Chereads / TELL ME YOUR NAME (Filipino) / Chapter 61 - NATHAN & SPADE

Chapter 61 - NATHAN & SPADE

(Nathan's POV)

FRIDAY na ngayon at napakabilis ng mga araw.

Nasa forest park kami ngayon ni Aikka kasama si Elaine. Napagtripan kasi ng magkaibigan ang tree house..gusto daw kasi nilang kumain ng chips doon habang pinagmamasdan ang pond sa dulo.

Nakaupo lang ako habang pinagmamasdan silang masayang nagkukwentuhan. Naalala kasi nila 'yung panahon na kinuyog kami ng mga fans ni Spade kaya napatago kami sa malalaking puno na malapit sa pond.

"tapos 'yung itsura natin, parang mga taong hinahabol ng mga zombies na kailangan pang mabuhay" natatawang sabi ni Aikka.

"oo nga, bwahaha! tapos si Nathan! sobrang pawis niya noon, di ko nga rin alam kung kinakabahan ba siya that time kasi yung facial reaction niya..hindi ko maintindihan eh" sabi naman ni Elaine.

"sa totoo lang, natatae ako nung mga panahong iyon." sabi ko.

"luh! di nga?" sabi ni Elaine.

"oo, maniwala ka...nagpigil lang ako nun kaya nga medyo natagalan ako sa pagtawag kay Spade di ba? galing pa ako ng c.r noon"

"yucks insan. Narinig mo iyon bestie?"

"hoy, grabe ka, naghugas naman ako ng kamay noh saka may alcohol kaya sa banyo nitong SA" sabi ko.

"kahit na, eh hindi ka naman nagsabon. So may eew pa rin sa kamay mo that time" sabi ni Elaine.

Tinawanan lang ako ni Aikka.

Baliw talaga itong si Elaine.

"hey guys!" nagulat kami kasi may tao sa baba.

"did you invite someone here?" ask naman ni Aikka sa akin.

"wala naman akong_"

"its Spade yow! ako lang ito! can I join you guys!"

"huh? paano niya nalaman na andito tayo?" ask naman ni Elaine.

"aakyat na ako huh"

"did I invite him?" mahinang sabi naman ni Aikka.

Hanggang sa makaakyat na si Spade.

"bro! kumusta" tapos tinapik niya ako sa bandang sugat ko kaya napailing ako.

Tae naman ito eh. Sa dinami-dami pa nang tatapikin niya, sa may sugat ko pa talaga.

"Nathan, a_ayos ka lang?" worried na ask ni Aikka..lalapitan niya sana ako pero inakbayan na siya ni Spade.

Tumango na lang ako kay Aikka para hindi na siya mag-alala.

"teka, ano nga palang ginagawa mo dito?" tanong naman ni Elaine sa kanya.

Oo nga, ano bang ginagawa niya dito?

Wala naman palang nag-imbita sa kanya dito eh.

"ah...ano nga ba....oh yes, naalala ko...next week na pala ang interschool competition, I'm inviting you guys to watch my game." him habang nakangiti.

Iyon lang ang ipinunta niya dito? Para ipagmayabang na may laro siya next week?

Tae.

Dahil doon, biglang nag-iba ang mood ko ngayon.

Saka hindi ko pa nakakalimutan yung nangyari sa rooftop at 'yung bouquet... kaya ayaw kong magpanggap na okay ako.

"May gagawin ako that time kaya hindi ako pupunta" seryosong sabi ko.

"okay? how about you Elaine?"

"uh.....actually, I have plans with Jordan eh..so I think, hindi ako makakapunta, sorry"

"ganon? sayang naman, so it means..si Aikka lang pala ang manonood ng soccer game ko" tapos tiningnan niya si Aikka.

Tiningnan ko naman ang reaction ni Aikka...wala lang siyang kibo. Ibig sabihin ba nun na pupunta talaga siya para manood?

"alam ko kasing mage-effort si Aikka during our game eh." sabi niya habang kinakain yung chips.

Effort? ano bang ibig sabihin ng isang ito?.

"ah...." reaction naman ni Aikka habang nakatingin sa akin.

"penge..." kukuha sana ng chips si Elaine kaso kinuha ito ni Spade at inoffer kay Aikka.

