My Twelve Girls In Christmas 02
December 01
Panibagong araw na mayroon maaliwas na umaga.
Sa loob ng isang apartment room ay mayroon nakahigang isang lalaki sa itaas ng isang double-deck na kama habang ito ay mahimbing na natutulog.
"Anak, Gising ka na ba? Kung gising ka na, bumangon ka na diyan. Hindi ba may pasok ka ngayon. Anong oras ba ang pasok mo sa trabaho?" sunod-sunod na saad pero sa malumanay na boses nang isang Ginang na nakatindig sa harapan ng pinto nang isang silid-tulugan habang bahagyang kumakatok sa pinto at may tinatawagan mula sa loob.
Ang nagsalitang Ginang ay si Aling Merly, ang ina ni Nicholas, ang binatang nangungupahan sa nasabing apartment room. Nang hindi tumutugon si Nicholas, binuksan ni Aling Merly ang pinto at pumasok ito sa loob.
"Uhmm!...." paungol na tumugon si Nicholas sa ina. Nakapatalikod ito sa ina habang hindi mapukaw mula sa pagkakahiga sa hinihigaan nito kahit niyuyugyog na ni Aling Merly ang balikat nito.
"Aba! Nico, Anak! Bumangon ka na diyan. Hindi ka ba papasok sa iyong trabaho?"
"Hayy, ang ingay ninyo naman po Inay." nanlalamya at inaantok na tugon ni Nicholas sa ina pero sa halip na bumangon ito ay nagtalukbong pa ito ng kumot.
"Bumangon ka na kasi diyan. Baka ma-late ka na sa trabaho mo, Anak!"
"Nakahain na nga pala sa lamesa ang aalmusalin mo. Kumain ka muna bago ka umalis." sabi ng ina nito sabay alis sa kumot na nakatalukbong kay Nicholas at muling niyugyog ang balikat ni Nicholas.
"Anong oras na po ba Inay?" malumanay na tanong nito at bumangon na mula sa pagkakahiga sa kama. Kinusot-kusot ang mga mata sabay hikab habang nanatiling nakaupo sa ibabaw nang kama. Sa itaas ng double-deck nakapuwesto si Nicholas. Ang buhok nito ay magulo at tamad na tamad ang hitsura nang mukha.
"Mag-aalas nueve na, Anak." sagot ng ina ni Nicholas. Tila hindi pa kaagad naintindihan ni Nicholas ang sinabi nang ina kung kaya't pinaulit muli ni Nicholas ang sinabi ni Aling Merly.
"A--ano po ulit? Alas nueve na po?" tugon nito habang nanlalaki ang mga mata. Kunot-noo naman na nakatingin si Aling Merly sa anak pero sa halip na sumagot ay tumango na lang ito bilang tugon.
"Patay ako nito! Late na po ako." napahiyaw si Nicholas habang nagmamadaling bumaba ito mula sa itaas nang double-deck. Muntik pa itong matalisod pagkababa nang kama sapagkat natapakan nito ang magkapatong na pares nang tsinelas na nakalagay sa sahig. Hindi kasi ito nakatingin sa nilalakaran dahil nga nagmamadali ito kaya hindi nito napansin ang tsinelas.
"Iyan na nga ba sinasabi ko sa iyo, Nico. O, siya kumilos ka na, pero bago ka pumasok sa trabaho mo, kumain ka pa rin kahit kaunti para malamnan ang tiyan mo. Alangan naman pumasok ka sa trabaho mo nang wala man lang kalaman-laman ang sikmura mo." napapailing na saad ni Aling Merly.
"Hindi na po ako mag-aalmusal, Inay! Aalis din po kaagad ako. Late na late na po ako sa trabaho ko at mas lalo akong mala-late kapag nag-almusal pa ako." nagpapaliwanag na saad ni Nicholas habang nasa harapan ito nang isang aparador na yari sa kahoy na nakapuwesto malapit sa double-deck na kama. Hinahagilap nito ang mga damit na isusuot. Ang mga damit na iyon ang ginagamit nito sa pagpasok sa trabaho.
Kinuha nito sa loob nang aparador ang isang Brown Khaki Pants, isang pares ng White Socks at kulay Grey na short sleeve shirt na may naka-imprentang logo sa kanang bahagi nang damit. Ang logo ay sinisimbolo ang kumpanya kung saan ito nagtatrabaho at kung anong klase nang trabaho ang mayroon si Nicholas. Ang logo ay may kinalaman sa isang Amusement Park. Sa likuran naman ng shirt ay naka-imprenta ang salitang Mechanic na mayroon kulay na itim at puti. Sa isang sulok ay mayroon isang drawer box at doon nakalagay ang iba pang damit nito. Doon kinuha ni Nicholas ang underwear, puting malaking towel at belt na itim.
"Sigurado ka ba Anak? Baka magutom ka habang nagtatrabaho."
"Okay lang po ako Inay! Ngayon lang naman po nangyari ito sa akin. Kasalanan ko rin naman po dahil hindi ako gumising nang mas maaga."
"Sa tanghalian na lang po ako babawi." malumanay na tugon ni Nicholas habang tinitingnan kung mayroon pa ba itong nakalimutan.
"O siya sige, mukhang hindi naman kita mapipilit na mag-amusal. Tutal naman nakapagluto na ako nang pang-almusal natin, sa biyahe mo na lang kainin iyon ipapabaon ko sa iyo na pagkain."
"Kainin mo iyon nang hindi ka malipasan ng gutom." may awtoridad na tugon ni Aling Merly.
"Sinigang na baboy at iyong natirang adobong pusit kagabi na ipinainit ko, ang pagkain babaunin mo na pantanghalian."
"Hamburger-sized Bun naman ang binili kong tinapay kaninang madaling araw diyan sa isang Bakery Shop sa may kanto para mabusog ka. Ano ba ang gusto mong ipalaman ko sa tinapay? Fried o Scramble Egg o Hotdog? Iyon lang kasi ang almusal natin at mas madali din itong kainin kahit nasa biyahe ka."
"Kahit alin po sa mga nabanggit ninyo." nakangiting sagot ni Nicholas habang nakatingin ito sa ina.
"O siya sige, kakainin mo iyon para malamnan ang sikmura mo at nang may lakas ka habang nagtatrabaho." dagdag na mga tagubilin ng ina ni Nicholas habang nakatayo ito malapit sa pintuan nang silid-tulugan.
"Sige po Inay, Salamat! Kayo na po ang bahala sa babaunin kong pagkain! Magbubuhos lang po ako saglit sa banyo!" sabi na lang ni Nicholas at dali-daling lumabas nang kuwarto pagkatapos makakuha nang mga damit na susuotin. Umalis na rin sa harapan nang pintuan si Aling Merly at nagdiretso ito sa may kusina.
Mga ilan minuto pa ang lumipas ay nakabihis nang lumabas ng banyo si Nicholas. Ang buhok nito ay gulo-gulo at mamasa-masa pa. Sa banyo na rin ito nagsipilyo at naghilamos.
Palibhasa hindi sa tamang oras ito nang magising kaya hindi na nagawa ni Nicholas ang magplantsa nang mga damit na pamasok sa trabaho. Nahihiya naman itong magsabi sa ina kaya hayun, ang suot nitong mga damit ay gusot-gusot at tila hahabulin na ito ng plantsa. Iyon din ang unang pagkakataon na mahuhuli ito sa pagpasok sa trabaho.
Sinalubong si Nicholas ng ina nito na kanina pa inaabangan ang paglabas ni Nicholas sa banyo at sabay iniabot ang ibinalot na pagkain na kinuha naman ni Nicholas at isinilid sa loob nang isang sling bag na bitbit nito. Medyo nangungupas na ang kulay nang sling bag at may ilan gasgas na rin ito o kaunting tuklap ang balat sa ilalim na parte nang bag at ilan parte nang gilid nang bag.
Napatingin naman si Aling Merly sa suot na damit ni Nicholas maging sa suot nitong sapatos na nangungupas na rin ang kulay ngunit hindi na lang ito nagsalita.
"Oo nga pala, Anak. Hindi ba mayroon kang cellphone, kung may bakanteng oras ka sa pinagtatrabahuhan mo, tumawag ka naman sa akin kahit saglit lamang at nang malaman ko naman kung ano ang nangyayari sa iyo sa labas." may pag-aalalang mababanaag sa mga mata at tinig ni Aling Merly habang nakatingin ito sa anak.
"Ahh, Opo, Inay! Sige po Inay, aalis na po ako!" sabi ni Nicholas sabay beso sa pisngi nang ina.
"Ingat Anak!" pahabol na tugon ni Aling Merly at tuluyan ng lumabas sa pinto si Nicholas at naiwan si Aling Merly sa loob nang apartment room na tinutuluyan ni Nicholas.
