Chereads / Who's the Killer? / Chapter 20 - I K A L A B I N G - P I T O

Chapter 20 - I K A L A B I N G - P I T O

Allure's POV

"Nurse! Nurse!" sigaw ko nang mapansin ang kakaibang panginginig sa katawan ni Ghoul. Mabilis ko siyang hinawakan at nagpalingo-lingo pa ako sa pagkataranta. Sobrang init niya, this is not good.

"Doc! Tito! Doc, si Ghoul po!"

"Ano'ng nangyayari sa kaniya?" Mabilis na tanong sa akin ni Tito nang makarating siya. Hindi na ako nag-abalang sumagot, bagkus ay natataranta pa rin at marahab na tinititigan kung paano manginig ang katawan ni Ghoul.

Mabilis na ch-in-eck ni Tito ang temperature ni Ghoul, at pusle rate nito. Kaagad niyang napagtanto kung ano ang mali, at mabilis na kumuha ng syringe na may kakaunting likido sa loob.

"Ano po iyan?" Gulat akong napalingon kay Tito habang hawak niya ang syringe.

"Pampakalma lang 'to, Lure. Huwag kang mag-aalala," paninigurado niya. Nakahinga naman ako nang maluwag, ngunit hindi pa rin matanggal sa aking sistema ang pagiging balisa ng katawan ni Ghoul at marahan na paggalaw nito, may kakaunti lamang siyang panginginig at tulog pa rin.

Nang kalauna'y naiturok na rin ni Tito ang syringe, at humupa na ang panginginig na iyon ni Ghoul. Napatitig ako kay Tito.

"Ano po bang nangyari, Tito? Bakit bigla na lamang siyang nanginig? May sakit po ba siya?" Maurirat ko sabay kong silip sa kalmadong katawan ni Ghoul.

"Nagka-febrile convulsions lamang siya, marahil ay may na-infection sa kaniyang katawan, at normal lang iyon sa mga taong may gano'n. Hindi naman iyon masama, siguro'y naapektuhan lang ito sa mabilis na pagtaas ng kaniyang temperatura." Pilit kong inalala ang ginawa namin kahapon. Isang bagay lang ang pumasok sa isip ko.

"Sugat?" aniko, na siya namang iki-na-kunot ng noo ni Tito.

"Anong sugat?" Itinuro ko agad iyon sa katawan ni Ghoul, bakit hindi ko manlang naalala ang sugat na tinamo niya mula kay Ulterior/Clandestine kagabi.

"Linisin natin, kuhanin ko lang saglit ang first aid sa opisina ko." Akma sanang aalis si Tito nang bigla na namang nanginig nang mas matindi ang buong katawan ni Ghoul.

"Ghoul?! Ghoul!? Ano bang nangyayari, Tito? Akala ko ba pinakalma mo na siya?" Napadilat naman si Tito, marahil hindi iyon ang ninanais niyang epekto. Napalingo siya.

"Ghoul! Ghoul!" wika ko habang hawak ang nagliliyab na katawan ni Ghoul, sobrang init nito. Patuloy pa rin ako sa paggising sa kaniya.

"Hhmmm? Hmmmm? 'Wag, bitiwan mo ako! 'Wag! Allure tulungan mo ako! Ma!! Pa, papa! Lola! Lola! Tulungan niyo po ako!" mga mahihinang ungol niya at sambit sa salita habang nahahaplos ko pa rin ang noo niya, ang init nito.

"Ghoul gising, binabangungot ka . . ."

"Huuwaaagg!!" Pareho kaming gulat ni Tito sa ekspresyon ni Ghoul. Takot na takot ito. Nakaaawa ang kalagayan niya. Thanks God, gising na siya.

Mabilis siyang napalingon sa gawi ko at kay Tito, agad naman akong nanlumo nang makita ang takot na takot niyang ekspresyon.

"L-lumayo kayo, h-huwag n-niyo a-akong s-sasaktan! Please, layo kayo . . . Tama na please."

"Ghoul! It's okay, ako ito Ghoul, si Allure 'to, tama na tahan na." Mabilis na pag-akap ko sa takot na takot niyang reaksyon. Nanginginig ito sa sobrang kaba.

