Chereads / GPS Side Story V - Locked / Chapter 4 - Chapter 1

Chapter 4 - Chapter 1

Sinag ng araw ang kinamulatan ni Arvic nang siya ay magising. Nasa gilid siya ng ilog at nakahiga pa rin. Tila may kung anong nakatusok sa kanyang binti na sumisidhi ang kirot nito habang tumatagal.

Dahan-dahan itong bumangon ngunit bumabalik pa rin siya sa pagkakahiga sa sobrang sakit ng kanyang likod na tila nabalian ito.

Nilinga-linga niya ang kanyang paningin upang makahanap man lang ng kahoy na pwede niyang gawin tungkod upang makakuha siya ng pwersa na makabangon ngunit wala siyang makitang sanga na malapit sa kanya.

Tumingala siya sa gawing kanan, nakakita siya ng kahoy medyo malayu-layo ito at dahan-dahang inaanod ng tubig kaya kahit hirap pinilit niya na gumapang upang maabot niya ito. Hanggang, sa may ulunan niya ay may naramdaman siyang nakatayo.

Lumuhod ito at hinawakan ang kanyang ulo. Sa sobrang takot ay tila siya naestatwa at walang lakas ng loob na tumingala para tingnan kung sino.

"Huwag kang gumalaw." anito sa kanya ng babae.

"Si-sino ka?" nanginginig ang boses niyang tanong sa babae.

"Hindi na mahalaga kung sino ako. Nakita kita na tumatakbo mula sa dulong bahagi ng kabilang distrito at tulala. Babalaan sana kita ngunit huli na dahil nahulog ka na sa baba ng Talon. Hanggang sa sinundan kita at hinintay ang iyong paggising." sagot nito.

"Taga Ti-Tierra De Lobo ka ba?" halos kapusin na siya ng hininga sa sobrang panghihina.

Nagsasalita ang babae ngunit marahang iling na lamang ang tanging nagawa niya.

"Nagdidilim na ang aking paningin at tila wala na rin akong marinig sa kanyang sinasabi, maaaring ito na yata ang aking kamatayan."

"Huwag mong ipipikit ang iyong mga mata, tutulungan kita na mabawi mo ang iyong lakas. Hindi ito ang tamang oras para mawala ka sa mundo." anito kay Arvic na hinang-hina na.

Kaya kumuha ng isang maliit na punyal ang babae at sinugatan ang kanyang pulsuhan. Mula doon lumabas ang maraming dugo.

Iniangat nito ang ulo ni Arvic upang mapadali ang pagpapainom nito ng dugo.

"Inumin mo ang aking dugo upang maghilom ang iyong mga sugat. At kapag nakabawi ka ng lakas huwag na huwag ka ng babalik pang muli o tatapak man lang sa Tierra De Lobo kahit kailanman." at itinapat na nito ang kanyang pulso sa bibig ni Arvic.

Parang batang uhaw sa gatas kung sipsipin ni Arvic ang dugo ng lalaki palibhasa matagal na panahon na halos wala siyang kain na matino o kahit man lang pag-inom ng tubig.

"Ganyan nga, sipsipin mo ang aking dugo hanggang sa manumbalik ang kulay mo at lakas. Matapos nito ay iiwan na kita."

Ilang minuto ang lumipas ay muling nakatulog si Arvic at iyon ang sinamantala ng babae upang buhatin siya kahit na mahirap dahil sa isa siyang babae at ilagay sa silong na lugar na hindi mapapansin ng iba.

Pagmulat ng mata ni Arvic ay nagtataka siya na nandoon pa rin siya sa dating lugar ngunit sa ibang bahagi naman. Maayos siyang nakapwesto na kanyang ipinagtaka. Maging ang kanyang bali at mga sugat ay tila naghilom na rin. Bumangon siya at umayos ng upo. Sinalat ang sariling mukha. Maging ang mga braso niya at binti na puno ng sugat ay tila naghihilom na rin.

Luminga-linga siya sa paligid, tila may hinahanap ito. "Nasaan na kaya siya? Hindi ko man lang nakita o nalaman ang kanyang pangalan." pagkaraa'y tumayo siya't inayos ang punit at marumi niyang damit.

"Gayunpaman salamat pa rin sa kanya. Anuman ang kadahilanan niya kung bakit niya ako tinulungan ay hindi na mahalaga. Gaya ng sinabi niya hindi na ako nararapat na bumalik pang muli sa Tierra De Lobo."

