Chereads / TELL ME YOUR NAME (Filipino) / Chapter 91 - SIBLING'S EMOTION

Chapter 91 - SIBLING'S EMOTION

JENNA's POV

Gosh.

Bakit ko ba iyon sinabi sa kanya?

Am I too selfish that even his happiness, pipigilan ko?

But...

How about me? Hindi niya ba naisip na dahil sa decision niya, para niya na rin akong sinaksak ng nakatalikod?

Argh. Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong gawin o dapat kong unahin. Naguguluhan na ako.

"ma'am, andito na po tayo" biglang sabi nung taxi driver.

"okay kuya" after kong magbayad, pumasok na ako sa loob ng territory. May naghihintay nang sasakyan doon sa gate so mas napadali ang pag-uwi ko sa mansion.

Sighed.

I leaned on the sofa while watching our chandelier.

Ano ba dapat ang gawin ko?

Ang pagkakataon para makapaghiganti ay hindi laging andyan...

Pero mas importante si Spade sa buhay ko.

Will I give up everything na lang ba for the sake of my brother's happiness?

Paulit-ulit ko iyong inisip hanggang sa nakaidlip na pala ako.

"bakit?!"

Nagising ako bigla dahil sa gulat. Sino ba kasi ang maingay na iyon?

"sir, dahan-dahan po at baka matumba po kayo" our secretary said.

"Spade?" lumapit ako sa kanila. Naglasing ba siya?

"oh! my sister! (hik) you're heeeere. Kanina pa kita hinohonop..hahaha!"

"why did you let him drink too much?" ask ko kay Rico.

"I did my best to stop him but ayaw niyang magpaawat" Rico said.

"alam mo kapatid ko? (hik) nalulungkot ako ng sobrahh"

Pambihira, he smells bad na. Kailangan na niyang magpalit ng damit.

"Rico, kindly bring him to his room na. Please take care of him" sabi ko tapos bumalik na ako sa sofa.

Rico helped Spade na makaakyat na sa kwarto niya para na rin makapagpahinga siya.

Gosh! Spade, nagawa pa niyang magpakalasing despite of his condition.

Pumunta na lang ako sa kitchen to choose ng makakain. Almost 9 o'clock na pala ng gabi and I didn't eat yet.

(Then I found a chocolate cake and an ice cream. Dinala ko iyon sa living room at doon kumain.)

30 minutes after, bumaba na si Rico. Nakatayo lang siya sa gilid while watching me eating.

"are you gonna stay like that? umupo ka dito at kumain ka na rin" I said to him.

"ah..katatapos ko lang pong kumain."

"okay, so just tell me what happened kanina" sabi ko habang kinakain yung ice cream.

"about kay sir Spade po ba?"him.

"hindi, about sa iyo" me sarcastically.

"ah..eh....about po sa a_akin?"

Gosh....ang slow naman ng isang ito.

"alam mo, kumain ka na lang, nalilipasan ka na ata ng gutom eh. I'm asking you about what happened kanina, bakit umuwing ganon si Spade? di ba, bawal na sa kanya ang uminom?" me.

"ah..iyon po ba, dinadahilan po kasi niyang hindi raw bawal ang sabi ng doctor kundi reduced lang. Kaya hindi ko na po siya napigilan pa"

Balak niya ba talagang mamatay ng maaga?

Mas matigas nga talaga ang ulo niya compared to me. Kapag nilagian niyang gawin iyon, baka lalong lumalala ang sakit niya.

"is it because of what I said sa kanya?" me kahit alam ko na ang isasagot niya.

"actually, nalungkot po talaga siya sa sinabi mo Miss Jenna. Honestly, he asked an advise from me about that girl, Aikka. It seems like he's really into her kasi bigla niya akong tinanong tungkol sa panliligaw. Kilala mo naman po ang iyong kapatid pagdating sa mga babae di ba?" him.

I heard her name again.

That bitch! Kinuha na nga niya ang taong minahal ko noon, pati ba naman ang taong pinakaimportante sa buhay ko, kukunin rin niya?

"saka, I know na wala po akong karapatang manghimasok sa buhay niyong magkakapatid but I just want you to know na mahal na mahal po kayo ng kapatid mo. Remember all those things that he did for you. He tried to keep his promise from your mom kaya sana rin po, iparamdam mo po kay sir Spade na mahal mo rin siya. Just give him a chance to be happy."

