My Twelve Girls In Christmas 03.01
December 02
Dalawang kalalakihan ang nakasakay sa isang pampasaherong jeep. Ang dalawang ito ay ang magkaibigan na sina Nicholas at Jacob at patungo ang mga ito sa lugar kung saan nagtatrabaho ang mga ito bilang mga Ride Mechanics ng isa sa mga sikat na amusement park sa Kamaynilaan.
Maraming pasahero ang nakasakay sa loob ng jeep at halos magsiksikan na ang mga ito habang nakaupo sa upuan. Ang ilan sa mga pasahero ay nagpa-paypay pa gamit ang kung ano man ang puwedeng magamit nang mga ito para lamang maibsan ang init na nararamdaman ng mga ito bunga ng pagsisiksikan habang nakaupo ang mga ito sa upuan ng jeep.
Ang ilan sa mga pasaherong nakasakay sa loob ng jeep ay mga estudyante na papasok pa lamang sa kani-kaniyang mga schools at ang iba naman ay mga workers na papasok naman sa kani-kaniyang mga trabaho. Araw pa lang ng Linggo pero parang Lunes na dahil daig pa ang Rush hour sa dami ng mga pasaherong nakasakay sa Jeep. Bagamat Linggo pa lang, karamihan sa mga estudyanteng nakasakay ay mga mag-aaral sa Kolehiyo.
"Nicholas, Hoy! Gising na, Malapit na tayong makarating sa amusement park!" bahagyang bumulong si Jacob sa tenga ni Nicholas habang bahagyang tinatapik din nito ang balikat nito.
Kanina pa napansin ni Jacob na nakapikit ang mga mata ni Nicholas at tila hindi alintana ang init bunga ng pagsisiksikan ng mga pasaherong nakasakay sa loob ng jeep. Pero tila antok na antok pa rin ito kung kaya hindi na muna ito ginising ni Jacob pero dahil malapit na nga na makarating sa destinasyon na pupuntahan nang dalawa ang magkaibigan kaya ginising na ni Jacob si Nicholas.
"Huh? Bakit? Ja... Jacob!" sambit ni Nicholas sa kaibigan nang maalimpungatan ito dahil sa pag-tapik sa balikat nito.
"Anong huh? O, bakit parang gulat na gulat ka Nicholas?" tugon ni Jacob kay Nicholas habang nakakunot ang noo at nakatitig sa kaibigan.
"Hah! Hindi ah, Ano nga ulit ang sabi mo?" tugon ni Nicholas.
"Ahh! Ang sabi ko, malapit na tayong makarating sa amusement park." sagot naman ni Jacob kay Nicholas.
"Saka teka nga lang! Kinulang ka ba sa tulog kagabi? Mukhang pagod kang tingnan kung pagmamasdan ang hitsura mo, eh hindi pa naman tayo nag-uumpisang magtrabaho ah." pag-uusisang tugon ni Jacob kay Nicholas.
"Hindi naman, wala ito. Huwag mo na lang akong pansinin." sagot naman ni Nicholas at umiwas ng tingin kay Jacob sabay baling ang tingin sa ibang pasaherong nakasakay sa loob ng jeep at tila may hinahanap ang mga mata nito.
"Okay!" tugon na lamang ni Jacob habang napapakamot sa ulo nito.
Malapit nang makarating ang magkaibigan sa lokasyon kung saan nakatayo ang isang kilalang amusement park at doon nagtatrabaho ang dalawa, ang pangalan ng amusement park ay HAPPY WorldLandia AMUSEMENT PARK. Sa Quezon, City nakatayo ang nasabing amusement park.
Habang nasa biyahe si Nicholas kasama si Jacob, napapaisip pa rin ito kung bakit sa pagmulat ng mga mata nito sa halip na isang babae ang kasama nito sa loob ng jeep o kasabay nito sa pagpasok sa trabaho ngunit hindi sapagkat si Jacob ang nasilayan ng mga mata nito. Hindi namalayan ni Nicholas na nakaidlip pala ito ng saglit sa loob ng jeep habang bumibiyahe ang sinasakyan nito.
"Kanina pa ba tayong magkasama?" pamaya-maya'y biglang tanong ni Nicholas sa kaibigan kaya naman takang-taka na napatingin si Jacob.
"Anong klaseng tanong iyan Pare?"
"Oo, Siyempre!"
"Mukhang kulang ka nga talaga sa tulog, Nicholas. Wala ka pa rin sa huwisyo eh. Kaso hindi mo na puwede ituloy ang pagtulog dahil malapit na tayong bumaba ng jeep at magtungo sa pupuntahan natin." saad ni Jacob habang napapangiting pinagmamasdan si Nicholas.
"Oo nga pala, bakit mo naitanong iyan Nicholas? May problema ba?" muling tanong ni Jacob habang bahagyang nakataas ang isang kilay nito.
"Wala! Ah, ang ibig kong sabihin..." tugon ni Nicholas at tila nagdadalawang-isip kung magsasabi ba o hindi kay Jacob.
"Hmm?" usal ni Jacob habang napapakunot ang noo nito na nakatingin kay Nicholas at nag-aabang sa mga sasabihin nito.
"Teka nga lang, bakit nga ba parang takang-taka ka na ako ang kasama mo? Hindi ba kada umaga naman ay sadyang palagi tayong sabay kung pumasok sa trabaho dahil nga mag-katrabaho tayo." saad ni Jacob habang kulang na lang ay ang matawa sa sinabi ng kaibigan.
"Jacob! Wala ba tayong ibang kasama nang umalis tayo sa apartment building kanina? Wala ka bang nakitang babae na kasama ko? Kasi dapat may kasabay tayo kanina na babae na papunta rin sa amusement park dahil makakasama rin natin siya sa trabaho." saad ni Nicholas habang nakatitig kay Jacob.
"Huh? Anong pinagsasasabi mo riyan Pare?"
"Tayo? May ibang kasama kanina? Naku, Wala, ah! Ikaw at ako lang ang magkasama nang umalis tayo sa apartment building. At sino naman iyon babaeng tinutukoy mo?" umiling-iling na tugon ni Jacob.
"Hala, Nicholas! Anong nangyayari sa iyo? May lagnat ka ba ngayon? Mukhang nagdedeliryo ka na yata. Kung ano-ano na ang sinasabi mo. Nakaidlip ka lang saglit, nagkaroon ka na kaagad ng amnesia?" sunod-sunod na pagtatanong ni Jacob kay Nicholas sabay hipo sa noo at mukha nito kaya naman tinabig ni Nicholas ang kamay ni Jacob at tiningnan ito ng makahulugang tingin.
"Oops! Sorry, Ikaw kasi! Kung ano-anong pinagsasasabi mo riyan."
"Wala ka ba talagang nakitang babae na kasama ko?" muling pag-uusisa ni Nicholas habang mataman nakatingin sa mga mata ni Jacob. Binabasa nito ang mga tingin ni Jacob para siguraduhim kung nagsasabi ito ng totoo o hindi.
"Naku, peksman Pare! Mamatay man ang mga kuko ko sa paa ko. Wala akong nakitang babae na kasama mo kamo dahil tayo lamang dalawa ang magkasama kanina ng umalis tayo sa apartment building." paliwanag ni Jacob sa harapan ng kaibigan.
