Chereads / My Love That I Need To Kill / Chapter 5 - One Year Ago

Chapter 5 - One Year Ago

*Ring~Ring*

Habang naglalakad ako pauwi sa bahay galing school ay biglang may tumawag sa number ko.

*Ring~Ring*

Agad kong kinuha yung cp sa bulsa ko at nakita ko na si tita ang tumatawag kaya sinagot ko agad.

"Hello, Miyuki, is this you?"

"Opo tita, bakit po kayo napatawag?"

"Pwede ba tayong mag-usap, hintayin kita mamayang 7PM sa Jikko's Restaurant. Asahan kita doon."

"Teka, tita ba--" di na ako nakapagtanong pa kase hinang-up niya na yung tawag.

5:39PM palang kaya dumeretso na muna ako sa bahay, natulog muna ako para makakuha nang lakas...

***

*Ring~Ring*

"Haa, sino ba yung tumatawag na yun?"

*Ring~Ring*

"HAYY, INAANTOK PA AKO EHHH!"

Kinuha ko yung cp ko dun sa flotbox na nasa tabi ko at agad na pinick-up.

"Hello.."

"Miyuki, nasan ka na? 7:09 na."

Ha?! Oo nga pala, may meeting pala kami ni tita, hayyyy, napasarap kase yung tulog mo Miyuki eh, yan tuloy.

***

"Tita, pasensiya na po, late nang dating, hehe." bati ko pa kay tita at nginitian niya ako. "By the way, ta ano po ba yung pag-uusapan natin?"

"Sandali lang naman tayo dito, Miyuki." nagulat ako sa seryosong pagkasabi ni tita kase bihira ko lang marinig sa kanya ito.

"A-ano po ba yun?"

"Kilala mo naman siguro si Ezred right?"

"Ezred.. *Shock* ..oo ta, bakit?"

"Nabalitaan mo na ba ang nangyari sa kanya simula nung pinagbantaan niyang tapusin ang Mirror?"

"Mirror..si Kai po ba?"

"Oo." sagot pa niya at humigop ng kape.

"Alam mo naman siguri kung ano ang nangyari sa kanya?"

Naalala ko nanaman yung pinaka-masaklap na nakita ko sa buong buhay ko ay ang pagtangkang pagpatay ni Ezred kay Kai. Si Ezred ay isang magaling na Spirit Warrior, pinsan ko siya, mas magaling pa siya sa akin.

~Flashback~

"Miyuki, may ipapanood ako sayo." sabi pa nang pinsan kong si Giro.

"Ano nanaman yun, busy ako."

"Bilisan mo na, nakaka-ano lang kase tong video na papanoorin natin."

"Ayoko nga, busy nga ako."

"Tungkol kay Ezred at Kai to."

Di ko alam kung bakit pero napatigil ako nang sinabi sakin ni Giro na tungkol kay Ezred at Kai ang papanoorin naming video.

"..patingin nga."

Pinanood namin ang video at sa intro pa lang makikita na agad si Ezred at Kai na nag-uusap, hindi rinig yung boses nilang dalawa kase nakalong-shots to. Nabigla ako nung nilabas ni Ezred ang Sword of Freedom. Napaatras ng kaunti si Kai nang makita niya yun. Humakbang nang tatlong beses palapit si Ezred kay Kai at umatras rin ito nang tatlong beses hanggang sa napasandal ito sa pader nito sa likuran, nasa isang factory sila, medyo malaki ang lugar.

*Shock*

"Bat sinaksak ni Ezred si Kai?"

"Bastaaa, panoorin mo nalang."

Nakakagulat talaga grabe, sinaksak niya si Kai sa dibdib nito nang walang pagdadalawang-isip manlang. Mga ilang segundo ang lumipas ay parang nawalan na nang hininga si Kai kaya tinanggal na ni Ezred ang Sword of Freedom. Nakakaawa si Kai, wala manlang siyang laban. Nung tinanggal na ni Ezred ang sword ay biglang nag-pump ang lupa, parang tumibok yung lupa-hindi tumibok talaga ito at nagulat ako nung biglang binangon ni Kai ang katawan niya sa posisyon kung saan ay nakaluhod siya. Naramdaman ito ni Ezred kaya lumingon ito sa likuran niya.

"Anong naiisip mo nayon, Miyuki?"

Hindi ko na nasagot yung tanong ni Giro sa sobrang pagfocus ko sa cp.

Biglang sumigaw ng napakalakas si Kai at...nag-iba nang kaunti ang itsura nito, walang masyadong pinagbago sa kanya bukod sa bibig at kamay niya. Nagclose-up bigla yung camera kaya nakita ko, nakita ko yung mahahabang kuko sa kamay ni Kai at naging matulis lahat ng ngipin niya, nakakagulat rin kase naging itim ang kulay puting mata niya at naging pula naman ang itim niyang mata. Nung sumigaw si Kai ay biglang kumurap-kurap ang camera nang video at tuluyan na ngang natapos yung video.

"What the.." react ko pa kase nakakabitin.

***

Mga ilang araw na rin mula nung pinanood sakin ni Giro yun kaya nag-alala ako kay Ezred kase di na rin ako nagkaroon ng balita sa kanya since last month pa nung magta-travel raw siya. Tinawagan ko siya nang paulit-ulit pero di niya sinasagot kaya ang tinawagan ko ay si tita.

"Heloo, ta?"

"Oh Miyuki, napatawag ka?"

"Alam niyo na po ba kung anong nangyari kay Ezred?"

"Ibig sabihin nakarating na pala sayo yung balita. Oo, bakit?"

"Ahh, kukumustahin ko lang po sana siya kase nag-aalala na po ako ehh."

"..maayos naman na yung lahay niya, may mga kalmot at injured nalang siya, pero wag ka mag-alala, pagaling na siya."

"*Sigh* buti naman, sighe po tita, salamat po sa balita.

"Walang anuman."

~End of Flashback

"Opo, bakit po ba?"

"Gusto ko sanang patayin mo ang Mirror." sabi pa ni tita at nagulat ako nang sobra.

"A-ba-bakit ko naman gagawin yun?" nangangatog na sagot ko pa.

"Isa siyang malaking suliranin sa bansa natin..simple lang naman ang gagawin mo ehh, linlangin mo siya, pa-ibigin mo siya at tsaka mo siya saksakin gamit ang The Great Sword of Powerful Minister at saksakin mo siya sa dibdib."

"Pero tita, nakita niyo po ba yung ginawa ni Ezred? Mas malakas at mas makapangyarihan pa yung sword niya kesa sakin at di niya pa napatay yung Mirror?"

"..paibigin mo lang siya, yun yung natatanging pangontra sa Mirror... *Stand-up* sige na, umuwi ka na, maaga ka pa bukas."

Umalis na si tita at natulala ako sa mga sinabi niya, wala manlang akong nagawa para mapigilan tutulan siya at di manlang pinakinggan yung opinyon ko, bakit? Ganon ba talaga yung pagnanais niyang patayin si Kai, o gusto lang niyang magkaroon nang kapayapaan?