"Kailangan ko nang umpisahan ang paglalakbay. Bahala na kung ano ang kasasapitan ko sa lugar na aking mapupuntahan." naglakad na ito at tinalunton ang diretsong daan patungo sa bukana ng lugar na hindi niya nasisiguro kung anong pangalan.

Bago pa man makalayo ng tuluyan muling lumabas ang sigmang tumulong kay Arvic upang manumbalik ang lakas nito, mula sa likod ng puno.

"Magpakalayo-layo ka Arvic, hindi ka nararapat sa aming lugar ang katulad mo ay wala nang puwang pa sa aming distrito. Kung tutuusin pwede na kitang hayaang mamatay ngunit mas minabuti kong tulungan ka na mabuhay upang danasin mo ang hirap sa lugar na iyong pupuntahan." bulong nito sa sarili.

Spain sa pareho na oras...

Pinatawag ng mga Elders si Aaric dahil nakaabot sa kanila ang ginawang pagpapalaya sa presong si Arvic.

Pagpasok ni Aaric sa bulwagan kita niya ang mga Elders na nakaupo sa kani-kanilang mga upuan.

"Maupo ka Kamahalan..." utos ng pinakamataas na Elder kay Aaric.

Umupo ito sa gitna kung saan napaligiran siya ng mga Elders.

"Ano iyon?" tanong ni Aaric matapos nitong makaupo.

"Napag-alaman ng mga Council ang ginawa mong pagpapalaya sa presong si Arvic na siyang dahilan kung bakit nawala ang dinadala mong anak, ng walang abiso sa amin na mga Elders." tumitig ito ng malalim sa bagong hari bago nagpatuloy.

"Baka nakakalimutan mo kamahalan na kailangan muna mapagkasunduan ng mga taga council ang konsiderasyon sa mga nagkasala bago ka magdesisyon." matiim itong tumitig sa hari.

"Samantalang si Lancelot hindi lingid sa atin ang ginawa niyang mga kasalanan at ginawang pagpatay sa dating Hari. Ang batas ay batas na dapat sundin. Sana hindi mo rin nagawa ang ganitong bagay kay Prince Lancelot dahil isa tong pagtataksil hindi lang sa kaharian ng Alhambria kundi pati na rin sa namayapang Alpha King." nakuyom ni Aaric ang kamao at pilit sinasalubong ang tingin ng mga elders.

"Mali ba ang magpatawad at bigyan ng ikalawang pagkakataon ang taong nagkasala?"

"Ipagpaumanhin ninyo bilang isang hari ay ninais ko na matigil na ang karahasan at patayan sa aking nasasakupan. Kung ipagpapatuloy ko ang batas ukol diyan ay walang kapayapaang magaganap." huminto ito saglit at humugot ng hininga bago nagpatuloy.

"Noong panahon na ako'y tinutugis hindi ba't gusto rin na ipapatay ang dinadala ko dahil sa kahihiyan iyon ng mahal na hari? Hindi ninyo alam ang pinagdaanang hirap ko kaya ganoon na lang kasidhi ang kagustuhan ko na wakasan na ang kaguluhan sa panahon ng aking panunungkulan. Hindi masusolusyunan ng isa pang pagkakamali ang isang maling nagawa." huminto ito at humugot muli ng malalim na hininga na tila pinipigilan ni Aaric ang sarili na huwag maging emosyonal sa alaalang iyon.

"Si arvic ay nagbayad na ng ilang buwan dahil bago pa man ako maupo nakulong ninyo na siya at halos ikamatay na niya. Nakagawa lamang siya ng kasalanan dahil sa nabulagan siya ng galit. Ano ang pinagkaiba kung sakaling hindi pinatay ni Arvic ang aking anak? Hindi ba't iyon din ang balak ng aking ama na ipatanggal ang aking anak dahil sa ako ang susunod na hari? Alam kong alam ninyo iyan! Ngayon sabihin ninyo sa akin ako nga ba ang hindi naging patas at hindi sumunod?" tumayo ito at muling nagsalita.

"Sa pagkakataong ito, ako ang masusunod!" tumalikod ito at humakbang papalabas.

"Sandali! Baka nakakalimutan mo Kamahalan na maari kayong matanggalan ng trono kung ipagpipilitan ninyo ang iyong pasya!" pahabol pa ng pinakamataas na elder.

Hindi na muling lumingon si Aaric at nagpatuloy na ito sa paglalakad.

Ilang saglit lang ay kinausap ni Aaric ang kanyang beta na si Hawk privately.

"Kamahalan." yumukod ito sa harapan ni Aaric.