"At saka ikaw? May chix na kasama kanina? Aba, himala Pare!"
"Siguro kanina noon hindi pa kita dinadaanan sa apartment room mo, baka nga mayroon kang kasama na babae pero iyon sinasabi mo na kasama natin siya, aba wala akong nakita. Eh! Di sana kanina ko pa nalaman ang pangalan niya." dagdag pang paliwanag ni Jacob habang kinukumbinsi si Nicholas na totoo ang sinasabi nito.
"Nasaan na pala siya kung ganoon? Bakit biglang nawala kung talagang kasabay natin iyon babaeng sinasabi mo?" napapakunot-noo si Jacob habang nakatitig kay Nicholas.
"At kung totoo man iyan sinasabi mo Pare, Eh! Sayang, dahil hindi ko man lang naabutan at nang nakilala ko iyong babaeng tinutukoy mo na kasama mo kamo kanina."
"Tsk, Iyon pa talaga ang inalala mo." sagot ni Nicholas na may bahid ng kasungitan sa tono ng boses.
"Siyempre, nakakapanghinayang dahil hindi ko nakilala iyon babae. Kagulat-gulat din dahil biruin mo, ang Dakilang Torpe na si Mr. Nicholas ay mayroon pa lang nakilala at nakasamang babae kanina na malamang ay maganda at sexy dahil hinahanap niya iyon babae. At isa iyon himala!" pabirong saad ni Jacob habang bahagyang napapangisi ito.
"Iyan ka na naman sa pagiging malisyoso mo!" sagot ni Nicholas na kulang na lang ay busalan ang bibig ni Jacob dahil nakukulili na ito sa pagiging madaldal ng kaibigan.
"Pero, Pare ah! Grabe ka sa akin, nakakatampo ka!" nakangusong tugon ni Jacob sa kausap.
"Ako! Na Best friend mo, pinaglilihiman mo na."
"May chix ka pa lang nakilala. Bakit hindi mo man lang ako tinawagan kanina para napuntahan kita kaagad sa apartment room mo. Hindi ko tuloy nakita iyong babaeng sinasabi mo, kung totoo nga iyon sinasabi mo." madramang tugon ni Jacob habang nag-e-emote sa harapan ni Nicholas.
"O baka naman, pinagtitripan mo lang ako hah!" may halong pamimintang sa tono ng pananalita ni Jacob. Halos panlakihan naman ng mga mata ni Nicholas ang katabing kaibigan dahil na rin sa mga pinagsasasabi nito.
Napapatingin naman ang ilan pasahero sa magkaibigan. Ang ilan ay ibig matawa dahil sa mga pinagsasasabi ni Jacob.
"Pero teka! Ano naman ang pangalan at hitsura niya? Maganda nga ba at sexy siya kagaya ng iniisip ko?" may bahagyang pangingislap na mababanaag sa mga mata ni Jacob habang sunod-sunod ang pagtatanong nito kay Nicholas.
"Jacob! Tumahimik ka na nga! Nagtanong lang ako, ang dami mo na kaagad sinabi."
"Hindi bale na nga! Kalimutan mo na lang na nagtanong ako sa iyo." saad na lamang ni Nicholas at ibinaling ang tingin sa ibang direksiyon.
"Sus, masikreto pa ito. Ayaw mo na ba akong makasama? Mas gusto mo bang makasama iyon babae? Sige, Bukas! Hindi na tayo magsasabay sa pagpasok sa trabaho, pero sa ngayon idamay mo muna ako sa pamasahe! Wala akong pampamasahe eh, kaya ilibre mo muna ako." saad ni Jacob habang pakurap-kurap pa ang mga mata nito na nakatitig kay Nicholas.
"Ewan ko sa iyo Jacob!" tugon naman ni Nicholas habang kulang na lang ay paikutan nito ng mga mata si Jacob.
"Pero Pare ito seryoso na talaga! Kung sinasabi mong may kasama ka kanina na dapat ay kasabay rin natin para magtungo sa amusement park, sino naman siya kung ganoon? Siguro naman alam mo ang pangalan at hitsura niya?" may halong kuryosidad sa pagtatanong ni Jacob.
"Hah!... Oo naman, Si ano! Si..." sagot ni Nicholas ngunit sa hindi malaman dahilan ay hindi nito mabigkas ang pangalan ng babae dahil biglang nawala sa ala-ala nito kung sino o ano ang pangalan ng babae.
"Sino?" muling tanong ni Jacob habang titig na titig kay Nicholas at abang na abang sa sasabihin nito.
Bakit ganoon? Bakit hindi ko na maalala ang pangalan ng babaeng kasama ko kani-kanina lang?
Hindi ako puwedeng magkamali. Alam kong may kasama ako kanina na babae at simula pa noong umaga kasama ko na siya bago pa dumating si Jacob.
Hindi naman siguro panaginip na naman iyon mga nangyari kaninang umaga dahil ang pakiramdam ko talaga ay totoo ang lahat ng mga iyon. Totoong nangyari. Ganito rin ang nangyari kahapon. May mga naranasan akong kakaibang mga pangyayari. Kaya ko lang masasabing panaginip ang lahat ng mga nangyari kahapon sapagkat noon magising na ako mula sa mahabang pagkakatulog ko ay tila naging parang normal na ang lahat. Pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi ako makumbinsi na panaginip lamang ang lahat ng mga nangyari kahapon hanggang kaninang umaga.
Dahil kung panaginip nga lamang ang lahat-lahat ng mga iyon, ano ang dahilan? Bakit ako nananaginip ng mga ganoon pangyayari?
Ang pinagtataka ko pa. Dalawang magkaibang babae ang nakilala ko. Isa kahapon at ang isa ay ang babaeng nakilala ko kani-kanina lang umaga. Pareho rin silang naglaho na para bang hindi talaga sila nag-exist sa mundo kung hindi sa panaginip lamang. Nangyayari lamang iyon sa tuwing nagigising na ako mula sa pagkakatulog ko.
Ngunit kahit parehong natatandaan ko ang lahat ng mga pangyayari at ang mga hitsura nila, ang babaeng nakilala ko kani-kanina lang ay nakapagtatakang hindi ko na matandaan ang pangalan nito? Kung ito iyon tinatawag ng iba na Vivid Dreaming, hindi ba dapat halos lahat ng nangyari sa panaginip ay matatandaan ko pa rin dahil sariwa pa ito sa aking isipan?
Naguguluhan na ang isipan ni Nicholas dahil sa mga kakaibang nangyayari rito.
Nagsimula ito noon managinip ito nang kakaibang panaginip kagabi ngunit sa pakiramdam naman ni Nicholas ay tila totoo ito at hindi isang simpleng panaginip lamang. Sa pakiramdam ni Nicholas, totoo lahat ang mga naranasan nito kahapon bagamat lumalabas na maaaring panaginip lamang ang mga iyon kung iyon ang paniniwalaan ni Nicholas.
Matagal na nakatulala si Nicholas dahil tila wala ito sa sarili samantalang si Jacob naman ay niyuyugyog ang isang balikat nito.