**********
Nakalabas na sa gate nang apartment building si Nicholas at nakatayo ito sa harapan nito habang naghahanda na sa pag-alis. Hindi pa naman nakakalayo ito ay tila may natapakan itong malambot na bagay na mayroon hindi kaaya-ayang amoy at umaalingasaw ito sa paligid kung saan nakatindig si Nicholas.
"Buwisit! Ang malas naman ng araw na ito. Nakatapak pa ako ng jackpot." inis na sambit ni Nicholas at sinipat nito ang kanang sapatos. Walang kakintab-kintab ang pares na suot nitong sapatos at halos kupasin nang tingnan. Tiningnan ni Nicholas ang natapakang dumi ng aso malapit sa harapan ng gate ng apartment at saka nagmasid-masid sa paligid upang tuntunin kung sino ang nagpadumi sa aso sa harap ng gate na iyon dahil sa unang tingin sa dumi ay bagong dumi lang ito nang aso.
Habang sinisipat-sipat nito ang paligid, napagawi ang tingin nito sa hindi kalayuan puwesto, sa may bandang kaliwa papunta ang direksiyon nang mga tingin ni Nicholas.
Sa tabi ng isa sa mga outdoor lamp post na nakapuwesto sa gilid nang sidewalk ay mayroon isang Manong na may kalakihan ang pangangatawan at pati na rin ang tiyan nito ay mabilog, ang nakatindig at tila may inaabangan ito. Hawak nito ang Harness na suot nang asong kasama at tila nakikipaglaro sa lalaki ang aso. Sa palagay ni Nicholas, isang Beagle ang breed nang asong dala-dala nang lalaki. Naninigarilyo din ang lalaki.
Nasa likuran nang mga outdoor lamp post ang mga wrought iron fence na nakapalibot sa buong paligid nang harapan nang apartment building.
Dahil sa inis na nararamdaman ni Nicholas, pinuntahan nito ang puwesto kung saan nakatayo ang Ginoong may alagang aso. Nais nitong pagsabihan ang lalaki dahil na rin sa inasal nito at para kay Nicholas maituturing na isang kabastusan ang ginawa ng lalaki.
"Mawalang-galang lang ho, Manong. Bakit naman ho sa harapan pa ng gate nang apartment ninyo pinadumi ang aso ninyong dala? Tingnan ninyo natapakan ko tuloy ito." medyo mahinahon pang saad ni Nicholas nang kulbitin nito sa balikat ang Ginoo. Nakaturo din ang daliri ni Nicholas sa sapatos na may dumi nang aso.
Nilingon si Nicholas nang Ginoo ngunit matalim ang tingin at halos magsalubong ang mga kilay nito. Napalunok nang laway si Nicholas ngunit hindi nito ipinahalata sa kaharap na medyo kinakabahan ito sa paraan nang pagtitig nang Ginoo.
"Sana pinulot ninyo man lang ang dumi o inalis ito sa harapan nang gate para hindi matapakan nang kahit na sino lalo pa at nasa harapan kayo nang isang Private Property." patuloy na pagsasalita ni Nicholas sa harapan ng lalaki. May posibilidad na mapa-away si Nicholas sa Ginoo nang mga oras na iyon pero isinantabi muna ni Nicholas ang pagpapasensiya dahil para dito kailangan masabi din nito ang saloobin sa harapan nang Ginoo.
"Aba, teka nga lang. Hindi ko nagugustuhan iyan tabas nang dila mo. Sa tono nang pananalita mo totoy, pinagbibintangan mo ako. Paano mo naman nasabi na sa aso ko nanggaling ang duming natapakan mo? Saka heto ang dumi ng aso ko, nasa plastic." paasik na sagot ng lalaki kay Nicholas sabay buga nang usok sa mukha ni Nicholas kaya napatakip sa ilong at bibig si Nicholas.
Dinuro pa ito nang Ginoo at ipinakita ang isang plastic na hawak nito. Kulang na lang ay ihampas nang Ginoo sa mukha ni Nicholas ang plastic na may laman dumi nang aso.
Nagtataka si Nicholas kung paano natitiis nang lalaking kaharap nito ang amoy nang usok mula sa sigarilyo at ang mabahong amoy nang dumi nang aso na nakalagay sa isang plastic na hawak ng lalaki. May basurahan naman sa paligid para itapon ang dumi.
Idagdag pa ang mabahong amoy na dulot nang dumi nang aso na natapakan ni Nicholas. Hindi nakapag-almusal si Nicholas at ipinagpapasalamat pa ito ni Nicholas dahil kung nagkataon na may laman ang sikmura nito malamang naisuka na nito ang lahat nang kinain dahil sa magkahalong amoy nang dumi ng aso at usok sa sigarilyo.
Napatitig na lamang si Nicholas sa hawak na plastic nang Ginoo na may laman dumi nang asong kasama nang Ginoo.
"Iyon sinasabi mong totoong nagkalat nang dumi sa harapan nang gate, hayun at pakalat-kalat sa daan." mataas pa rin ang tono nang boses nang Ginoong kaharap ni Nicholas habang nakaturo ang isang daliri nito sa kabilang kalsada kung saan nandoon ang asong tinutukoy nito.
Sinundan nang tingin ni Nicholas kung saan nakaturo ang daliri nang Ginoo. Nakita nito sa hindi kalayuan ang kinaroroonan nang asong dahilan nang pagkakaroon nang masangsang na amoy nang sapatos ni Nicholas. Katabi ng aso ang isang basurahan at pinalilibutan nang mga langaw ang basurahan maging ang aso dahil sugat-sugat ito at halos papatay na ito. Ang aso ay isang askal.
"Ganoon po ba! Naku! pasensiya na Manong, nagkamali ako nang akala sa inyo. Akala ko kasi katulad kayo nang ibang pet owner na hinahayaan na lang na magkalat nang dumi kung saan-saan lugar ang mga alaga nilang aso o pusa. Pagpasensiyahan ninyo na lang ho ako. Sige Manong aalis na ho ako at baka ma-late na ako sa trabaho." mahabang pagpapaliwanag ni Nicholas sa kaharap na Ginoo habang napapakamot ito sa batok. Halos mawala ang kulay sa mukha at labi nito dahil sa kaba at kahihiyan dahil sa maling pamimintang.
Hindi makatingin nang diretso si Nicholas sa mga mata nang Ginoo. Ang pakiramdam ni Nicholas nang mga oras na iyon ay para itong karne na kakatayin at kakainin nang buhay. Kung totoo lang ang kasabihan na "Looks could kill", matagal na siguro itong nakabaon sa lupa. Namamawis ang mga palad nito maging ang noo nito ay may tumutulo na rin na pawis kaya kahit matindi ang pagkabog nang dibdib nito ay nagpilit pa rin itong humakbang para makalayo na sa Ginoo.
"Sira ulo ka pala eh! Akala mo ganoon na lang iyon." pasigaw na sabi nang Ginoo habang matalim ang titig nito kay Nicholas. Nakapatalikod si Nicholas sa Ginoo dahil papaalis na nga ito sa kinatatayuan nito.
Lalong lumakas ang pintig ng puso ni Nicholas at mas tumindi ang pagpapawis sa may noo at leeg nito nang muli itong humarap sa Ginoo. Nakita nito ang nakakunot na noo at ang magkasalubong na mga kilay ng lalaki.
Muntik nang mawalan nang panimbang si Nicholas, mabuti na lamang ay mabilis ang reflexes nito. Bahagyang napabaling kasi ang mukha nito sa kaliwang direksiyon nang lumapat sa kanang panga nito ang kamao nang Ginoo. At dahil medyo malakas ang pagkakasuntok sa panga ni Nicholas nakaramdam ito nang bahagyang pangingimay.
"Gago!" pahiyaw na sambit nang lalaki. Kinarga nito ang alagang aso at inihagis ang plastic na mayroon laman nang dumi ng aso sa harapan ni Nicholas. Muntik pang tamaan sa mukha si Nicholas mabuti na lamang nakaiwas ito. Pagkatapos nang komprontasyon sa pagitan ni Nicholas at nang lalaki ay umalis na rin ang lalaki.
"Grabe ang araw na ito. Perfect! Masakit ang panga ko. Muntik pa akong magkaroon ng black eye. Pagkatapos may bonus pa nang dumi ng aso ang sapatos ko." may sarkasmo sa tinig ni Nicholas habang nagsasalita nang mag-isa. Napapatingin kay Nicholas ang mangilan-ngilan mga tao na dumadaan sa kalsada. Kanina pa ito napapansin ni Nicholas. Nagpatay-malisya na lamang ito.
Dinampot ni Nicholas ang plastic na mayroon laman dumi nang aso at inilagay ito sa basurahan na nasa kabilang kalsada. Halos kumapit ang masangsang na amoy sa damit ni Nicholas dahil sa magkakahalong amoy nang basurahan at nang asong nilalangaw na ang mga sugat sa katawan nito. Muntik pa itong maduwal dahil nauna pang malanghap nito ang mga mabahong amoy kaysa sa amoy nang masarap na pagkain.
