"Let's meet." Tanaw ko sa cellphone na hawak-hawak ko ngayon. At sino naman ang taong ito? Agad kong pinindot ang delete button, at mabilis na in-erase ang message ng unknown number. Agad kong inilagay sa bulsa ng coat ko ang aking cellphone, at nagpatuloy sa paglalakad.
Papunta ako ngayon sa office, at department ng mga High Class Detective. Una, dahil gusto ko lang kumustahin ang kaso ng Lola ko. Well, hindi kasi sa akin in-assign ang kaso kaya bawal akong mang-himasok. Pero, hindi naman ako uupo, at tutunganga na lang, na maghihintay sa resulta ng imbestigasiyon. Paano na lang kung abutin 'yan ng 1 year? O 'di ba? Kaya I'll help. Gagawa rin ako ng paraan-kung hindi man sa pamamaraan ng batas, well, gagawa 'ko ng sariling kong batas.
Pangalawa, gusto ko lang sana malaman ang history ng abandonadong opisina na pinuntahan namin ni Clandestine. I'm just curious.
"Good morning, Ma'am!" Bati ni Manong Guard sa akin nang makarating ako sa destinasiyon ko. Tumango na lamang ako bilang tugon. Pumasok ako, hindi alintana ang mga matang nagmamasid habang marahan akong naglalakad sa gitna ng pasilyo.
"She's back, the sexiest Detective of all time," wika ng isa sa mga apprentice ng agency na ito. Hindi ko ito kinibo, at patuloy lang na naglakad. Rinig na rinig ko pa ang mga bulong-bulungan ng mga ka-officemates ko. Big Deal ba ang pagbisita ko?
"The legend is back." Nakangiti akong napalingo-lingo habang naglalakad papuntang opisina ng Chief.
Nasa harapan na ako ng pinto nito, at ritmikong kumatok sa pintuan. "Come in." Giit nito sa kabilang silid. Pumasok ako, at nakitang nakadungaw siya sa kaniyang Desktop.
"Busy?" wika ko habang ni-l'lock ang pinto. Napalingon naman siya sa kinatatayuan ko, he smile. Mabilis siyang tumayo, at agad na nakipag-kamay sa akin. "Please take a sit." Sumunod naman ako, at mabilis na umupo sa silya.
"So, what's bring you up to? Babalik ka na ba sa trabaho?" I show him a bitter smile.
"Nope, hindi na muna siguro ngayon. Lalo na't kamamatay pa lang ni Lola, and justice is what I really need now, Sir. At saka hindi ba't ako pa nga nag-demand ng leave na 'to." Mapaklang tugon ko. Paano naman ako makakatrabaho kung alam kong hindi ako makokontento na maghintay na lang, at walang gawin. Hustisya ang pinag-uusapan rito, at ang matinding kalaban natin ay ang oras dahil habang patagal nang patagal ang kaso mas lalong lumalabo na makakamit ko ang hustisiyang hinahangad ko.
"Just don't forget what we've discussed." Napatitig ako sa kaniya. Alam ko ang tinutukoy niya, and I think I should have the right to against his will dahil pamilya ko ang nasa kasong ito.
"Yes, Sir. Hindi ko naman nakalilimutan iyon." Giit ko. I'm so sorry, Sir. Pero kinakailangan ko talagang gawin ito.
"Dapat lang, once na malaman kong you have break the rule. Alam mo na ang magiging consequences nito." Napatitig ako sa kaniya, blanko. Blanko lahat nang nakikita ko, hindi ba niya talaga iko-konsidera na Lola ko iyon. Obligado akong tumulong, at gagawin ko ang lahat makuha lang ang hustisiyang nais ko.
"I know, Sir." Well, kung iyon nga ang magiging kapalit, why not? I am will to take the risk.
Tumayo siya, at pumunta sa may nakahilerang mga locker. May binuksan siyang drawer, at parang may hinahanap roon. May kinuha siyang mga folder, at brown envelopes na naglalaman siguro ng mga documents.
"Here!" Sabay na ibinigay sa akin ang mga sangkap.
"Ano 'to?" I seriously ask him, without looking on the documents.
"Mga files 'yan ng kaso ng Lola mo, at nandiyan rin ang files ng taong hahawak sa kaso ng Lola mo. Don't worry, his a professional one. At masasabi kong his one of the best of the bests." Napatango naman ako, at nagpakita ng ngiti. Mabilis ko na binuksan ang folder, at agad na tiningnan ang laman nito-puno ng mga litrato ni Lola. The gloomy scenery, blood shed, her grisly body. Nanikip naman bigla ang dibdib ko.
