Chereads / Who's the Killer? / Chapter 19 - I K A L A B I N G - A N I M

Chapter 19 - I K A L A B I N G - A N I M

Ghoul's POV

Mabilis akong napabagon sa sobrang kaba. Nadatnan ko na lamang ang aking sarili sa loob ng isang silid. I was confusedly asking myself, 'How did I get here?'

Teka, sa kuwarto ko ba ito? Habang marahan kong inaanalisa ang mga bagay na nakasabit, at nakapuwesto sa maayos na lagayan. Sa akin nga, ngunit paano ako nakapunta rito? Ang natatandaan ko ay kasama ko si Allure at . . .

"Allure!?" sigaw ko at agaran akong bumangon sa pagkakahiga. Ang porma ng kuwartong ito ay gano'n pa rin mula nang mawala si Lola. How I misses myself within this house. Home Sweet Home, hay.

"Allure!" impit na wika ko habang tinungo ko palabas ang kuwarto ko. Ito ang bahay na hinding-hindi ko makalilimutan, iyong dating saya at lungkot kasama ang, Lola. Pero ngayon, hanggang pagbabalik-tanaw na lamang ako sa alaala niya.

"Allu---" napatigil ako sa pagsasalita nang may nakita akong tao nakatalikod sa akin sa may bandang entrada ng hagdanan. Napalunok ako nang makita ko ang pamilyar nitong kurba, ang buhok niyang naka-centipede pa.

"E-eunice?" kinakabahang 'turan ko. Imposible, patay na siya. Humarap ito sa akin na may nakabalot na nakapangingilabot na ngiti. Hindi ito nagbigay tugon sa sinabi ko, nakangiti lamang ito saka gumalaw ang kaniyang mga kamay nakaturo labasan at pinaka-main door ng bahay. Ano'ng ibig niyang sabihin?

"Hindi ka totoo, patay ka na. PATAY KA NA!" napapikit ako nang isigaw ko iyon at yaong nawala siya sa harapan ko. Mabilis akong tumakbo papunta sa opisina ko, saka naman ako nagulantang nang makita ko angbisang babae na nakaupo sa swivel chair na mayroon ako roon. A-ano bang nangyayari?

"L-lena?" Katulad sa nauna ay hindi rin ito sumagot, hindi siya nagpakita ng ibang motibo sa halip ay may itinuro siya sa may bandang drawer malapit sa bintana. Para akong uod na dahan-dahang naglalakad papunta sa itinuro niya. Nang maabot ko ang drawer saka ko kinuha ang bagay na naroon, ang baril ko. At mabilis na hinarap si Lena pero wala na ito sa kinauupuan niya. Nasaan na siya?

Napadako naman ang tingin ko sa drawer na ngayo'y nakabukas pa rin. Napansin ko ang isang bagay na dati ko pa ninanais na makita, ang album. Mabilis ko itong dinampot at isinilid sa shoulder bag na nakalagay sa ibabaw ng mesa.

Mabilis ko namang pinuntahan ang kuwarto ng Lola nang makalabas ako sa opisina. Giniginaw ako nang nasa harapan na ako ng pintuan nito, ang walang pagbabagong kulay at laki nito. Napalunok pa akong maramdaman ang libo-libong kaba na gumagambal sa mabilis na pagtibok nitong puso ko.

Nanginginig, na animo'y pasmado kong dahan-dahang hinawakan ang seradura ng pinto, ang lamig nito. Napasinghap pa ako ng ilang beses at napagtagumpayang nabuksan ang pintuan.

Bumungad din agad sa harapan ko ang isang napaka-pamilyar na tao sa buong buhay ko.

"Lola?" aniya ko, habang tuluyang nabagsak sa sahig ang bag at baril na hawak-hawak ko. Hindi ito kumibo at patuloy na nakatalikod mula sa akin, wala siyang itinuturo maski na anong bagay.

"L-lola?" Tumulo na rin ang luhang kanina pa nagbabadya. Sobrang miss na miss ko na talaga siya. Naglakad ako rito palapit at badyang hindi pinakiramdaman ang posibilidad na maaaring mangyari. Ngunit, agad naman akong napatigil nang mapansin ang isang maliit na papel sa may likod nito, napalunok ako saglit at mabilis na dinakma iyon mula sa likod niya.

Marahan akong umatras habang tinitingnan pa rin siya. Mabilis ko na 'binuklat ang kapirasong papel na iyon at saka binasa ang nakasulat dito.

'Ang oleo na siyang alaala ko'y iyong hanapin,

Sapagkat ang buhay ko'y sa demonyo'y inalipin,

Oh ganda, oh kay rikit, kunin mo ang hinabilin,

Proteksiyon sa buhay mo'y aking diringgin.'

Napakunot naman ako nang hindi 'ko maliwanagan sa mga nakasaad dito. Anong painting ang ibig niyang sabihin? Pumikit ako at dinaramdam ang mga nangyayari, pumasok kaagad sa isipan ko ang isinilaysay ni Lola nang bata pa ako. It was here, narito na ako. I should have done this before, I really have to.

