Chereads / Who's the Killer? / Chapter 12 - P A N G - S I Y A M

Chapter 12 - P A N G - S I Y A M

"So, anong plano?" I looked at him with a question. Pagkatapos ko kaninang magbihis ay hindi ko na siya pinansin pa. Nakita na niya ang pinaka-precious kung sikreto, tapos sasabihin pa niya kung ano 'yon. The fuck. Hindi ko hahayaang ako lang ang mapahiya, dapat quits kami. I have better idea. Napangiti ako sa sinasabi ng utak ko.

"Pupuntahan natin ang mga bangkay ng mga kaibigan mo. Maghahanap tayo nang mga maaaring maging ebidensiya, na maaaring makakapag-bigay sa atin nang motibo kung sino ang totoong pumapatay." Tugon niya na siya namang ikinangiwi ko. Boring scene, ito ang pinaka-ayaw ko sa lahat. Maghanap ng ebidensiya-well para rin naman ito sa kaso. Then go.

"Tapos? Ano pa?" I added. Para mas magkalinawan kami sa magiging hakbang namin.

"And babalikan natin ang luma niyong bahay." It makes me shivers when I heard, 'lumang bahay'. Ilang linggo na ring hindi ako nakadalaw sa lugar na iyon. Parang natali ang dila ko, ayaw nitong gumalaw.

"Kaya mo ba?" Seryoso niyang tanong sa akin. Napa-buntong-hininga naman ako. I don't have any option.

"Oo. Kaya ko. No worries." Tumango naman siya, at nagsimulang maglakad palabas ng silid. Kinuha ko ang mga gamit ko, at nagpakawala ng malalim na hininga. "Kaya ko ito." Sambit ko sa sarili ko.

* * *

"Are you sure tamang floor ang napuntahan natin? Bakit parang wala namang tao rito? Sabihin mo lang kung naliligaw na tayo." Pagrereklamo ko habang nakasukbit sa likuran ko ang isang maliit na bag.

"Ngayon ka pa ba magdududa sa akin." Napa-irap ako sa sinabi niya. As if naman hindi niya ako pinagdududahan.

Makaraan ang ilang sandali, ay tanaw na namin ang nag-iisang pintuan sandulo ng pasilyo. Double door, at talaga namang may paakla-aklang baho na rin ang umaalingasaw sa lugar.

MORGUE

Salitang naka-ukit sa may itaas ng pintuan na siyang nagsisilbing senyales na marami na ritong mga patay. Kinikilabutan ako sa pag-ihip ng hangin na dumampi sa aking katawan. Naka-bukas ang mailan-ilang mga bintana sa pasilyo kaya't ramdam pa rin ang pagka-presko ng hangin kahit na may mabahong amoy na naka-amba sa isang silid.

"Okay ka lang ba. Kung hindi ko kaya ako na lang ang pupunta." Blanko nitong wika sa akin. Ngayon na narito na kami ngayon pa ba siya magsasabi ng ganiyan.

"No. Kaya ko, kaya sasama ako." Pagdepensa ko.

"Okay, ikaw bahala. Heto, suotin mo." At agad niyang ibinigay sa akin ang hospital gown, mask, flashlights at mga gloves. Huminga ako nang malalim, this will gonna be a hurry one.

Mabilis naming isinuot ang mga protective gear na idinala niya.

"Ready?" Tumango ako. Mabilis niyang binuksan ang pinto at mas kinilabutan ako sa narinig kong pag-ingay ng pintuan. Ano ba namang lugar ito? Halos masuka ako sa mga nakita ko-napakaraming bangkay ang nakahiga sa mga steel na mesa. Nakatakip ng puting tela at labas lamang rito ang nangingitim na mga paa.

Naglakad ako papasok, nang mapansin kong hindi ito nakasunod sa akin. Lumingon ako sa kaniya.

"Anong ginagawa mo?" Hindi ito sumagot at patuloy lang siya sa ginagawa niya. Nilapitan ko siya, at napansin kong sinisira niya ang lock ng door knob.