"Hayy! Bahala na, kailangan ko na talagang makarating sa trabaho ko kahit ganito na ang hitsura ko." tugon ni Nicholas at lumakad na ito patungo sa direksiyon kung saan ito sasakay ng jeep papunta sa trabaho nito.
Nagtungo na si Nicholas sa sakayan nang jeep na patungo nang MCU dahil dito muna dumadaan ang mga jeep bago makarating sa Quezon, City, kung saan sa Quezon, City, nandoon ang lokasyon nang Amusement Park na pinagtatrabahuhan nito. One and half hours din bago makarating doon sa lokasyon na tinutukoy ni Nicholas, minsan lumalagpas pa kapag may traffic.
Inalisan ni Nicholas ng dumi nang aso ang sapatos na suot bagamat nandoon pa rin ang mabahong amoy. Hindi na nagtangkang bumalik pa sa apartment si Nicholas para magpalit nang uniform dahil baka matanong pa ito nang ina nito. Bukod doon hindi pa nito nalalabhan ang panghalili na isa pang uniform at wala na rin itong oras.
"Manong bayad po! Isa lang po iyan, bagong sakay lang. Sa may MCU ang baba ko!" pahiyaw na tugon ni Nicholas sa driver ng jeep habang nakaupo ito sa dulo ng upuan ng jeep malapit sa babaan at saka nito iniabot ang bayad sa katabi nito.
"Bayad daw po Kuya!" sigaw ng isang lalaki na katabi ni Nicholas sa upuan nang jeep habang pinasa-pasa nang mga ito ang bayad ni Nicholas hanggang sa makarating ito sa driver.
Pagkarating sa driver nang bayad ni Nicholas ay kinuha na ito nang driver at saka iniabot sa katabing binatilyo na nakaupo sa isa pang upuan na katabi nang driver's seat at inilagay nang binatilyo ang pera sa loob ng isang malaki-laking belt bag.
"Ang baho naman, amoy tae!" malakas na binanggit ng isang Ginang habang kanina pa nagtatakip sa ilong ito ganoon din ang ibang pasahero.
Si Nicholas naman ay patay-malisya lamang na kunwari ay wala itong alam habang nagtakip din ito nang ilong para hindi mahalata, pero ang totoo, si Nicholas iyon dahil sa natapakan nitong dumi ng aso nang papaalis na ito. Hindi rin ito mapaghihinalaan dahil may kasabay itong isa o dalawa pang pasahero na sumakay din sa jeep na sinasakyan nito.
**********
Nakababa na si Nicholas sa may MCU at nagtungo ito sa sakayan ng jeep na papuntang Quezon, City. Nang makarating si Nicholas sa sakayan, nadatnan nito ang napakahabang pila ng mga tao. Halos maggitgitan na ang mga tao sa dami. May posibilidad din na hindi mawawalan nang mandurukot o kaya ay nanghihipo dahil nga nagsisiksikan ang mga tao.
Naghalo-halo na rin ang iba't-ibang amoy katulad nang pawis, usok mula sa mga sasakyan, hininga mula sa mga bibig ng tao, pabango at kung ano-ano pang amoy. Medyo tirik na rin ang araw at halos oras na para kumain nang tanghalian.
Araw din ng Sabado at kadalasan ito ang araw ng pamimili ng mga tao sa palengke o groceries store's. Ang ilan naman ay maaaring mga walang pasok sa trabaho o eskuwelahan kaya naisipan na mamasyal sa mga pasyalan sa Quezon, City. Ngunit sa mga katulad ni Nicholas ang araw na ito ay hindi araw ng pamamahinga dahil Lunes hanggang Sabado ang pagpasok nito sa kumpanyang pinagtatrabahuhan. Wala din itong day-off o rest day kapag Festive Season o kapag Month of December lalo na kung sa Amusement Park nagtatrabaho kaya hanggang Linggo ay may pasok si Nicholas.
Kapag nga naman nagmamadali ka ay doon naman lalong nang-aasar ang tadhana sa iyo.
"Hay, naku naman! Talagang late na late na ako nito. Bakit ba ngayon pa ako inabot ng kamalasan, kung kailan naman napakaraming tao." naiinis na sabi ni Nicholas habang nakatayo ito at isa sa mga nakikisiksik sa kumpulan ng mga tao. Nasa pinakadulo pa naman ito habang nakapila kaya naman malayo-layo pa ang lalakarin nito bago marating ang paradahan ng jeep. May nakatoka talagang puwesto para sa mga jeep. Sa puwesto na iyon lamang ang mga ito maaaring magsakay at magbababa ng mga pasahero.
"Badtrip na araw ito!" malakas-lakas na sambit ni Nicholas habang dinukot ang isang wallet sa loob ng bulsa ng patalon na suot nito. Ang wallet ay lumang-luma na at pinagtagpi-tagpi na lamang upang maisara nang maayos. Napapasulyap lang kay Nicholas ang mga taong nasa unahan ni Nicholas at iyon mga bagong dating na nasa likuran nito.
Kumuha ito ng pamasahe na barya sa halip na buong perang papel dahil kapag buo ang ibinayad nito sa driver ay baka hindi na masuklian dahil ganoon ang nangyari kay Nicholas noon minsan sumakay ito sa jeep.
Habang nagbibilang ng mga baryang pampamasahe si Nicholas, nabitawan nito ang isang limang piso na nasa palad nito at gumulong ito pababa papunta sa aspaltong kalsada at napatapat ang barya sa paanan ng babaeng nasa harapan nito.
Ang limang piso ay lalo pang gumulong ng maglakad na ang babae at masipa ito kaya naman walang pag-aatubiling hinabol ito ni Nicholas at hindi na pinansin kung ito ba ay mawawala sa pilahan. Basta ang nasa isip nito ay ang makuha ang limang piso na iyon.
Sa hindi kalayuan ay may isang lalaking naglalakad at doon tumama sa paanan ng lalaki ang barya dahilan para huminto ang pag-gulong ng limang piso ni Nicholas. Napansin naman ng lalaki na iyon ang baryang nasa paanan nito kaya dinampot nito ang limang piso. Nakita ito ni Nicholas kaya dali-dali itong tumakbo papalapit sa kinaroroonan ng lalaki.
"Sa akin po ang limang piso na iyan Manong!" hiyaw ni Nicholas sa lalaki na iyon habang papalapit ito sa kinaroroonan ng lalaki. Napatingin ang lalaki kay Nicholas habang hawak nito sa palad ang napulot na limang piso.
Tumitig lang ang lalaki kay Nicholas at hindi pinansin ang sinabi ni Nicholas sabay naglakad paalis ito sa puwestong kinatatayuan nito habang daladala ang limang piso ni Nicholas at ibinulsa ito.
"Grabe naman kayo Kuya! Limang piso ko kaya iyan!" sigaw na lamang ni Nicholas habang nakalayo na ang lalaki. Napapatingin naman ang mga taong dumadaan sa harapan nito.
"Haytss! Sakto na lang tuloy ang pamasahe ko." dismayadong tugon ni Nicholas at bumalik na ito sa pilahan nang makitang mas lalo pang dumami ang mga taong nakapila.
"Hayy, buhay! Bakit ba ang sama ng araw na ito!" sabi nito habang nasa pilahan para mag-abang ng jeep na papuntang Quezon, City.
**********
Kalaunan ay nakasakay na rin si Nicholas sa jeep at nakapuwesto ulit ito sa pinakadulo ng jeep, sa may likuran naman ng driver's seat. Katabi nito ang isang babae na nakatitig sa labas ng bintana ng jeep at naka-ear phone ito. Nagbayad na rin ng pamasahe si Nicholas. May extra money naman si Nicholas, nanghihinayang lang talaga ito sa baryang nawala. Bawat sentimo para rito ay mahalaga.
Hindi rin ganoon karami ang pasaherong nakasakay sa jeep na sinakyan ni Nicholas. Hindi na rin gaanong umaamoy ang sapatos na suot ni Nicholas. Natatabunan na ito nang amoy nang mga malalansang isda na nakalagay sa isang bayong na pagmamay-ari nang isang Ale na pasahero din sa jeep na sinakyan ni Nicholas. Ang Ale ay nakaupo sa kabilang upuan ng jeep at katapat lang halos ni Nicholas.
Lumipas ang ilan minuto at nakatulog ang babaeng katabi ni Nicholas. Pamaya-maya ay binuksan ni Nicholas ang sling bag at inilabas mula roon ang ipinabaon ng ina nito na Hamburger-sized Bun na may palaman na piniritong itlog. Mayroon din kasamang ketchup na nakalagay sa maliit na supot na ilalagay na lang sa tinapay. Sa dami nang nangyari kay Nicholas kaya nakaramdam ito nang gutom.
