Chereads / Who's the Killer? / Chapter 14 - I K A L A B I N G - I S A

Chapter 14 - I K A L A B I N G - I S A

Ghoul's POV

"5 minutes left na lang Ghoul." Habang tumatagaktak ang mga pawis nito mula sa kaniyang noo.

"5 minutes left? WTF! Anong gagawin natin matotoasta tayo nito!" giit ko. Nagsisigaw na ako habang hindi pa rin gumagalaw sa kinatatayuan. Tinignan ko muli ang orasan at ang figurine. Paano 'to?

"Wala ka na bang ibang alam na puwedeng makatulong sa atin ngayon?" tanong ko. Kailangan niyang gumawa nang paraan, dahil habang patagal nang patagal ang pagkakakulong namin ay palapit din nang palapit sa bingit nang kamatayan si Sioney ngayon. Kasama na rin kami roon.

"I'll try, baka makatulong. Pero I won't assure you na gagana ang planong ito." Napatango na lang ako, we should take the risk. Kung ito lang ang tanging paraan then, go.

"Do whatever na sa tingin mo ay makatutulong, wala naman akong maitutulong sa 'yo." I frowned, I'm just a useless brat. Mamamatay na nga lang kami, wala pa akong nagawa. Huminga ako nang malalim.

"You've already do your part. We're trusting on you." Napalingon ako sa kaniya, hindi manlang siya nagpakita nang emosyon. Did he just say that?

I was encouraged sa sinabi niya. Kung siya nga ay pinagtitiwalaan ako, paano pa kaya ang mga kaibigan ko. Napangiti ako sa sinabi niya, thank you Allure. Minabuti kong tiningan ang kaharap na pader. Kaya ko 'to. Nakaya ko nga dati, makakaya ko rin ito ngayon.

Pinag-igihan ko ang pag-aanalisa sa orasan, 3 minuto na lamang at hindi ko pa rin makuha-kuha ang nais ipabatid ng orasan at figurine. Clock and a owl. Clock? Owl? How do they connect? Pinag-singkitan ko ito at . . . what the? Ngayon ko lang napansin na baliktad at pabalik ang takbo ng mga kamay ng orasan. Anong klaseng orasan ito? Napa-smid ako, ngayon may clue na ako.

Okay, may napansin na ako sa orasan, so, dito naman tayo sa kuwago. Ang kuwago ay natuguriang 'Wise Bird' dahil sa malalaking mga mata nito, at dahil na rin sa magaling ito sa taktika nang paghuli sa biktima nito. Ano naman ang koneksyon ng dalawa? Hmmm . . . Napahawak ako sa aking baba at mariing nag-isip.

Wise bird? Clock? Hindi kaya-

"2 minutes left Ghoul!" sigaw ni Allure habang nakatalikod ako sa kaniya. 2 minutes? Arrgghh, paano na 'to? Damn, kayanin mo Ghoul.

"Paano nangyari 'yon? Hind ba?" Sabay na pinatingin niya ang wire na pula.

"Pinutol ko, at . . . bumilis mag-count down ang timer!" Ramdam ko ang paglaki ng aking balintataw, kung minamalas ka nga naman. Huminga ako nang malalim, kaya ito.

Kung ang orasan ay Clock, at kuwago as owl-wise bird? So, sa pamamagitan ng mga salitang iyon ay makakagawa tayo ng . . . anong salita nga ba 'yon? Clockbird? Wise clock? Birdclock? bird wise? O hindi kaya ay-

Tama! Clockwise! Clock plus Wise.

Pero, the fuck? Anong konek sa clue? Clockwise? Saan ko naman siya gagamitin? Tinitigan ko ulit ang mga ito . . . pabaliktad? Pabalik ang daloy ng mga kamay. Ibig sabihin ba nito ay kinukontra nito ang pakanan na galaw ng mga kamay. Sumasalungat siya sa tamang galaw ng mga ito . . . Kinukontra? Sumasalungat? Pabalik? Baliktad? Pumasok sa isipan ko ang isang malaman na kaalaman.

