Chereads / TELL ME YOUR NAME (Filipino) / Chapter 64 - IN THE MIDDLE OF THE CROWD

Chapter 64 - IN THE MIDDLE OF THE CROWD

AIKKA's POV

This time, nasa classroom na ako. Hinihintay ko ang pagpasok ni Misy sa classroom.

Ngunit natapos ang subject na ito na hindi siya pumapasok.

Peacock! bakit ayaw mong magpakita sa akin ngayon na gustung-gusto kitang makita.

Time check: 2:30 p.m

Ano bang dapat kong gawin para lumabas ka sa lungga mo ngayon Miss 3184?

Nagkataon namang pagtingin ko sa door, kapapasok lang ni Spade.

Then I got the idea.

Di ba ang reason why we are pretending to be in a relationship is because may gusto kay Spade ang nanggugulo sa SA? Kung talagang iisa lang ang nanggugulo at 'yung nagtangkang pumatay sa akin. Then...I have the answers.

Dali akong tumayo at nilapitan si Spade.

"why?" gulat na reaction niya.

"di ba walang kang gagawin mamaya?" bulong ko sa tenga niya.

Napailing lang siya sa sinabi ko.

"meet me sa oval after ng classes"

(fast forward)

time check: 4:15

Iginagala ko pa rin ang aking paningin sa paligid. Alam kong andito lang si Misy eh. May mga times kasing nagka-cutting classes siya with those girls sa likod ko kanina. Pumasok lang sila during our last subject kaya malakas ang kutob kong nasa paligid lang siya.

"Aikka" lumapit si Spade sa akin.

"akin na ang phone mo" sabi ko.

"bakit?" pagtataka namang tanong niya.

"just give me your phone"

"okay?" tapos ibinigay niya ang kanyang phone.

"so_sorry if ikaw ang nakawallpaper sa phone ko" sabi niya matapos niyang ibigay ang cp niya.

Tiningnan ko lang siya.

"ah...ano ba kasing gagawin mo?"

I opened his social media account and posted :

"meeting with my gf now for another surprise!"

Then I gave his cp back.

"Aikka, ano iyong ipinost mo?" curious na tanong niya.

Iginala ko ulit ang aking paningin sa oval.

Marami nang students ang naglalakad since pauwi na rin sila.

Huminga ako ng malalim.

Another minute pa.

"Aikka, okay ka lang? may....problema ba?" Spade.

"don't worry..wala naman akong problema sa ngayon with you. Pero mamaya, baka meroon na"

"huh? anong ibig mong sabihin? saka bakit mo ba ako pinapapunta dito?"

Peacock! Bakit ang daming tanong ng isang ito.

Lumingon ulit ako sa paligid at pinagtitinginan na kami ng mga babaeng students doon. Sa tingin ko, nakita na nila ang pinost ko sa social media account ni Spade. Malamang andito na si Misy.....

Lumingon ako sa bandang kaliwa ko...then, I found her.

"Spade, humarap ka sa akin" mahinang sabi ko.

"huh?"

"I said, humarap ka sa akin"

Ginawa naman niya ang sinabi ko.

"After ng gagawin ko, pwedeng kalimutan mo ito agad?" me.

"bakit, ano bang....gagawin mo?" tanong niya.

Mas lumapit ako sa kanya while standing on tiptoes para maabot ko siya.....para maabot ko ang mga labi niya.

Now, I'm kissing him in the middle of the crowd.

Nagulat silang lahat sa ginawa ko.

Well, how did I saw it?

Of course, I didn't close my eyes while kissing Spade. Its not like what we always see on movies or dramas. And my main goal is to see her reaction.

Those eyes.

Iyon ang mga matang nakita ko noong araw na iyon. Noong araw na may nagtangkang pumatay sa akin.

Tama nga ang hinala namin, ang taong nanggugulo sa SA at ang taong nagtangkang pumatay sa akin ay iisa.

Then I saw her running away from the crowd.

Doon ko lang naramdaman ang bahagyang paglayo sa akin ni Spade. Then I realized to stop kissing him.

Now, he's speechless. Nakatingin lang siya sa akin as if first time namin iyong ginawa.

"Its not our first kiss, remember?" then I smirked at naglakad na sa direction na pinuntahan ni Misy. I need to talk to her.