Bakit hindi maubos-ubos ang mga Beast Spirit? Paano nga ba nagkakaroon ng Beast Spirit at sino nga ba ang kumakalaban sa kanila at pumipigil sa kanila na sakupin ang mundo?
Ang mga ordinaryong tao ba? O ang mga nilalang na may kapangyarihang tinataglay? Bakit hindi nalang lahat ng tao ay magkaroon ng kapangyarihan para 'di lang ang mga Spirit Warrior ang nakikipaglaban. Iilan lang ang Spirit Warrior sa daigdig. Ang Beast Spirit ay hindi madaling talunin lalo na kapag kaya nitong kontrolin ang emosyon at sariling katawan nito.
Ehh pano kung may isang nilalang sa mundo na kalahating Beast Spirit at kalahating Spirit Warrior? Papatayin ba siya nang kapwa niya warrior dahil may dugong halimaw siya o makikipag-sanib pwersa siya sa kapwa niya halimaw para patayin ang mga kapwa niya warrior?
Isang propesiya ang iniulat ilang dekada na rin ang nakakalipas. "Isang babaeng Spirit Warrior at lalaking Beast Spirit ang tunay na magmamahalan. Isang napakalaking suliranin ang kanilang lilikhain sa mundong ibabaw ng dahil sa pagmamahalan nilang dalawa. Isang lalaking sanggol ang isisilang kasabay sa araw ng pag-sugod ng mga Spirit Beast sa mundo at sa pagkabuo nang pulang buwan. Isang lalaking sanggol na magtataglay ng napakalakas na kapangyarihan na walang makakahigit na sinuman."
Nung malaman ito nang mga Spirit Warrior na may isang lalaking sanggol na nakatakdang isilang bilang kalahating beast at kalahating warrior ay hindi nila alam ang kanilang gagawin, kung tatanggapin ba nila ang lalaking sanggol na may dugong halimaw na kapwa rin naman nilang warrior at para tulungan silang pugsain ang kapwa niya Beast? O kung ibibigay ba nila ito sa kalaban at makikipag-sanib pwersa sa kapwa niya Beast at papatayin ang kapwa niya Warrior?
Ayon pa sa propesiya ay dapat na maging handa lagi ang mga Spirit Warrior dahil sa tuwing lalabas ang pulang buwan ay mag-iibang anyo ang lalaking sanggol na ito. Magiging isa itong halimaw, halimaw na magtataglay ng napakalakas na kapangyarihan. Walang makakahigit, walang makakatalo sapagkat ang itinakdang lalaking sanggol ay napakalakas at hindi mahihigitan ng sinuman.
Maraming Spirit Warrior ang naaalma dahil sa hulang ito na may isang sanggol na mabubuhay sa kalahating Beast at Warrior. Marami rin ang hindi naniniwala dahil napakatagal na nang propesiya na ito at hanggang ngayon ay hindi pa rin nangyayari.
Hanggang noong October 8, 2000, 7:13 PM ay 'di inaasahang pag-atake nang mga Spirit Beast sa mundo, agad-agad na kumilos ang mga Spirit Warrior at naglikha nang mga puppet. Habang nagdidigmaan sila ay may isang Spirit Warrior ang nanganak ng sanggol na lalaki.
"GrRrRR..AaaAhhhHhhh!"
Isang lalaking sanggol ang ipinanganak nung araw na 'yun.
"Ha?! Aloisa, lalaki ang anak--" sabi nang matandang manggagamot at tumingin ito sa kalangitan. "Hindi, ito na ba ang araw na 'yun?.." bulong pa nang matandang babae habang buhat-buhat ang sanggol na lalaki na umiiyak.