"Hoy! Ano na?" muling tanong ni Jacob.
"Huh? Ahh!...., nandito na tayo. Bumaba na tayo!" tugon ni Nicholas habang binago ang takbo ng usapan.
"Oo na, Naku! Nakalimutan ko mag-text kay Bella, My Love! Patay na naman ako nito sa kanya." tugon ni Jacob habang bumaba na ang dalawa sa jeep.
"Ano na, Pare? Ano ang pangalan noon babaeng sinasabi mong kasama mo kanina?" tanong ni Jacob habang kinukulit si Nicholas.
"Hindi ko nga maalala." sagot naman ni Nicholas.
"Hahh! Alalahanin mo. O baka naman pinagtitripan mo lang talaga ako." halos manghaba ang nguso ni Jacob habang si Nicholas naman ay kulang na lang ay batukan ang kaibigan.
"Mukha ba akong nangtitrip."
"Okay! Kung totoo man iyan mga sinasabi mo, Aba! masaya ako para sa iyo kung ganoon dahil sa wakas, marunong ka na ulit lumandi." saad ni Jacob sabay bahagyang sinuntok nito sa balikat si Nicholas habang nakangisi pa ito.
Napakunot naman ang noo ni Nicholas ngunit hindi na ito nagsalita para hindi na humaba pa ang usapan.
Naglalakad ang dalawa at pa-pasok na ang mga ito sa entrance gate ng amusement park.
"Pero kung nagbibiro ka naman. Pasado ka pa rin para sa akin. Napatawa mo ako!" saad ni Jacob habang bahagyang napahalakhak ito.
"Pero ito seryoso na ulit Pare! Kung totoo man ang mga sinabi mo, Naku! pasensiya na pala pero kalimutan mo na iyon mga sinabi ko kanina. Labas na ako riyan sa Topic na iyan dahil kalilimutan ko na rin ang lahat nang mga iyon, sapagkat una hindi ko naman kilala iyon tinutukoy mo."
"Pangalawa baka malaman ni Bella ang tungkol doon. Hindi bale sana kung maniniwala siya sa iyo na ikaw iyon may kasamang babae at hindi ako."
"Ang problema, kilala mo iyon, napakaselosa. Ako ang pagdududahan noon at magagalit na naman siya sa akin, Pare."
"Pero ito curious lang ako. Bumalik tayo sa unang Topic. Bakit naman hindi mo maalala ang pangalan ng babaeng kasama mo kamo kanina? Akala ko ba may kasama tayong isang babae?"
"Hmm, Baka naman, naglasing ka kagabi ng mag-isa at dahil nalasing ka nga hindi mo alam ang mga pinaggagagawa mo kagabi. At ngayon mo lang naalala ang mga pangyayari maliban sa pangalan ng babae. Kaya ang akala mo ay may kasama kang babae o tayo kaninang umaga kasi ang naaala mo ay ang mga nangyari kagabi." saad ni Jacob habang ipinaliliwanag ang konklusiyon nito sa mga pinagsasasabi ni Nicholas.
"Ikaw, Pare, hah! Ang daya mo. Hindi mo man lang ako niyagak gumimik kagabi. Nagsolo kang gumala. Saan ka nagpuntang Bar?" nakasimangot na saad ni Jacob at may halong pagdaramdam sa tono ng boses nito.
"Hah? Ano bang pinagsasasabi mo riyan Jacob? Hindi ako gumala kagabi o uminom man lang ng alak sa Bar! At bakit naman ako maglalakwatsa kagabi? Saka hindi ba alam mo naman na hindi ako mahilig gumimik o ang magpupunta sa mga Bar's lalo na at nanggaling ako mula sa pagtatrabaho."
"Bugbog na ang katawan ko mula sa pagtatrabaho magmula umaga hanggang sa oras nang paglabas natin mula sa amusement park, kaya wala na akong panahon pa para gumimik sa gabi." depensang paliwanag ni Nicholas kay Jacob habang kulang na lang ay batukan na talaga nito ang kaibigan. Kumbaga para kay Nicholas, namumuro na ito.
"Sorry naman! Kaya nga ako nagtatanong sa iyo dahil baka nga hindi mo lang maalala na gumimik ka pala kagabi at siguro uminom ka kahit papaano ng alak, pagkatapos malay mo mayroon ka palang nakilala na isang magandang babae kung saan ka man nagpunta kagabi at iyon babae na iyon ang nasa isip mo, hindi mo lang maalala ang pangalan niya dahil baka nga nalasing ka nang husto." dagdag pang saad ni Jacob habang naiiling ito at hinihimas ang baba nito.
"Huh? Bakit naman ako iinom ng alak? Hindi ba, Alam mo na may allergy ako pagdating sa alak." muling depensang paliwanag ni Nicholas bilang tugon sa mga pagdududa ni Jacob. Napahinto rin ito sa paglalakad ganoon din si Jacob.
"Pero ang gulo pa rin Pare, bakit hindi mo matandaan ang pangalan niya kung kasama mo siya kanina?" sunod sunod na pagtatanong ni Jacob kay Nicholas na may kasamang pagdududa at pagkalito sa tono ng pananalita nito habang nakatingin ito kay Nicholas.
"At kung hindi iyon ang dahilan, eh! bakit nga hindi mo maalala ang pangalan noon babae?"
"Oo nga pala naalala ko lang, bakit napaaga ang pag-uwi mo kagabi? Nagtataka nga ako sa iyo dahil ang aga mo nagpaalam kay Boss para umuwi samantalang dati naman kahit dapat tapos ka nang magtrabaho o kahit masama na ang pakiramdam mo ay dire-diretso ka pa rin sa pagtatrabaho rito sa amusement park."
"Tapatin mo nga ako Pare! Mayroon ka bang problema na hindi sinasabi sa akin? Matalik tayong magkaibigan kaya alam ko na kung may tinatago ka sa akin o wala. Hindi mo kailangan mahiyang magsabi sa akin kung ano man iyan problemang kinikimkim mo." seryosong saad ni Jacob habang nakatitig sa mga mata ni Nicholas.
Kahit naman sinabi ko na sa iyo, hindi ka naman naniniwala sa akin.
"Isa lang masasabi ko sa iyo. Hindi ako nagpunta sa Bar kagabi para maglasing o gumimik. At wala akong problemang kinikimkim."
"Ganoon naman pala Pare. Baka panaginip lamang iyan o baka nangangarap ka lang na may kasama kang babae. Gusto mo gawan natin ng paraan para magkatotoo iyan mga panaginip o pantasya mo?" saad ni Jacob sabay kindat nito at umakbay sa balikat ni Nicholas.
"Tsk, Puro ka talaga kalokohan Jacob." sagot ni Nicholas at inalis ang pagkakaakbay ni Jacob sa balikat nito.
"Kaya nga Pare, Kung ako sa iyo tama na muna ang pag-iisip mo tungkol doon sa babae na iyon dahil marami pa tayong gagawin." saad ni Jacob at muling naglakad ang dalawa patungo sa kani-kaniyang mga puwesto sa amusement park para magtrabaho.
"Bahala ka na nga kung anong gusto mong isipin."