"Here's the following evidence. Mga bagay na nakuha sa scene of the crime." Kinuha ko naman ang isang bag na puno ng mga Ziploc sachets.
"Sa kuwarto ba talaga niya ito nakuha?" Tanong ko. Hindi ko naman kasi ito napansin since that day.
"Yes, and we're currently working on it. If how it connects sa mga detalye na konektado sa salarin. As of now, wala pa tayong hinihinalang suspeks sa nangyari dahil napaka-labo ng mga senaryo, at saka ikaw lang naman ang nando'n pagkatapos mangyari ang krimen." Tumingin siya sa akin ng may pakahulugan. Huwag niyang sabihin na . . . At anong iniisip niya ngayon, na ako ang pumatay sa sarili kong Lola?
"Tigilan mo 'yang mga kakaibang titig mo Sir, kahit na boss kita kaya kitang patumbahin." Seryoso kong tugon. Natawa naman siya, pinag-singkitan ko siya ng mata.
"Palaban ka talaga, Ms. Villaroque. Iyan ang nagustuhan ko sa characteristics mo as a Detective, you not fear anyone." Napangiti naman ako sa kaniyang tugon.
"J-just, just don't look at me like that way, again." At napalingon ako sa kabila, at iniiwas ang mga titig ko sa kaniya dahil ramdam ko na sa mukha ko ang kakaibang init. Am I blushing?
"Don't worry, I wouldn't," wika niya. Napahinga naman ako nang maluwag. Hay.
"So, let's get back. Ito ang mga naiwang bagay ng salarin. And I think, he leave some logical clues. We don't know if konektado ito sa kaso, pero I'll consider it. Magaling, at mautak ang pumatay sa Lola mo. Napaka-professional siguro ng killer na 'to, he knew kung ano ang mga pasikot-sikot sa industriya nang pagpatay. He's good enough para linlangin ang tayo." Napatango naman ako. Kung alam niya ang mga pasikot-sikot sa trabahong ito, so does it mean na mahihirapan kami sa pagtugis sa suspek na 'yon.
Napalingon kaming dalawa sa may pintuan nang may kumatok sa pinto. Tumayo si Sir, at mabilis na pumunta sa entrance. Nag-uusap siguro silang, I didn't bother to look at them. Ano namang mapapala ko hindi ba.
"Come." At bumalik naman si Sir sa upuan, at ramdam ko rin ang taong kausap niya ay sumunod sa kaniya.
"Ms. Villaroque meet Mr. Heinous, the Mystery Breaker and Mr. Heinous meet Ms. Villaroque, the Legend One." Napalingon ako sa taong nais niyang ipakilala. WTF? Siya ba 'yon? Oo? Well, yeah siguro siya nga.
"Hi." Sabay na inabot ko ang aking kamay upang makipag-shake hands. Yet I was left dumbfounded nang hindi niya tinugon ang pagsasalita ko. Sa lahat ng taong nakilala ko, siya lang ang hindi marunong sa manners na 'yan. Hell, yeah. Babae ako, at ako ang unang gumalaw tapos rejected agad. WTF? At isa pa, nasa harap kami ng boss ko, sobrang nakakahiya.
Kumulo talaga ang dugo ko sa kaniya. Pero, wait? Bakit ba napaka-big deal 'yong hindi niya pagtugon sa akin? Why am I acting like-arrrgghh. Kalma self, baka hindi ka makapag-timpi niyan, mapatay mo 'yang hinayupak na 'yan. Magka-record ka tuloy niyan.
"And by the way, Ms. Villaroque. He's the one I've assigned na mag-handle sa kaso ng Lola mo." Nganga ang naging reaksiyon ko, sabihin niyong hindi totoo 'to? Sabihin niyo please. Hindi puwede 'to.
"At makakasama mo siya-" natigilan ako bigla. Anong makakasama? Huwag niyang sabihing arrange marriage kami? Tapos, siya 'yong pare? Noooo!
"-dahil I'll allow you to help na ma-solve ang kaso ng Lola mo, and he'll be your partner throughout the quest. I hope magkasundo kayo dahil maraming oras ang gugugulin niyo sa pagiging partner niyo sa kasong ito. So, good luck! You may leave now."
Tulala akong napanganga. Good news ba ang narinig ko? O, delubyo? Ang lalaking unexpressive, magulo, matalim kong tumititig, ang lalaking nanlilisik na tumingin sa akin no'n bago mamatay si Lola, ang nakasalamin na lalaking mat sariling mundo ay magiging partner ko sa kaso? Is this hell?
"Hey," napalingon ako sa lalaking-so called 'Mystery Breaker'.
"What?" Walang emos'yon na 'turan ko. This isn't happening, right?
