Chereads / TELL ME YOUR NAME (Filipino) / Chapter 86 - TWO UMBRELLAS

Chapter 86 - TWO UMBRELLAS

AIKKA's POV

MONDAY

(back to normal na ang lahat, natapos na rin ang one week school activities and as usual, overall champion pa rin ang Santos Academy)

Time check: 9:00 a.m

Si Miss Quin ang naglelecture ngayon and ang topic is about electromagnetism which is a branch of Physics.

She's also talking about how Michael Faraday discovered electromagnetic induction through a coil. She explained it but I was not able to cope up with her discussion since may iniisip ako.

I'm still thinking about the plan and about Spade.

Lalo na yung nangyari kahapon na halos mawalan siya ng malay.

May sakit ba siya kaya hindi siya pumasok ngayon? Is he okay now?

"Aikka" napalingon ako when Jotham called me.

"why?" bulong ko since magkatabi lang kami.

"may problema ba?" him.

"ah nothing" I just said.

Pero honestly, malaki talaga ang problem ko.

First, I'm still thinking on how would I be able to accomplish my mission.

Second, iniisip ko rin ang reason kung bakit ako gustong patayin ni Spade whereas may gusto naman pala siya sa akin. I mean, I really wanted the answers kasi hindi talaga ako matatahimik.

Third, what if Brent is right? that everything was planned? Are we on the right track?

But 'yung kahapon, si Spade....

May mga times na I feel his sincerity lalo na 'yung nagkwento siya tungkol sa mom niya.

Sino ka ba talaga Mr. Spade Santos? Ano ba talaga ang totoong pagkatao mo?

Natapos ang discussion.....

Then, sumunod na ang next subject hanggang sa naglunch break na.

Dumiretso ako sa coffee shop kasi andoon na ang mga kaibigan ko.

"bestie!" tawag ni Elaine, andoon na sila sa may table kaya umupo na ako katabi niya.

"where's Nathan?" ask ko.

"kinukuha na 'yung mga foods natin" Elaine.

"so ano, kumusta ang classes mo?" ask naman ni Abby.

"okay lang, nothing's changed" me.

"well, nag-enjoy ako sa discussion ni Sir Wilson sa Math kanina" sabi ni Cloud.

Nasa harapan ko siya this time. Nauna pa pala siyang bumaba sa akin?

"whatever. Ikaw na ang magaling" I said.

"time flies really fast, next week na ang major exams natin, aasahan kong gagalingan mo sa exams Aikka" Cloud.

"oo nga noh? bukas na ang last day of August so it means malapit na ang birthday ni insan" agad namang sabi ni bestie.

She's right...teka kailan nga ba ang birthday ni Nathan?

"so, anong plano mo Aikka?" Abby.

"P_plan? Honestly, wala pa akong plan" me.

"well, maybe you should think of something that you can give to him first" Cloud.

Oh! a gift? Ano bang pwede kong ibigay kay Nathan?

"guys, eto na!" biglang sabi ni Jotham tapos dumating na din si Nathan with the foods.

"wow!" excite namang sabi ni bestie.

Tamang-tama at gutom na rin ako.

"oh Aikka, andito ka na pala! tulala ka kanina ah" Jotham.

"ah...inaantok lang ako kanina, that's why" sabi ko.

"speaking of, kumusta na pala 'yung nangyari kahapon? nakaidlip kasi ako sa kotse that time eh" Jotham.

"well, at first...I feel so nervous tapos medyo awkward kapag nag-uusap kami, but sa katagalan, I learned to adjust naman. I was also able to apply what bestie told me about having a conversation with a guy" mahinang sabi ko.

"buti nga at walang ginawang masama sa iyo ang psycho na iyon eh." Abby.

"well he's just the same. I mean, narinig nyo naman ang pag-uusap namin di ba? Parang normal talk lang kagaya nung dati" I said.

"para sa iyo but for him? naku! halata talagang type ka ng kumag na iyon" Jotham.

"alam niyo guys, huwag na muna natin iyang pag-usapan. I can feel na hindi nagugustuhan ni insan ang topic" sabi ni Elaine.

Napatingin ako kay Nathan.

Kaya pala kanina pa siya walang kibo.

