NICOELLE
Title: Kababata Lang
[Verse 1]
Noong unang magkita tayo
Nakita ko ang sarili na ikakasal sa iyo
Pero alam ko na isang ilusyon lang ito
Hindi siya magkakatotoo
Sino ba ako para magustuhan mo?
[Chorus:]
Kasi naman kababata lang
Kababata lang ang tingin mo sa akin
Isang kaibigan lang
Hindi magiging iyong kasintahan
Hindi ang taong iyong makakatuluyan
Dahil ako'y kababata mo lamang
[Verse 2]
Parang ang hirap ng mangarap pa
'Yong maging tayo sinta
Pero balang araw ako'y umaasa
'Yong magiging tayo rin pala
Kahit na ito ay matagal pa
Basta't ako'y maghihintay sa iyo
Ako'y maghihintay mahal ko
[Chorus:]
Kasi naman kababata lang
Kababata lang ang tingin mo sa akin
Isang kaibigan lang
Hindi magiging iyong kasintahan
Hindi ang taong iyong makakatuluyan
Dahil ako'y kababata mo lamang
[Bridge:]
Kahit hindi ako sigurado
Magbabakasakali pa rin ako
Kahit sa pagbabakasakali man lang
Kahit doon man lang ay malaman
Kung ano ba ako sa'yo?
Kung mahal mo rin ba ako o ibang mahal mo?
[Chorus:]
Kasi naman ay kababata lang
Kababata lang ang tingin mo sa akin
Isang kaibigan lang
Hindi magiging iyong kasintahan
Hindi ang taong iyong makakatuluyan
Dahil ako'y kababata mo lamang