"A-allure? Allure?" Napayakap na siya sa akin, takot at kinakabahan habang sumisiksik sa dibdib ko. What the hell happened to her?

"Heto, inumin mo." Pagbibigay ni Tito ng tubig sa kaniya. Kinuha ko naman ito at inilahad sa kaniya. Inabot niya iyon at parang uhaw na uhaw na nilagok ang isang basong tubig.

"Okay ka na ba?" Napatango naman siya na siya namang ikinaginhawa ko. Salamat sa Diyos at okay na siya, hinding-hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kung may mangyaring masama sa kaniya.

"Tell me, ano'ng bumabagabag sa iyo? May nakita ka ba sa panaginip mo?" Natigilan siya at napatitig sa akin, mata sa mata. Bigla na lamang siyang humagulhol sa pag-iyak.

"Shhh, tahan na. Kung ano man iyang napanaginipan mo hayaan mo na, mawawala rin iyan. Tahan na, nandito naman ako hinding-hindi kita iiwan pangako iyan." Patuloy pa rin ang pagbuhos ng kaniyang mga luha.

Makalipas ang ilang minuto, tumahan na rin siya. Napatitig siya sa akin, ginantihan ko naman iyon ng may awa sa mga tingin.

"N-naaawa ka ba sa akin?" tanong niya.

"Bakit mo naman naitanong?" Saka humiwalay sa pagkakayakap sa akin.

"J-just tell me kung kinakaawaan mo ako, I need to know." Saka nakipagbuno sa titigan. Ako naman ang unang umiwas sa mga titig niya.

"N-no, hindi kita kinakaawan dahil kaibigan kita . . ." bigla siyang sumabat sa pagsasalita.

"So, naaawa ka nga?" Lumingo ako.

"No, hindi iyon ang ibig kong sabihin. . ."

"Then, ano?"

"Concern ako, okay. Hindi ako naaawa dahil alam ko namang matapang ka, kilala kita Ghoul. Kilala ko ang buo mong pagkatao, you hate to be pity by someone. Ayaw mo ang kinakaawaan ka, so I'm telling you this kasi hindi kita kinakaawan, sinasabi ko ito dahil concern ako dahil mahalaga ka, mahalaga ka sa akin Ghoul tandaan mo iyan." I told her, silently. Napatahimik siya.

"Maiwan ko muna kayo," pangbasag katahimikan na pamaalam ni Tito. Natawa naman ako, he never change. Napaka-immature pa rin niya kung kumilos.

"Ano ba kasing napanaginipan mo?" I seriously asked her.

She heaved a sigh. Napakibit-balikat na lamang siya.

"Si Clandestine---" she stopped. What about that stupid lier?

"---naroon siya, nakahawak ng baril, nakahubad sa harapan ko. Habang ako umiiyak na nakatali ang mga kamay, nagmamakaawa na pakawalan, lumalaban kahit hindi na kaya ng katawan at . . ." I clenched my fist. Parang alam ko na ang sasabihin niya.

"At walang awang pinagsamantalahan." Huling tugon niya bago naman bumagsak ulit ang mga luha sa pisngi niya. Napamura pa ako. Awtomatiko naman akong napayakap sa kaniya. That jerk, kahit ba naman sa panaginip, arrgghhh! Nevermind.

"Shhh, tama na. Panaginip lang iyon, at ito ang katotohanan. Wala nang makakasakit pa sa 'yo," wika ko habang marahan na pinupunasan ang mga luha niya.

"Ang painting at album!" sambit niya. Tulala naman akong kunot-noong tinignan siya. Anong painting? Anong album?

"K-kailangan kong makuha iyon Allure. Nasa dating bahay namin, parang may binigay na clue sina Lola roon. About sa kung sino ako, kung sino talaga ang tunay na Ghoul Villaroque." Napatitig ako sa kaniya. I think I don't have any choice, napabuga na lamang ako ng hangin.

"Okay, pupuntahan natin iyan. Pero, una sa lahat magpahinga ka muna, kailangan mo ng lakas kung pupunta tayo roon. Besides, gagamutin pa natin iyang sugat mo baka ma-impeksyon pa iyan. Sige na, magpahinga ka na. Dito lang ako." Tumango naman siya. At saka sumunod sa inutos ko. Kinumutan ko siya, at marahan na hinalikan ang kaniyang ulo. Akma sana akong aalis nang . . .