"Here," at may ibinigay siyang card.
"Aanhin ko naman 'to?" Kinuha ko ang card ng hindi tumitingin dito. I blankly stared at him. Ano siya lang ang may alam niyan? Well, ibahin ni'yo ako.
"Try mong kainin," dilat ang mga mata kong tinignan siya. Nabara niya ba talaga ako? And this is the first time, at sa lahat ng first time na 'yon, siya pa? Oh God, kakayin ko kayang makipag-partner sa taong ito.
"Ayos-ayu . . ." Nang nag-ring ang cellphone ko. Sino na naman ba ito? Kinuha ko ang cellphone sa coat ko, at mabilis na sinagot ang tawag.
"Hello." Humakbang ako paalis, at pumunta sa isa sa mga corner ng opisina.
"Let's meet." Is this . . . ?
"Tine?" Mahinang bulong ko.
"Kanina pa ako text nang text sa 'yo, ano bang pinagkakaabalahan mo?" Napalunok naman ako sa 'turan niya.
"I'm sorry, busy lang." I replied.
"Well, may ipinadala akong sulat para sa 'yo. Basahin mo, mahalaga 'yon. At pagkatapos niyan, puntahan mo ako. 3:00 PM. Same place." Napatango na lang ako, alam kong hindi naman niya iyon makikita, hindi ba?
"Okay, mamaya." Hindi niya na ako sinagot pa, at mabilis na nag-hang up. Binalik ko ito sa lalagyan, at muling ibinalik ang atens'yon ko sa yelong future partner ko.
"So?" Saad ko.
"We should discuss the case, this afternoon. 3 PM at the Cafè. Bawal ang late, bawal ang mang-indiyan, at bawal ang paulit-ulit. No excuses, trabaho 'to just focus on it." Nakanganga akong nakikinig sa kaniya. Sinasadya ba niyang i-pareho ang oras ng meeting? Hindi naman niya siguro narinig ang usapan namin.
"Wait, what? Agad-agad? Busy ako mamaya!" Interogar' ko.
"No excuses," wala sa mood na tugon niya.
"Pero . . ."
"No buts!"
"May . . ."
"Shut the fuck up. Gusto mo bang ma-iresolba ang kaso o hindi? Sabihin mo lang, dahil marami pa namang kaso diyan na kailangan ng atens'yon!" G-galit siya? Parang, oo siguro. Natahimik ako, e' importante din naman ang pupuntahan ko ah. At mas sigurado akong madali lang kung kay Tine ako sasama dahil kilala niya ang pumapatay.
"Willing or not? Sabihin mo na nang maaga para ipa-cancel ko kay Sir ang i-partner sa 'yo." Natulala ako, bina-blackmail niya ba ako?
"Kung pupunta ka tuloy, kung hindi cancel. Bye!" WTF? Gano'n na lang 'yon? Hindi pa ako nakakasagot ah. Dinadagdagan niya talaga ang pagkulo ng aking dugo, hays ang lalaking iyon talaga.
Umalis siya ng opisina, sumunod naman ako sa kaniya, at talagang mabilis siya. Nawala kaagad ang presensiya niya, ang bilis naman.
* * *
Bumalik ako kaagad sa Hospital, nadatnan kong naroon sina Lena, at Chim nagbabantay sa walang malay na si Sioney. Tinungo ko ang kanan bahagi ng kama niya.
"Kumusta siya?" Tanong ko, at marahang hinaplos ang noo ng Best friend ko. Kawawa naman ng kaibigan kong ito.
"Okay naman siya, nagising siya kanina. At talaga wala siyang mood kundi ang tulala lang. Parang hindi siya ang masayahing Sioney. At sabi ng Doctor, normal lang daw iyon dahil galing siya sa trauma siguro ay nabigla lang sa mga nagyari. She'll be fine." Saad ni Chim. Habang nagbabalat ng mansanas sa may kaliwa.
"And by the way, pinapasabi ng Doctor na puntahan mo siya sa Opisina niya may importante lang daw siyang sasabihin sa 'yo. Hindi ko alam kung ano 'yon, confidential siguro." Tumango na lang ako. Para saan? Ano naman ang sasabihin niya?
"Sina Lux pala nasa bahay, at si Eunice. Sila ang magbabantay kay Sioney mamayang gabi." Parang biglang sumikip ang dibdib ko nang marinig iyon, sila lang dalawa? Sa bahay? Magkasama? Bakit parang naiinis ako kapag iniisip kong may sila? Arrggh.
"Ah okay." Iyon na lang ang naiwika ko.
"Sige, puntahan ko na si Doctor, baka naghihintay na." Tumango naman si Chim. Tinignan ko si Lena.