Nakakadalawang kagat pa lamang si Nicholas sa tinapay na hawak nang bigla na lamang napadantay sa balikat nito ang ulo ng babaeng natutulog kaya muntik pa nitong mabitawan ang tinapay na kinakain dahil nagitla ito.
Hindi naman magawang alisin ni Nicholas ang ulonan ng babae mula sa pagkakadantay sa balikat nito dahil medyo mamantika ang mga daliri ni Nicholas sapagkat lagpas sa sukat ng tinapay ang laki ng piniritong itlog na nakapalaman sa tinapay. May mugmog din ng tinapay at bahagyang ketchup ang mga daliri nito kaya hindi nito maaaring hawakan ang ulonan ng babae.
Ibabalik sana ni Nicholas nang dahan-dahan ang tinapay na may kagat pabalik sa plastic-labo nang biglang magpreno ang jeep. Muntik nang mapasubsob ang mukha ng babaeng katabi ni Nicholas pero naagapan ito ni Nicholas. Nabitiwan din ni Nicholas ang tinapay na hawak at nalaglag ito sa tapat ng sapatos ni Nicholas.
"Aray! Ang sakit." daing ng babae nang maalimpungatan. Medyo nakangiwi ang nguso nito habang nakahawak sa likuran bahagi ng ulo nito.
Nang magpreno kasi ang jeep muntik nang mapasubsob ang babae pero mabilis na inilapat ni Nicholas ang mga kamay nito sa may bandang dibdib ng damit nang babae para pigilan ang pagsubsob nang babae kaya nga lang medyo napalakas ang pagkatulak ni Nicholas sa katawan ng babae para lang huwag ito mapasubsob kaya napauntog ang ulo ng babae sa metal na harang na nakalagay sa may bintana ng jeep.
"Ayy! Sorry, Miss! Hindi ko sinasadya. Napalakas ba ang pagkakatulak ko?Muntik ka na kasing sumubsob kaya bahagya kitang itinulak para sumandal ka. Sorry ulit!" saad ni Nicholas habang nag-peace sign sa babaeng kaharap.
Tahimik lang ang babaeng katabi ni Nicholas habang namimilog ang mga mata na nakatingin sa suot nitong uniform.
Napansin kasi ng babaeng katabi ni Nicholas ang mapulang mantsa na nakapahid sa damit nito. Nakasuot ang babae ng Light Green Short Sleeve Button Collard Shirt, Plain Black Knee-Length Pencil Skirt at Black Heels shoes. Ang buhok nitong mahaba ay naka- Side French Braid. Awtomatikong tumingin ng papailalim ang babae kay Nicholas.
"What's this?" tugon nito habang nakatingin kay Nicholas at nakaturo ang daliri nito sa damit nitong may mantsa. Nakakunot naman ang noo ni Nicholas habang nakatingin din sa babae sapagkat nagtataka ito sa tanong ng babae.
"Hah? Anong ibig mong sabihin Miss?" tanong na tugon ni Nicholas habang napapakamot sa ulo. Noon una medyo nakangiti pa si Nicholas pero naglaho ito noon makita nito na masama ang tingin ng babae.
"Here! Bulag ka ba?" mataray na sagot ng babae sabay itinuro kay Nicholas ang damit nitong suot na may mantsa.
"Naku! Hala, Sorry Miss! Pasensiya ka na, muntik ka na kasing mapasubsob kaya no choice, kailangan kitang isandal. Sorry, pupunasan ko na lang." depensang sagot ni Nicholas sa harapan ng babae habang namimilog ang mga mata nito nang makita ang mantsa sa damit ng babae. Pamilyar kay Nicholas ang damit o uniform na suot ng babaeng masungit dahil sa pagkakaalam nito, ito ay uniform ng isang Accountant. Ang hindi lang masigurado ni Nicholas ay kung saan kumpanya nagtatrabaho ang babae. Hindi naman matitigan ng husto ni Nicholas ang uniform ng malapitan dahil baka lalong magalit dito ang babae.
Naalala nito na napalapat nga pala ang mga kamay nito sa may bandang dibdib nang damit na suot ng babae para itulak ito pasandal sa sandalan ng jeep.
Binuksan muli ni Nicholas ang sling bag at mula roon ay kinuha nito sa loob ng bag ang isang puting face towel at malaki-laking plastic bottle na may laman tubig. Binasa nitong bahagya ang duluhan ng face towel at akmang ipapahid sa damit ng babae. Balak din kasi ni Nicholas na pagmasdan ang logong nakakapit sa may bandang kanan bahagi ng damit upang siguraduhin kung tama ba ang hinala nito na baka empleyado rin ang babae sa kumpanyang pinagtatrabahuhan ni Nicholas.
"Hey! What are you trying to do?" sagot ng babae kay Nicholas. Mataas ang tono ng pananalita nito at halata sa boses nito ang inis. Tinabig nito ang kamay ni Nicholas ng akmang hahawakan ulit ito ni Nicholas.
"Pupunasan ko lang Miss!"
"Ohh! My Gosh! Hindi ka lang stupid, manyak ka pa." naiiritang saad pa ng babae habang kulang na lang ay tumirik ang mga mata nito dahil sa sobrang inis na nararamdaman nito ng mga oras na iyon.
Napapatingin naman ang ilan pasahero sa dalawa pero ni isa ay walang balak makialam sa pagtatalo ng dalawa.
"Woah! Wait lang Miss? Ang rude mo naman para tawagin akong stupid at manyak. Hindi ba nga! Ang sabi ko, hindi ko sinasadya."
"Hindi ba dapat magpasalamat ka pa nga Miss! Kasi kung hindi dahil sa akin, kanina pa sumubsob ang mukha mo dito sa sahig ng jeep ng magpreno ito."
"Kung may kasalanan man ako. May kasalanan ka rin. Natutulog ka sa jeep at ang ulo mo ay dumantay sa balikat ko. Pati pagkain ko ay naudlot dahil naipatak ko sa sahig ng jeep para lang mapigilan ko ang pagsubsob mo." pagpapaliwanag ni Nicholas sa mahinahon pa na boses habang nanatiling nakakunot naman ang noo at nakataas ang mga kilay ng babae.
Naiirita rin si Nicholas dahil hindi nito nagugustuhan ang sinasabi ng babae sa harapan nito lalo pa at maraming nakakakita at nakakarinig sa nagaganap na pagtatalo. Pero dahil may kasalanan din ito sa babae kaya hindi nakakapagtakang magalit ang babae, kaya pinili nitong kumalma at sinusubukan ayusin ang misunderstanding sa pagitan nang dalawa.
"So, Ako pa pala ang may kasalanan!" sarkastikong saad ng babae habang pagak na tumawa ito.
"Hayun naman pala! Nakita mo naman palang nakatulog ako. Kung talagang ginagamit mo ang utak mo ng maayos, sana ginising mo na lang ako mula sa pagkakatulog ko. Hindi iyon aarte ka na parang Knight In Shining Armor ko pero pumalpak ka naman." may bahid ng pang-iinsulto ang mga sinabi ng babae pero nanatiling kalmado si Nicholas. Nang mga oras na iyon pinili ni Nicholas na huwag ng makipagtalo o sabayan ang init ng ulo ng babae.
"Kung akala mo magpapasalamat ako sa iyo dahil sa ginawa mo, it will never happen."
"Nakita mo ba ang ginawa mo sa damit ko? Paano ako papasok sa trabaho nito kung may mantsa ang suot kong damit? For your information, Mr. Manyak, may meeting ako with an important client pero dahil sa ginawa mo, hindi ako makakaharap ng maayos sa client ko." nanggigigil na saad ng babae. Sinusubukan nitong maging kalmado.
"Sorry naman Miss! Huwag ka naman beast mode. Hindi ko naman talaga sinadya iyong nangyari." sagot muli ni Nicholas sa tonong nakikiusap na patawarin ito.
"Kung gusto mo sasamahan kita sa trabaho mo. Ako ang magpapaliwanag para sa iyo. Papasok din ako sa trabaho ko, late na late na nga ako pero para makabawi sa iyo, uunahin ko na ang samahan ka para magpaliwanag sa Kliyente mo."
"Ohh! Really? Thanks but no thanks! I can manage. Ayokong magkaroon ng utang na loob sa iyo. Sana heto na ang huli natin pagtatagpo. Manong! Malapit na po ba tayo sa plaza?"
"Pasensiya na talaga. Sorry! Peace na tayo." muling pagpapaumanhin ni Nicholas sa babae at nagbabakasakaling mapatawad ito ng babae. Muling napapreno ang jeep ng may nagpara na pasahero para bumaba ng jeep kaya napasubsob ulit ang babae kay Nicholas.
