Chereads / Who's the Killer? / Chapter 9 - P A N G - A N I M

Chapter 9 - P A N G - A N I M

'C O N C E A L E D'?

Ano ba kasing ibig sabihin nito? May kinalaman ba ito sa pagkamatay ni Lola? Sa nangyari kay Sioney? Tapos sinong susunod, 'yong iba? Iyong mga inosente kong kaibigan? Bakit ba kasi kailangang masali sila sa gulong ito?

"Hey, okay ka lang?" tanong ni Lena sa akin habang tulala pa rin. Nilingon ko siya. Kamakailan lang sobrang saya naming magkakaibigan, tapos ngayon; iba na, ibang iba na kaysa sa dati.

"I'm okay, salamat." At muling ibinalik ang itinuon sa mga naggagalawang mga sasakyan mula sa bintana na aking sinasandalan.

"Ghoul, I'm sorry." Rinig kong sambit niya mula sa likuran ko. Tinignan ko siyang mabuti, ng walang emos'yon. Sincerity draws all over her face.

"It's okay, naintindihan naman kita, Len. No worries," I assured her with a smile. Dito rin naman kasi ang kahahantungan namin, imbes na patagalin-bakit hindi na lang now, 'di ba? Hindi na kasi dapat pinapatagal ang mga bagay na alam mo talagang tama.

"Salamat, Ghoul. Hindi ka pa rin talaga nagbabago. Ikaw pa rin talaga ang Ghoul na binu-bully ko noon, the humble one." Natawa naman ako sa 'turan niya. Naalala niya pa ba talaga iyon, ang mga masasayang oras na iyon. At sariwang bumalik sa akin ang mga alaala na 'yon.

[ F L A S B A C K S ]

"Habulin mo ako, bleeh." Patuloy pa rin si Len-Len katatakbo habang hinahabol ko siya. Kinuha na naman niya kasi ang sulat na ginawa ko.

"Len-Len naman, e. Ibalik mo na kasi sa akin iyan, hindi naman kasi para sa iyo 'yang sulat na 'yan eh." Today is Valentine's Day, at pinagawa kami ng liham para sa mga taong mahal namin. I have made two letters: isa para kay Lola, at isa naman sa pinaka-ultimate crush ko sa school. We're High School Students, at hindi naman imposibleng mangyari 'yon, hindi ba? Yiieee. Pero, sa kasamaang-palad nakuha ni Len-Len ang sulat para sa ini-idolo ko, at ang nakakagimbal talaga ay kaibigan niya ang taong tinutukoy ko.

"Akin na 'yan. Bahala ka, sasabihin ko kay Dean na crush mo siya." Sabay na nag-pout. Kailangan hindi niya mabasa ang nakasulat sa loob.

"Paano kong sabihin ko sa 'yo na hindi si Dean ang crush ko?" Sabay na nagtaray. Eh, sino naman ba ang pinagkaka-abalahan ng taong 'to?

"Ah basta. Ibigay mo na kasi sa akin 'yan, ano bang mayroon sa liham na 'yan at atat na atat kang mabasa ang nakasulat." Napangisi siya.

"May konokompirma lang naman kasi ako. Iyon lang naman." Natulala ako, at alam ko na kung ano ang ibig niyang sabihin. Doom. Kailangan kung mabawi 'yon. Delikado na.

Mabilis niyang binuksan ang liham na nakasilid pa sa improvise na envelope, na yari sa art papers.

"Lena naman eh." Mas lalo pang lumapad ang kaniyang ngiti.

"Babasahin ko lang naman eh." At agad na binasa ang liham. Wala na, vulgar na.

"Pakshet? Totoo ba 'to?" Gulat na gulat si Len-Len dumako sa kinatatayuan ko. Senyales na nga 'yan. Wala na ang sikreto ko.

Mabilis siyang tumakbo papuntang canteen. At agad ko namang nalaman ang karumal-dumal na gagawin niya kaya ay sinundan ko siya. Para na akong timang sa itsura ko. Buhaghag na buhok, sabog na damit, pero maganda ako. Haha.

Naabutan ko na lamang siyang nasa unahan na handa nang isigaw ang sikretong pinaka-iingatan ko. Hindi maaari, pashnea siya.

"Guys! Makinig kayo!" Tumahimik naman bigla ang buong palagid dahil sa itinuran niya.

"After 2 years na paghihintay sa lovelife ng ating pinaka-iingatang sexy, and diyosang classmate, ngayon malalaman na natin ang katotohanan, in love na ang bunso natin na si Ghouly." Nagbulong-bulungan naman ang mga kapwa ko estudyante.

"Sino kaya 'yon?"

"Sigurado akong si Chim 'yan!"