"may gusto ka kay Aikka bro?" Cloud while smiling.

Kailangang i-emphasize pa talaga ang salitang iyon? Mas lalo tuloy naging awkward ang situation.

Hindi na lang umiling si Nathan and me, nagpa-as if na hindi ko narinig ang tanong ni Cloud sa kanya.

Kinain ko na lang ang food. Buti na nga lang at nakahirit si Elaine ng isang joke kaya biglang change topic agad.

(fast forward)--- afternoon class

Natapos ang Humanity and History subjects kanina...nagkaroon ng kaonting reporting kaya medyo boring rin ang class. Ngayon naman, Literature ang subject namin at honestly, inaantok na talaga ako since ang nagbabasa sa harapan namin ay si Cloud. Binabasa niya ang isa sa famous literary works ni William Shakespeare na "The Merchant of Venice".

Shocks, he's intelligent but why he's reading like a robot? wala man lang feelings ang pagbabasa niya ng mga lines sa book. Tss.

Siguro kung hindi umulan ngayon, walang magandang nangyari ngayong araw.

Tumingin ako sa window, ang ganda lang tingnan sa labas while binabasa ng malakas na ulan ang mga natutuyong grass sa oval.

Mas lalo tuloy akong inantok. Bwahaha.

(bell is ringing)

I texted Kuya Edmundo to come inside the Academy kasi I didn't bring an umbrella. Now, nasa corridor na ako ng school.

Elaine told me na medyo matatagalan daw siya sa pag-uwi kasi may drama practice daw sila for Literature class tomorrow. Ang unfair noh? sa section A..pinabasa lang ang "The Merchant of Venice" but sa section B, kung saan andoon si Elaine, needed na iportray nila ang mga famous line ng Act II. Anyway, I know naman na kayang-kaya iyon ni Elaine.

Si Abby naman....I don't know kung asaan na siya ngayon, hindi naman siya nagtext sa akin na magsasabay kaming umuwi kaya malamang, kasama niya si Jotham ngayon.

Naghintay muna ako sa main entrance ng Academy kung saan may hagdan na pababa.

Hindi na ako tumambay sa waiting room kasi sobrang lamig ng aircon doon and I'm not wearing any jacket kasi hindi ko naman iniexpect na uulan since summer month pa naman ang August.

"Aikka" somebody called my name.

At parang sabay pa sila.

Napalingon ako sa right side ko, I saw Nathan with an umbrella.

Then on my left, si Spade with an umbrella also. Teka, I just thought na he's absent today..why he's here?

"ah....hello guys" bati ko sa kanila.

I tried to smile but when I looked at them, hindi sila sa akin nakatingin but sa isa't-isa.

Wait, what is happening between them?

"Aikka, take shelter under my umbrella and sisiguraduhin kong I'll protect you para hindi ka mabasa" Spade said na parang nagtutula lang while still looking to Nathan.

Ano na naman bang trip ng isang ito?

"Hindi Aikka, sa aking payong ka sumilong at ipinapangako kong hindi ka matatakot sa kulog kasi andito ako para yakapin ka." Nathan na nakatingin rin sa kanya.

Teka, ako ba talaga ang kausap nila?

Ano bang problema ng dalawang ito?

"ah...eh..."me.

"Wait Aikka, I'm just giving you my umbrella, you can have it." Spade.

"Hindi pwede, Aikka, ang payong ko ang gamitin mo dahil mas komportable itong gamitin" Nathan.

Peacock. Bahala nga kayo dyan.

Hindi ko maintindihan why you guys are acting really weird this time.

Total naman at nakikita ko na si Kuya Edmundo with an umbrella, aalis na ako.

"Kuya Edmundo! here!" then lumapit ako sa kanya when he saw me.

"Ma'am Aikka, eto na po ang payong niyo" ibinigay niya sa akin ang isang payong.

"thanks po" me.

"te_teka, it's unfair" biglang sabi ni Spade.

" I just don't want both of you to get soaked, so...sige Spade and Nathan.....mauna na ako. Ingat kayong dalawa" sabi ko then ginamit ko ang umbrella papunta sa car.

Nang makasakay na ako, I waved goodbye to the both of them.

But anyway, I admired their generosity. I guess.

Related Books

Popular novel hashtag