Habang nagdi-digmaan ay may narinig ang mga Spirit Warrior at Beast Spirit na iyak ng sanggol, tumigil ang lahat sa paglalaban at nakuha ang atensyon ng napakalakas na iyak ng sanggol na nagmumula sa malayong lugar. Hindi ito maririnig ng mga ordinaryong tao. Ang tanging makakarinig lang nito ay ang mga Beast at Warrior. Kung dugong Beast ka at walang halong ibang dugo nang Warrior ay tanging Beast lamang ang makakarinig sa iyak ng sanggol sa unang araw na pagsilang nito. At ganun din sa Warrior, tanging ang Warrior lamang ang makakarinig ng iyak ng sanggol sa unang araw ng kapanganakan nito kung dugong Warrior siya at walang halong dugo nang Beast
Pero hindi, lahat napatigil, lahat narinig ang iyak ng sanggol. Nagtataka ang mga Spirit Warrior kung bakit naririnig ng mga Beast Spirit ang iyak ng isinilang na sanggol at ganun din ang mga ito.
"A-ang, propesiya! Nangyari na!" sigaw ng isang Spirit Warrior at nakuha niya ang atensyon ng lahat at napatingin sa kanya. Nadatnan ng lahat na nakatingin ito sa langit at nabitiwan nito ang hawak nitong sandata. Tumingin ang lahat sa langit habang patuloy pa rin nilang naririnig ang umiiyak na sanggol.
"Hindi, hindi--"
"Ang pulang buwan.."
"...paano na ang isang hula ay.."
"...hindi pwede ito...nagkatotoo ang..."
Opinyon ng mga Spirit Warrior at Beast Spirit na may emosyon at kayang kontrolin ang sarili. Hanggang sa pinagpatuloy nila ang digmaan at naubos ang Beast Spirit sa Spirit Warrior, marami ring warrior ang namatay dahil sa digmaan.
-----------------------------------
Ilang araw ang nakalipas ay nagtipon-tipon ang mga leader ng Spirit Warrior ng bawat bansa at pinag-usapan ang tungkol sa lalaking sanggol na may dugong Beast Spirit.
"Kaya ko kayo tinipon-tipon lahat para pagmeetingan natin ang tungkol sa propesiya.." sabi nang Punong-Maestro na si Triyubi.
"Ano nga na dapat yung dapat nating gawin dun sa lalaking sanggol na 'yun? Maestro?" tanong pa nang leader ng bansang Hikimawa.
"Kaya nga tayo nandito par ibigay ang sar-sarili nating opinyon kung ano ba ang gagawin sa lalaking sanggol 'di ba?" pamimilosopo pa ni Maestro Triyubi.
***
"Eh, kung ibigay nalang kaya natin siya sa mga Beast Spirit para walang gulo." dagdag opinyon pa nang leader ng bansang Yugumiki.
"ANONG IBIGAY?!" biglang sumulpot ang malakas na tanong sa gitna nang pag-uusap sa meeting na tanong ng leader ng bansang Hikimawa at Viklings.
"Hindi ba't sinabi rin sa propesiya na napakalakas ng sanggol na 'yun...kung ibibigay natin siya sa mga Beast Spirit ay papatayin niya tayong lahat..tayong mga Spirit Warrior." dagdag opinyon pa nang leader ng bansang Greetza.
"Imposible naman 'yun, papatayin niya ang kapwa niya warrior?" biglaang pagsulpot ng tanong naman ng leader ng bansang Red Whirl.
"Kung magpapatulong tayo sa kanya na talunin ang lahat ng Beast Spirit...tutulungan niya kaya tayo?" dagdag tanong rin ng leader ng bansang Ikunomvic.
"Eh, sa tingin mo ba kaya niyang patayin ang kapwa niya Beast Spirit para lang magkaroon ng kaligtasan sa mundo at ng dahil lamang sa napilitan lang siya?." dagdag sagot na tanong pa nang leader ng bansang Hikimawa sa leader ng bansang Ikunomvic.
Makalipas ang ilang minuto ay nagkagulo-gulo na ang lahat at ang halos hindi maintindihan ang kanilang mga sinasabi.
*Slam* Hinampas ni Maestro Triyubi ang lamesa.
Hanggang sa may naisip si Maestro Triyubi.
"Ba't 'di nalang kaya natin hintaying tumanda siya tapos hintayin natin yung sagot niya." dagdag opinyon pa ni Maestro Triyubi at umalis na sa meeting.
------------------------------------
Ilang taon na rin ang nakalipas nung ipinanganak ang half beast at half warrior.