Chereads / My Love That I Need To Kill / Chapter 3 - Close-Friends

Chapter 3 - Close-Friends

"Um guys, sa biyernes nalang tayo mag-announce, kailangan ko muna kaseng ilibot sa campus si Miyuki. Let's go Miyuki." sabi ko pa sa kanila at tumangi si Miyuki at lumabas na kami.

"Ingatan mo 'yan ahhh." dagdag sabi pa ni Mina at tumawa nang kaunti si Miyuki at ako.

"Oo." dagdag sabi ko pa.

***

Habang nililibot namin ang campus ay hindi kami masyadong nag-uusap. Ang tahimik niya, ang totoo nga niyan, maraming nagtitinginan samin kase magkadikita na magkadikit talaga kami.

"Kai..." sabi pa niya at sinundan ko agad.

"Ay! Oo nga pala, kailangan kong kunin ang cellphone number mo para kung sakaling may emergency sa club, matatawagan kita agad, at sila rin." sabi ko pa at inabot niya sa akin yung calling card niya.

"Kai.."

"Oh.." sagot ko pa at umupo kami sa bench sa garden.

"Hindi ba't isa kang Spirit Warrior?" tanong pa niya at nagulat ako.

"Pa-pano mo nalaman?" mulat na mulat ang dalawang mata ko nung tinanong ko siya.

"Madali lang, dama ko yung presensya mo bilang isang Spirit Warrior at..." sabi pa niya at mas lalo akong nagulat kase hindi ko naman dama ang presensya niya as a Spirit Warrior. "..at ang pagiging isang Beast Spirit mo." dagdag sabi pa niya at napabuntong hininga ako.

"Kilala mo pala ako, ikaw? Pano ba kita makikilala? Nang lubusan?" seryosong tanong ko sa kanya at tinawanan niya ako.

"Lubusan agad? 'Di ba pwedeng maging friends muna tayo." sabi pa niya at nginitian ko siya.

"So..friends?" tanong ko pa sa kanya at kinontra niya ako.

"Bestfriend?" opinyon pa niya at tumawa ako nang mahinhin.

"Gheghe, from now on, we are a closet friends." sabi ko pa sa kanya at tinawanan niya ako.

***

Yan, kailangan ko siyang mabihag sakin para matapos agad ang misyon ko sa kanya.

***

"Ba't parang tulala ka?" tanong ko kay Miyuki at nginitian niya lang ako.

"Libutin pa natin yung campus, sobrang laki kase ehh." opinyon pa niya at tumango ako.

Tumayo ako at naglibot muli sa campus. Madaldal pala siya, kala ko tahimik, ganito ba talaga kapag may bestfriend ka? Hindi eh, parang iba yung nararamdaman ko ngayon, para bang may gusto siyang gawin sakin na parang 'di niya magawa, pero hinala ko lang 'yun, 'wag dapat akong manghusga sa kanya lalo na't mag-bestfriend na kami at member siya nang club na ginawa ko.

Matapos naming libutin ang campus at ang pagkwe-kwentuhan ay dumiretso na kami sa room ng nature club.

"We're back" bati ko sa kanila at nakangiti silang dalawa sa akin.

"Kai haa, nakita namin 'yun ahhh, baka idinay mo pa ahhh." pabirong sabi pa sakin ni Victor at tumawa ako nang pa-awkward.

"Haha, ano nanaman 'yun?!" natatawang tanong ko sa kanya at umupo na kami ni Miyuki, magkatabi kami ni Miyuki at nasa harapan naming dalawa yung dalawang monggoloid kong kaibigan.

"Walaaaa, sabii kooo, BESTFRIEND!" sigaw pa ni Victor at nagulat ako kaya napatawa nalang bigla, pati rin si Miyuki, napatawa.

"Ibig sabihin sinundan niyo pala kami kanina." dagdag sabi ko pa at nagbuklat ng libro ng 'Hystory of Natures'.

"Haha, syempre naman, kami pa ba?" dagdag sabi pa ni Mina at tumawa ako nang kaunti at pati rin si miyuki.