"Kamusta ang paghahanap kay Lancelot?"

"Pinaghahanap pa rin po siya kamahalan." sagot ni Hawk kay Aaric.

"Kinausap ako ng mga Elders kanina, hindi sila makakapayag na hindi maparusahan si Lancelot. Kung ipagpipilitan ko ang nais ko maari akong matanggalan ng trono at mas lalong hindi ko magagawang proteksyunan ang aking nasasakupan" umupo ito sa kanyang swivel chair at dumikwatro habang ang mga daliri'y pinagsalikop.

"Ano po ang inyong binabalak na ipagawa Kamahalan?" tanong ni Hawk

"Kailangan nang matunton ang kinaroroonan ni Lancelot sa madaling panahon bago tayo maunahan ng mga epsilon." tumayo ito at humarap sa bintana.

"Hawk!"

Bb"Opo, Kamahalan." sabay lapit kay Aaric.

"Kapag nahanap ninyo si Lancelot, ipaalam ninyo sa akin kaagad at ako ang kakausap."

Bumaba si Hawk at nagpaalam na

Mamaya'y biglang may kumatok...

Pinagbuksan ito ni Hawk at pinapasok ang bagong dating. At dali-daling umakyat si Hawk upang ipaabot ang balita.

"Kamahalan" yumukod ito at nagpatuloy.

"Natunton na po ang kinaroroonan ni Prince Lancelot."

"Okay hintayin nyo ako sa ibaba, maghanda kayo at pupuntahan natin. Siguraduhin ninyong walang makakaalam o makakasunod sa atin."

"Opo." sabay na sagot ng betang si Hawk at omegang si Enamus at ilang soldiers.

Pagdating sa bahay ng pinagtataguan ni Lancelot, nagulat ito ng madatnan niyang nandoon na sina Aaric.

Lalabas na sana ulit si Lancelot upang tumakas ng harangin ito ni Hawk.

"Sandali, hindi kami nandito para hulihin ka." awat ni Aaric sa kanya na siyang dahilan upang mapahinto ito.

Humarap ito kay Aaric at tila nagtataka ang ekspresyon ng mukha nito.

"Pinatatawad na kita, Lancelot. Bilang isang bagong hari. Nais ko nang matigil ang karahasan at patayan sa aking nasasakupan. Magpakalayo-layo ka at 'wag nang babalik dito. Tutulungan ka ni Hawk na makaalis ng bansa. At palilitawin kong pinasunog ko ang bahay na ito kasama ka para isipin nilang pinapatay na kita bilang parusa." tumayo ito at lumapit kay Lancelot.

"Tandaan mo, namatay na si Lancelot dahil sa natagpuan na namin kung saan ka nagtatago at sinunog ang bahay kasama ka. Kaya huwag mong sayangin ang pagkakataon na binigay ko para saiyo." at tumalikod na ito at iniwang nakatigalgal si Lancelot.

"Tayo na po sa sasakyan Prince Lancelot." aya ni Enamus kay Lancelot.

At ibinigay nito ang mga papeles, passport, passbook at plane ticket kay Lancelot na bago na ang pangalan.

"Sandali kailangan ko ang damit na suot mo ngayon. Ibigay mo sa kanya Hawk ang bagong damit na kanyang susuotin."

Agad naman hinubad ni Lancelot ang kanyang suot na damit at ibinigay iyon kay Hawk.

"Ipasok ninyo na ang pain natin at isuot sa kanya ang damit na hinubad ni Lancelot . Gawin ninyo na ngayon ang plano natin." At lumabas na si Aaric ng bahay.

"Opo kamahalan."

Ipinasok na ni Hawk ang kamamatay lang na omega na kasing taas at kasing katawan ni Lancelot at inihiga iyon sa kama at doon ay isinuot ang damit ni Lancelot . Kinuha nito ang isang baldeng gasolina at ibinuhos sa katawan ng bangkay atsaka lumabas ng bahay at ni-lock muna ang seradura bago ito hinila pasara.

Nang matantiya na nila na nakalayo na sina Enamus at Lancelot.

Saka binuhusan ni Hawk ang paligid ng bahay at sinindihan ito.

Habang tinutupok ang bahay kasama ang bangkay ay tumawag si Hawk sa Epsilon at Elders upang ipaalam na natunton na si Lancelot at kasalukuyan na itong pinasusunog ng Hari na si Aaric.

Habang pinagmamasdan ni Aaric ang natutupok na bahay...

"Palarin ka nawa sa bansang pupuntahan mo Lancelot.