabay na tumakbo ang magkalaban at sa isang iglap makikita mo sa ere ang pagbibigay ng dalawa ng tig isang malakas na balya ngunit pagbagsak ay matikas pa rin nakatayo ng matuwid.
Unang lumusob si Abhinu at malakas naman itong sinalo ni Amoz upang pilipitin ang mga kamay nito at tinumba ng padapa. Ang mga paa naman nito ay dumagan sa paa ng kalaban. Isang malakas na pwersa ang ibinigay ni Amoz pahila pataas upang mabalian ng buto sa braso ang kalaban.
Nang alam niyang titihaya ito sa sakit sinamantala niya iyon upang ang matalim niyang mga kuko ay itusok sa tapat ng puso ng kalaban at walang pakundangang dinukot ang puso ni Abhinu.
Ngunit hindi pa roon natatapos ang laban dahil alam niya na kahit nadukot na niya ang puso nito may pagkakataon pa itong lumaban. Gaya ng inaasahan isang sipa ang ibinigay sa kanya ni Abhinu na nagpaatras sa kanya upang malayo sa kalaban ngunit sadyang napakaliksi ni Amoz kaya nagawa pa nitong sunggaban ang kalaban ng ito ay magtatangkang tumayo.
Sa pagtalon niya at pagbagsak sa katawan ni Abhinu bigla niya itong hinawakan sa ulo upang malaya niya itong kagatin sa leeg at tuluyan na itong patayin.
Galit na galit na pinagkakagat ni Amoz ang leeg ni Abhinu kahit wala na itong buhay. Ang kanyang mga mata'y tila nag-aapoy pa sa galit.
Nang tumunog muli ang bell at itaas ng tagabantay ang kamay ni Amoz lahat ay naghiyawan at ang iba naman ay nadismaya marahil ay sa pagkatalo ng kanilang pambato.
Lumapit ang betang si Gethro kay Amoz pagkababa nito ng stage.
"Pumunta ka bukas sa casa at doon mo kunin ang iyong panalo."
Tumango lamang si Amoz dito bilang pagtugon bago tuluyang lumabas ng shelter.
Isang ngiting tagumpay ang iniharap ni Quillon sa mga panauhin kaya walang pasabi na ito'y umalis at dire-diretsong lumabas ng shelter kasunod ang kanyang betang si Gethro.
"Gethro!" tawag nito sa kanyang beta.
"Kamahalan"
"Ano ang alam mo tungkol sa bagong dating?" salubong ang kilay nitong tanong kay Gethro
"Ipagpaumanhin po ninyo kamahalan wala po akong idea kahit ako man po ay nagulat sa ibinalita ni Ehla sa akin. Kasalukuyan po akong nasa baba para sa paghahanda ni Amoz sa laban ng tumawag si Ehla at hindi ko po ito nasagot kaya sa inyo na po tumawag."
"Tumawag ka kay Ehla at itanong mo kung nagawa ba niya ang aking ipinag-uutos!" utos nito kay Gethro.
"Masusunod po Kamahalan." at kinuha nito ang kanyang cellphone at di-n-ial niya ang numero nito.
"Hello, Ehla! Nagawa mo na raw ba ang ipinag-uutos sa iyo ni Alpha Quillon?" tanong nito kay Ehla.
"Opo, kakalipat ko lang kay Arvic sa silid ni Kamahalan." sagot ng sa kabilang linya.
"Okay." at in-end na niya ang call
"Kamahalan, nagawa na raw po ni Ehla ang inyong pinagagawa." balita nito sa kanyang Alpha.
"Good." sagot nito bago sumakay ng kanyang sasakyan.
"Hurry up, we need to be home as fast as we can." utos nito sa kanyang beta.
"Masusunod po, kamahalan." at dali-dali nitong pinaandar ang kotse.
Fifteen minutes ang lumipas ay nasa gate na sila ng Mansion.
Pagbaba ni Quillon sa kanyang sasakyan, habang naglalakad ito patungo sa pinto ng mansion ay isa-isang tinanggal ni Quillon ang kanyang suot.