Para akong timang na napangiti.

"Counter Clockwise!" Sigaw ko nang hindi pinapansin si Allure.

"Bilisan mo Ghoul. Isang minuto na lang, bilis." Napa-igtad ako sa pagsigaw ni Allure. Isang minuto?

"Counter Clockwise, Allure. Iyan ang passcodes." Tinignan ko siya.

"Hindi gagana iyan, passcodes ang hinihingi." Napatapal na lang ako ng mukha, bakit hindi ko naisip 'yon?

"50 seconds Ghoul! Bilis, mamatay tayo nito." Nag-he-hesterical na rin siya sa mga nangyayari at posibleng mangyari sa amin.

Counter Clockwise? Pabaliktad. Napatingin ako sa mga clue na hawak ko kanina. 5 ang naunang clue. 1 4 3, ang mga numero sa pangalawang clue. Baka . . .

"30 seconds left. Bilis Ghoul!"

"3 4 1 5!" sigaw ko nang malaman ang ibig sabihin nito.

Mabilis niyang pinindot ang mga numero sa Key Digital na nasa harapan niya. Naglakad ako nang mabilis papuntang kinatatayuan niya. Mabilis kaming napangiti dahil sa bumukas bigla ang kanina pang naka-locked na labasan. Thank God!

Hindi ko namalayan na mabilis ko siyang niyakap. Salamat ligtas kami.

"Thank you," wika ko. Habang patuloy pa rin ako sa pagkayapos ko sa kaniya.

"It's not over yet." Napahiwalay ako bigla nang marinig ko ang tugon niya. Napalingo ako sa bagay na itinuro niya gamit ang kaniyang hintuturo. Sabay pa nito ang mabilis na toot na mga tunog, pumupula na rin ang ilaw sa buong silid.

No! It can't be!

15 seconds left.

"TAKBO!" Mabilis kaming napatakbo nang mabilis, ilang hakbang pa lamang ang aking nagagawa, ngunit sa kasamang ay natisod ako sa wire na nasa harapan namin ngayon.

"Fuck! Ahhhh!" Habang sinusubukan kong tumayo. Ang sakit. Na-sprain siguro ang ankle ko. Sinubukan kong tumayo dahil ioang segundo na lang ay sasabog na itong pintuan. Nagulat ako sa mga sumunod na nangyari. Binuhat niya ako, binuhat ako ni Allure. Napatitig lamang ako sa kaniya habang mabilis niya akong kinuha gamit ang mga kamay niya, at inilagay sa kaniyang matitipunong mga bisig. Parang tumigil ang ikot ng mundo ko, napatitig lamang ako sa kaniya pinapakiramdaman ang init at kakaibang sensasyon na nadarama ko mula sa katawan niya.

Isang malakas na pagsabog na lamang ang nagpagising sa natutulog kong ulirat. Nakasandal ako ngayon sa pader, binabawi pa rin ang kamalayan ko.

"Hey, are you okay? May masakit ba sa 'yo? Tatawag ako ng Doctor?" Napansin ko kaagad ang nag-aalalang nitong mukha na ilang agwat lang sa mukha ko. Haplos nito ang mga pisngi ko na ngayo'y nag-iinit na. Ramdam ko ang kaniyang hininga na mabilis na tumatama sa aking mukha dahil sa paghihiyapos.

"I-I'm okay. S-salamat," nauutal na wika ko. Sinubukan kong tumayo pero puwersahan akong bumagsak dahil sa sakit na nararamdaman ko.

"Hindi ka okay, halika." Tumungo siya sa may paanan ko at hinawakan ang paa ko na na-sprained. May kinuha siya sa kaniya bulsa at isang maliit na botilya ito.

"Ano 'yan?" tanong ko. Ngumiti lamang siya na dahilan naman upang magmukha akong kamatis sa harapan niya. Okay, kalma Ghoul. Baka sabihin niyang gusto mo siya, naku isyu na naman tayo niyan. Ibinaling ko ang pag-iisip ko sa herbal oil na hawak niya. Isa siyang lalagyan ng parang pamahid na may printed na pangalan sa labas.