"Hoy. Anong ginagawa mo? Maaari tayong kasuhan dahil sa pinaggagawa mo!" Lumingon siya sa akin na may malumanay at mapungay na tingin.

"Gusto mo bang ma-lock tayo sa loob kasama iyang mga mababahong katawan na iyan?" Parang alam ko na ang pinupunto niya. Lumingo ako bilang tugon na 'hindi'.

Hindi na ito nagsalita pang muli at binilisan ang pagsira sa lock ng door knob. Ginamit niya ang dala niyang adjustable plier-na mayroong high-tech na katangian na naglalaman ng iba't ibang size ng tools at screw drivers at tinanggal ang mga maliliit na screws sa seradura. Pinutol din niya ang nasa loob ng lock na parang maliit na bar of steel.

"Detective ka ba talaga?" Tanong ko. Hindi ito sumagot, sa halip ay tinutukan na lamang niya ako sa malamig niyang mga tingin.

"Bakit ang galing mo sa mga gawaing ganiyan?"

"I took the highest rank in Computer Engineering. At napasali rin ako sa mga sikat na app developers. I've studied both Chemical and Mechanical Engineering in one term with flying colors." Napanganga ako. Totoo ba iyang sinasabi niya? Walang halong biro?

"Don't worry. Katiting pa lang 'yan, soon malalaman mo rin lahat ng tungkol sa akin." Soon? Sasabihin niya?

"Hambog." Natawa naman siya. Ang yabang, edi siya na.

"Tara na. Paubos na ang oras natin dito." Kaya bumalik sa akin ang dapat naming gawin. Ngayon ko lang napansin, nakakatakot talaga ang lugar na ito. Sabay kaming naglakad papunta sa mga bangkay na nakahilera sa kay steel na mesa. Hindi ba sila naaawa sa mga katawang ito?

"Ang daming bangkay. Saan natin sila makikita?" Habang iniikot pa rin ang aming mga paningin, nakakatakot naman sa lugar na ito. Baka mamaya may tumayo diyan at maging zombie, tatakbo talaga ako. Habang napapadaan kami sa mga bangkay at marahan naman naming sinisilip ito, at baka iyon na nga ito.

"Don't think so much, mas lalo ka lang kakabahan." parang alam niya ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon. Mind reader ba siya? Psycho!

"Doon tayo. Sinabi sa akin ng Nurse kanina na malapit lang sila sa may bandang bintana, sa may corner." At napadako ang mga tingin ko sa lugar na sinabi niya.

Nang makarating kami ay sabay naming tinignan ang mga bangkay malapit doon, at hindi nga siya nagkakamali.

Tumulo na naman ang luha ko sa aking mga nakita. Si Lena, si Eunice. Totoo ngang wala na sila. Hahagkan ko na sana ang mga katawan nila nang pigilan ako ni Allure.

"Narito tayo para mag-imbestiga hindi para magdrama. Alam ko kung ano ang nararamdaman mo ngayon, naranasan ko na rin 'yan noon. Kaya tahan na, trabaho lang 'to." Napatango ako. Tama rin naman siya, pero . . . totoo ngang wala na sila, hindi ko lang kasi matanggap na ang dalawang babaeng iyon ay mawawala na lang ng gano'n-gano'n. Ang kaligayahan ko wala na.

"Here." Yumuko siya malapit sa akin.

"Huh?" Taka kong tanong habang tinitignan pa rin siya dahil sobrang lapit na namin sa isa't-isa. Anong ibig niyang sabihin?

"Sa halip na patay ang hagkan mo, ako na lang. Iiyak mo lang hanggang sa maibsan ang sakit sa dibdib mo. Hindi mo rin sila masisisi dahil biktima lang sila, kaya tayo narito para bigyan sila ng hustisya." Mas napahagulgol ako sa mga sinabi niya, at mabilis kong inilabas ang mabigat na nararamdamang iyon, habang ako'y nakayakap sa matipuno niyang katawan. Salamat. Salamat, Allure.

