Xaiyi Point of View:
Ilang araw na din ang nakakalipas mula nung anniversary ng kompanya nila Hyden pero hanggang ngayon ay hindi ko parin makalimutan ang mga nangyari sa araw na iyon.
Sinubukan kong tanungin si Hyden tungkol sa lalaking nagpakilala bilang asawa ko pero kukunti lang ang impormasyong nakuha ko. Tulad na lamang kung papaano kami naging mag-asawa at kung anong naging takbo ng pagsasama namin.
Nalaman ko rin dito na bago pa man ako maaksidente ay nakatakda na rin kaming maghiwalay, nang sa ganoon ay may pagkakataon na sila ng kakambal ko na magsama.
Hindi ko lubos akalain na pumayag ako sa ganoong set up. At ang mas nakakagulat pa ay ang mismong magulang ko daw ang pumilit sa akin.
And aside from that ay hindi ko rin makalimutan ang lalaking tumawag sa akin nung gabing iyon.
He's voice sounds serious and happy and happy at the same time. And I don't know why but the way he called me 'Princess' and mentioning my name and my grandparents names, creeps me out.
I heavily sighed when my phone suddenly ring.
Tumayo ako sa pagkakaupo sa kama ko at inabot ito tsaka tinignan kung sino ang tumatawag. Si Hyden lang pala.
I answered the call and put the phone to my right ear. "Hello."
"Are you done preparing?" Agad na tanong nito sa kabilang linya.
"Yeah. How about you?" I asked back.
"I'm on my way. Just wait me there and inform Kean that I call you. You guys wait for me outside your gate. I'm almost there."
"Okay. Drive safely."
"Yeah. Thanks. I'll hung it up now. Bye." Paalam nito at ibinababa na din ang telepono.
Hindi na ako nagsayang pa ng oras at agad tumungo sa kwarto ni Kean.
I knock the door three times before I opened it.
"Kean." Pasilip kong tawag sa pintuan ni Kean. At nakita ko siyang nakatayo sa bandang gilid ng kama niya habang nakahanda na rin ang maleta niya.
Tumingin ito sa akin at saka ngumiti. "Hey." tanging wika lang nito nang magtagpo ang mga mata namin.
I smiled back and asked him if I can enter his room. Kahit lagi naman ako sa kwarto niya para manuod ng movie ay nagpapaalam parin naman ako rito.
Tumango lang ito bilang sinyales. Kaya naman ay hindi na ako nag-atubili pang pumasok. Dumeritsu akong kama niya at doon naupo.
"Tumawag pala sa akin si Hyden, pinapasabi na malapit na daw siya at sa gate nalang daw tayo maghintay." Pagpapaalam ko rito habang pinagmamasdan siyang nagpupunas ng buhok niya.
"Okay. Patapos na din naman ako." Sagot nito.
I smiled lightly tsaka tumayo at lumapit sa pwesto niya.
Kinuha ko sa drawer niya ang blower at saka ito isinaksak. "Sit." Utos ko rito habang nakaturo pa sa upuan na kaharap ng malaking salamin.
Hindi na ito nag-atubiling sumagot pa at agad nalang na sinunod ang utos ko.
Binuksan ko ang blower at saka sinimulan ang pagpapatuyo ng buhok ni Kean.
Hindi na rin naman 'to bago sa amin dahil sa ilang buwan naming pagsasama ni Kean ay talagang subrang kumportable kami sa isa't -isa.
Minsan nga ay inisip kong subrang swerte talaga ng mapapangasawa niya. Dahil bukod sa maasikaso, gwapo, mayaman at responsible ay subrang bait pa at madaling makasalamuha.
Medyo mahaba na rin kasi ang buhok ni Kean at talagang makapal din ito.
Pagkatapos kong patuyuin ang buhok niya ay agad ko na din ito inayos at sinuklay. And after a minute at tapos na din ako.
"There." I just said with satisfactory.
"Thanks." He said with a smile.
"Well. It's my pleasure to do your hair especially when you are this handsome." Pambubola ko pa.
I slightly laughed because of that and patted my head. "Then I'm flattered, Ms. Villaranda." Sagot pa nito kaya naman natawa nalang din ako.
"Oh sya. Kukunin ko na ang mga bagahe ko at baka mapagalitan na naman tayo ni Hyden." Paalam ko rito at agad na bumalik sa kwarto.
Baka ay nagtataka kayo kung bakit kami aalis at may kasama pa kaming maleta? Iyon ay dahil babalik na kaming Pilipinas kasama si Hyden.
Gustong-gusto ko kasi talagang makita kung papaano ang pakikitungo sa akin ng mga magulang ko doon lalo na ngayong nalaman ko na hindi pala ganoon kaganda ang pagtrato nila sa akin.
I really want to know everything about me and my past. And how did I end up like this. Thank goodness, Kean and Hyden are with me. For all the months that I've been stayin' with them, I can say that they were a true friends and trustworthy people.
Sino ba naman ang hindi magagawang magtiwala sa mga taong nagligtas sa buhay mo at inalagaan ka sa nagdaang mga buwan.
Pagkatapos kong kunin ang mga bagahe ko ay agad din akong nagtungo sa baba. Humingi na rin ako ng tulong sa isang katulong para sa iba ko pang bagahe.
Dumeritsu kami ni Kean patungo sa gate para hintayin si Hyden tulad nang napag usapan pero paglabas na paglabas palang namin ay agad na may bumusinang kotse papalapit sa amin. And we know that it was Hyd.
Huminto ito sa harapan namin at ibinaba nito ang bintana ng kotse. Nakangiti naman itong tumunghay bago bumaba ng kotse. "Hey." Bati nito tsaka lumapit sa amin. "Need help?" Pag-aalok nito ng tulong.
"Yes, please." Natatawa-tawa ko pang tugon rito.
Hindi na kami nagsayang pa nang oras at agad niya kami tinulungang ipasok ang mga gamit namin sa compartment ng kotse niya. At nang ipasok na namin lahat ng gamit ay agad na rin kaming pumasok at umalis.
Habang nasa biyahe ay nagpatugtog si Hyden ng mga Filipino songs or OPM nang sa gan'on ay hindi kami mabored. Medyo malayo kasi ang airport sa bahay namin kaya mas mainam na magpatugtog na rin muna kahit na panay kwento din si Hyden tungkol sa mga pinaggagawa niya sa buhay at panay rin ang asar niya kay Kean tungkol sa mga pinaggagawa nila dati sa tuwing umuuwi sila ng Pilipinas.
Tahimik lang akong nakikinig sa kanila habang tumatawa at paminsan-minsan ay nagtatanong din nang biglang pumasok sa isip ko na kung sakaling may naalala din ba ako ay madami rin ba kayang masasayang alaala sa Pilipinas? O kaya naman ay bukod kay Kean ay may iba pa kaya akong kaibigang naghihintay sakin d'on?
Mapait nalang akong napangiti at napatingin sa labas ng kotse. Dahil kahit anong gawin ko ay hindi ko na muli pang maaala nakaraan ko at ang tanging magagawa ko lang sa ngayon ay ang alamin iyon at magsimulang muli.
*************
09/20/2020
A/N:
Mamaya ko po ipopost ang isa pang chapter. Di pa tapos e. Pasensya na po talaga dahil hindi ko na po kasi talaga mabuksan ang WPS ko kaya inulit ko pa ang pagsusulat nito.
Ingat po tayo lagi at wag gaanong maglalabas lalo na't madami paring case ng Covid. Keep safe everyone and God bless. ♡