AIKKA's POV
(But after ng araw na iyon?
Bumaliktad ang lahat....)
SATURDAY...
Nasa bahay pa ako, in my room...
Kasi inaayusan pa ako until now.
Of course, I wanted to be the most beautiful girl na makikita ni Nathan ngayong gabi.
Kasi ito na ang pinakahihintay kong pagkakataon.
Lahat ay nakaprepared na sa garden outside.
And thanks to my friends for helping me for this.
I made sure kasi na this will be the most memorable and romantic night for us ni Nathan since magtatapat na ako ng feelings ko for him.
(sighed) Nang matapos na rin akong ayusan ng make up artist namin.
Peacock!
Honestly, I'm so nervous right now. Sana kayanin ko ito mamaya.
(phone's ringing)
"hello"
"he's here" Abby said.
Shocks! Nakaready na rin kaya sila dad?
"ikaw na lang ang hinihintay, tito and tita are here na rin" her.
So ako na lang pala talaga ang hindi pa nakaready.
Actually, 'yung mga close friends ko lang ang aking ininvite para hindi masyadong crowded sa labas.
Kami-kami lang. I mean, lahat kami dito sa bahay, of course! Tapos sila Elaine, Abby, Jotham and even Cloud. I tried to invite Jordan but hindi raw siya makakarating.
"ma'am okay na po" sabi ng make up artist ko kaya isinuot ko na ang classy white dress which fits me so much and I really like it kasi naha-highlight nito ang hubog ng aking katawan. (dapat sexy ako ngayon)
I'm not into jewelries so I just chose to wear my necklace which was my dad's gift during my last birthday. It's crescent-shape and I liked it so much na proud akong isuot iyon in this kind of occasion. Tapos nagsuot na ako ng high-heels with sparkling design at bagay na bagay naman iyon sa aking dress. (and elegant tingnan)
"ma'am, pinapatawag na po kayo ni sir. Andoon na daw po ang bisita niyo" sabi ni Manang Rose after she knocked and entered into my room.
Then pumasok din si Elaine.
After she saw me, her expression tells me na she's so amazed sa itsura ko ngayon.
And I'm happy kasi ganon ang reaction niya...which means na maganda talaga ako ngayong gabi.
"bestie!! ikaw ba iyan? you're so gorgeous!!" agad niyang lapit sa akin while looking at me from head to toe.
"really? thanks bestie"
"Oh M! Aikka.... nakakatomboy ka na ah. Pwedeng ako na lang ang jowain mo?" her while smiling.
"sira, gusto mo pang maging karibal ang pinsan mo" me.
"speaking of, he's waiting for you na doon sa labas. So, ano...okay ka na?"
"yes, let's go" me.
"alright, halika na" her.
Huminga muna ako ng malalim bago sumama kay bestie.
Shocks!
While walking papalabas ng mansion, sobrang bilis na ng heartbeat ko. I'm still thinking pa rin kasi sa mga sasabihin ko mamaya.
And ang totoo walang kaalam-alam ang lahat sa mangyayari except the five of us: (Abby, Jotham, Elaine, Cloud and Me)
Actually, its Cloud's idea on how the surprise will happen.
"here we go" Elaine said ng nasa labas na kami.
Then I saw Nathan and everyone na invited tonight.
Nagpalakpakan silang lahat ng makita ako.
Shocks! As if naman na ako ang birthday celebrant.
"wow Aikka!" narinig ko pang sabi nung mga boys kong kaibigan. I just smiled on them tapos tiningnan ko si Nathan.
Daling namang lumapit si Nathan sa akin at inalalayan ako hanggang sa makaupo na kami sa intended seat namin.
May round table kasi for every four individuals. And ang kasama namin sa table ngayon ay sila dad and Elena.
Tapos sa kabilang table naman ay sila Elaine, Abby, Jotham and Cloud.
And sa other table ay sila Manang Rose, Manang Esther, Manong Osle and Kuya Edmundo.
Tapos sa ibang tables ay yung mga bodyguards and mga hardinero namin.
"where's tita?" ask ko sa kanya.
"ah..eh....hindi daw siya makakapunta kasi may inasikaso lang siya" Nathan said na nahahalata kong kinakabahan rin.
Maybe because its his first time na makausap ng harap-harapan si dad.
"ah, sayang naman." tapos hinawakan ko ang kamay niya to calm him down.
(Grabe, ang lamig ng kamay niya.)