"No! My precious one, in love na siya."

"Ang bunsoy natin dumadalaga na. Kaiyak."

"Ang suwerte naman ng lalaking iyon."

Ilan lamang 'yan sa mga narinig ko sa aking kapaligiran. No, hindi tama 'to. Sira na ang reputasyon ko, sira na. Waaaaaah.

"So, may I have your attention please for one more time. Do you want to know if kung sino ang lalaking nagpatibok at gumising sa tulog mantikang puso ni Ghoul?" Nagtawanan naman sila. Grabe sila o, sige magtawanan lang kayo.

"Let's call him up. Walang iba kundi si Mr-" pambibitin ni Len-Len. Please, no.

"Mr. Lux Sullen." Napanganga naman ako nang sabihin nga ni Len-Len ang pinakatatagong sikreto ng buong pagkatao ko. Tapos, ngayon wala na. Nagsigawan sila na para alam na ang mangyayari.

"Yes panalo ako, akin na ang pera."

"Money back."

"Quits na tayo, charot."

"Sabi ko na nga ba, totoo ang hinala ko."

"Ayyyiiee."

At talagang ginamit pa ako para sa laro nila, napakabait na kaibigan, at kaklase naman nila.

Nabigla ako nang may biglang umakbay sa akin. His scent, his arm, his body, it was him-the guy I had never expected. Lux Sullen.

"L-lux?" Tulala akong nakatitig sa kaniya. His face is near to perfection, his eyes are both mesmerizing. His eye lashes, and is nose are both captivating. Yumuko siya sa akin, and . . .

"You don't have to be worried. 'Cause I myself really feel the same way feeling too." I was shocked when he whispered something new too. Lumayo siya sa akin, at lumapit kay Len-Len.

Tanaw sa aking bisyon ang bahagyang pagsilip niya sa kinaroroonan ko, tanaw rito ang lugar nila, at nakita ko na lang siyang nakangiti't tumatango. Hindi na ako nag-isip pa nang malalim na dahilan. Wala naman 'yon eh, puro tawanan lang nila. Siguro frame up lang ito, at ako ang napag-diskitahan.

"Hello guys here is the breaking news, at ngayon pa lang 'yan nangyari sa history ng buhay ni Ghoul." Sigaw ulit ni Len-Len. Ano na naman kaya ito? Mabilis na lumapit si Lux kay Len-Len, at inagaw nito ang microphone.

"Kami na!" Gulat na gulat kaming mga audience sa sinabi ni Lux. Pakshet? Ano na naman bang joke ito? Lumingon si Lux sa direksiyon ko at nagbigay senyales na puntahan siya.

"Ayyiiieeeee!" Sigawan ng mga tao sa loob.

Nang makarating ako sa kinaroroonan nila Lux at Len-Len. Bigla ako nitong hinawakan sa bewang, at hinipit papalapit sa kaniya. WTF?

"Hey, babe." At doon na ako kinilabutan nang bumulong siya malapit sa batok ko. Ene be? Kenekeleg eke! Sobrang kaba ang nararamdaman ko. Dikit na dikit ang mga katawan namin, ilang inches na lamang ang agwat ng aming mukhang dalawa.

"Happy Valentine's Day, Bebe ko." At doon na ako mas kinilig nang bigla niya akong binigyan ng smack, sa tip ng ilong ko at sabay na nag-wink pa ito. Jusko, sana hindi na ito biro, sana totoo na nga ito. Ampots.

[ F L A S H B A C K S E N D ]

Natatawa talaga ako sa paraan ng pagiging magkasintahan namin ni Lux, it was just so cute for me.

"Bakit hindi mo na lang sabihin sa kaniya na mahal mo pa siya, na siya lang talaga." Napalingon ako kay Lena nang magsalita ito.

"Ano kaba wala nang may gusto pa na maibalik iyon, at saka nakapag-move on na ako, ibabalik ko pa ba talaga?" Giit ko. How am I supposed to do it kung alam kong wala na talaga?

At biglang tumunog ang cellphone ko sa ilalim ng aking brown coat. Kinuha ko ito at agad na binasa ang message. 'Huwag kang ma-le-late!' basa ko sa phone ko. At kilala ko na kaagad ang taong ito, si Mr. Heinous siguro. At saan naman siya nakakuha ng number ko?

'Where did you get my fucking number?' replied ko sa text. At hindi na ito nag-reply pa. Ganiyanan na talaga ngayon. Tignan natin.

"Lena, kayo na muna ang mag-bantay kay Sioney ha. Nandiyan naman si Chim. Aalis lang ako, mag-aasikasuhin lang, babalik ako kaagad," wika ko at agad na umalis sa kuwarto ni Sioney. Sabay na hinaplos ko pa ang bracelet na nasa kamay ko, ang bracelet na may tatak na C O N C E A L E D. I don't know, but I feel that it's all connected. Konektado sila sa kaso ni Lola, and I have to find it out really quick.