Basta para sa akin mayroon hindi tama sa nangyayari. Ang kaganapan na ito ay kakaiba o hindi normal. Ang mga nangyari kahapon at kaninang umaga ay isa pa rin palaisipan para sa akin sapagkat hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maipaliwanag kung bakit mayroon ganoon mga pangyayari at bakit ito nangyayari? At kung panaginip nga lang ba ang lahat ng mga nasaksihan at naranasan ko?
Ang alam ko makakasama ko ang babae na iyon para magtungo rito sa amusement park. Hindi rin naman siguro ako nakatulog para managinip. Pakiramdam ko nakaidlip lang ako nang saglit kanina sa loob ng jeep habang bumibiyahe ito at hindi sapat iyon para managinip ako.
Hindi kaya may kinalaman talaga iyon wish ko noong isang gabi at iyon Elf na iyon sa mga nangyayari sa akin?
Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit alam ni Inay na hindi na ako nakakain nang hapunan kagabi nang dahil sa pagod at antok. Ganoon din si Jacob, alam niya ang tungkol sa pag-alis ko kagabi nang mas maaga para umuwi kung panaginip lamang ang lahat.
Awtomatikong naunang maglakad ulit si Nicholas habang iniisip pa rin kung anong hiwaga ang bumabalot sa tuwing nagkakaroon ito ng kakaibang panaginip. Hindi nito mawari kung ano iyon mga naranasan?
Hinabol pa ito ni Jacob ng hindi pansinin ni Nicholas ang pagtawag nito sa pangalan ng kaibigan.
"Pero Pare! Gusto ko man maniwala sa iyo, ngunit ang problema ay wala naman talaga akong nakitang babae na kasama mo kamo kanina." medyo habol-hininga na saad ni Jacob habang sumasabay ito sa paglalakad ni Nicholas.
"Magmula pa kaninang umaga, tayong dalawa lang ang magkasabay na papasok sa amusement park na ito. Kahit noon pa man ganoon na ang ginagawa natin. Palaging tayo lang dalawa ang magkasabay na pumapasok sa trabaho."
"Halos araw-araw iyon at kahit sa pag-uwi sa gabi ay magkasabay pa rin tayo. Bihira lang naman mangyari iyon hindi tayo mag-sabay." pagpapaliwanag na sabi ni Jacob sa kaibigan.
"Nalalaman ko rin kung hindi tayo magkakasabay kapag hindi na kita naabutan sa apartment room mo. At ngayon umaga, wala naman akong nakitang ibang tao maliban sa mga pamilyar na sa akin ang mukha. Makakasalubong ko iyon sinasabi mong babae kung sakali man totoo iyon sinasabi mo." dagdag pang pagpapaliwanag ni Jacob. Kinukumbinsi nito si Nicholas na paniwalaan ang mga sinasabi nito.
"Oo na! Sige na, alam ko naman walang maniniwala sa akin kaya tanggap ko na. Tayo na at magtatrabaho pa tayo." tugon ni Nicholas sa kaibigan habang hindi ito lumilingon at naglalakad pa rin ng dire-diretso patungo sa direksiyon kung saan ito nakatoka bilang Rides Mechanic.
"Nicholas, hindi sa ganoon iyon. Alam mo kasi, kahit na ako ay sumang-ayon sa iyo pero papaano ang ibang tao? Aakalain na nahihibang ka na."
"Biruin mo, sinasabi mo na isang babae ang kasama mo kanina tapos biglang parang magic, Boom! Nawala na lamang na parang bula ang babae at bigla ako pala talaga ang kasama mo. Isipin mo nga iyon Nicholas. Anong iisipin nang iba? Hindi ba ang iisipin sa iyo, nasisiraan ka na ng bait at saka ako naman talaga ang kasama mo simula pa noong una." mahabang pagpapaliwanag nito habang napatigil si Nicholas sa paglalakad at bumaling ng tingin kay Jacob.
"Bakit Pare? May nasabi ba akong masama?" pagtatanong ni Jacob sa kaibigan habang ang expression ng mukha ay nagtataka dahil sa inaakto ni Nicholas.
"Ulitin mo nga ang sinabi mo." saad ni Nicholas.
"Huh? Ang alin? Iyong anong iisipin nang iba, etc, etc?" nagtatakang tanong sabay ulit ni Jacob sa huling pangungusap na nasambit nito habang nagkatitigan ang dalawa.
"Hindi iyon! Iyong isa pa, iyong bago mo sabihin iyon." sagot ni Nicholas.
"Boom?" walang kasiguraduhang sagot ni Jacob sa kaibigan.
"Hindi iyon!"
"Ang alin nga?" naguguluhan sambit ni Jacob.
"Iyong salitang magic." halos pabulong na sagot ni Nicholas sapagkat hindi nito alam kung papaano ipaliliwanag kay Jacob kung ano ang kaugnayan ng magic sa mga nangyayari rito.
"Ano? Magic?" tanong ni Jacob kay Nicholas sabay mas lapit pa rito para mas madinig ang sinabi ni Nicholas.
"Oo!" tugon ni Nicholas sabay tango bilang pagsang-ayon.
"Oh! Ano ngayon iyong tungkol sa magic?" tugon ni Jacob habang napapakamot pa ito sa ulo nito dahil sa pagtataka.
"Ang ibig sabihin noon, magic ang may kagagawan nitong lahat!" sagot ni Nicholas na parang siguradong-sigurado na tama ang iniisip at sinasabi nito.
"Huh? Bakit at paano mo naman nasabi na magic ang may kagagawan?" naguguluhan pa rin si Jacob sa mga sinasabi ni Nicholas pero matamang nakikinig pa rin ito kay Nicholas.
"Kagabi, nanaginip ako na may nakilala akong isang babae at dahil nga panaginip lang iyon medyo binalewala ko o halos kalimutan ko na nga dahil nga baka panaginip lang ito, pero iyon panaginip kong iyon ay para talagang totoo dahil kung makikita mo iyon mga pangyayari hindi mo iisiping panaginip lang pala ito." mahabang saad ni Nicholas.
"Ahh, Okay! Pagkatapos? Anong kasunod na nangyari?" tugon ni Jacob habang sinenyasan si Nicholas na ipagpatuloy ang sasabihin.
"Pagkatapos, May nakilala ulit akong bagong babae kani-kanina lang umaga, kaya tinatanong kita kung nakita mo iyon babaeng kasama ko kanina dahil sabay sana kaming papasok sa lugar na pinagtatrabahuhan natin." dagdag pang paliwanag ni Nicholas kay Jacob.
"Teka, teka! May bagong babae kang nakilala kanina pagkatapos mong managinip ng kakaiba?" muling tanong ni Jacob na nakakunot pa ang noo.
"Tumpak!" sagot ni Nicholas.
"Ngunit ang sabi mo wala kang nakitang babae na kasama ko at sa halip ay ikaw ang nabungaran ko nang magising na ako mula sa pagkakaidlip ko habang nakasakay tayo sa jeep." mataman nakikinig kay Nicholas si Jacob habang kinukuwento ang mga nangyayaring kakaiba kay Nicholas.
