NATHAN's POV
Last week na ng buwan na ito.
Binalita na sa akin ni Elaine na nasa labas na ng bansa si Aikka.
At sobrang laki na ng puwang sa puso ko. Pakiramdam ko, ang dami ng nawala sa buhay ko nang umalis siya.
"bro, ano..sasama ka ba sa amin? Pupunta kami ng Resort mamaya." yaya ni Markus.
"hindi na bro, uuwi na ako" sabi ko.
"seryoso? Ilang araw ka nang hindi sumasama sa amin ah, kahit sa practice, may nagawa ba kaming mali sa iyo?" alalang tanong niya.
"wala, gusto ko lang magpahinga kaya sige, mauna na ako" lumabas na ako ng classroom.
Habang nilalakad ko ang hallway, nakasalubong ko si Abby at Jotham. Tiningnan lang nila ako pero hindi nila ako kinausap.
Hay..nang dahil sa desisyon ko, pati ang pagkakaibigan namin, nasira ko.
Kahit si Cloud, ayaw nang makipag-usap sa akin. Sa dinami-dami daw kasi ng mga katanungan niya sa kanyang isipan, ang case ko lang daw ang hindi niya maintindihan.
Kaya umaasa na lang akong darating din ang panahon na maayos ang lahat ng ito.
Papalabas na ako ng main gate ng makita ko si Elaine, gusto ko lang sana siyang tanungin kung kumusta na si Aikka doon sa England.
Sabi niya na okay lang naman daw si Aikka doon, tapos agad na rin siyang umalis. Alam kong may tampo din siya sa akin dahil bestfriend niya si Aikka.
At dapat kong tanggapin iyon....
Dapat kong tanggapin ang consequences ng mga ginawa ko sa kaibigan nila.
"Nathan"
Si Princess.
Lumapit siya sa akin.
"oh Princess, ikaw pala" sabi ko.
"kumusta na? hindi ka na nagtetext sa akin ah" sabi niya.
"ah, pasensya na..wala akong load" sabi ko.
"ganon? so hindi mo pa nakita 'yung post ni Aikka na pictures? Nakarating na pala siya ng Europe." tapos ipinakita niya sa akin si Aikka na nakaupo at may hawak na kape habang pikit mata niya iyong ninanamnam.
Masaya na akong nakikita siyang okay.
"siya nga pala, bali-balita kong susundan daw ni Spade si Aikka doon pagkatapos ng school year na ito."
Nang marinig ko iyon, nakaramdam agad ako ng selos. Simula't sapul, eto na talaga ang plano nilang dalawang magkakapatid kaya humanda talaga ang ungas na iyon sa akin.
Hinanap ko si Spade at napag-alaman kong nasa rooftop lang siya ng admin building kaya pinuntahan ko siya doon.
"kung sinuswerte ka nga naman" nasabi ko ng makita ko siya. Agad ko siyang nilapitan at sinuntok sa mukha.
"ano bang problema mo?!" tumayo siya at gumanti rin ng suntok. Natamaan niya ng bahagya ang mukha ko.
Malakas rin ang pagkakasuntok niya..pero balewala ang lahat ng iyon dahil mas masakit para sa akin ang iwan ng minahal.
At tama na iyon, ayokong maramdaman pa ang sakit nang maagawan.
"ikaw ang problema ko!!! balak mo pang sundan si Aikka doon huh?!" sinugod ko siya kaya tumama ang likod niya sa dingding ng itulak ko siya ng malakas. Alam kong napuruhan siya doon kaya lumapit ako sa kanya bilang pagkakataon para suntukin siya ng suntukin sa mukha.
"para ito sa pagiging baliw niyong magkakapatid! At sa mga plano niyong sobra kayong nakikinabang, mga walang puso!!"
Hindi ko tinigilang suntukin siya kaya pumutok na ang kanyang labi at nabugbog ang kanyang mukha.
"anong ginagawa mo?!!!" doon lang ako nakapagpigil sa sobrang galit ko ng awatin ako ni Jenna.
Doon ko lang rin napansin na nahihirapan nang huminga si Spade.
"alam mo ba na maaari niyang ikamatay ito stupid?!" hinarap ako ni Jenna tapos sinampal niya ako ng sobrang lakas.
Dahil doon, nagdilim ang paningin ko at gusto ko na rin siyang saktan....
"J_Jenna, y_yung gamot"
Natauhan ako bigla. May sakit ba talaga ang kumag na ito o nagdadrama lang?
"Spade, tatawag na ako ng ambulance"
"just_" tapos biglang namilipit sa sakit si Spade. Lalapitan ko sana siya para tulungan pero itinulak ako papalayo ni Jenna.
"kapag may nangyaring masama sa kanya, humanda ka sa akin!!!"
Tiningnan ko ulit si Spade, ilang saglit pa, nawalan na siya ng malay. Buti na lang at 5 minutes after, nakaakyat na dito yung doktor at nurses nitong school. Nalapatan siya ng first aid kaya nung pagdating nung ambulansya, medyo okay na ang kondisyon niya.
(sighed)
Hindi ko naman alam na may sakit talaga ang isang iyon. Nang dahil sa galit ko....nagiging katulad na nila ako at muntikan ko nang mapatay si Spade.
Dali na akong umalis at lumabas ng SA.
Ano na bang nangyayari sa akin?
Hindi na ako ito. Sobrang laki na ang pagbabagong naidulot ng galit dito sa puso ko.
Tama na.
Gusto ko nang tumahimik ang buhay ko.....
(hanggang sa.....)
Nakarinig ako ng malakas na busina ng itim na sasakyan.
Ilang saglit pa, wala na akong nakita.
~•~•~
(ECG Machine beeping)
Matapos ang mahabang paglalakbay ko sa maladisyertong lugar dahil sa sobrang init, nakaramdam ako ng uhaw na para bang ilang araw o buwan akong hindi nakakainom.
Iminulat ko ang aking mga mata dahan-dahan.
Sobrang nanlalabo pa ito at nakakarinig ako ng ingay mula sa mga taong hindi ko alam kung sino.
Sinubukan kong itutok ang aking mga mata sa liwanag na aking nakikita.
"gising na po siya sa wakas!"
Iginala ko ang aking paningin para malaman kung ano ba ang nangyayari.
May taong nakaputing damit ang papalapit sa akin, tinanggal niya ang parang nakakabit sa bibig ko at sinubukan akong kausapin. Doon ko lang napagtanto ng medyo luminaw na ang paningin ko, doktor pala ang nasa harapan ko ngayon.
"after 3 months, nagising ka rin ijo. Masaya ako dahil matapang kang lumaban. Naririnig mo naman ako di ba?" nakangiti niyang sabi sa akin.
3 months?!
Tapos may isang lalaki akong nakitang nakatayo lang sa gilid at nakabasketball uniform siya.
Sino naman iyon?
Tatanungin ko sana ang doktor kung sino ang lalaking iyon, ang kaso, madami nang itinanong ang doktor sa akin tungkol sa pakiramdam ko ngayon.
Sa totoo lang? sobrang sakit ng ulo ko at hindi ko maramdaman ang kaliwang paa ko ngayon. Nakabenda pa ito at para bang naaksidente ako kaya nagkaroon ako ng injury.
Ano ba talagang nangyari sa akin? Wala man lang akong maalala na kahit ano.
Kung bakit ako napunta dito sa hospital na ito.