"Makatutulong 'to," maikling saad niya. Pinahid nito sa paa ko at parang may presyon na lumabas sa parteng iyon na siyang nagbigay sa akin nang kaginhawaan.

"Sala--"

Kapuwa kaming napalingon sa kabilang pasilyo nang marinig ang mga palakpak na nanggagaling rito.

"Sino ka?!" pabalang na tanong ni Allure, ngunit hindi ito natibag sa pagpapalakpak. Marahan lamang at mabagal ang palakpak na ginigawa niya. Naka-mask at hood ito, hindi kita ang mukhang kinakailangan upang malaman kung sino ba talaga siya.

"I'm Ulterior-the Death." Ulterior? The death? Pinagloloko ba kami ng isang 'to.

"Ikaw ba ang may kagagawan sa pagka-trapped namin sa loob?" He didn't answer. May kutob ako, baka siya nga ang nagkulong sa amin sa loob. Pero, kung siya nga? Paano si Chim? Si Chim ang totoong killer, hindi ba? WTF! Oo nga pala si Sioney!

"Allure, si Sioney. Puntahan natin siya," tumango ito at itinuon muli ang atensyon sa lalaking kaharap namin ngayon.

"Nakaaamoy na ako ng kandila," giit niya na siya namang nagpanindig sa mga balahibo ko. His voice, ang lalim. Ibang-iba ito sa boses niya kanina. Nag-aalala na ako kay Sioney, posible kayang . . .

Napansin na lamang namin na unti-unti na itong naglalakad palayo, papuntang hagdanan na patungo sa roof deck ng Hospital.

"Hey, saan ka pupunta!?" sigaw ni Allure sa kaniya. Lumingon itong saglit at saktong nahagilap ko ang kaniyang mga nanlilisik na mga mata.

"Sa impiyerno! Bakit? Sasama ka?" Kinilabutan ako sa kaniya, sabay ang mapanlisik na mga mata nito sa boses na pang-demonyo. Sino ba talaga siya? Sino nga ba talaga si Ulterior?

Mabilis itong nawala sa paningin namin. Tinignan ko si Allure, makikita mo ang galit nito sa mukha niya. Niyukom nito ang kaniyang mga palad. Bakit?

"Susundan ko siya!" Matapang na saad niya. Tumango ako, kailangan naming mahuli 'yon. Baka may alam siya, kung si Chim man ang Killer at kung tama nga ang hinala namin.

"Ihahatid na kita." Tumanggi ako na tila bang sinasabing kaya ko na ang sarili ko.

"Habulin mo na siya, baka makalayo pa. Bilis," wika ko.

"Pero paano ka? Paano 'yang paa mo?" tanong nito na siya namang patagong ikinatuwa ko. Sobrang nag-aalala ba talaga siya sa akin?

"Malayo 'to sa bituka. At saka wala pa namang ibinalitang namatay dahil sa pagkaka-sprain, 'di bs? Kaya, no worries huwag ka nang mag-alala. Sige na, alis na. Bilis, takbo. Habulin mo 'yang hayop na iyon." Tapos ngumiti siya. Bakit parang ang aliwalas ng mukha niya ngayon? Tumayo ito at hinanda ng sarili.

"M-mag-iingat ka ha." Nahihiyang tugon ko saka tumingin sa malayo. Bakit ba ako nagiging ganito?

"I will," sambit nito. Saka ang sunod na pagtakbo nito papuntang kinaroroonan ng lalaki kanina.

Kinuha ko ang mga gamit ko. Kailangan kong puntahan si Sioney, baka nasa panganib na siya. Pinilit kong tumayo, at sa awa ng Diyos ay nagawa ko rin ito. Paika-ika akong naglakad papunta sa kinaroroonan ni Sioney. Maghintay ka Sioney-best friend ko, parating na ako.