"Miyuki, can you put your signature here need lang kase para ma-prove na kumpleto na yung miyembre nang nature club." pakiusap ko pa at pinirmahan niya ito. "Salamat, BTW aalis muna ako, bigay ko lang kay Ma'am Gina." sabi ko pa sa kanila habang busy sila sa kakaresearch about nature kaya't tumango nalang sila.

Habang naglalakad ako sa hallway ay may naramdaman akong kakaiba kaya napalingon ako sa salamin sa hallway namin at may nakita akong isang Beast Spirit sa likuran ko. Kasing laki ko lang siya at parang gelatin ang katawan niya at nanlalambot ito, may mga mahahabang kuko ito at mahahabang pangil. Agad akong tumakbo dahil wala akong kapangyarihan, walang kapangyarihan ang Mirror in short ako.

Tumakbo ako nang tumakbo at patuloy niya akong inaatake. Nakakailag naman ako kase marunong ako sa martial arts.

"Ahhhhhh" sigaw ko pa habang tumatakbo palayo. Hanggang sa naramdaman ko na wala na siya kaya huminto muna ako at para huminga.

"Ha..ha..ha.. Muntik na ako ako dun ahh." bulong ko pa sa sarili ko at may naramdaman akong malakas na hangin sa bandang likuran ko kaya lumingon ako.

Nung lumingon ako sa likuran ko ay nakita ko ang Beast Spirit na tumalon mula sa taas papunta sa akin kaya't napasigaw ako at nabitawan ang hawak-hawak kong mga papel. Nag tatatakbo ulit ako at iniilagan ang mga atake niya, gelatin na gelatin talaga ang dating niya kase ang lambot ng buong katawan niya at na i-stretch niya ito.

Tatalon, yuyuko at tatakbo. Yun ang ginagawa ko pero pagod na pagod na talaga ako hanggang sa nadapa nalang ako at di na kinayang tumayo.

"Ha..ha..magiging isa nanaman akong Beast." bulong ko pa sa sarili ko at inilagay yung dalawang mata ko sa braso at huminga nang malalim at hinintay ang atake nang Beast Spirit.

***

Mga ilang segundo na ang nakalipas ay di ko pa rin nararamdaman ang atake nang Beast Spirit kaya tumayo ako at nakita kong may sumaksak sa kanya mula sa likuran, tagos ang Sword na nakasaksak sa katawan ng Beast Spirit at naglaho ito at naging isang Crystal.

Ng maglaho ang Beast Spirit ay nakita ko si Miyuki at nagulat ako dahil ang kinang at ang laki ng Sword na hawak niya. Parang di siya nabibigatan sa Sword kase kung tutuusin lang di ko kayang buhatin ang Sword na yun.

"Kai, ok ka lang?" tanong pa niya sa akin habang gulat na gulat na nakatingin sa hawak niyang Sword na halos dalawang hita nita ang laki. "Huy! Kai, ok ka lang bA?!" natatawang tanong niya sa akin at binitawan ang Sword na hawak niya at nag-disappear ito.

"Ha? Oo naman, medyo masakit lang yung paa ko kase nakipag-patintero pa ako dun sa lintek ba Beast Spirit na yun." naiiritang sabi ko pa nang may halong tawa sa bandang huli kaya't napatawa na lang rin ri Miyuki.

Pinulot ko yung mga papel na nahulog at lumingon ako kay Miyuki na nadatnan kong nakatingin sakin.

"Bakit?" i tried to question her but she shook her head and she lead me. "BTW, thanks for saving." nakangiting pasasalamat ko pa sa kanya.

"Welcome."

***

Kailangan ko siyang mabihag, mapa-ibig sa akin para matapos na agad ang misyon ko.

***

Nang makarating kami sa Harap ng Guidance Office ay iniwan ko na muna siya at finollow-up yung papel para ma-prove na kumpleto na kami sa club.

***

Sa tingin ko, magiging madali lang to sakin, di naman siya mahirap pa-ibigin.