"Allure?" tawag niya sa akin habang nakatalikod sa posisyon ko.

"Hmmmm?"

"Ma..." Anong MA?

"A-ano?" Pang-uulit ko.

"W-wala. Magpahinga ka na rin." Napangiti naman ako habang pinagmamasdan ko siyang inaayos ang sarili sa pagkakahiga.

"S-salamat pala," rinig kong sambit niya habang papaalis ako sa kuwarto niya. Bumungad sa akin ang kunot-noong mukha ni Tito.

"B-bakit po Tito?" Mabilis niya akong nilapitan.

"Look." Saka ipinakita niya ang cellphone niya sa akin.

"A-ano pong ibig niyong sabihin Tito? Hindi ko po kayo maintindihan?" Habang ibinabalik sa kaniya ang cellphone niya. May pinabasa siya sa aking isang article, I don't know pero hindi naman ako pamilyar sa article na iyon.

"She experienced Sleep Paralysis," wika niya. Iyon ang nabasa ko sa cellphone niya.

"Ano naman po ang kinalaman no'n kay Ghoul?" nalilitong tanong ko.

"Nakaranas siyang mapunta sa isang panaginip na nasa loob rin ng isang panaginip, kaya pala para siyang may sapi kanina." Ano daw?

"I don't get it, panaginip sa isang panaginip?" Tumango si Tito. How was that possible?

"And she was able to know some fact behind it. Kaya nakahanap siya ng mga clue tungkol sa kung sino siya, kakaiba siya Allure. Ingatan mo siya." Napalunok naman ako. Gano'n ba siya ka-legend sa trabahong ito? Kaya ba siya tinawag na legend sa pagiging detective? She's able to . . . arghhhh, I don't think so. Bahala na nga.

* * *

Ghoul's POV

"Are you okay? Are you sure na kaya mo na? Maaari naman tayong bumalik dito sa makalawa." pagbabalik-ulirat na tanong ni Allure. Nasa harapan na kami ngayon ng bahay ko. At heto ako ngayon, nakadungaw sa bintana ng kotse niya nakatitig sa bahay na sobrang tahimik.

"I'm okay, huwag mo akong alalahanin." Saka ako huminga nang malalim.

"Shall we?" Tumango naman ako bilang tugon. Tinanggal ko ang seatbelt na nakapulupot sa katawan ko. Binuksan ko na ang pintuan ng kotse at dahan-dahang lumabas.

When we both reached the entrance, dumampi sa aking balat ang isang kakaibang simoy ng hangin. Malamig ito, hindi pangkaraniwan.

"Home sweet home," sambit ko nang mabuksan ko ang malaking main door sa balcony papasok sa living room ng bahay. Tulad sa panaginip ko, wala itong pinagbago. Tahimik, nakabibingi kapag may isang mag-ingay sa buong silid.

Sobrang miss ko ang lugar na ito. It's monotonous ambiance. Dead atmosphere. At ang pabalik-balik na tunog ng malaking orasan. Nakikisabay ito sa ritmo ng hangin.

Marahan akong nanlibot sa buong silid. Pinapakiramdaman bawat gamit, lumang gamit. Ang amoy nitong parang bagong varnished lamang. Dinala ako ng aking mga paa sa harapan ng lumang piano. Hanggang balik-tanaw na lamang ako sa nakaraan. Naririnig ko sa isipan ko kung paano ako kantahan, at tugtugan ni Lola ng paborito kong kanta. Kung paano niya ako handugan ng kanta noong debut ko. Damn, I missed her.

Hindi ko namamalayan na nagtutugtog na pala ako ng piano, habang malaka-lakang tumutulo ang mga luha ko. Sinabayan ko na lang ang imahinasyon ko sa pagkanta. Hanggang sa huling linya nito.

"I'm down on bended knee . . ." Bumalik na lamang ako sa aking ulirat nang marinig kong pumalakpak si Allure.

"I didn't know na magaling ka pa lang kumanta, iyan pa naman ang gusto ko sa . . ." Napatigil siya nang mapansing napatitig ako sa kaniya.

"I mean, mahilig ako sa mga ballad. Gusto ko iyong mga ganoong kanta kumbaga. Oo, gano'n nga," nalilito niyang sambit. Muntik pa akong matawa.