[ F L A S H B A C K ]

"Lola, sino po siya?" tanong ko, habang itinuturo ang malaking larawan sa may dingding nang malapad na pader ng sala. Matagal ko na itong tinitignan, pero hindi ko talaga kilala ang babaeng naka-pinta sa larawan.

Labing limang taon pa lamang ako no'n, nang napag-isip-isip kong itanong kay Lola, tutal wala naman sigurong masama, hindi ba?

Lumapit siya sa akin dala-dala ang isang selya papuntang harapan ng larawan. Umupo siya roon at ikinandong ako. Sinabayan ko ang paghanga niya sa oleong nakasabit sa may pader, it is really a masterpiece.

"Ang pangalan niya ay Sleuth Villaroque, siya ang nag-iisang babaeng anak ko," panimulang wika niya.

"Eh, ako Lola ano niyo po ako? Hindi niyo po ba ako anak?" nalulungkot kong tanong. Natawa naman siya, at marahan pinahid ang luha sa mga mata.

"Apo, siya ang ina mo." Natulala ako nang sabihin niya iyon. I frowned, confusion shedding my facial reaction.

"Po? Hindi niyo po ako anak?" Tumango siya. I'm nearly crying that time, I'm not hers, it is so painful.

"Eh, hindi po ba ikaw ang nag-alaga sa akin. Kaya dapat ikaw ang Mama ko," aniko. Malugod kong pinipigilan ang mga luha na nais kumawala sa aking mga mata. Lumingo naman siya senyales na hindi siya sang-ayon sa itinuran ko.

"Matagal ko na dapat 'tong sinabi sa 'yo, Ghoul. Pero hahayaan ko na lamang na malaman mo ang lahat sa nakatakdang panahon." Hindi ko siya naintindihan nang sinabi niya iyon.

"At malalaman mo iyan kapag maintindihan mo na ang lahat, iyang album at 'yang larawan, diyan mo makikita ang dapat mong malaman. Malapit na, Ghoul. Malapit na , konting tiis na lang." Sabay turo sa larawan at album na nasa ibaba nito.

[ F L A S H B A C K S   E N D ]

Hindi kaya naroon ang kasagutan na hinihingi ko? Ang magbibigay paliwanag sa lahat ng mga katanungan ko. Kung sino ako? Mabilis kong dinampot ang mga nalaglag na kasangkapan, isinukbit ko ang shoulder bag at mahigpit na hinawakan ang baril. Hindi na ako nagtaka nang hindi ko na makita ang katawan ni Lola. Salamat, Lola.

Pababa na ako ng hagdan nang bigla kong napindot ang button sa may pader, nawala ang mga apakan nito at naging flat ang buong hagdanan kaya tuluyan' akong nahulog dito, mula ikalawa papuntang unang palapag ng bahay. Nagpagulong-gulong ako at puwersahang binangga ang pader na nasa harapan ng hagdanan. Umikot ang buo kong paningin, sumasakit ang buo kong katawan.

"A-aray ko! Puta!" daing ko nang maramdaman ang sakit mula ulo hanggang paa. Nang mahimasmasan ako akma sana akong babangon nang mapansin ko ang lalaking nasa harapan ko. Naka-polo ito't pormadong-pormado.

"C-chim!? Tulungan mo ako, arrgghhh!" paghingi ko ng alalay habang iniinda pa rin ang sakit. Ngunit, bigo ako. Hindi rin ito kumibo at dahan-dahang naglakad papuntang gitna ng sala. Nagtaka naman ako, dahil na rin sa patuloy pa rin siyang nakaturo sa pintuan. Ano bang mayroon sa pintuan?

Tiniis ko ang sakit ng aking katawan, kailangan kong indahin ito nang malaman ko ang katotohanan. Mabilis man ngunit paika-ika akong tumungo sa may harapan ng larawan. Hinanap ko sa may gilid baka may pindutan o maaaring gawin para malaman ko ang sikreto ng aking pagkatao.

Lumingon ako kay Chim, at gano'n pa rin ang posisyon niya---nakaturo sa may main door ng bahay. Kinakabahan na ako, pangalawa siyang nagturo sa pintuan. Ano bang nais ipabatid no'n?

Matapos ang limang minuto sa paghahanap ay bigo akong napatingin sa larawan, saan ko ba hahanapin iyon? Napatitig ako sa mukha nito, hinawakan ko ang mukha niya at damdam ko ang kakaibang bagay na sumisidlit sa may bandang ilong nito. Kumuha ako ng cutter sa may bag ko at mabilis na hiniwa ang ilong. Doon ko napagtanto na may pindutan pala ang mukha nito, bakit kaya ngayon ko lang nakita 'to?

Mabilis pa sa alas kuwatro ang pagpindut ko rito at katamtamang nasilayan ang isang kahon na kasing-laki lang ng kahon ng sapatos. Marahan ko itong kinuha at mahilamyos na tinitigan. Iyinugyog ko pa ito, ngunit wala naman akong naramdamang kakaiba.