"gusto mo? eto oh" sabi ni Spade. Nananadya ba siya?

Nakita ko ang itsura ng pinsan ko ngayon. Halatang nagpipigil lang siya sa inis, kasi sa pagkakakilala ko sa kanya, ayaw na ayaw niyang nadedelay ang pagkain niya. Kasi kapag gusto niyang kumain..kakain at kakain talaga siya.

"ah...Nathan, you want?" ask naman ni Aikka sa akin.

Kinuha ko ang chips tapos ibinigay ko kay Elaine.

"thanks insan!" tapos ngumiti na siya.

Napasigh na lang ako. Kailan ba kasi aalis ang Spade na ito? Parang kanina lang, ang saya-saya ng usapan namin dito,bigla lang natahimik kasi dumating siya.

Lumipas siguro ang 30 minutes.

"Oh M! I forgot, may kailangan pa pala akong i-interview for our project. I think I need to go na!" biglang sabi ni Elaine.

"project? anong project ba iyan?" ask naman ni Spade.

"Humanities, about sa socialization with ethics" tapos tumingin siya sa akin. Pinariringgan niya ata si Spade.

"ah...okay. Take care" sabi ni Spade.

"hmm, by the way, can you help me with my project bestie?"

Hindi pa nakakasagot si Aikka pero pinatayo na ni Elaine si Aikka.

"thank you bestie! you're the best talaga! let's go na!" pinilit niyang bumaba si Aikka sa tree house kaya kaming dalawa na lang ang naiwan ni Spade.

Kalma lang akong nanatiling nakaupo habang pinagmamasdan sila Aikka na naglalakad papalayo.

"Elaine is wildly enthusiastic one, right?" nakangiting sabi niya.

"talagang masayahin lang siya kapag nasa mood" sabi ko.

"so you mean, nakakatakot siyang magalit?" biglang seryosong tanong niya.

"parang ganoon na nga" sabi ko. Sa totoo lang, gusto ko na nga ring umalis ngayon eh...ang kaso, baka makahalata siyang hindi ako natutuwa sa kanya. Kaya pinipilit ko na lang sagutin ang mga tanong niya bilang respeto ko sa kanya.

"okay? how about Aikka, katulad din ba siya ni Elaine kapag nagalit?"

" kung ano lang siya dito sa school, ganon siya magalit"

"ah...you have a point" sabi naman niya.

Tumahimik ulit saglit dito sa treehouse.

Nag-isip ako ng pwedeng itanong sa kanya.

At nakaisip naman ako ng isang magandang tanong.

"teka, matagal ko nang gustong itanong ito sa iyo eh" sabi ko.

"ano iyon?" sabi naman niya habang kinakain 'yung chips na iniwan nila Aikka. Tss.

"gusto mo ba si Aikka?" diretsahang tanong ko sa kanya. Para naman may alam ako sa kung ano ba talaga ang tunay na motibo niya sa pagpapanggap nilang iyon.

"woah....." mukhang nagulat siya sa tanong ko.

Binigyan ko siya ng pagkakataong makapag-isip.

"well, si Aikka.....siya 'yung tipo ng babaeng masungit eh, maingay saka mainitin ang ulo...." sabi niya.

Ibig sabihin .... wala siyang gusto kay Aikka?

"ano pa ba? ah...compared sa mga na-idate kong girls noon, siya ang pinakasimple...she don't know how to put on her make-ups and don't even know how to fix her hair..."

Teka. Nilalait niya ba ang mahal ko? Sapakin ko na kaya ito.

"BUT....iyon ang gusto ko sa mga babae...iyong naiiba...so I like her" ngumiti siya.

Sinasabi ko na nga ba eh. May hindi magandang motibo ang Spade Santos na ito.

"sa tingin mo, bagay kaya kami?" tanong niya sa akin.

Bwiset.

Hindi pa ata alam ng isang ito na nililigawan ko si Aikka.

"she's too good for you" sabi ko tapos tumayo na ako para makaalis na rin.

"I know, that's why I'll do my best to win her heart"

Hindi na ako nagsalita pa. Tila tinakpan ko na lang ang aking tenga dahil ayaw kong may marinig pa ako sa mga sasabihin niya. Bumaba na ako sa tree house at naglakad na papalayo.

Related Books

Popular novel hashtag