"Hay, buwisit talaga!" pagalit na tugon ng babae. Nagkatitigan ang dalawa. Kung eksaheradang mag-imagine ang titingin sa dalawang tao na nagtititigan. Makakakita ang mga ito ng mga daloy ng kuryente na nagsasalubong at kulang na lang ay sumabog ito habang ang isa ay tila parang maamong tupa kung tumingin.
"Sorry talaga Miss." kalaunan ay saad muli ni Nicholas sa sinserong tono ng boses. May kaunting distansiya sa pagitan ni Nicholas at ng babae mula sa mga kinauupuan ng mga ito.
"Ano ba ang dapat kong gawin para lamang maayos itong hindi natin pagkakaunawaan Miss?" muling pagtatanong ni Nicholas sa babae habang nakatitig sa mga mata nito.
"Gusto mo malaman?" tugon ng babae kay Nicholas na mayroon kaduda-dudang ngiti. Ilan segundo lang ang dumaan, isang malutong na sampal sa kanan pisngi ang tinanggap ni Nicholas.
"Aray ko naman! Bakit ba Miss?" tugon ni Nicholas habang hinihimas ang pisnging nasampal ng babae.
"Para sa pagiging manyak mo!"
"Pasimple ka pa na mangtiyansing." sagot ng babae habang tinitigan ng masama si Nicholas.
"Paano ako naging manyak?" depensang sagot naman ni Nicholas.
"Baka nakakalimutan mo. Inilapat mo ang mga kamay mo malapit sa may dibdib ko! Kaya bastos ka! Manong, para po! Bababa na ako dito." pasigaw na saad ng babae sabay tayo mula sa kinauupuan nito para bumaba ng jeep. Nakatulala naman si Nicholas dahil sa narinig. Ang ibang mga pasahero ay nagsibabaan na rin mula sa jeep kaya iilan na lang ang natitira sa loob ng jeep kabilang na si Nicholas.
**********
Nakapasok na rin si Nicholas sa trabaho nito. Bandang 11:30 am na ito nakarating sa Happy WorldLandia Amusement Park o HWLAP, ang Amusement Park na pinagtratrabahuhan nito bilang isang mekaniko na gumagawa sa mga rides na may sira o may problema. Isa itong Full Time Rides Mechanic. Sa exit gate dumaan si Nicholas para makapasok sa amusement park.
Bago mag-umpisa ito sa pagtratrabaho nagtungo muna ito sa isang building na naroon din sa loob ng amusement park. Ang building na iyon ay nahahati sa iba't-ibang kuwarto para sa iba't-ibang Departamento. Sa mga Departamentong iyon naglalagi ang mga empleyadong nagtatrabaho sa amusement park. Mayroon din tig-dalawang comfort room at tig-isang shower room para sa mga babae at mga lalaking empleyado.
Nasa harapan nang building ang isang Theme Park, at ilan kilometro lang ang lawak at distansiya nito magmula sa building hanggang sa Theme Park, ang pangalan ng Theme Park ay Lullaby Theme Park kung saan puwedeng mag-picnic, maglaro, mamasyal, makinig ng music at matulog dito.
Sa hindi kalayuan puwesto, sa isang sulok, sa labas ng Lullaby Theme Park kung saan wala pa masyadong tao na pumupunta sa loob ng Theme Park dahil karamihan ay sumasakay sa mga rides o namamasyal sa mga Main Attractions ng HWLAP ay may dalawang empleyado ng amusement park ang nag-uusap.
Ang lalaking empleyado ay may Thirty minutes break time ganoon din ang babaeng empleyada. Mayroon naman kahalili ang babaeng empleyada na kasamahan din nito sa Amusement Park Ticketing Booth kung saan nagtatrabaho ang mga ito bilang Ticket Attendants kaya nagkaroon ng pagkakataon makapag-usap ang babae at lalaking empleyado.
Nag-uusap nang masinsinan ang dalawang empleyado.
"Bella, may sasabihin ako sa iyo." panimulang sabi ni Jacob sa nobyang nasa harapan nito habang nakatayong nag-uusap ang mga ito sa may bandang sulok sa labas ng Lullaby Theme Park.

"Ano naman iyon Jacob? Aamin ka na ba na may Third party! Iyon palagi mong kabiruan at kaharutan na babae na parang linta kung makapulupot sa iyo. Siya na ba ang bago mong kalaro?" diretsahan at walang paligoy-ligoy na tugon ni Bella. Malakas ang boses nito at tila may galit sa tono ng pananalita nito. Nagulat si Jacob sa inasal nito pero kalaunan ay sumeryoso ang mukha nito.
"Hindi ako aamin Bella." magsasalita pa sana si Jacob nang magsalitang muli si Bella.
"Ganoon! Matigas ka. Hindi ka aamin talaga!" pasigaw nitong sagot habang si Jacob naman ay sinusubukan itong pakalmahin.
"Hindi sa ganoon, kasi wala naman akong aaminin, dahil walang Third party Bella. Ano ka ba naman? Paranoid ka na naman eh. Friends lang kami noon." pagpapaliwanag ni Jacob sa nobya nito na akala mo ay may period sa mga oras na iyon dahil sa init ng ulo nito na halos lumiyab na sa init.
"Basta iba ang tingin ko sa tawanan at harutan ninyong dalawa!" sigaw nito kay Jacob. Sa pakiramdam naman ni Jacob ay tila parang mababasag na yata ang eardrums nito dahil sa lakas ng boses ng nobya nito.
Ang tinutukoy ni Bella na babae ay isang Food Concession Attendant sa isang Food Kiosk. Ang name ng Food Kiosk ay FoodenDrinx. Mga Chips, Hotdog, Burgers, Juices, French Fries, Waffles, Softdrinks etc., ang sineserve sa mga costumers mula sa Food Kiosk na iyon.
Sa Kiosk na iyon nagtatrabaho ang babaeng pinagseselosan nang nobya ni Jacob na si Bella. Abegail Manacit, ang pangalan ng babaeng tinutukoy ni Bella na malapit kay Jacob.
"Bella naman loyal pa din ako sa BelCob Loveteam." pagbibiro pa ni Jacob habang nakakunot pa rin ang mga noo ni Bella.
"Tsk! Iyan ang alam mo, ang magbiro at magpatawa kahit hindi nakakatawa! Bahala ka na nga diyan!" sigaw pa nito kay Jacob. Tinalikuran ni Bella si Jacob at nag-umpisa ng maglakad para lumayo kay Jacob.
"Bella! Sige na, ayusin natin ito. Huwag kang magselos sa tindera na iyon. Sige iiwasan ko na lang siya. Saka hindi kita ipagpapalit sa tindera na iyon noh!" pagsusumamong saad ni Jacob habang sinasabayan nito ang nobya na matulin na naglalakad. Pilit na hinahawakan ni Jacob si Bella para pigilan sa paglalakad at para harapin nito si Jacob ngunit nagpupumiglas ito sa pagkakahawak ni Jacob.
"Oo hindi nga siguro kasi pagsasabayin mo kami!" sagot ni Bella nang balingan nito ng lingon si Jacob.
"Bella naman, Please! Itigil mo na itong non-sense na pagtatalong ito. Please! Makinig ka sa akin. Ilan taon na tayong magkasintahan. Never kitang niloko at lolokohin. Oo, Makulit ako at madalas mahilig mag-joke pero serious ako pagdating sa iyo. Tandaan mo iyan Bella. Ikaw lang ang mamahalin ko habang buhay. Kaya please magbati na tayo." muling panunuyo ni Jacob sa nobya.
"Non-sense pala ah! Bahala ka diyan!" pasigaw na saad ni Bella habang buong lakas na itinulak nito si Jacob na bagamat bahagyang nagulat ay hindi naman ito natumba man lang. Umalis na ito at tumakbong papalayo at hinabol naman ito ni Jacob.
"Bella, please naman. Huwag na tayong magtalo." sabi ni Jacob at hinawakan nito ang kamay ni Bella at lumingon naman si Bella. Naabutan kasi ni Jacob si Bella kaya muling nagkaharap ang dalawa.
"Ewan ko sa iyo!" mataray na tugon ni Bella sa harapan ni Jacob at akmang sasampalin ito kaya napapikit si Jacob pero nang magmulat ng mga mata si Jacob, nakita nito na tumatakbo nang papalayo si Bella at hindi na napigil pa ni Jacob ang pag-alis ng nobya.
"Bella, teka lang!" sigaw naman ni Jacob at muling hinabol nito ang nobya.
**********
Nakalabas na mula sa shower room si Nicholas at papunta na sa pupuntahan nito. Mukha na ulit itong disenteng tingnan. Mayroon extra room para sa mga extra uniforms ng mga empleyado kung sakaling magkaroon ng emergency na may kinalaman sa mga suot na damit. Nakapagpaliwanag na rin ito sa opisina ng Rides Maintenance Department kung bakit ito nahuli sa pagpasok sa trabaho. Pero dahil first time pa lang para kay Nicholas, itinuring itong first warning sign. Half-day lang plus two extra time ang magiging payments nito sa araw na iyon.