* * *

"Hindi saksak ang ikinamatay ni Eunice." Matapos naming usisain ang kaniyang malamig na bangkay. Paano niya nasabi iyon? Tinignan ko ulit ang bangkay ni Eunice na sobrang puti, at napaka-itim na ng kaniyang mga labi.

"Paano? Hindi ba't may tatlo siyang saksak sa kaniyang likod." Saad ko.

"Bago pa niya tinamo ang mga saksak na iyon, ay mabagal na ang pagpitik ng kaniyang pulso. Hindi siya napatay gamit ang isang punyal lang, ang sanhi nang pagkamatay niya ay dahil na rin sa pagkaluto ng kaniyang mga laman-loob, sabay na rin rito ay ang pagiging mas firm ng kan'yang balat, at pangingitim ng kaniyang labi." Kunot-noo ko siyang tinitigan.

"Nilason siya." Halos hindi ko maibuka ang mga bibig ko. Bawal ko rin naman hawakan ang mukha ko dahil marumi ang gloves na nakapalibot rito.

"Botulinum Toxin o kilala bilang Botox. Kapag malunok o ma-inject ito sa isang tao maski 0.035 ounces lang ang laman nito. Patay ka," mangiyak-ngiyak ko siyang tinignan. Paano niya nalaman iyon?

"P-paano nangyari iyon, hindi naman mahilig si Eunice sa mga chemical na 'yan. Ayaw rin niya ng chemistry," giit ko habang pinapahid ang mga butil ng luhang tumutulo.

"Kakasabi ko pa lang sa 'yo, nakalimutan mo na kaagad. Tinapos ko rin ang kursong Chemical Engineering, kaya huwag kang magtaka kung bakit may kaunti akong alam rito." Pagsasaad niya.

"Batay sa mga tinamo ng kaniyang katawan-namanhid ang kaniyang mga muscles, na-paralyze ang kaniyang mga balat, grabe ang pawis na lumalabas sa kaniya, at ang mabilis na pagkamatay nito. Posibleng nasa inumin o pagkain ang sanhi ng kaniyang ikinamatay." Pagkain?

"Sa mga panahong iyon, si Lux, Sioney, Lena at Chim lang ang kasama nila." Saad ko. Iniisip ko pa rin kung isa ba sa kanila ang gumawa no'n. Pero kung sila nga, bakit? Bakit naman nila gagawin iyon? Magkaibigan naman kaming lahat? O baka naman wala talagang totoong kaibigan.

"Ayon sa sabi-sabi si Sioney lang daw ang nakakita sa lahat ng pangyayari-kung sino ang pumatay. Siya lang ang makakasagot sa atin ngayon." Napatango ako. Tinignan ko muli ang bangkay ni Eunice, at tinakpan itong muli ng puting tela. Rest in Peace, Eunice.

"Paano ang kay Lena?" pareho naming itinuon ang aming mga atensyon sa bangkay na nakabalot sa telang may halong pula bahid na rin ng mga dugong umagos sa kaniya.

"Wala namang saksak o anong gasgas ang natamo niya, maliban sa isang malakang marka sa kaniyang leeg na siya mismong ikinamatay niya." Napatango akong muli at iniisip ang oras na tumawag si Chim. Eksaktong nagtanong rin ako noon sa mga Detektibo sa room 666.

"Sa tingin mo anong klasong lubid ba ang itinali sa kaniya." Panghihingi ni Allure sa akin ng kuro-kuro.

"Sa tingin ko'y hindi lang basta-basta tali ang ginamit sa kaniya. Kung tali man, maaari niya pa itong ikabuhay lalo na't wala naman siyang sugat o maski na gasgas na maaaring maka-pinsala sa kaniya. Sadyang malakas ang Killer, at napuruhan ang pagkakatali sa leeg niya." Saad ko. Ayon kasi sa aking obserbasyon, kapag tali ang ginamit rito malaki ang maaaring epekto nito sa balat ng biktima, may posibilidad rin na mapunit ang balat nito. Pero sa kasong ito hindi. Malapad, malaki, at sadyang lakas lang ang ginamit rito para mapuruhan siya.