"So, ang ibig mong sabihin magkaiba ang babaeng tinutukoy mo sa panaginip mo kagabi at iyong babaeng sinasabi mong kasama mo kaninang umaga?" muling pagtatanong ni Jacob kay Nicholas habang tumatango naman si Nicholas bilang pagsang-ayon.
"Itong babae na tinutukoy mo na kasama mo dapat papunta rito sa amusement park ay parang lumalabas na bahagi rin siya ng panaginip mo pagkatapos mong makatulog ng ilan minuto?" nanlalaki ang mga mata ni Jacob dahil halos hindi ito makapaniwala sa mga sinasabi ni Nicholas.
"Oo! Parang ganoon na nga. Nangyayari lang itong mga kakaibang pangyayari na hindi ko maipaliwanag sa tuwing nakakatulog ako at napupunta sa panaginip."
"At kapag nagising na ako mula sa aking panaginip, bigla na lang nawawala ang mga babaeng nakilala ko pero natatandaan ko pa rin iyong mga pangyayari o kung paano ko sila nakilala."
"Ngunit ang ipinagtataka ko ay itong sa sinasabi ko sa iyo na babae na nakilala ko kani-kanina lang umaga na maaaring bahagi ulit nang panaginip ko. Ang hindi ko kasi maintindihan ay kung bakit hindi ko na matandaan ang pangalan niya." pagpapaliwanag ni Nicholas kay Jacob na may kasamang pagmumustra pa ng mga kamay nito.
"Pero kahit ako Pare! Hindi ko rin maintindihan ang pinagsasasabi mo. Akala ko ba hindi ka naniniwala sa magic? Himala at biglang nagbago ang isip mo!" saad ni Jacob na napapailing na lamang dahil hindi na nito malaman kung maniniwala ba ito o hindi sa sinasabi ni Nicholas.
"At isinisi mo pa talaga sa magic ang hindi mo pag-alala sa pangalan noon babae."
"Hindi mo nga ba talaga maalala ang pangalan niya?" may pagdududang tanong ni Jacob kay Nicholas habang titig na titig ito kay Nicholas.
"Anong klase bang tingin iyan Jacob? Akala ko ba nakikinig ka nang mabuti sa mga sinasabi ko?" saad ni Nicholas habang nakatingin kay Jacob.
"Kasi naman kung panaginip lang iyan! Panaginip lang talaga iyan. Walang ibig sabihin. Sa tagal mo na kasing hindi nakikipagsabong sa isang babae kaya hayan pati hanggang sa panaginip dinadalaw ka na. Gumalaw-galaw ka naman Pare!" saad ni Jacob na halos sabunutan na ang buhok dahil sa mga naririnig mula sa bibig ng kaibigan.
"Maliban na lang kung—" tugon ni Jacob habang napahawak pa sa kanyang baba na tila nag-iisip ng malalim.
"Hala! Pare, huwag mong sabihing may kalokohan ka talagang ginawa kagabi at dahil sa kalasingan mo hindi mo na alam ang mga pinag-gagagawa mo?"
"At ngayon mo lang natatandaan iyong mga pangyayari kagabi pero dahil hindi mo pa talaga kilala ng lubusan iyong babae kaya nakalimutan mo rin ang pangalan niya."
"Ano ba, Jacob! Seryoso ako!" sagot ni Nicholas at halos hindi na maipinta ang expression ng mukha.
"Kasi naman it makes sense talaga Pare!" saad ni Nicholas at tila na-frufrustrate na ito sa pagpapaliwanag kay Jacob.
"Makinig kang mabuti sa akin! Naaalala mo si Janella, iyong Accounting Assistant ng Accounting Department?" pagtatanong ni Nicholas sa kaibigan.
"Huh? Sino naman si Janella Pare? Akala ko ba hindi mo maalala ang pangalan noon babaeng sinasabi mong nakilala mo kanina? At hindi Janella ang pangalan ng Accounting Assistant na si Mrs. Flores dahil Mrs. or Ma'am Jhanna ang pangalan nito." nagtatakang sagot naman ni Jacob.
"Hah! No, Iba itong si Janella na tinutukoy ko. Siya iyon babaeng napanaginipan ko kagabi pero iyon kanina hindi ko talaga matandaan ang pangalan niya."
"Anyway, itong sinasabi kong babae. Janella ang sinabi ninyong pangalan niya sa akin at kahapon lang ito nangyari."
"Nagtataka nga ako kasi ang alam ko nga si Ma'am Jhanna ang Accounting Assistant dahil matagal-tagal ko na rin siyang kilala. Itong si Janella na tinutukoy ko, noon ko lang siya nakita at nakilala ngunit pinagpipilitan ninyong dalawa ni Bella na matagal nang nagtatrabaho bilang Accounting Assistant sa HWLAP ang babaeng dragona na iyon." mahabang paliwanag ni Nicholas kay Jacob.
"Nakakatawa ka Pare dahil imposible iyon mga sinasabi mo. Mabuti na lamang panaginip lang iyan mga sinasabi mo." bahagyang napahalakhak si Jacob at naiiling dahil sa mga naririnig na kawirduhan mula sa bibig ni Nicholas.
"So, Ano ang kinalaman nang magic sa mga napapanaginipan mo?" muling tanong ni Jacob kay Nicholas.
"Alam kong hindi lang basta panaginip ang mga iyon. Naniniwala ako na may magic na nangyayari. Magic ang may kagagawan nito." halos pabulong na tugon ni Nicholas habang takang-taka ang kaibigan sa pinagsasabi nito.
"Ang gulo mo Nicholas. Hindi talaga kita maintindihan Pare." sagot naman ni Jacob.
"Nico, nariyan lang pala kayo ni Jacob. Bilisan ninyo na ang pagkilos at mag-ayos na kayo para pagbukas ng amusement park ay ready na tayo." salubong na sabi ni Bella habang nilapitan ang dalawa na nakatayo lamang sa isang lugar.
"Sige, papunta na kami roon sa Maintenance Department. Bella! Uhmm, May itatanong lang ako sa iyo." tugon ni Nicholas habang nakatingin kay Bella.
"Ah, Okay sige! Ano iyon?" sagot ni Bella.
"May kilala ka bang Janella?" tanong ni Nicholas habang mataman nakatingin kay Bella. Napatingin naman si Jacob kay Nicholas habang bahagyang tumaas ang kanan kilay nito.
"Hmm, Janella ba? Mayroon! Bakit?" sagot ni Bella sa tanong ni Nicholas.
"Totoo! Ibig sabihin, hindi ako nananaginip? Totoo lahat iyon mga nasaksihan at naranasan ko kahapon." saad ni Nicholas habang nanlalaki ang mga matang nakatingin kay Bella. Kumunot ang noo sabay taas ang mga kilay ni Bella dahil sa reaksiyon pinakita ni Nicholas.
"Hah? Ano bang pinagsasabi mo riyan Nico? Okay ka lang ba?" nagtatakang sabi ni Bella at tila ibig nitong matawa.
"Mahabang kuwento. Mamaya ko na lang sasabihin sa iyo ang lahat. Baka sakali, ikaw iyong makaunawa sa mga sasabihin ko." saad ni Nicholas sabay baling nang tingin kay Jacob na napanganga pa dahil na rin sa paraan nang pagtitig ni Nicholas.