* * *

Lagpas ala-una ng hapon nang umuwi ako sa kasalukuyang tinutuluyang bahay. Agaw pansin sa bakuran ng bahay ang isang malaking email box sa harapan nito. Mabilis ko itong tinungo, at binuksan.

Nakahilera ang mga white envelopes na nakasilid sa email box. "Alin kaya dito ang envelope na ipinadala ni Tine?" I murmured. Ang dami kasi nito, baka abutan ako ng sampung minuto kahahanap. Kinuha ko ang lahat ng envelopes, at saka pumasok sa bahay-pribado rin kasi ang bagay na ito, baka may mang-tiktik delikado na.

"Nice? Lux? Narito ba kayo?" Aking sigaw nang nakapasok ako. Ngunit, ni isang sagot ay wala. Binaliwala ko na lamang ito at pinagpatuloy ang ginagawa.

Ilang sandali lamang ang nakalilipas, isang envelope ang naka-agaw pansin sa aking mga mata. Itim na itim ang sisidlan nito, na parang kinukuha ang atens'yon ko na buksan, at basahin siya. Kinuha ko ito at pabalik-balik na tinignan ang sisidlan. Halloween na ba ngayon? Tinignan ko pa talaga ang kalendaryo upang kompirmahin ito. Hindi pa naman ah?

Inamoy ko ang envelope, at talagang pinagsisihan ko ang aking ginawa. Amoy kandila ang pabango nito. Fuck, bakit parang kinikilabutan ako sa iniisip ko ngayon. Bubuksan ko na sana ito nang may marinig akong kumalabog sa itaas. Ano iyon?

Mabilis kong binitawan ang mga dala kong mga sobre, at agad na tumakbo papuntang itaas.

"Lux? Eunice? Kayo ba 'yan?" Bulyaw ko sa labas ng kuwarto. Sigurado akong dito nanggaling ang kalabog na iyon.

"Lux?"

"Nice?

Pababa na ang tono ng aking boses. Nag-pa-palpitate na naman ang puso ko. Mukhang kailangan ko na sigurong magpa-konsulta sa Doctor. Dahan-dahan kong inilabas ang aking baril mula sa ilalim ng coat ko. Ilang segundo pa ay mabilis kong binuksan ang pinto ng naturang kuwarto, at gumawa ito nang napakalakas na ingay.

Gulat na gulat ang mga itsura nilang dalawa habang hubo't hubad na nakapatong si Eunice sa pagkalalaki ni Lux. Marahan na bagsak ng aking mga kamay ang naging tanging paggalaw ng mga kamay ko na nakahawak pa sa baril. Nararamdaman ko na naman ang pagtulo ng mga luha ko mula sa aking mga mata.

"G-ghoul?"

"Ghouly!"

"Let us explain!"

Fuck! Sa lahat ba naman ng pagkakataon na puwede nilang gawin 'to sa bahay ko pa talaga? At ang mas hindi ko maatim- sa kaibigan ko pa. Mabilis 'kong tumakbo palabas ng kuwarto nang humihikbi. Agad ko na pinulot ang itim na sobre at walang atubiling tumakbo palabas ng bahay. I need space. Kailangan kong mapag-isa ngayon, lalo na at napatunayan ko na mahal ko pa siya. Mahal ko pa ang lalaking pinatungan ng kaibigan ko. Fuck. Ang sakit, sobrang sakit.

Hindi ko alam kung saan ako tutungo, hindi ko alam kung saan ako dadako. Ang gusto ko lang ay ang tumakbo, mapag-isa. Hanggang sa narating ko ang isa sa mga pinakagusto kong lugar. Isang malakas na tunog ng kampana ang nagpalakas ng mga luha ko. Para akong baliw sa gitna ng harapan ng Gate ng simbahan. 'Yong pinapangarap ko na mapuntahan, kasama siya. Kasama 'yong taong mahal ko. At ikasal kami, na may basbas ng nasa Itaas. Pero ngayon, wala na. Hanggang pangarap na nga lang talaga.

Lutang akong naka-tunganga sa maraming tao, habang naka-upong pinagmamasadan ang mga taong mabilis na naglalakad. Nang maalala ko ang dapat kong gawin, ay kinuha ko ang itim na envelope mula sa bulsa ng aking brown coat. Mabilis ko na binasa ang nakasulat sa labas nito.