"Una ako, mamaya ulit." Ngumiti naman siya, so, nginitian ko na lang siya. Kaibigan nga naman. Hays.
Mabilis akong lumabas ng kuwarto, at tinungo ang front desk ng Hospital.
"Miss, nasaan ba rito ang opisina ni Doctor Viñegas?" Tanong ko sa isa sa mga Nurses.
"Name Ma'am?"
"Ghoul Villaroque." Maikiling sambit ko. May tinawagan siya sa telepono, at may tinignan sa desktop na nasa harapan niya.
"Nasa Fifth floor po ang opisina niya Ma'am, and he's waiting na po." Saad ng Nurse.
"Thank you," wika ko.
"We aim to pleasure, Ma'am." I smile. Tinungo ko na kaagad ang sinabi ng Nurse.
Nasa 3rd Floor ako ngayon, and two floors pa ang aakyatin ko. So, I decided na mag-elevator na lang dahil malayo-layo pa 'yon. Pumunta ako kaagad sa may elevator area, and thank God kaunti lang ang tao. Pumasok ako, at naki-sabay sa mga tao. Napadako ang tingin ko sa labas ng elevator. May isang lalaking naka-coat rin, at waiting area. Sino siya? Si Mr. Heinous ba 'yon? Pinag-singkitan ko pa ito ng paningin, at huli na nang sumirado na ang elevator. Siya ba 'yon? Bakot siya nasa Hospital?
"Doc?" Sabay katok ko ng tatlong beses sa pintuan ng opisina niya. Tinignan ko nama ulit ang pintuan nito, hindi naman siguro ako nagkamali nang pinuntahan.
"Bukas 'yan." Mabilis kong inikot ang doorknob, at pumasok sa loob ng silid.
"Good Morning po, Doc." Napatingin siya sa akin. Ano kaya ang pag-uusapan namin? Bakot ako pa ang pinapunta niya?
"Take a sit, Ms. Villaroque." At sumunod sa giit niya.
"I'll ask you something." Tumango naman ako, bakit ba ako kinikilabutan sa ikinikilos ng Doctor na 'to? Creepy.
"Nang nakita niyo ang pasiyente, si Sioney, may napansin ba kayong kakaiba sa kaniya? I mean talaga bang magagawa niyang mag-suicide?"
"Napansin? Wala naman po, sa gabi lang po kami nagkagulo no'n dahil sinumpong ang mental disorder niya. At sa tingin ko po, hindi naman magagawa ni ng Best friend ko iyon dahil ayaw na ayaw talaga ni Sioney ang gano'n na mag-su-suicide na lang. Kung may problema kasi siya hindi siya naghe-hesitate na lumapit, at magsabi sa amin. Kaya, nagulat na lang kaming lahat na nakalambitin na siya sa itaas." Tatango-tango pa ang Doctor habang nakikinig sa isinaysay ko.
"I see." Kunot noo kong tinignan ang Doctor, mata sa mata. Mabilis niyang hinubad ang kaniyang bracelet sa kamay.
"Here," taka kong kinuha ang bracelet na iyon.
"Bakit niyo po ito ibinibigay sa akin?" Nalilito na talaga ako.
"It's not mine. Nakuha namin 'yan kay Sioney. Paulit-ulit niyang sinasabi na 'concealed'-'concealed'. Hindi namin alam kung ano 'yon, pero I think may kinalaman 'yon sa nangyari sa kaniya. So, kinuha ko 'yan, at ibinigay sa 'yo. Ikaw lang ang makakaalam kung ano ibig sabihin no'n." Napatango naman ako. Tinignan ko ito, C O N C E A L E D?
"Bakit po Doc? Diretsahin niyo na po ako? Ano po ba sa tingin niyo ang nangyari kay Sioney?" Tumikhim na muna siya.
"Sa lahat ng resulta ng test na nakuha namin, at sa pag-o-obserba namin sa kaniya mula nang mapunta siya rito. Wala siyang intensiyon na saktan ang sarili. She didn't commit any means." Nalito ako sa sinabi niya. Ano daw?
"What do you mean, Doc.?" Tanong ko. Bakit ba kinakabahan na naman ako sa maaaring sabihin niya. Tumikhim ulit siya, at bumuntong-hininga.
"Huwag kang mabibigla." Tumango naman ako.
"Sabihin niyo na po, Doc.!" Pang-uutos ko. Kabog nang kabog ang dibdib ko. Nag-pa-palpitate na naman nang mabilis ang puso ko. Bakit madalas na nangyayari sa akin 'to?
Naghihintay pa rin ako sa tugon niya nang . . .
"May gustong pumatay sa kaniya."
---
HeartHarl101