***

Sioney's POV

"H-hindi! Umalis ka mamamatay tao ka! Hindi mo ako mapapatay hayop ka! Alis!" Pangbabato ko ng mga gamit na nasa Side Table malapit sa higaang kinauupuan ko. Hindi puwede 'to! Nakangisi lamang ito habang kakaibang nakatingin sa akin, para siyang isang asong nais nang manlapa.

"Lux! Ghoul! Allure! Tulungan niyo ako, please tulungan niyo ako!" Mangiyak-ngiyak na sigaw ko. Mabilis akong umiwas sa kinauupuan ko, pinagitnaan namin ang maliit na kama.

"Wala ni isang makaririnig sa 'yo! Mamamatay ka, mamamatay kang walang kalaban-laban. Mamamatay kang walang kakampi! Hahaha!" Kinikilabutan na talaga ako sa mala-demonyong tawa niya.

"Walang kang awa, demonyo ka! Mamatay ka!" Binato ko siya ng vase na nasa side table. Para kaming nag-papatentiro sa ginagawa kong pagtakas mula sa kaniya. Pinagigitnaan namin ang kama na kanina ay hinihigaan ko. Nakita ko ang isang saklay malapit sa pintuan ng cr. Kinuha ko ito.

Aakyatin na sana niya ang kama na pumapagitna sa amin nang paluin ko siya nang napakalakas. Ngunit, bigo ako. Nasalag niya ito at hinawakan ang kabilang sulo ng saklay.

"Huli ka!" Mabilis akong napunta sa kaniyang paanan nang hilain niyang ang saklay.

"Arghhhh!" Napapikit ako sa sakit nang hilain niya ang buhok ko. Napaka-demonyo niya, wala siyang kasing-sama.

"Potangina mo!" Sambit ko na siya namang nagbigay sa kaniya nang isang malapad na ngiti. Ang sakit ng ulo ko, arrgghhh! Puwersahan niyang hinawakan ang mukha ko, pinakiramdaman ko ang nanginginig niyang mga kamay.

Ilang pulgada na lamang ang agwat naming dalawa, hila-hila pa rin niya ang buhok ko-para akong tatanggalan ng anit sa pagkakahawak niya sa buhok ko. Ibang-iba na siya sa Chim na nakilala ko, na kaibigan ko.

"Ano nasaan ang mga kaibigan na sinasabi mong tutulong sa 'yo? Wala, hindi ba! Iniwan ka na kasi nila, iniwan ka nila dahil lampa ka. Napakahina mo! Nakakaawa kang nilalang; wala na ngang silbi, walang pang kaibigan." Pinandidilatan niya ako ng mga mata, sobrang nanlilisik ito. Napapikit ako nang mariin dahil sa mga narinig ko, hindi totoo 'yan. Dahil simula pa lamang alam ko na, alam ko na totoo talaga sila. Napangiti ako sa iniisip ko.

"Mali ka-" wika ko saka tumitig sa kaniyang mga mata, nagpapalakasan kami kung sino ang mauunang susuko sa dalawa.

"-hinding-hindi nila ako iiwan, alam mo kung bakit? Dahil iyon ang natutunan ko sa mga panahong sila ang naging karamay ko, na kapag totoo ka may kakampi ka . . ."

Nag-seryoso ang kaniyang ekspresyon. Napalingo ako, saka ngumiti.

". . . nakakaawa ka." mariin kong sambit at pabalang na dinuraan ang kaniyang mukha. Tanggap ko na ang kapalaran ko. Napangiti ako nang mapait. Ghoul, patawad hanggang dito na lang.

"Aaaaaarrrrggghhh!" Ramdam ko na lang ang malakas na pagtilapon ko. Sobrang lakas nang pagkabunggo ko sa pader at pagbagsak ko sa sahig. Umiikot ang mga paningin ko, narito na ang katapusan ko. Hanggang sa nandilim ang buo kong paningin. Bumilis ang tibok ng puso ko, ramdam ko ang pagtagas ng malagkit na bagay sa ulo ko. Malapit na talaga.

Isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw sa buong silid bago ako tuluyang mawalan ng malay.

"SIONEY!"

---

HeartHarl101