"okay, so ikaw si Nathan right?" biglang sabi ni dad kay Nathan.
"ah..eh...o_opo"
"well, its nice to meet you again. I am glad na andito ka ngayon and I am grateful to have you bilang kaibigan ng anak ko" then he offered his hand.
"w_alang anuman po sir" tapos kinamayan niya si dad.
"tama si Honey, if not because of you, matagal na sigurong may nangyaring masama sa anak namin. We're glad na andito ka, celebrating your birthday ijo" Elena said.
"ah....s_salamat po sa lahat ng ito. Hindi ko po ito iniexpect" Nathan.
"no, don't thank us ijo, kay Aikka ka magpasalamat because its all her idea." nakangiting sabi ni dad while looking at me.
Napatingin naman si Nathan sa akin.
When I looked him in his eyes, he's like crying na.
Is it because of joy?
"thank you Aikka.....for everything" him sincerely.
I just smiled at him tapos inayos ko ang necktie niya. Napansin ko kasing nasa platform na si Abby. Maya-maya rin kasi, tatawagin na siya for his privilege speech as a celebrant.
"okay! isang magandang magandang gabi sa inyong lahat....its a great privilege na magkatipon-tipon tayo for this wonderful celebration. I am Abby Francisco and I hope na kilala niyo pa ako. So, before we start, I just wanted to thank my bestfriend for initiating this kind of birthday party..." then she looked at me kaya kinawayan ko siya. Everybody clapped their hands naman.
"and of course, kila tito and tita for allowing us to celebrate here..Mr. Joseph and Mrs. Elena Montero.."
Nagpalakpakan ulit ang lahat ng tumayo sila.
"and to my friends out there for brainstorming and helping us to make this night special!"
(another round of applause)
Then nagthumbs up ako for them kasi grabe din talaga ang effort nila para sa program, mga flowers and balloons sa paligid. As in I salute them.
"at pwede ba nating kalimutan ang ating mga guests, palakpakan po para sa lahat"
(clapping of hands again...)
"thank you everyone. Alam kong we are all here to celebrate the birthday of a very special person here.....na katabi ng napakagandang girl in white ngayon. Siguro, you're asking why he's very special?"
Attentive ang lahat kay bff. Pagdating talaga sa ganito, she's still good kaya nga siya naging governor ng academy eh.
"its because he's been part of Aikka's life and no one can deny it, di ba guys?" her while looking to my friends.
Shocks, I think, I'm blushing right now.
Napapatingin na rin kasi si dad sa akin eh.
"He is very special for the fact that he's our friend! Sa lahat ng mga pagsubok na pinagdaanan natin, sa lahat ng mga sadness na naranasan ng bawat isa, I know, he also experienced it kasi andoon rin siya. And I'm amazed for this person's character na nasabi ko sa sarili kong....I'm sure, my bestfriend is really proud of him. Kaya, without further ado, may I call on, our birthday celebrant, Mr. Nathan Alejandro!"
(everybody clapped again)
"pumunta ka na sa front" bulong ko kay Nathan kaya agad naman siyang tumayo despite of his shyness.
Ibinigay ni Abby ang microphone for his moment.
Nang hawak na niya ito....
Nagkaroon bigla ng kaonting katahimikan.
Everybody now wants to listen on what he will say.
"ah.....magandang gabi po sa lahat." medyo nahihiya pa siya
"magandang gabi rin" everyone replied.
"hmm..nagpapasalamat po ako unang-una kila sir Joseph and Ma'am Elena para sa pahintulot nilang dito ko maipagdiwang ang aking kaarawan. Sa totoo lang po, nasorpresa talaga ako sa ginawa nila. Kaya isang malaking thank you sa BABAENG may idea nito" him in sweet voice while looking at me.
Shocks! I'm so happy kasi na-appreciate niya ang effort ko.
"I know na hindi ko po deserved ang ganitong pagkakataon. Pero ako'y lubos na nagpapasalamat sa mga taong andito...lalo na sa mga kaibigan ko....sila Elaine....Abby.....Jotham.....at Cloud" tapos he looked at them naman at sumaludo sa kanila.
"Sa totoo lang, first time ko po ang magkaroon ng ganitong handaan. P_pasensya kung wala man lang akong naiambag sa gabing ito..kasi..sa totoo lang po....mahirap lang po talaga ang pamilya ko. Ang tatay ko po ay magsasaka at ang nanay ko po ay matagal na pong hindi namin kasama..kasi nasa heaven na po siya" him na nararamdaman kong naiiyak na.
