Allure's POV
Nakaramdam ako ng galit at awa sa sarili ko. P-patay na si tito? Patay na ang taong itinurin kong pangalawang ama? Hindi totoo ito! Imposible ito, siya na lamang ang nalalabi kong pamilyang nabubuhay, pati ba naman siya ay ipagkakait nila?
Hanggang sa maramdaman ko na lang ang pagpatak ng aking mga luha sa nakayukom kong kamay. Napatitig ako rito, bigla akong uminit sa galit. Agad akong napatakbo sa may pader ng bahay at mabilis ko itong sinuntok nang napakalakas! Paulit-ulit ko itong pinagsusuntok, ramdam ko na rin ang tila pag-agos ng dugo sa magkabilaang mga kamao. Nakikisabay rin ang pagdaloy ng luha sa aking pisngi. Mabilis at ramdam ko na ang panghihina ng aking mga kamay.
"Allure, tama na! Tumigil ka na! Please, itigil mo na 'to!" Mabilis akong niyakap ni Ghoul nang mahigpit upang pigilan ako sa pagpapatuloy na pagsuntok. Hindi ko na maintindihan kung ano ang dapat kong maramdaman.
"Kasalanan ko ito eh, kasalanan kong nadadamay ang mga taong malalapit sa akin! Napakamalas ko, malas 'ko! Aarrrgghh!!" sigaw ko.
"Please, tama na, hindi mo naman kasalanan. Walang may kasalanan," pagpapakalma niya sa akin. Agad ko na napagtanto, tama na rin siguro ito. Mabilis akong kumalas sa pagkakayakap sa kaniya, mabilis ko siyang itinulak ng mahina.
"Layuan mo na ako hangga't may oras pa Ghoul. Layuan mo na ako habang alam kong may pag-asa ka pang mabuhay ng mas matagal. Malas ako, malas ako Ghoul! Alam mo ba iyon? Kaya please, layuan mo na ako parang awa mo na. Baka madamay ka pa sa kamalasan k. . ." hindi pa ako tapos sa pagsasalita nang maramdaman ko ang malambot, at manipis na bagay na nasa aking mga labi ngayon--siniil niya ako ng halik, natigilan ako sa kaniyang ginawa. Napatitig ako sa kaniyang mga mata nang gulat na gulat. Mabilis siyang kumalas, ngunit heto pa rin ako, naiwang tulala.
"Huwag kang mag-aalala Allure, katulad mo, malas akong tao. Pero alam mo kung ano iyong mas nakamamangha roon. Nasa dinami-rami ng kamalasan na dumating sa buhay ko, sa dinami-rami ng kabiguang nakaharap ko; tandaan mo, ikaw lang nag-iisang suwerteng pumasok sa buhay ko." Agad akong natigilan sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang ire-react ko sa sinabi niya. Kikiligin o kikiligin? Shit! Nakababakla naman 'to!
"At sana gano'n ka rin sa akin. Na ako lang ang nag-iisang suwerte mo sa pasipiko ng kamalasan. Na ako lang ang pinapangarap mong kayamanan!" Tumitig siyang may pakahulugan, iisang lang ang nababasa ko sa kaniyang maluha-luhang mga mata. Ang ibig ba nitong sabihin ay . . .
"I love you . . . Mahal kita!" sambit ko. Nakita ko siyang ngumiti nang napakalapad. Hindi ko na pinatagal pa ang mga sandali, heto na ito! Kaya todo dapat 'to!
"Mahal kita rin Allure. Mahal na mahal, at kahit na ilang libo pang kamalasan ang maging balakid sa pagmamahal na iyon pinapangako kong lalaban ako, ipaglalaban ko ang pagmamahal ko sa 'yo, Allure!" Naantig ako sa kaniyang naituran, hindi ko alam pero may kiliti akong nararamdaman sa aking tiyan. Marahil ito nga ang kilig na sinasabi nila. Sumunod ang pagsiil namin ng aming mga labi upang markahan ang selyo ng aming pagmamahalan.
Nang kalauna'y nagkalayo ang aming labi na may bihis ng ngiti, hanggang sa naging masiklabong tawanan ito.
"Ang korny mong bumanat," wika ko kay Ghoul. Natawa naman siya. Kaagad ko naman siyang hinapit sa kaniyang balakang papalapit sa akin, habang nakangiti at mapang-asar na tumititig.
"Korny na kung korny, at least kinilig ka. Kaysa naman diyan sa iba, hindi na nga sweet ang korny pa." Ang kaninang galit ay napalitan na nang sobrang tuwa. Nakakabakla pa lang ma-in love.
Natigil na lamang kami nang sandaling marinig namin ang pagtikhim ng mga pulis. Natawa na lamang kami sa mga naging reaksyon nila.