Ang sama ng araw ko talaga. Masakit pa rin ang panga at pisngi ko dahil sa mga iyon. Namantot pa ako dahil sa natapakan kong dumi ng aso at may bonus na insulto pa mula sa isang estrangherang babae na inakalang manyak ako.
Naglalakad na ito sa pathway ng building na kinaroroonan nito ng makasalubong nito ang isang kakilalang babaeng empleyada.
"Hoy, Nico! Late ka yata? Ngayon ka lang ba dumating?" tanong ni Bella habang nakangiting lumalapit kay Nicholas.
"Oo, late nga ako, kasi na-late ako ng gising." sagot ni Nicholas kay Bella habang lumapit ito sa dalaga.
"Talaga? Aba, himala! Ngayon ko lang narinig na na-late ka nang gising at na-late ng pagpasok. Teka, anong nangyari riyan sa pisngi mo? Napasabak ka yata sa away." sabi ni Bella habang tinititigan ang pasa at ang mamula-mulang pisngi ni Nicholas.
"Wala ito, nasubsob lang ako." sagot ni Nicholas kay Bella.
"Ahh, O-okay!" tugon naman ng kausap ni Nicholas.
"Mukhang nag-away kayo ni Jacob noh? Hindi kasi kayo nagsabay ngayon na pumasok sa trabaho." saad ni Bella kay Nicholas.
"Kayo rin mukhang nag-away." sagot naman ni Nicholas habang lagpas ang tingin nito kay Bella. Sa likuran ni Bella, tinitingnan ni Nicholas ang lalaking nakatayo habang tila pagod na pagod ang hitsura nito. Mukhang kanina pa nito hinahanap ang babaeng kaharap ni Nicholas.
"Paano mo naman nasabi?" pagtatakang tanong nito kay Nicholas.
"Bella." nakayukong sabi ni Jacob sa mahinang boses habang ito ay pawis na pawis at hinahabol nito ang hininga.
"Sige, aalis na ako, mukhang kailangan ninyo ng heart to heart talking." sabi ni Nicholas at papaalis na sana ito ng pigilan ni Jacob.
"Saglit Pare." nakayuko pa din si Jacob at hinahabol pa din nito ang hininga pero tumingin na ito kay Nicholas at saka sinabi ang mga gusto nitong sabihin sa mahinang boses.
"Ako na ang humihingi ng tawad sa nagawa ko kagabi sa iyo. Sa mga nasabi ko na ikinainis mo ng husto." sabi ni Jacob habang nakatitig kay Nicholas.
"Hay, Ayos na iyon Pare! Ako ang dapat mag-sorry sa iyo kasi naman ay nag-walkout ako at hindi man lang nakipag-ayos sa iyo." sagot ni Nicholas habang lumapit sa kaibigan.
"Paano? Back to each other arms na ba tayo ulit niyan?" pagtatanong ni Jacob sa kaibigan na may halong pagbibiro habang nakangisi.
"Oo na, Pare." sagot ni Nicholas habang nag-apiran ang dalawa.
"Bella, tayo din magbati na please!" sabi naman ni Jacob sa nobya habang nilapitan ito at hinawakan ang mga kamay.
"Alam ninyo, tama na ang tampuhan at magbati na kayo para maging maayos na ang lahat." sabi naman ni Nicholas sa harap ng magkasintahan.
"Sige na nga! Pasalamat ka at magkaibigan kayo ni Nico."
"Mabuti na lang din mabait at pasensiyoso ka Nico pagdating kay Jacob, kahit minsan sinusumpong ka ng kasungitan." sagot naman ni Bella habang nakangiti. Magkaholding hands din sina Jacob at Bella.
Sasagot pa sana ang dalawang binata sa tinuran ni Bella pero huminto ang mga ito dahil alam na nila ang kasunod na maaaring mangyari kapag itinuloy ang sasabihin.
"O siya! Tayo na at magtrabaho na tayo Nicholas dahil baka magalit na si Boss Baste kapag nagpapeteks-peteks pa tayong dalawa." sabi na lang ni Jacob.
"Naku! Ako rin, kailangan ko na nga palang umalis. Magtutungo pa nga pala ako sa Accounting Department Office para ibigay sa Accounting Assistant ang buong Monthly Admissions Sales Report ng Amusement Park para sa buwan ng Nobyembre. Wala kasi ang Ticketing Supervisor namin dahil kinakausap ng Amusement Park General Manager kaya ako ang pinakiusapan na magdala sa office noon report."
"Baka naroon na si Ma'am. Noon una kasi akong magpunta roon, wala pa ito pero baka naroon na ngayon. Sige, Bye na! Baka mapagalitan pa ako kapag hindi pa ako nagreport." mahabang paliwanag ni Bella sa harapan ng dalawa.
"Mabait iyon si Ma'am kaya huwag kang mag-alala Bella." sabi naman ni Nicholas.
"Parang sure na sure ka Nico sa sinabi mo ah! Magdilang-anghel ka sana. Sige, aalis na ako. Kita-kita na lang mamaya sa Cafeteria." sabi ni Bella sa dalawang magkaibigan.
"Sige! Mamaya na lang ulit, Bella, My Love!" sagot naman ni Jacob sabay may pa-flying kiss pa sa nobya. Napailing na lamang sina Bella at Nicholas dahil sa kakornihan ni Jacob. Napaisip din si Nicholas sa sinabi ni Bella at kung ano ang ibig sabihin nito na may kinalaman sa Accounting Assistant ng Accounting Department.
"Tayo na Pare at maraming gagawin panigurado niyan. May sira kasi iyon isang Arcade Machine at iyon isa sa mga Caterpillar Rides. Aayusin pa natin ang mga iyon." paliwanag ni Jacob sa kaibigan habang naglalakad na ang mga ito papalayo at patungo na sa destinasyon na pakay ng mga ito.
"Oo nga pala, napano iyan pisngi mo?" pagtatanong ni Jacob habang naglalakad ang dalawa. Noon lang kasi nito napansin ang pisngi ni Nicholas na may kulay ube sa balat nito.
"Wala, nasubsob lang ako kanina." sagot ni Nicholas sa kaibigan.
"Ano ka ba naman Pare? Kaylaki ng katawan mo, nadadapa ka pa." pang-aasar na saad ni Jacob kay Nicholas habang nagpipigil ito na huwag matawa.
"Gusto mo magkaaway ulit tayo?" tugon naman ni Nicholas sa banat ni Jacob.
"Ito naman, hindi ka na mabiro. Tayo na nga." sagot na lang ni Jacob.
**********
Lumipas ang isang oras at Lunch Break na rin sa amusement park na iyon.
"Ano, Nicholas? Sunduin na natin si Bella sa Accounting Department Office? Wala kasi siya sa Ticketting Booth nang puntahan ko. Nasa office pa raw sabi nang kasamahan niya." pagtatanong ni Jacob kay Nicholas habang nag-aayos ang dalawa nang mga tools na ginamit sa pagre-repair ng mga makinang may sira. Nasa loob ng Maintenance Department Room ang dalawa. Papunta ang mga ito sa isang Cafeteria na nasa loob din ng amusement park para kumain ng Tanghalian. Dinala rin ni Nicholas ang baunan nito na ipinadala ng ina nito. Hindi na tumawag sa ina nito si Nicholas kahit nangako ito dahil na rin ayaw nitong mag-alala pa ang ina.
"Sige, tayo na at nang makakain na tayo ng sabay-sabay. Marami pa tayong tatapusin na ibang trabaho sa amusement park." sagot ni Nicholas sa kaibigan.
"Sige, tayo na Nicholas dahil kanina pa ako nagugutom!" sagot ni Jacob. Naglakad na ang dalawa papunta sa Accounting Department Office.
**********
Ang Accounting Department Office ay sa Main Building nakapuwesto. Kararating lang ng dalawa sa harapan ng Main building at nadatnan nang dalawa si Bella na kanina pa pala nag-aabang sa labas.
"Jacob, ang tagal ninyo naman dumating." bungad agad na sabi ni Bella.
"Pasensiya ka na. Maraming tinapos muna kaya ganoon." sagot nito sa nobya.
"Ahh, Ganoon ba! Sige, okay lang iyon. Si Ma'am nga pala pumasok ulit sa loob kasi may kinukuha lang siya pero lalabas na din iyon. Hintayin na lang natin siya." sabi ni Bella sa dalawa.
"Okay lang iyon, Sige." sagot naman ni Jacob.
"Totoo pala ang sinabi mo Nico. Mabait si Ma'am. Makikisabay din sa atin siya para magpunta sa Cafeteria." saad ni Bella na halos hindi makapaniwala ang tono ng boses.