"chance to be happy? how can you assure na magiging masaya siya sa piling ng Aikka na iyon? Sinira niya ang buhay namin! Then now? magpapauto lang siya sa isang iyon?!"

Argh! Sa tuwing naririnig ko talaga ang pangalan niya, bumabalik lahat ang sakit na naranasan ko because of her, wanting to be the center of attraction!

"Siguro po, you need to move on na. Habang nagkikimkim po kasi kayo ng sama ng loob sa iyong puso, hindi po mawawala ang sakit at hindi po kayo magkakaroon ng pagkakataong sumaya in your own ways. Alam niyo po why? Kasi habang nakikita niyo po ang taong kinagagalitan niyo, lalo po kayong nagiging bitter"

Bitter? Tama ba ang mga narinig ko? Isa pa ito ah!

"Bitter pala huh? Get out of my sight stupid!!! out!!!!" me.

Ang lakas ng loob niyang sabihan akong bitter?

Because of what I said, dali na siyang lumabas... kasi kung hindi siya lumabas? Ipapakaladkad ko talaga siya sa mga tauhan namin. Bwiset siya! He's ruining my night!

Nawalan na tuloy ako ng ganang kumain.

"ah siya nga po pala ma'am"

Aba, Bumalik pa talaga siya!

"why are you still here? gusto mo bang bugbugin kita?!"

"ah..eh....hindi po...gusto ko lang pong ibigay ito sa iyo" then dali niyang inilapag sa glass table ang isang brown envelope.

"pakitingnan po, hehe!"

Tiningnan ko siya ng masama kaya nagmadali na siyang umalis sa harapan ko.

"bwiset ka talagang payatot ka"

Isa pang balik talaga niya at hindi na siya sisikatan ng araw.

Then, hinintay ko siya saglit kung babalik ba siya. Good for him kasi tatargetin ko talaga ang noo niya.

Agad kong tiningnan ang laman ng brown envelope.

Natigilan ako saglit.

"ano itong mga pictures na ito, why is Nathan here? Is this his father?"

Kinuha ko lahat ng pictures and documents sa loob. Binasa ko ang Proof Letter na ipinadala ng isa sa pinakamagaling naming spy.

Nanlaki ang mga mata ko kasi ang tao sa picture at 'yung guy na kasama nung mga ROBBERS na pumatay kay mom ay IISA.

Dali kong pinapasok ulit si Rico.

"why are you giving this to me?" ask ko sa kanya ng makapasok ulit siya sa mansion.

"ibinibigay ko po iyan sa iyo kasi pinatatapon lang po ni sir Spade"

"what?!! wala ba siyang balak ipakulong ang taong ito?"

"kayo po ba, kaya niyo po bang ipakulong ang tatay ng lalaking nagustuhan mo rin noon?"

Masyado talaga itong chismoso. Mali-mali naman ang mga sinasabi.

"are you stupid?! sino naman ang may sabing gusto ko ang Nathan na iyon? part lang iyon ng isang malaking drama kaya hindi ako magdadalawang isip na ipakulong ang isang ito"

"te_ teka lang po....si_sigurado po ba kayo dyan? Pag-isipan niyo po muna ang bagay na iyan" him trying to take back the envelope.

Nababaliw na talaga siya.

"alam mo, atupagin mo na lang ang pagiging secretary mo okay? kasi kapag hindi ako nakapagtimpi sa iyo, baka hindi ka na talaga sikatan ng araw. So get off!"

After I said it, hindi pa rin siya umaalis sa kanyang kinatatayuan.

"inuubos mo talaga_"

"seriously Miss Jenna" then he smirked.

Tinaasan ko siya ng kilay. Is that his death wish?

"well, kung mas importante talaga sa iyo ang paghihiganti kaysa ang kaligayahan ng kapatid mo...wala na talaga akong magagawa. Pero sana, hindi mo pagsisihan ang bagay na iyon." him talking informally to me.

"and why would I?"

"gusto mo ba talagang kalabanin ang kapatid mo? alam mo ba kung ano ang sinabi niya sa akin kanina sa restaurant habang umiinom siya? He said that if there will be a way to make things right, kahit kalabanin ka pa niya ay gagawin niya. Its because gusto niya na , kung sakaling nawala na siya, maging maayos ang buhay mo kasi iyon lang ang naisip niyang paraan to still keep his promise to your mom. And aware ka naman na not curable ang HCM right?"

Spade....

You're really stupid!

Napaupo ako sa sofa after hearing those things.

What now?