Napatigil pa ako nang maalala ko ang dapat naming pinunta rito. Napa-face palm na lang ako, bakit ba ang drama ko sa araw na ito.

"Wait, kunin ko lang sa taas ang album. I think doon ko iyon nakita sa itaas." Napalingon ako sa main door. Bakit ba ako kinakabahan? Napasinghap na lamang ako ng hangin nang maalala ko ang masamang panaginip na iyon, ang bangungot na iyon. Hinding-hindi ko talaga hihilingin na maulit pa iyon, I don't want that thing happen to me, baka maging totoo pa. Huwag naman sana.

Mabilis akong nakabalik nang makuha ko na ang album, nag-ingat ako sa may bandang hagdan dahil baka mapindot ko na naman iyon at mapahamak pa ako. Sinadya ko talagang ipagawa iyan, in case lang naman kung emergencies.

"Here. At naroon ang portrait sa may pader na iyon." Sabay turo ko sa pader na may nakasabit na larawan. Ang nag-iisang malaking larawan ni Mama. Napatango na lang siya.

"Tara." Saka kami lumapit sa may portrait ng Mama ko. Simula nang sabihin ni Lola na siya ang totoo kong Mama ay sinimulan ko na rin ang kilalanin siya nang patago. Nahihiya kasi ako kay Lola, dahil sa reaksyon ko nang magtapat siya sa akin na hindi niya ako anak at ang babaeng nasa litrato ay siya palang ina ko. Kaya i-si-nekreto ko naman.

"S-sino siya?" tanong ni Allure sa akin at itinuro ang malaking larawan sa may pader.

"Siya si Sleuth Villaroque, ang nag-iisang anak ng Lola ko at ang natatanging ina ko." Hindi siya kumibo, nagtaka naman ako sa inasta niya.

"Why? Bakit mo natanong?" Napalingo siya, na tila bang may inililihim. Mas lalo akong nagtaka, ano ba iyon?

"W-wala naman. Ngayon, kilala ko na kung kanino ka nagmana ng kagandahan." Nag-init bigla ang aking mukha at pilit na itinatanggi ang ngiting nais na sumilay.

"Hindi ko na sasayangin pa ang pagkakataong ito." Nagtaka naman ako nang sinabi niya iyon, pero naliwanagan lamang ako nang lumuhod na siya sa aking harapan at . . .

"Sa harap ng iyong Ina, hinihingi ko ang iyong mga kamay. Ang iyong puso na sana'y bigyan akong pagkakataon, na mahalin ka at ipakita sa 'yo kung gaano ako taos-pusong maghihintay para sa pag-ibig mo. Maari ko bang mahingi ang iyong matamis na oo, kung maaari ba kitang ligawan? Dahil ikaw lamang ang babaeng nagpabaliw sa puso kong sugatan, maaari ba Binibini? Maaari ba, Ghoul?" Nagtaka ako at the same time kinikilig. Ano bang isasagot ko? Napatunayan ko ng may puwang na rin siya sa puso ko, kailangan ko nang gumawa ng hakbang para pagkakataong ito.

Oo na ba ang isasagot ko? Siguro? Hindi? I think this is it. Now or never. Mawala siya o mamahalin siya? I think I have the right choice naman, tama na siguro ito.

I need to settle all things up. Kailangan ko na rin sigurong magpahinga sa trabaho, at hanapin ang kaligayahan ko. Tama na siguro ang pagpapanggap.

"Ahmm, eh. A-about sa tanong mo. . . Ahmm, it's a y---"

"Nasaan si Allure Heinous?" Napatigil ako sa pagsasalita at sabay kaming napalingon sa main door ng bahay.

"Ako po Sir? Bakit po? May problema po ba?" tanong ni Allure sa grupo ng police, na ngayo'y nasa pintuan na rin ng bahay ko. Ibinigay nito ang isang bond paper kay Allure. Ano iyon?

"W-warrant of arrest? Teka, ano ito?" gulong-gulo na wika ni Allure.

"Inaaresto ka namin sa salang pagpatay kay Dr. Albert Heinous! Sumama ka sa amin ngayon din sa presinto. Doon ka na magpaliwanag."

---

HeartHarl101