"Miyuki." pagkalabas ko nang room ng Guidance Office ay tinawag ko agad si Miyuki at nagreact agad siya.
"Bakit?"
"Sabay na tayong umuwi, hatid na kita." pakiusap ko pa sa kanya at tumango siya at nginitian ako.
"Sige ba." wika pa ni Miyuki.
Pinuntahan ko na muna sa room ng nature club sina Victor at Mina para magpaalam na.
"Ghe, ingat ka.." paalala ni Victor at tiningnan niya si Miyuki.
"Oh, ayan ahhh, ingatan mo rin yan!" paalalang sigaw pa ni Victor at tumawa nang kaunti si Miyuki at ako.
Nasa labas na kami nang kampus, wala nang masyadong tao kase 5:38PM na. Habang naglalakad ay nagkwe-kwentuhan kami. Nagtatawanan kami, sa totoo lang ang gaan niya kausap eh. Ang sweet minsan ng mga sinasabi niya, yung mahinhin na salita, di yung sweet words ah, kagaya nang 'i love you' di yun, iba na yun ehh.
Tinanong niya sa akin kung ano raw ang address ko so i tell it to her and i walk her to go my apartment.
"Ang laki rin pala nang apartment na tinitirhan mo, Kai." opinyon pa niya at nginitian ko siya.
"Haha, oo nga ehh, kaso ako lang nakatira." sagot ko pa at tinggal ko tung necktie ko.
"Eh, bakit naman?"
"Long story kase ehh, pag-usapan nalang natin yun soon, kapag freetime." dagdag sabi ko pa at tinanggal yung polo ko.
***
Maghuhubad siya sa harap ko mismo? Nakatalikod naman siya sakin eh tas nakaharap ako sa kanya, so di niya alam na nakatingin ako sa kanya.
"Miyuki, teka, naiilang ka?"
"Haha, pano mo nasabe?"
"Wala."
Tumingin ako bigla sa may kanan ko at paglingon ko ulit sa kaliwa,.. Ow my- anlaki nang muscle niya, sayang kase nakasando siya, di ko tuloy nakita kung maganda yung katawan niya sa likod. Bakit ganto ako mag-isip, hayy, ang misyon ko ay ang pa-ibigin siya at-
"Miyuki, may gagawin ka ba bukas? Wednesday palang naman bukas ehh, free akk kaya wala akong gagawin, tara gala tayo?" pamungmahi pa niya at medyo na natameme ako. "Ano Miyuki? Pwede ka ba bukas?" tanong pa niya habang nagkakalkal ng damit niya sa orokan.
"Wala rin naman akong gagawin, tara gala nalang tayo."
"Haha."
Ng matapos na magbihis si Kai ay umalis na kami para alamin kung saan ako nakatira at para ihatid na rin kase 6:12PM na. Habang naglalakad kami ay nagkwe-kwentuhan rin, may mga sweet moments o pagiging magalang at marespeto niya. Sa totoo lang ang gaan niya kausap, para bang na...
"Dito pala yung bahay mo."
"Bakit?"
"Wala."
Nagtataka ako sa biglang sinabi ni Kai habang seryosong nakatingin sa may bahay namin. Parang naging cold si Kai, napatahimik siya, di ko alam pero parang may alam siya tungkol sa bahay nato.
"Bakit natahimik ka Kai?"
"Sorry, parang pamilyar kase yung lugar na to sakin eh." Wika pa niya at nilingon-lingon ang mata niya sa kaliwa at kanan. "Di ko alam kung saan o kelan pero parang napakapamilyar talaga sakin nitong bahay nato ehh."
"Talaga Kai? Baka sa panaginip mo lang yun." opinyon ko pa at kumuha nang damit ko na pamalit sa orocan.
Nadatnan kong nakatulala si Kai habang nagkakalkal ng mga damit ko.
"Ok ka lang ba Kai?" tanong ko pa at bigla siyang nagsalita.
"Alam ko na, to yung dating bahay ni Ms. Jessy Santos. Yung famous na Spirit Warrior na nasa rank A position 1. Kilala mo ba siya?" tanong pa niya at pumasok na ako sa c.r. at dun na sumagot.
"Oo naman, siya kaya nagbigay nito kay mama." natahimik bigla si Kai, di ko alam kung anong dahilan pero parang may nasabi akong mali. "Kai, bat natahimik ka?"
Ng lumabas na ako nang c.r. ay nadatnan ko siyang nakatingin sa mga dingding ng bahay namin at napapakunot siya bigla. Seryoso ang mukha niya, di manlang tumingin sakin nung lumabas ako nang pinto.
"Miyuki.."
"Bakit?"
"Kamag-anak mo ba si miss Jessy?"
"Ahhh, oo. Bakit?"
"Wala, natanong ko lang." sagot pa niya at nginitian ako.
"Ano, tara na." pamungkahi ko pa at tumayo na siya at umalis na kaming dalawa sa bahay.
Anseryoso niya talaga kanina, pero infairness rin ahh, ampogi niya tingnan kapag seryoso siya. Cute na, pogi pa. Haha. Bakit ganto yung mga sinasabi ko haha, umiiral nanaman yung kalandian ko ahhh, joke.
Kinausap ko si Kai nang masinsinan.
"Kai, bakit ka biglang natahimik? May problema ba? O may naalala ka lang?"
"Wala, may naalala lang ako sa bahay."
***
Dating bahay ba talaga ni miss Jessy yun, hay, naalala ko nanaman si miss Jessy. Si miss Jessy, siya yung guro ko nung first year junior high ako. Mabait siya, mapagkumbaba, higit sa lahat ang pagiging maunawain niya bilang isang guro at bilang isang pangalawang magulang ko.
Isa rin siyang Spirit Warrior, alam niyang Mirror ako pero kahit na alam niya na Mirror ako, di niya ako pinagtabuyan, sa halip, tinanggap niya yung pagkatao ko kahit na isa akong Mirror.
~Flashback~
"Ma'am Jessy." tawag ko pa sa kanya at tinanong niya agad ako.
"Bakit? May problema ba?"
"Ma'am, tinutukso po ako nang kaklase ko."
"Sino?"
"Si Aldrin pati si Josh."
"Oh sighe, hayaan mo, ipapa-guidance natin sila,..oh tahana-tahana, wag na iyaaak, sighe papangit ka."
~End of Flashback~
***
Tinanong ko ulit si Kai kase napatahimik nalang siya bigla ulit.
"Kai.." tawag ko pa sa kanya pero inunahan niya ako.
"Alam mo kung saan nakatira si miss Jessy?"
"Ahh, oo, bakit?"
"Nothing, i just don't have any news with her ehh."
***
Ibig sabihin close niya si tita? Eh parang nung nakaraan lang..