"Sige, Mauna na ako sa inyong dalawa. Sumunod ka kaagad Jacob." dagdag na saad ulit nito sa dalaga at naglakad na paalis si Nicholas para magtungo sa Maintenance Department.
"Ayos lang ba ang kaibigan mo, Jacob?" tanong ni Bella sa kasintahan habang naglalakad na rin ang dalawa na magkahawak ang mga kamay.
"Hay, Ewan! Kanina pa nga wirdo ang ikinikilos ni Nicholas. Pero hayaan na nga lang natin siya." saad ni Jacob.
"Tungkol saan ba iyon sasabihin niya?" tanong ni Bella kay Jacob habang nakatingin ito sa kasintahan.
"Ewan ko ba doon. Hindi ko nga maintindihan ang mga pinagsasasabi niya. Pero may kinalaman sa magic at panaginip iyong iginigiit niya sa akin." saad ni Jacob na napabuntong-hininga na lamang.
"Ganoon ba, kahit kailan talaga ang wirdo niya." sabi ni Bella.
"Sinabi mo pa. Iyan si Nicholas ang hari ng kawirduhan." tugon ni Jacob.
Sa loob ng amusement park ay mayroon din ilan mga building ang nakatayo at kabilang na rito ang isang Amusement arcade. Mayroon iba't-ibang klase ng mga arcade machines ang nakapuwesto sa looban nito. Mga nakahilera o kaya naman ay nagkalat sa iba't-ibang bahagi ng building ang mga iba't ibang arcade machines. Bukod sa main lights, napapalibutan din ang buong looban ng Amusement arcade ng mga iba't ibang kulay ng liwanag na nagmumula sa mga ilaw na nakapalibot sa bawat arcade machines. Maririnig din ang iba't ibang ingay na nagmumula sa mga tunog ng mga arcade games machines sa buong paligid. Ang ilan sa mga tunog ay nagmumula sa pagpindot sa mga buttons ng video arcade games nang mga manlalaro na nandoon sa puwesto kung saan nakatindig ang binatang si Nicholas.
Sa Amusement arcade talaga ako dinala ng mga paa ko.
Nakatayo lamang si Nicholas sa isang hindi kalayuan puwesto kung saan napagmamasdan nito ang buong paligid, maging ang mga taong nakapaligid dito ay nakikita nito ang mga ikinikilos. Mga paroo't-parito ang mga tao na karamihan ay mga estudyante. Mukhang kalalabas lamang ng mga ito mula sa mga eskuwelahan na pinapasukan ng mga ito at nagdiretsu lamang sa Amusement arcade para maglibang sa halip na magsi-uwi sa kanya-kanyang mga bahay.
Alas dos y medya na. Halos katatapos lang gawin ni Nicholas ang mga dapat nitong gawin at naisipan nitong maglakad-lakad muna habang naghihintay ito ng tawag mula kay Jacob. Sa Amusement arcade dinala ang mga paa nito. Habang nakatindig lamang ito sa isang puwesto, pinagmamasdan nito ang buong paligid. Halos mapuno ng mga taong bumibisita para maglibang ang loob ng amusement arcade.
Sa tuwing nagtatrabaho si Nicholas pansamantalang nawawala sa isipan nito ang tungkol sa mga nangyayaring kababalaghan rito. Ngunit kapag nagsosolo na ito bumabalik sa isipan nito ang lahat ng mga nangyari kahapon at kaninang umaga.
"Naguguluhan pa rin ako sa mga nangyari sa akin kahapon at kaninang umaga. Hindi ko na malaman kung alin ang totoo sa hindi sa mga nangyari sa akin." sabi ni Nicholas na tila kinakausap ang sarili habang nakatayo ito sa tapat ng mga claw machines.
"Parang nagigising lang ako mula sa isang panaginip at pagkatapos ay may panibagong panaginip na naman na mangyayari ngunit iba na ito sa naunang panaginip." sabi ni Nicholas habang nagsasalita ito nang mag-isa. Nakamasid lamang ito sa paligid pero lumilipad ang isipan nito. Hindi sinasadyang mahagip ng mga mata nito ang isang pamilyar na nilalang sa hindi kalayuan puwesto.
Teka, Si Duwelfino ba iyon?
Awtomatikong umusad nang paglalakad si Nicholas patungo sa isang arcade game machine kung saan nito natanawan si Duwelfino at sakto naman na walang katao-tao sa bahaging iyon.
"Duwelfino?" may pag-aalinlangan na sabi ni Nicholas habang nakatayo ito sa lugar kung saan nito nakita si Duwelfino. Nakapatalikod ang nilalang na tinutukoy nito.
"Tama ka nga aking kaibigan!" masiglang bungad na sabi ni Duwelfino sa harapan ni Nicholas nang humarap na ito.
"Duwelfino, Ikaw nga! Sinasabi ko na nga ba at ikaw iyong nakita ko." saad ni Nicholas na tila hindi na nagugulat sa nilalang na nasa harapan nito.
"Mabuti at nakikilala mo pa ako, aking kaibigan." tugon ni Duwelfino habang nakangisi itong nakatingin kay Nicholas.
"Malamang! Iyon bang kung ano-ano ang mga nangyayari sa akin kababalaghan na tanging ako lamang yata ang nakakaranas o nakakaunawa. Pagkatapos tatanungin mo lang ako kung kilala ba kita? Samantalang ikaw ang dahilan ng lahat ng mga nangyayari sa akin."
"Naku, kung hindi nga lang talaga!" saad ni Nicholas sa harapan ni Duwelfino. Gustuhin man nitong ituloy ang sasabihin ngunit kinakabahan ito sa puwedeng mangyari kapag kinalaban nito ang isang Elf na mayroon mahikang tinataglay.
"Relax ka lang, kaibigan ko. Walang masamang mangyayari sa iyo." pasulpot-sulpot ito nang paikot kay Nicholas.
"Oo nga pala, ano ba talagang nangyayari sa akin? Anong dahilan kung bakit mo ako pinagtitripan? Hindi naman siguro matitindi ang mga ginawa kong kasalanan sa mundo para parusahan mo ako ng ganito." saad ni Nicholas sa magkahalong inis at frustration. Kulang na lang ay umiyak ito sa harapan ng Elf at magmakaawa kay Duwelfino na tapusin na ang parusa nito kung parusa man iyon nangyayari kay Nicholas.
"Ang nangyayari sa iyo ay kailangan mong maranasan at ikaw lang ang makakabatid mismo kung bakit at para saan ito." sagot ni Duwelfino.
"Ha?" naguguluhan sabi ni Nicholas.
"Maaga pa para malaman at matanggap mo ang lahat ng dapat mangyari aking kaibigan." tanging tugon ni Duwelfino.
"Ano?" sagot ni Nicholas. May sasabihin pa sana ito ngunit naglaho na naman bigla si Duwelfino.