Shocks... pati tuloy ako, parang naiiyak na rin.
"Kaya malaki ang pagpapasalamat ko...kasi nakilala ko ang aking mga kaibigan. Kahit ganito lang antas ko sa buhay.....tinanggap nila ako nang walang halong panghuhusga. Saka salamat...lalo na sa iyo Aikka, dahil nakilala kita. At hindi ako magsasawang pasalamatan ka kasi binigyan mo ako ng pagkakataong makilala ka. Marami akong nalaman tungkol sa iyo at mas lalo kitang hinahangaan dahil doon. Maraming salamat din dahil binigyan mo ako ng pagkakataong maranasan ang mga bagay na hindi ko pa naranasan noon. Masaya_" then hindi na niya napigilang umiyak sa front.
Kaya now, tumulo na rin ang luha ko.
Ewan ko ba, nakikisabay rin ako sa pag-iyak ni Nathan.
"Masaya akong makilala ka at.....at lagi mong tatandaan na, kahit anong mangyari, lagi kang magiging parte ng buhay ko kasi...importante ka para sa akin kaya salamat ulit Aikka" tapos ibinigay na niya ang microphone kay Abby. Inabutan naman siya ni Cloud ng tissue tapos he patted his shoulder.
Awh.
I'm so touched sa mga binitiwang words ni Nathan. Inabutan din tuloy ako ni dad ng tissue kasi I'm crying now in front of him.
"thanks dad" then pinunasan ko na ang luha ko.
"thank you Nathan for your sincere and heart touching speech. And also, you will always be our friend Nathan" Abby said.
"group hug naman dyan!" bigla namang sigaw ni Elaine.
"okay, group hug daw." Abby.
Nilapitan ako ni Nathan at sabay kaming pumunta sa gitna for group hug.
"Group hug para kay Nathan" Elaine then nagroup hug kami.
Hay, buti na lang at may videographer sa gilid para in case na gusto naming balikan ang moment na ito, we can.. in anytime.
"Happy birthday Nathan!" I said after ng group hug.
"okay, kantahan na natin si Nathan ng birthday song" Abby.
"sige! happy birthday..ready...sing!" Jotham.
"Happy birthday to you...happy birthday to you....happy birthday... happy birthday...happy...birthday....to you! Happy birthday Nathan!"
"Thank you everyone!" masayang sabi ni Nathan.
Then nagsignal na ako kay Elaine so niready na nila yung tarpaulin.
"Ah siya nga pala" I said when Abby handed me the microphone.
A moment of silence. Nagulat ata sila sa pagkakataong iyon.
"May ibibigay akong gift sa iyo Nathan. Gusto ko itong ibigay sa iyo habang may fireworks kaya_"
Then iniabot naman ni Jotham ang box ng watch. Sakto namang nagsimula nang magputukan ang fireworks.
Napawow ang lahat dahil doon. Pati si Nathan, amazed na amazed siya sa kanyang mga nakita.
Then, nang ibaling na niya ang tingin sa akin.
I gave my gift for him.
"Aikka" he said ng makita niya ang watch na binili ko just for him.
"you like it?" me while smiling.
"sobra-sobra na ito Aikka...hi_hindi ko kayang tanggapin iyan"
When he said it, biglang pumunta sa harapan sila Elaine and Cloud bringing with them the tarpaulin.
May nakasulat doon na malaking YES tapos may question sa ibaba naman na: Do you agree with me?
"Nathan, kapag tinanggap mo itong watch, it means you agree with me pero kapag hindi, ibig sabihin...ayaw mo akong maging girlfriend" sabi ko.
Because of what I said, napatili sila Manang sa gilid tapos nagsisimula na ring manukso 'yung mga bodyguards namin.
"Ayiie! Sana lahat!"
Medyo natitigilan pa si Nathan at kitang-kita ko sa face niya ang sobrang gulat na may halong saya.
"so ano, Nathan? Do you agree na maging girlfriend mo na ako?"
At first, kinabahan ako kasi tinititigan lang niya ang watch pero napalitan iyon ng happiness when he accept it at niyakap niya ako.
"I love you Aikka!" him then he kissed me on my forehead.
"I love you too Nathan!"
At last nasabi ko na ang gusto kong sabihin sa kanya.
BUT.....
Iyon sana ang mangyayari kung sumipot lang siya that night.