"Puwede bang iwan niyo muna kami? Hindi ako tatakas, may sasabihin lang ako saglit," giit ko ng nagmamakaawa sa mga pulis. Nakita ko naman silang nagkatinginan sa isa't isa at nagsitanguan. Si Ghoul naman ay heto lang tahimk na nakikinig sa akin. Alam kung nalilito itong si Ghoul, maski ako rin ay nagtataka sa mga ipinagsasabi ng mga pulis, I know pakana na naman ito ni Ulterior. Mapapatay ko na talaga siya, sabay na nagyukom ang aking mga kamao. Heto na naman.
"5 minutes. Huwag kang magtatangkang tumakas kung ayaw mong madagdagan pa iyang kaso mo." Tumango ako kasabay no'n ay ang pagsialisan nila. Nakahinga ako nang malalim.
"Don't worry Allure, kukuha ako ng abogado. Papatunayan nating inosente ka," wika niya nang nag-he-hysterical. Nginitian ko lang siya bilang tugon na kumalma lang. Kinuha ko ang bagay na nasa aking bulsa ngayon.
"Take this. Magagamit mo 'yan sa paghahanap." Aking inilahad sa kaniya ang isang kapirasong papel. Dagli niya kaagad itong inabot. Nagtataka siyang napatingala sa akin. Nginitian ko na lamang siya, at walang alinlangan hinalikan ang kaniyang ilong.
"Aba't . . ." Sabay halik ulit sa kaniyang malalambot na mga labi.
"Nakakarami ka na ah!" pangmamaktol niya.
"Ikaw ang nagsimula, ako ang magpapatuloy. Quits na tayo," giit ko. Na siya namang ikinapula ng kaniyang mukha. Huminga ako nang malalim at hinawakan ang ulo niya. Tiningnan niya ang nakasulat doon at kunot-noong napatitig sa akin.
"P-paano mo nalaman ito?" Tumitig siya sa akin habang nag-aantay ng sagot.
[ F L A S H B A C K S ]
Pahingal-hingal akong napahawak sa aking tuhod nang marating ko ang roof top ng hospital. Tulad ng papel ay nagpaagos-agos lamang at nakisabay sa hilamyos ng hangin si Ulterior. Lumilipad siya gamit ang isang bagay na nasa kaniyang likod.
"Ipinapangako ko, simula sa araw na ito, matitigil na ang mga kabaliwahang pinaggagawa ninyo! Pinapangako ko 'yan!" sigaw ko. Tila maliit lamang ang boses ko dahil open field ang rooftop ng hospital.
Akma sana akong aalis nang may napansin akong kakaibang bagay sa may antenna ng rooftop. Kumikislap-kislap ito.
Dagli ko itong pinuntahan at mabilis na inalisa ang bawat bahagi, mabilisan ang pagtingin ko sa antenna nang mapagtanto kong isa pala itong Advance Tracker Monitor. Nakita ko na lamang sa radar ng monitor ang isang lugar na inuukitan ng red-dotted. At doon ako nagkakutob na isa itong clue.
[ F L A S H B A C K E N D S ]
"So-sorry." Napayuko ako at sumandal sa kaniyang balikat. Dinaramdam ko ang salitang aking binitawan. Patawad, Ghoul.
"B-bakit? Para saan naman ang sorry'ing iyan?" tanong niya. Mabilis akong humiwalay sa kaniya at tiningnan siya sa mga mata.
"Sorry kung hindi ko magawa ang pangako ko sa 'yo; sorry kasi hindi kita ma-protektahan; sorry kasi napaka-walang kuwenta k..." Natigilan ako nang ilapat niya ang kaniyang hintuturo sa aking labi.
"Shhhhh, don't say that! Huwag mong sabihin iyan dahil malaki na ang naitulong mo, hindi lang sa kaso kundi pati na rin sa buhay ko. You're a part of my world now, Allure. Kaya huwag kang mag-isip na walang kang nagawa 'cause you knew that marami ka nang naitulong, you've already done your part Allure!" pagsasaway niya sa akin.
"At ngayon, ako naman. Hayaan mong ako naman ang kumilos para sa iyo, hayaan mong ako na ang tumapos sa misteryong ito." Ngunit hindi iyon naging sapat upang patahanin niya ang kabang dumadaloy sa aking katawan.
"Pero Ghoul, mapanganib. Delikado kung ikaw lang mag-isa, hintayin mo muna akong makalaya saka ka kumilos." Ngumiti siya at hinagkan ako nang mahigpit. Damn! Ba't wala akong magawa?
"Hinding-hindi iyan mangyayari Allure, babalik ako. Babalikan pa kita!" Rumagasa ang mga luhang kanina pa nagbabadya. Hindi ko na napigilan pa ang walang humpay na pag-agos nito.
"P-pero Ghoul. Natatakot ako, natatakot ako na baka patayin ka nila! Natatakot akong mawala ka! Natatakot ako na sa makawala wala ka na sa piling ko! Natatakot akong isipin na mawawala ka, natatakot akong. . ." Kaagad niya itong pinigilan nang isiil niya ang kaniyang labi sa akin.
"Magtiwala ka sa akin, Allure. Babalik ako!" Nakipagtitigan siya sa akin, mata sa mata. Marahan niya ring pinahid ang mga luhang kanina pa rumaragasa. Napatingin siya bigla sa painting ng kaniyang ina kaya't sinundan ko rin ito.