"Nalilito ako sa mga pinagsasasabi mo Duwelfino! Hayan ka na naman. Teka lang!" pahiyaw na saad ni Nicholas ngunit wala na itong kausap. Mabuti na lamang walang katao-tao ng mga oras na iyon kung saan ito nakatindig dahil kung nagkataon nagmukha itong may sira sa pag-iisip.
Umalis na lamang si Nicholas mula sa kinatatayuan nito para magtungo pabalik sa puwesto kung saan ito gumagawa.
Siguro kailangan ko ng tanggapin ang mga kaganapan na ito. Ito na siguro ang magiging buhay ko, kaso palagi na lamang sa tuwing nagigising ako mula sa pagkakatulog ay iba-iba ang nangyayari. At lahat ng mga bagong nakikilala kong babae ay hindi man lang maalala nina Jacob at Bella.
Bahala na nga, kailangan ko nang magtrabaho ulit at nang makalimutan ko kahit papaano ang mga bagay na iyon.
"Gosh, my tokens got eaten by the machine!" inis na saad ng isang dalaga mula sa hindi kalayuan puwesto kung saan narinig ito ni Nicholas nang mapadaan ito malapit sa kinaroroonan ng dalaga. Nakatindig ang babae sa tapat ng isa sa mga claw machines at nilapitan ito ni Nicholas.
"Hello, Ma'am! Is there a problem? Maybe I can help." masiglang saad ni Nicholas nang lumapit ito sa dalaga.
"Glad you came! You're a staff here right?" sabi ng dalaga kay Nicholas nang lingunin ito ng babae sapagkat napansin nito ang paglapit ni Nicholas.
Kapansin-pansin ang hitsura ng babae dahil tila ba para itong isang anghel na bumaba sa langit dahil sa pagkakaroon nito ng maamong mukha. Kutis labanos ito. Sa palagay ni Nicholas ay anak-mayaman ito at tila iba ang lahi nito o hindi isang purong pinoy. Ang pananamit nito ay elegante o sopistakadang tingnan. Nakasuot ito ng off shoulder floral chiffon dress at baby pink branded medium size sling bag. May maaliwalas din itong ngiti kaya naman hindi maiwasan ni Nicholas ang titigan ito ng matagal.
"Excuse me!" sambit ng babae ng muli itong magsalita. Bahagyang nakataas ang isang kilay nito na tila nagtataka sa pagtitig ni Nicholas.
"Huh! Ye--yes ma'am." sagot ni Nicholas nang matauhan ito. Ipinitik ng dalaga ang daliri nito para mapukaw ang atensiyon ni Nicholas.
"Can you please help me out? The machine ate my tokens." sabi ng babae kay Nicholas na may pagsusumamo sa tinig nito.
"Okay, ma'am."
Naku, patay! Mapapalaban pa yata ako sa Englishan. Nakakaintindi naman ako ng English at nakakapagsalita nito kaso mababaw lang.
"Ako na po ang bahala riyan. Ah, what I mean is, I will fix the machine. Please, wait for a while." tugon ni Nicholas habang kinuha nito ang kinain na tokens mula sa claw machine nang buksan nito ang isang bahagi ng machine gamit ang mga kagamitan na ginagamit nito sa pag-aayos ng mga makina.
Kahit saan magpunta si Nicholas basta nasa loob ito ng amusement park ay palaging nakakabit sa baywang nito ang isang malaki-laking belt bag kung saan dito nito inilalagay ang mga materyales na ginagamit nito sa trabaho.
"Ohh! Okay, Thank you." sagot naman ng babae.
"Heto na po ma'am. Ah, I mean, here's the tokens ma'am" sabi ni Nicholas sabay abot ng mga tokens sa babae.
"Thank you so much. May I know your name please? And by the way, I notice that you're not comfortable on speaking with me using English. You know, you can speak whatever language you're comfortable when you're talking to me because I can understand it, whatever it is. So feel free to say whatever you wanted to say to me using your language."
"To let you know, I'm a Filipino too, so I can understand whatever you are saying." saad ng dalagang nasa harapan ni Nicholas habang nakangiti ito.
"Ganoon po ba ma'am, sige po." sagot ni Nicholas na awtomatikong napangiti.
"Nicholas nga po pala ma'am." nahihiyang sagot ni Nicholas.
"Okay, thank you Nicholas." muling sabi ng dalaga habang hindi nawawala ang ngiti sa labi nito.
"I really wanted to have that cute Purple Teddy Bear." masiglang sabi ng babae habang inilagay muli nito ang isang token sa hulugan nang token ng claw machine na iyon at saka sinubukang kuhanin ang stuffed toy na tinutukoy.
Paalis na sana si Nicholas nang marinig nitong magsalita ulit ang dalaga.
"Aww! Why it is hard to get a stuffed toy on a claw machine." naiinis na sabi ng dalaga. Nakapanguso pa ito pero kahit ganoon hindi maiwasan ni Nicholas na hindi titigan ito.
Ang cute niya!
"Ahh? Miss! Gusto ninyo po ba, try kong kuhanin ito para sa inyo?" may pag-aalinlangan sabi ni Nicholas. Bahagyang nakaramdam ito ng pag-iinit ng mga pisngi.
"Is it okay? Can you really get that purple bear?" tugon ng dalaga na bagamat nahihiya, mababakas sa tinig nito ang kasiyahan sapagkat halos mangislap ang mga mata nito at hindi nawawala ang ngiti sa labi nito.
"Kaya nga po ita-try ko." muling tugon ni Nicholas.
"Okay, then here are the tokens." sabi ng dalagang kasama ni Nicholas sabay iniabot ang ilan pang tokens na hawak nito kay Nicholas.
Pumuwesto na si Nicholas sa harapan ng isang claw machine kung saan dito nakalagay ang stuffed toy na tinutukoy ng dalagang kasama ni Nicholas. Ipinuwesto ni Nicholas ang claw sa tapat ng purple na Teddy bear at saka pinindot ang button para damputin ng claw ang stuffed toy na iyon.
"Okay, Great! Now let's see if you can take it all the way." saad ng dalaga na may excitement at panghahamon na mababakas si tinig nito. Nang nadampot na ang stuffed toy gamit ang claw, nakikita nito ang unti-unting paglapit ng purple teddy bear papunta sa labasan ng claw machine.
"Okay po ma'am. Makukuha ninyo na ang stuffed toy." sabi ni Nicholas. Pamaya-maya ay kinuha na ni Nicholas mula sa bukana ng claw machine ang stuffed toy at sabay na iniabot sa dalaga.
"Wow! You did it! Thanks Nicholas." sabi ng dalaga kay Nicholas habang hawak na nito ang purple teddy bear at niyakap-yakap pa ito na tila baby ang kinakarga.
Nakangiti lamang na pinagmamasdan ni Nicholas ang dalagang kasama nito.
"Marchellaine!" pasigaw na saad ng isang lalaki habang papalapit ito sa kinaroroonan nina Nicholas at ng babaeng kasama nito.
Sa tingin ni Nicholas ang lalaking papalapit sa puwesto kung saan nakatayo ang dalaga at si Nicholas ay isa rin anak-mayaman dahil na rin sa klase ng pananamit nito o pagporma. Nakasuot ito ng Business Suit. Maganda ang postura nito at modelo ang dating. Mas matangkad din itong tingnan kumpara kay Nicholas.