"Sabi ko sa iyo eh! Ngayon ko nga lang ulit makakasamang kumain si Ma'am." sabi ni Nicholas habang nakangiti ito.
"Huh? Nakasabay mo nang kumain Pare si Ma'am?" tila hindi makapaniwalang tugon ni Jacob. Sa pagkakakilala ni Jacob sa kaibigan, hindi ito basta nakikipaglapit sa mga babae lalo na kung magagandang Binibini ang makakasalamuha nito. Nagkatinginan sa isa't-isa ang magkasintahan na tila takang-taka sa mga narinig mula sa bibig ni Nicholas.
"Bella, nandito na ako. Tayo na!" sabi ng isang babae na nakatayo mula sa likuran ni Bella. Nakapatalikod din ang dalawa.
"Ikaw!" parehas napasigaw nang tugon si Nicholas at ang babae nang lumingon si Nicholas at makaharap ito. Parehong nagkagulatan ang dalawa.

"Huh? Teka, Nico? Akala ko ba magkakilala na kayo ni Ma'am Janella? Bakit parang gulat na gulat kayong dalawa?" sabi naman ni Bella sa harapan nina Nicholas at sa babaeng tinawag nito sa pangalan na Janella habang nagulat din ito sa reaksiyon ng dalawa.
"Sa tingin ko hindi maganda ang timpla nang bawat isa." pabulong na sabi naman ni Jacob sa tenga ng nobya habang tinitigan nito si Bella at tumingin din ang dalaga.
"Oo nga! este hindi ang ibig kong sabihin!" halos natatarantang tugon ni Nicholas.
"Oo! Dahil siya iyon kinukuwento ko sa iyo Bella na lalaking manyakis na nakasakay sa jeep at kasabay ko sa pagbiyahe kanina. Kaya nga ako na-late nang dahil sa kanya. Muntik pang mapurnada ang meeting ko sa isang kliyente dahil din sa kanya." nanggagalaiti na saad naman ni Janella habang pinandidilatan ng mga mata si Nicholas at kulang na lang ay sugudin ito. Halos sabay nang sumagot ang dalawa sa tanong ni Bella.
"Hu--huh? Siya ba Ma'am iyon tinutukoy mo? Baka naman po nagkakamali kayo. Hindi naman po sa pinagdududahan ko kayo pero kilala ko po iyan si Nico. Matino po iyan at malabo rin maging manyakis dahil hindi po naglalalapit si Nico sa mga babae maliban sa akin at sa Mama niya." mahabang pagpapaliwanag ni Bella sa harapan ni Janella. Hindi kasi ito makapaniwala na si Nicholas pala ang tinutukoy ni Janella. Tahimik naman si Jacob habang palipat-lipat ang tingin sa tatlong tao na nasa harapan nito.
"Sigurado ako Bella. Hindi ako puwedeng magkamali dahil nakatatak na sa isipan ko ang pagmumukha ng manyakis na lalaking iyan." saad ni Janella habang halos duruin nito si Nicholas.
"Ugh! Bakit ba ang kulit mo Miss! Sinabi nang hindi ako manyakis. Nag-sorry naman ako sa iyo ah! Ilan beses pa. Kahit hindi ko sinasadya iyon nangyari sa jeep." depensang sagot ni Nicholas.
"Dapat nga ikaw ang mag-sorry sa akin dahil sa ginawa mong pagsampal sa akin."
"Dapat lang sa iyo iyon dahil manyak ka!"
"Hep, hep! Stop muna kayong dalawa. Pinagtitinginan na tayo nang iba." pag-awat na tugon ni Jacob at tumingin naman sa paligid sina Nicholas at Janella kaya pansamantalang tumigil sa bangayan ang dalawa.
"Teka nga lang! Hindi ba si Ma'am Jhanna ang Accounting Assistant? Napalitan na ba si Ma'am Jhanna? O bago lamang siya na empleyado sa Accounting Department?" sunod-sunod na pagtatanong ni Nicholas habang palipat-lipat ang tingin nito kina Janella at Bella. Halata sa hitsura nito ang pagkalito at pagtataka.
"Anong klaseng mga tanong ba iyan Nico? Akala ko ba matagal mo nang kilala si Ma'am Janella? Sa pagkakasabi mo sa akin kanina na mabait siya ay parang lumalabas na matagal mo na siyang kilala at tila nakakasama mo pa siya at saka hindi naman napapalitan si Ma'am Janella at lalong hindi siya bago. At sino naman iyon Jhanna?" saad ni Bella habang nakakunot ang noo nito at naiiling dahil nagtataka ito sa mga sinasabi at ikinikilos ni Nicholas.
"Oo, tama! Ako rin sumasang-ayon sa sinasabi ni Bella, My Love." saad ni Jacob habang tatango-tango ito. Napangiwi naman ito ng bahagyang sikuhin sa tiyan ni Bella.
"Hindi ba Ma'am Janella sabi mo, limang taon mahigit ka na rin part-time Accounting Assistant simula pa noon nag-intern ka rito sa Happy WorldLandia." pagkukuwento ni Bella kay Nicholas. Nagtataka si Bella sa reaksiyong pinakita ni Nicholas nang makita na nito si Janella ganoon din sa mga wirdong tanong ni Nicholas ay naguguluhan din ito.
"Oo, Ganoon na nga." tugon na lamang ni Janella.
"Pinagtitripan ninyo lang yata ako eh. Sa tagal ko na ritong nagtatrabaho, si Ma'am Jhanna na ang nakagisnan kong Accounting Assistant ng Accounting Department. Nagtataka nga ako bakit mas pinili niya iyon kaysa maging Full Accountant samantalang mas malaki ang sahod kapag ganoon. Saka matanda na rin siya at matagal na siya ritong nagtatrabaho dahil mas nauna si Ma'am Jhanna na magtrabaho rito sa amusement park bago pa ako dumating." mahaba-habang paliwanag ni Nicholas habang seryoso ang mukha na nagpapaliwanag sa mga taong nasa harapan nito.
"Hindi mo ba natatandaan Jacob. Ilan beses ko na rin nabanggit sa iyo si Ma'am Jhanna." saad ni Nicholas sabay baling ng tingin nito kay Jacob.
"Huh? Pero imposible iyon Pare! Wala ka naman naikukuwento sa akin na may kinalaman sa babae at lalong hindi mo pa nababanggit sa akin ang pangalan Jhanna. Hindi ko nga kilala iyon tinutukoy mo." sagot naman ni Jacob kay Nicholas. Naguguluhan na rin si Jacob sa mga pinagsasasabing kawirduhan ni Nicholas.
"Pero nagsasabi ako ng totoo. Maniwala kayo sa akin. Hindi siya ang Accounting Assistant kung hindi si Ma'am Jhanna." giit na tugon ni Nicholas.
"Alam mo, Ikaw manyak ka! Tumahimik ka nga dahil nakukulili na ang mga tenga ko kaka-sabi mo ng mga hindi makatotohanan bagay. Five years na rin po ako rito. Pagkatapos kong grumaduate sa college sa HWLAP na ako nag-intern hanggang sa maging Accounting Assistant na ako. Kaya huwag kang pa-epal manyak ka."
"Alam ninyo kung iyan din lang lalaki na iyan ang makakasama kong mag-lunch, hindi bale na lang. Ako na lang mag-isa ang kakain. Nakakasira kasi ng good vibes ang mga taong ganyan." sabi ni Janella habang naglakad na ito paalis nang hindi nagpapaalam kina Bella.
"Sandali lang Ma'am Janella!"
"Teka nga lang, diyan muna kayong dalawa. Kakausapin ko lang si Ma'am." saad ni Bella at dali-daling hinabol nito si Janella.
"Teka Pare? Bakit ba manyak ang tawag niya sa iyo at bakit ang init ng dugo sa iyo ng babae na iyon, este ni Ma'am Janella pala?"
"Baka naman may something kayo from the past na tinakasan mo kaso hindi mo akalain na magkikita pala ulit kayo kaya itinatanggi mo na hindi mo siya kilala." pag-uusisa ni Jacob sa kaibigan na may halong konklusyon habang inakbayan nito si Nicholas at paunti-unti ay naglakad ang dalawa para sundan ang direksiyon nang nilakaran ng dalawang babae na kasama ng mga ito kani-kanina lang.
Sa halip na sumagot si Nicholas ay sinamaan lang nito ng tingin si Jacob kaya kumalas nang pagkakaakbay si Jacob kay Nicholas at nag-peace sign ito.
"Sigurado ka ba talaga Pare sa sinasabi mo na hindi mo kilala si Ma'am Janella? Hindi mo ba talaga alam na matagal na siya rito sa HWLAP nagtatrabaho? Kasi hindi kapani-paniwala na wala ka man lang alam tungkol sa kanya."