Mula sa kanyang American Suit na iniaabot niya kay Gethro at sa pag-a-untie ng kanyang kurbata ay tila nag-iinit na ang kanyang katawan.
Unti-unti na ring nagbabago ang kulay nitong mga mata at ang kanyang mga pangil ay nag-uumpisa na ng lumabas tanda ng galit nito.
Pagpasok sa loob ng mansion biglang bumilis ang kanyang paglalakad ng may maamoy ng tila kakaiba ay agad itong tumakbo at inisang talon lamang nito ang bahagi ng pasilyo kung saan naroroon ang kanyang silid.
Pagbagsak niya sa harapan ng kanyang pintuan ay natagpuan niya ang isang bulto ng katawan na ambang bubuksan na ang pinto.
"Don't you dare open that door, you crude!" sabay hatak sa likuran nito at ibinalibag sa dulong pasilyo.
Pagbagsak nito ay agad namang tumayo upang salubungin ng nakakatuyang ngisi si Quillon na ngayon ay nasa kanyang harapan.
Hawak nito ngayon ang leeg ng lalaki.
"What the hell are you doing here in my place, Archard?" nagngangalit ang kanyang mga ngipin na tinitigan ang lalaki.
"Is that the right way to welcome your twin brother without being seen for so long, huh?" nakakatuyang pagtatanong nito sa kanyang kambal na kapatid.
Archad Demetre is Quillon's twin brother na pinadala sa Italy upang doon manirahan dahil sa hindi sila magkasundong magkapatid. Doon rin ito nagtayo ng sarili nitong pack na kanyang dinala ngayon sa Tierra Del Fuego.
Alam ni Quillon ang balak ng kapatid kaya ganoon na lamang ang kanyang galit ng malaman niyang dumating na ito.
Mula nang magkaisip sila si Archad ang matinding kakompetensiya ni Quillon sa lahat ng bagay maging sa atensiyon ng nasa paligid nila.
Kung titingnan, mas matikas si Archad at higit ang appeal nito kaysa kay Quillon kahit na lamang ang kagwapuhan nito kay Archad ngunit hindi maipagkakaila na sila ay talagang magkahawig lalo na kung titingnan sila sa malayuan.
Sa pag-uugali, kung tuso at walang puso si Quillon kabaligtaran naman ito ni Archad. Mas matalino ito at mas may puso, malumanay magsalita sa nakararami at patas.
No wonder, mas mahal ng mahal na hari ang kapatid ni Quillon na si Archad.
"You are not welcome here, go back to the place you'd belong, Archad!" sagot ni Quillon sa kanyang kapatid.
"I have my own place here in Mansion bro and i have my own house here in Tierra Del Fuego. I can roam around and visit whenever i wanted to go and surely they will welcome me with a smile without an epsilon around me. How about you?"
"You have no place here in my mansion Archad!" at nagkulay gold na ang kanyang mga mata.
"You want to beat me? Go!!!" panghahamon ni Archad sa kanya.
Alam ni Archad na kahit kailan hindi siya kaya ng kapatid dahil sa kakaiba niyang kakayahan mula noong sila pa ay musmos pa lamang hanggang sa kasalukuyan.
"If you won't mind, my polo." sabay tingin nito sa kanyang damit na nalukot na dahil sa pagkakahawak ni Quillon.
Binitawan ito ni Quillon at lumakad na itong palayo ngunit pagtapat sa may pintuan ng kanyang kwarto na katabi lamang ng kwarto ni Quillon bigla itong nagsalita na hindi man lang lumilingon sa kapatid...
"I'm in heat bro, can i fuck your omega?"
"Bullshit!" at inisang talon lamang ni Quillon ang kapatid at binigyan ng isang malakas na suntok sa mukha ito ngunit parang tinampal lamang ito at hindi ininda ang suntok.
"Don't you dare touch my slave Archard or else i will kill you!" madiing banta nito sa kapatid bago pumasok sa kanyang silid kung nasaan naroroon si Arvic.