"Hindi naman siguro tali ang nakapatay sa kaniya." Napalingon ako kay Allure. Nakahawak na naman siya sa kaniyang sentido, at lumipat ito sa kaniyang baba.

"Sandali lang." At mabilis niyang itinaas ang kaniya Hospital gown at ipinakita ang suot-suot nitong jeans. At anong ginagawa niya? Nakita ko naman ang silip nitong mga muscles sa abdominal, at ang malaking umbok nito sa kaniyang pantalon. Shit.

"Huwag kang mag-isip ng kakaiba diyan, wala akong planong mang-rape sa 'yo hindi kita type no." WTF? Ano akala niya sa akin, umaasang gagalawin? Over my gorgeous body, never.

"Hambog. Asa ka, magpapagalaw na lang ako kay Lux huwag lang sa 'yo. Akala mo naman kamatyuhan." What the Fudge? Did I just say that? Argghh, bakit ba kasi pumasok si Lux sa usapan.

"Tsk.'' tapos bigla siyang natahimik. Naging seryoso ang mukha niya. Bipolar ba siya? Tuluyan na niyang natanggal ang kaniyang sinturon.

"Ano namang gagawin mo diyan?" Tanong ko habang hinihila niya ang magkabilaang bahagi ng sinturon upang ma-stretch ito.

Ngunit, hindi siya sumagot. Ano bang trip ng taong ito? Minsan matino kausap, minsan naman hindi. May nakain ba siyang kakaiba at bigla-bigla na lang sumasakit ang tiyan kaya tumatahimik? Sana nga.

"2 inches ang width nito. Hmmm, posible nga kayang . . ." Parang nakagawa na siya ng conclusion sa mga ginawa niyang pagsusuri.

"Sinturon ang ginamit sa pagpatay sa kaniya." At ibinalik niya ang sinturon nito ng walang pag-aalinlangan.

"So, lalaki ang pumatay sa kaniya?" Napatango si Allure. Tama nga. Nakita kong lumapit si Allure sa leeg ni Lena, na para siyang may tinitignan.

"G . . . A . . . U . . . D . . . Y . . . Gaudy?" Mabagal na saad ni Allure habang tinitignan nito ang mga titik sa leeg ni Lena. Gaudy?

"Gaudy means Bearish."

"Sino ba ang huling lalaking kasama ni Lena?" Hindi ito lumilingon habang nagtatanong sa akin.

"Si Chim," wika ko.

"Chim Bearish?!" Tumango ako.

"May sinabi ba sa 'yo si Chim nang tumawag siya sa 'yo? Anong huling banggit niya?" Naguguluhan na ako. Bakit nadawit ang pangalan ni Chim rito.

"Ah oo. Ang sabi niya i-lo-lock raw niya ang pinto dahil baka pumasok raw ang pumapatay. Tapos, matapos ang ilang minuto tumawag siya ulit at sinabing patay na si Lena at nasa may bintana ang killer sa mga oras na iyon." Tumango siya. Maybe . . . pinaghihinalaan na niya si Chim, kaya gano'n. I knew it.

"Then?"

"Tapos, sinunod ko ang sinabi niya na nasa may bintana ang killer. Pumunta kaagad ako sa westside part ng hospital para tignan ito . . . at hanggang do'n na lang dahil may pumukpok sa batok ko sa mga oras na iyon kaya ako nawalan ng malay." Dagdag ko pa.

"Bakit nang tignan namin sa kuwarto si Sioney, ay dalawa na lang sila. Ang malamig na bangkay ni Lena, at si Sioney na mahimbing na natutulog."

Nagtagpo ang aming mga tingin. Sabay na nanlaki ang aming mga mata. Huwag naman sana . . . hindi kaya . . .

"SI CHIM ANG PUMAPATAY!" sigaw naming dalawa. Ngunit, may bumabagabag sa aming isipan na konklusyon sa mga nangyayari.

"AT SI SIONEY NA ANG ISUSUNOD NIYA!" Huli kong sigaw na siyang umalingawngaw sa buong paligid. Bago biglang sumirado nang napakalakas ang pintuan.

---

HeartHarl101