"Saksi ang aking ina sa pagmamahal na ito, nawa'y gabayan niya tayo sa laban na ito!"
***
Ghoul's POV
Nang ilabas ng mga pulis si Allure ay kaagad kong kinuha ang kahon sa likod ng oleo. Katulad din ito nang nasa panaginip ko. Iniyugyog ko ito, ngunit wala ni isang tunog ang nabuo. Tiningnan ko itong mabuti at may korteng lock ang nakalagay roon. Ano kayang laman nito?
Kaagad kong inilagay sa loob ng bag ko ang album at kahon. Mabilis akong lumabas sa bahay at in-lock ang pintuan. Kinuha ko naman ang papel na ibinigay sa akin ni Allure, tiningnan ko ulit itong mabuti saka napahinga nang malalim. Kaya mo 'yan Ghoul! Laban!
Mabilis akong nakarating sa lugar na sinasabi sa may address. I-ito na ba iyon? Isang lumang bahay ang matatanaw mula sa may kalsada ng bahay. Malayo-layo rin ito sa kabahayan kaya't tago talaga, miminsan lang din ang sasakyan na dumaraan sa lugar na ito. Nangangalawang na rin ang ilang mga bakal na gamit, ang garden ay napalilibutan na rin ng mayayabong na damo, ang kulay nito ay kumukupas na rin sa katandaan, napalunok naman ako sa itsura nito. Pigura pa lang ay tiyak nakatatakot na, paano pa kaya sa loob.
Naglakad ako palapit dito. Nagsitayuan kaagad ang mga balahibo ko nang ihipin ng hangin ang mayayabong na mga damo, tumutunog din ang nangangalawang na mga bakal na tiyak akong marupok na talaga. Ano ba itong napasok ko? Ngunit kaagad ko rin iyong iwinaksi sa aking isipan. Narito na ako, kaya laban lang! Kaya ito!
Nang marating ko ang balkonahe ng bahay ay nawala ang kabang nagpapabaliw sa puso ko kanina. Nakahinga ako nang maluwag, tiyak makukuha ko na ang pangalawang clue. Kumatok ako tatlong beses nang masira ang pintuan, subalit akma pa lamang akong papasok nang agad kong maiwasan ang punyal na nanggaling sa loob.
"Muntikan na iyo..." Nang maramdaman ko ang kamao sa aking pisngi. Shit! Ang sakit puta!
Mabilis ko siyang binagyan ng malakas na uppercut! Ang dumi nilang maglaro, buyset. Ang pisngi ko pa talaga! Wala hiya! Tumalbog siya papasok sa bahay, bigla ko rin naman siyang namukhaan. Siya nga! Sila iyong umatake sa akin sa may hospital, doon sa CR. Akma akong lalapit sa kaniya nang maramdaman ko ang kasama niya sa aking likuran. Mabilis kong pinatid patalikod ang kamay nito na siyang nagpatalsik sa punyal na hawak niya. Huli ka!
Agresibo ko siyang binigyan nang napakalakas na hook dahilan upang siya ay mapahiga, noong nagkaroon na ako ng pagkakataon ay agad ko siyang inupuan at walang tigil na binigyan ng sunud-sunod na jab sa kaniyang mukha hanggang sa nawalan siya ng malay. Nilingon ko ang kasama niya na ngayon ay nakatutok na lamang sa akin.
Unti-unti ko siyang nilapitan. Habang siya naman ay gumagapang paatras. Nang makalapit ako, agad akong umupo upang magkapantay kami ng mukha. Nginisian ko siya!
"Sabihin mo, sinong nag-utos sa inyo para patayin ako!? Sinong hinayupak ang nagsabing puwede niyo akong galawing tangina ninyo!? Sabihin mo!!" Lumingo ito senyales na ayaw nitong sabihin. Mas pinagkunutan ko pa siya ng noo at kilay.
"Ayaw mong magsalita ha? Sige kung iyan ang nais mo, madali lang naman akong kausap!" Napangisi ako at mahigpit na hinawakan ang kanang paa nito. Hinugot ko ang maliit na punyal sa aking bag. "Ngayon, sasabihin mo na ba kung sinong putangina ang nag-utos sa inyo, kung hindi pupunta ka sa impiyernong iisa lang ang paa!! Sagot!" Naghintay ako nang ilang sandali, ngunit hindi ito tumugon. Napabuntong-hininga na lamang ako't tumayo at naglakad.
"Mamatay ka!" huling sigaw ng lalaki, hanggang sa malakas kong inihagis ang punyal nang nakatalikod. Hinarap ko ito at naglakad pabalik dito. Nakatirik ang punyal sa kaniyang dibdib kung saan ang puso niya.
"Ops, sorry! Ayaw mo kasi, kaya paalam! Buhay ang nais niyo 'di ba? Heto, kunin niyo! Pasensya na ha, self-defense lang! Byeee!" Saka ko brutal na ibinaon ang punyal sa kaniyang dibdib.
HeartHarl101