'K P A C O T A'

-Tine

Napakamot ako sa batok ko habang tinititigan pa rin ang nakasulat sa labas. Ano iyon? Binuksan ko ito at kinuha ang papel na nasa loob. Napanganga ako sa aking nabasa nang maintindihan ko ang nais nitong ilahad. Isa sa mga kaibigan ko ang nais pumatay sa akin? Tama ba ang nabasa ko? Inulit ko itong muli at gano'n pa rin naman ang nakasulat dito. Tama nga siguro ito, si Clandestine na mismo ang nagsabi. Sino kaya sa kanila?

Tinignan ko ang envelope at kinapa baka may laman pa ito. Hindi naman ako nagkamali at may nakuha akong susi. Para saan 'to? Halo-halo ang aking nararamdaman. Ang gulo, at saka saan ko naman gagamitin ang susing ito. Tinignan ko ang pa ang papel at baka may clue words kung saan ito nakalagay. Wala naman, at isa lang naman ang salita na napakahirap maintindihan. Ito ay ang KPACOTA. Baka ito na nga iyon.

Mabilis akong tumayo at naglakad nang mabilis. Ngunit, sa kasamaang palad ay bigla akong natisod. Napahawak ako sa paa ko nang maramdamang sobrang sakit nito.

"Okay ka lang ba iha?" Dumako ang tingin ko sa matandang nasa harapan ko. Siya ba 'yon? Ang matandang humawak sa akin bago mamatay si Lola? Hindi ako nakapagsalita dahil sa pagkagulat. Siya nga.

"Halika iha, gamutin natin 'yan." Agad siyang pumuwesto sa harapan ko. Bigla niyang hinawakan ang aking natisod na paa. Hinilot niya ito at bigla akong nakaramdam ng sakit nang igalaw niya ito.

"A-aray. Ang sakit." Sambit ko.

"Hayaan mo na, isang ikot lang nito ayos na 'yan. May naipit lang sigurong ugat kaya masakit, at hindi mo maigalaw." Giit niya. At sabay na hinimas muli ang aking paa, hinanda ko na ang aking sarili nang bigla niya itong agad na iniliko. Ang sakit. Napapikit naman ako sa ginawa niya.

"Igalaw mo." Napamulat na lang ako ng aking mga mata, at tinignan kung nabali ba ang aking mga paa. Ngunit mali ako, balik na normal ulit ito. Paano niya ginawa iyon?

"Wow! Ang galing!" Sambit ko habang hinahawak-hawakan ko pa ang paa ko. Magic ba 'yon?

"Salamat po," maligaya kong sambit. At pinagtitigan ang paa kong maayos na.

"Concealed?" Mabilis akong napatingin sa kaniya. Habang malakas na sinambit ang mga salitang 'yon.

"Ah opo. Bakit po?" Napakunot ang mga tingin niya. Huh? What does her looks means?

"Sa 'yo ba 'yan, iha?" Napalingo naman ako.

"Hindi po, bakit po?" Takang napatingin siya sa akin.

"Naalala mo ba ang sinabi ko noon sa 'yo?" Napaisip ako nang malalim at napakamot sabay na lumingo. Ano ba kasing ibig sabihin nang sinabi niya noon? Lalo na't hindi ko siya binigyang atens'yon sa mga oras na iyon.

"Bakit po ba? May alam po ba kayo sa bracelet na 'to?" Itinaas ko ang bracelet na 'yon. Tumango siya. Paano niya-.

"Ako ang gumawa niyan." Napanindig ang balahibo ko habang nakikinig pa rin sa kaniya. Siya ang gumawa? So, may alam nga siya? Kunot noo ko siyang tinignan.

"Kilala mo po ba ang may-ari nito? May itatanong lang po sana ako sa kaniya?" Tanong ko. Kailangan kong malaman kung sino 'yon dahil alam kong may kinalaman siya sa aksidenting nangyari kay Sioney, at sa pagkamatay ng Lola ko.

"Oo, dalawang beses siyang nagpagawa sa akin niyan pero simula no'n hindi ko na siya nakita pa. Hindi ko siya namumukhaan dahil naka-mask siyang nagpagawa niyan, hindi ko rin alam kong kailan ko ginawa ang una at 'yong pangalawa. Pasensiya na, ulyanin na nga siguro ako." Napa-isip ako nang mas malalim. Sino siya?

"Ah, naalala ko na. Sa araw na nagpagawa siya nang bago dahil nawala raw iyong nauna ay sa araw din na iyon nakilala ko si, si, si . . . sino ba 'yon?-" may pakamot-kamot pa siyang ginawa. Sino kaya?

"-ahhhh, alam ko na. Shon. Ah hindi, shoning? Hindi rin sho, shi, sha. Si . .o. . ney. Ah, oo. Si Sioney." WTF? Si Sioney ba ng tinutukoy niya?

---

HeartHarl101