"Finally, I've found you. I've been looking all over for you but then you're just only here, playing around." muling saad ng lalaki nang makalapit na ito sa dalagang pakay nito. Mababakas sa tinig nito ang pagkaseryoso ng tono at bahagyang paninita.
"Yes, I'm only here, not hiding nor running away. Oh, yes! I'm just playing around. Is it a bad thing to do?" sagot ng dalaga sa lalaki. Mababakas ang bahagyang sarkasmo sa tinig nito. Kulang na lang ay irapan nito ang lalaking nasa harapan nito.
"We need to go. Your father needs you now. He wants to talk to you about some serious business matters." tugon ng lalaki at hindi pinagtuunan nang pansin ang mga sinabi ng dalaga. Halos wala rin mababakas na emosyon sa mga mata nito at tinig habang nakatingin sa dalaga.
"You know why am I here? I want to forget at least once that I'm an heiress who have obligations that needs to fulfill even just for a while, that's why I'm here." saad ulit ng dalaga sa lalaking lumapit sa puwesto nina Nicholas. Halos walang kabuhay-buhay ang pagkakasabi nito.
Samantala, si Nicholas ay tumalikod na para sana umalis, ngunit sa hindi malaman dahilan ay mayroon tila pumipigil dito na umalis sa kinatatayuan nito. Parang ayaw pa rin nitong umalis mula sa puwestong iyon kung saan nakikita nito ang dalaga at naririnig ang mga sinasabi nito sa harapan ng lalaking kasama nito.
"But this is not the right time for you to play around. You're not a kid anymore. And there's more important things your father wants to discuss with you now and he sent me to fetch you and go with me to go to your father's office. And so we should go now because he's waiting for us." paliwanag na saad ng lalaki na napabuntong-hininga na lang. Iniiwasan nitong magpadala sa emosyon ng dalagang kasama nito. Pinili pa rin nitong magmatigas at huwag magpakita ng ibang emosyon maliban sa pagiging strikto.
"But I'm not a robot! I'm just a human. I want to loosen up once in awhile. I want to act freely without asking for my father's permission." muling saad ng dalaga.
"Can you please give me this moment to do whatever I wanted to do even at least for an hour? I'm begging you. I felt that I'm gonna lose my sanity if I don't have a break in my responsibilities." mahaba-habang paliwanag na saad ng dalaga. Nasa tinig nito ang pagsusumamo at pagkainis dahil bahagyang tumaas ang tono ng pananalita nito.
"I understand what you feel, but there is nothing you can do. I know that you don't like what was happening to you but as the next owner of this amusement park, you're the only one person that your father trust when it comes to business." may awtoridad na sagot ng lalaki. Bagamat seryoso at strikto ang tono ng pananalita nito pero may bahagyang awa na mapapansin sa mga mata nito. Awa dahil sa nararanasan sakit sa kalooban ng dalagang kasama nito.
"I know my obligations. But I don't like being forced into something that I don't want to do. You know I hated this! I don't want to be a CEO or the owner of this park! I have a dream and father never understand it! He's treating me like a toy but not as his daughter. A toy that whatever he wants to do, he does it. He's controlling my life." muling saad ng dalaga. May pagdaramdam sa tinig nito at tila parang gustong sumabog na ng emosyon nito.
Nakikinig lamang sa hindi kalayuan si Nicholas, gustuhin man nitong pasayahin ang dalaga ngunit hindi maaari dahil wala itong karapatan para gawin iyon. Napagtanto ni Nicholas na hindi lahat nang mga taong nakukuha ang lahat ng mga materyal na pangangailangan ay magiging masaya na.
"Sorry, I can't do anything. It's your father's decision. All I can do is to remind you for what you should or should not do, even if you don't want it. Let's just go Marchellaine. Your father is waiting for you at the office." pagyayakag ng lalaki sa dalaga para umalis at magtungo sa talagang pupuntahan ng mga ito.
"Yeah! Fine, I'm coming! No one cares for what I like!" tangi sarkasmo na lang ang nailahad ng dalagang si Marchellaine.
"Let's just go!" tugon na lamang ng lalaki habang nag-umpisa na itong lumakad para makaalis na sa kinatatayuan ng mga ito.
"I just really wanted to be a game creator." halos pabulong na saad ni Marchellaine habang lumalakad na rin ito at sumusunod sa binatang kasama nito.
Para kay Marchellaine ang kagustuhan ng ama ay hindi naman nakakasama, ang hindi lang magustuhan ng dalaga sa ama ay ang pangungontrol nito. Ang pagdedesisyon ng ama nang hindi man lang kinukunsidera kung gusto ito ng dalaga o hindi. Pero sa kasamaan palad hindi ito maintindihan ng ama ni Marchellaine.
"Wait, who is that guy you are talking to?" sabi ng lalaking kasama ni Marchellaine. Malayo-layo na ang nalalakad ng mga ito.
Hindi sumasagot si Marchellaine sa tanong ng binata kaya hindi na inungkat pa ulit ito ng binata.
"It's Nicholas, a staff here. He helped me out and got me this purple teddy bear." pamaya-maya ay tugon ni Marchellaine habang mahigpit ang paghawak nito sa stuffed toy. Hindi ito tumitingin sa binata habang sinasabi iyon at kahit pa sinasabayan na nito si Marchellaine sa paglalakad.
Muling lumingon si Marchellaine sa puwesto kung saan nito nakausap si Nicholas ngunit wala na ito roon. Bahagyang nawala sa isipan nito si Nicholas nang dahil sa pakikipag-usap nito sa lalaking kasama nito sa paglalakad patungo sa opisina ng ama nito.
"Okay." sabi naman ng lalaki.
"Dad is just going to talk to me about this amusement park!" sabi ni Marchellaine ng may inis na mababakas sa tinig nito.
"Are you still not used to your father's strictness? You know also that he will not take no for an answer. And you're the only daughter he has. You're the only one he can trust especially about business matters." sabi na lamang ng lalaki.
"I know, but sometimes I wished I'm not his daughter." sagot ni Marchellaine sa lalaking kasama nito. Napalingon naman ang binata ngunit hindi na ito nagsalita tungkol sa sinabi ng dalaga.
"Well, let's just head to the office and stop talking about that for now." muling sabi ng lalaki habang patuloy sa paglalakad ang mga ito.
Samantala ang binatang si Nicholas ay malayo-layo na ang nalalakad magmula ng umalis ito sa amusement arcade at pabalik na ito sa lokasyon kung saan nandoon si Jacob at ang ibang kasamahan nito sa trabaho. Habang naglalakad tila malalim ang iniisip nito.
Siya pala si Miss Marchellaine Hurghines. Ang anak ng pinakaboss namin. Ang maaaring maging susunod na magmay-ari sa amusement park na ito.
Muntik ng matumba si Nicholas nang bahagyang masagi ito ng mga nagtatakbuhang mga estudyante habang naglalakad ito kaya naman natauhan na rin ito mula sa malalim na iniisip. Naisipan munang libutin nito ang ilan bahagi ng amusement park para tingnan kung may mga kailangan pa na ayusin na mga makina.