"Totoo, hindi ko pa nakakausap ng personal iyon, ngayon pa lang pero pamilyar naman siya sa akin dahil madalas ko marinig ang pangalan niya o apelyido niya na pinag-uusapan ng ibang empleyado."
"Akala namin ni Bella kilala mo talaga siya at mukhang naging malapit ka pa nga sa kanya pero noon magkita kayo para naman kayong mortal enemy. Saka ano ba talaga ang nangyari sa jeep?" sunod-sunod ang mga tanong ni Jacob habang hinihintay nitong sumagot si Nicholas.
"Mahabang kuwento. Isa lang ang masasabi ko. Si Ma'am Jhanna ang kilala kong Accounting Assistant at hindi ang babaeng amazona na iyon." nagmamatigas na sabi ni Nicholas habang kita sa mukha ni Jacob ang pagkalito ganoon din kay Bella na kararating lang at muling lumapit sa puwestong kinatatayuan ng dalawang binata.
"Alam mo Nicholas, daig mo pa ang nakahitit ng shabu. Lutang ka eh! Tayo na kayang mananghalian. Baka gutom lang iyan." sagot ni Jacob habang hinawakan si Bella sa kamay.
"Naku mabuti pa nga." dagdag naman tugon ni Bella.
"Grabe naman kasi kayong mang-trip. Jacob! Alam kong hindi ako naniniwala sa magic-magic o fantasy. Pero huwag ninyo naman akong pagtripan nang ganito. Ano iyon? Biglang nagbago ang mga nangyari na parang magic? Please huwag ninyo akong pagtripan para lang maniwala ako sa magic at fantasy na iyan." sabi ni Nicholas sa dalawa habang gulong-gulo na ang isipan.
"Nicholas Pare, hindi kami nang-tritrip at lalong hindi joke iyon mga sinasabi namin. Hindi namin kilala si Ma'am Jhanna sapagkat hindi naman siya nag-exist." saad ni Jacob.
"Never napalitan si Ma'am Janella." muling dagdag pa na saad ni Bella.
"Okay, sige mga Best actor at actress na kayong dalawa. Kung may Grammy at Oscar Awards, makukuha na kayong Best in Acting sa husay ninyong umarte." sabi ni Nicholas sa dalawa at naglakad na ito paalis mula sa kinatatayuan nito.
"Nicholas! Hoy, teka lang Pare hindi nga joke iyon!" sigaw ni Jacob sa lumalayong si Nicholas.
"Hayaan mo na muna siya at baka pagod lang siya kaya ganyan na naman ang kilos niya." sabi ni Bella.
"Tama ka, tayo na lang dalawa ang kumain at nagugutom na ako kanina pa." sabi ni Jacob habang kahawak kamay si Bella at naglakad na ang mga ito para magtungo sa Cafeteria.
**********
Si Nicholas ay tumungo sa isang puwesto na walang gaanong tao at umupo sa isang tabi habang gulong-gulo ang isipan dahil sa mga sunod-sunod na kaganapan.
Ano bang nangyayari? Bakit biglang nabago ang lahat?
"Magandang tanong iyan binata!" malakas na sabi ng isang sumulpot na maliit na nilalang sa tabihan ni Nicholas.
"Isa ka rin ba sa gustong pagtripan ako?" pagtatanong nito sa nagsalita nang hindi nililingon ang kausap kung kaya hindi nito nakikita ang hitsura ng kausap dahil hanggang ngayon ay tila wala ito sa huwisyo.
"Hindi naman Nicholas." sagot naman nito habang napalingon na si Nicholas.
"Woah! Sino ka? Ano ka? Saka bakit kilala mo ako?" gulantang na saad ni Nicholas habang namimilog ang mga mata nito nang dahil sa nasasaksihan ng mga mata nito.
"Hay! Isa-isa lang ang pagtatanong kaibigan at mahina ang kalaban." sagot naman ng munting nilalang habang nakakunot ang noo nito.
"Namamalikmata lang ako." sabi ni Nicholas habang sinampal ang sarili.
"Hay! Hindi ka namamalikmata kaibigan. Hayaan mong magpakilala ako sa iyo. Ako si Duwelfino." sabi nito habang sumulpot sa harapan ni Nicholas ito.
"Duwelfino?" pagtatakang tanong ni Nicholas.
"Oo, aking kaibigan. Isa akong elf na nanggaling sa North Pole." saad ni Duwelfino kay Nicholas.
"Elf? Jusko! Ano bang nangyayari sa araw na ito?" sabi ni Nicholas habang lalong naguluhan ang isipan nito.
"Hay! Ako kasi ang may kagagawan ng mga nangyayari sa iyo. Saka kilala kita, kasi isa ka sa nag-wish sa shooting star na sa libo-libong tao sa mundo ay kakaunti lang ang napipili na makakita at makapag-wish dito." sabi ni Duwelfino habang nakangiti.
"Ikaw ang may kagagawan? Nag-wish? Ako?" pagtatakang tanong pa rin ni Nicholas.
"Subukan mong pakaisipin ang nangyari kagabi." sagot ni Duwelfino dito.
"Kagabi? Ahh! Nag-wish nga ako na magka-love life na!" malakas na sabi nito.
"Kaya hayan na ang kahilingan mo. Malapit mo ng maranasan ito, aking kaibigan." pagsasaad ng munting nilalang at naglaho itong bigla.
"Teka, Duwelfino!" sigaw ni Nicholas.
"Hoy, Nicholas! Sinong Duwelfino naman ang binabanggit mo riyan?" nagtatakang tanong ni Jacob sa kaibigan.
"Hah! Eh, kasi may isang elf akong nakausap dito kanina. Taga North Pole raw siya at may sinabi siya tungkol sa wish ko sa shooting star." pagpapaliwanag ni Nicholas.
"Hanggang ngayon ba Pare, naka- High ka pa rin? Elf talaga at North Pole kamo? Hindi kaya kailangan mo na ng Doktor para magpatingin dahil baka kung ano na iyan."
"Noon una, ayaw mong maniwala sa shooting star, ngayon naman nasubrahan ka sa paniniwala sa fantasy at magic, Pare." sabi ni Jacob habang napapakamot na lamang ito sa ulo at ang mukha nito ay takang-taka dahil sa mga sinasabi ng kaibigan.
"Pero Pare! Totoo lahat nang sinasabi ko. Siya rin ang may sabi na kagagawan niya ang magic kaya si Ma'am Jhanna ay naging si Janella na kinikilala ninyo ngayon. Baka minagic niya ang mga isipan ninyo para iyon ang paniwalaan ninyo." pagpapaliwanag ni Nicholas sa kaibigan.
"Anong purpose naman o rason para gawin iyon? Ano iyon, para guluhin ang buhay natin o kaya ang paglaruan tayo? Mag-isip ka nga Pare. Alam mo, itigil mo na ang mga ganyan at bumalik ka na lang sa dating Nicholas na hindi naniniwala sa magic, kasi grabe pala epekto sa iyo kung maniniwala ka." sabi naman ng kaibigan nito.
"Ewan ko rin Pare, pero sana naman ay paniwalaan mo ako." sabi ni Nicholas.
"Hay! Heto burger, kain ka muna. Hindi ka kasi nag-lunch kanina." sabi ni Jacob sabay iniabot ang burger sa kaibigan.
"Salamat Pare, gutom na rin ako." tugon ni Nicholas sa kaibigan.
"Teka nga lang? Ibig sabihin, nag-wish ka sa shooting star?" nakakunot ang noo na tanong ni Jacob kay Nicholas.
"Ahh, Oo. Nag-wish ako." matipid na sagot ni Nicholas.
"Ibig sabihin naniwala ka nga sa sinabi ko?" pagtatanong muli ni Jacob.
"Oo na! Paano kasi hindi ako makatulog kagabi sa kakaisip sa lintik na shooting star na sinasabi mo." sagot ni Nicholas habang sinabunutan ang sariling buhok. Mukhang pagod na pagod ang hitsura nito.
"Hay! Tayo na nga at magtatrabaho pa tayo. Pero kung ako sa iyo, mas okay ang bumalik ka na lang sa Nicholas na ayaw sa magic at hindi naniniwala dito. Mas okay ka ng ganoon." sabi ni Jacob habang umalis na ang dalawa para mag-umpisa na sa trabaho nila sa amusement park.
**********
Mag-isang umuwi sa apartment building si Nicholas sapagkat nagpaalam ito na maagang uuwi kaya hindi rin nasunod ang balak nitong extra two hours na pagtatrabaho dahil na rin pakiramdam ni Nicholas ay daig pa nito ang nagkatrangkaso ng isang linggo. Hindi na rin nito nagawang maghapunan sapagkat nagdiretso na kaagad ito sa higaan nito at kalaunan ay nakatulog na.