Umupo ako kaagad sa may sopa at ikinandong ang kahon. Hinayaan ko na lamang na nakaturo si Chim sa likod ko, I don't know pero parang kinakabahan ako sa mga maaaring mangyari.

Hindi ko pa naman nahahawakan ang lock nito ay malakas na bumukas ang pintuan. Agresibo akong napalingon sa main door. Nawala bigla si Chim sa puwesto nito. Ano ba ang nangyayari?

Napatayo ako at bahagyang umatras nang makita ko ang isang anino. Hindi ko ito masilayan nang maayos dahil na rin sa liwanag na bumabalot dito.

"Kumusta, Ghoul?" Nanindig ang balahibo ko nang marinig ang boses na iyon.

"T-tine? C-clandestine?" aniko, habang marahan na nagsisimula ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Nawala ang liwanag at sumilay sa kaniyang labi ang isang nakapangingilabot na ngiti. Naka-hood siya.

"Wala ka nang kawala, Ghoul, MAMAMATAY KA NA!"

Mabilis akong gumalaw at tumakbo papunta sa bag ko, ngunit bigla naman akong natisod. Nakita ko siyang papalapit sa akin, hawak-hawak ang kutsilyong kumikinang sa talim. Mabilis ko namang pinatid ang selya papunta sa kaniya, ngunit mabilis niya itong naagapan at nakailag.

Para akong bata na bumangon mula sa pagkakahiga. Akma niya akong sasaksakin nang mabilis ko naman itong nailagan. Ngunit, hindi pa man ako nakahahakbang palayo ay naagapan niya kaagad ang pagtakas ko at mabilis na hinablot ang aking buhok.

"Arrgghhh!" sigaw ko, habang iniinda ang pagkakasabunot niya. Napadako ang aking mga tingin sa may kaliwang side ng aking mata. Ang vase!

"Ano pa bang kailangan mo sa 'kin? Nakuha mo na lahat, kinuha mo na lahat. Ano pa ba ang kulang?!" nangingiting sa sigaw ko.

"Kulang pa ba ang pagdurusa na pinagdadaanan ko? Kulang pa ba ang sakit na idinulot niyo sa buhay ko? Kulang pa ba 'yon, ha!?" sigaw ko sa kaniya habang madiin pa rin ang kaniyang pagkakahawak sa aking buhok. Naluluha ako sa sakit, parang binubunot ang buong ulo ko, ramdam ko ang parang mainit na pagkapunit ng mangilan-ngilan kong anit.

"Kulang na kulang, Ghoul. Wala kang alam," manhid na pagkakasabi nito.

"Edi, sabihin mo! Sabihin mo nang malaman ko!" pabalang na tugon ko. Mas tumindi ang sakit nang pagkakahablot niya nang puwersahan niya akong iniharap sa kaniya. Ngumisi ito nang sobrang nakapangingilabot, Killer Smile.

"Hindi na kailangan, Ghoul, buhay mo lang naman ang kulang!" Mas tumindi ang kaba at takot na bumalot sa pagkatao ko, kailangan kong labanan ito. Agad ko siyang dinuraan sa mata.

"Kung ako na lang kulang, puwes sabay-sabay na tayo!"

"Aaarrgghhh!"  Mabilis ko na dinampot ang vase roon at buong-lakas na inihampas sa kaniya. Napatumba siya. Naiiyak akong tatakbo ngunit naagapan niya ito at hinawakan ang mga binti ko. Agad ko naman siyang sinipa sa kaniyang mukha kahit na naka-mask ito.

"Demonyo ka! Bitiwan mo akong gago ka!" sigaw ko habang sumasabay sa ritmo nang sipa ko.

"Wala ka nang magagawa, Ghoul, mamamatay ka rin," kalmadong wika niya. Tuluyan' na niyang nahawakan ang dalawa kong paa at katulad niya ay nakahandusay na rin ako.

"Pinapahirapan mo pa akong babae ka—-" aniya, sabay na itinuro ang tulis ng kaniyang patalim sa leeg ko. Napapalunok na lamang ako. Kita ko na ang buo niyang mukha. Nakatatakot na ito kaysa nang una naming magkita.

"—-and now let me taste you first baby, bago kota patayin. " Nanginig ang buo kong katawan. Sabayan pa nito ang nakakakabang haplos ng kaniyang mainit na hininga sa aking batok.

"A-ano'ng ibig mong sabihin? Ano'ng gagawin mo?" Hindi ito sumagot, bagkus ay agaran niyang itinali ang mga kamay ko, nagpupumiglas pa ako nang malakas pero hindi talaga kaya ng katawan ko. Ngumisi siya na siya namang nagbigay sa 'kin nang ibayong hilakbot. Natatakot ako sa iniisip ko ngayon, natatakot ako sa maaari niyang gawin sa akin.

"Feel the pain and pleasure, baby."

---

HeartHarl101