Chereads / Ang Mahiwagang Paglalakbay ni Itong / Chapter 1 - Ang Mahiwagang Paglalakbay ni Itong Chapter 1

Ang Mahiwagang Paglalakbay ni Itong

🇵🇭blackJaguar
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 22.6k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Ang Mahiwagang Paglalakbay ni Itong Chapter 1

May bagay na hindi kayang ipaliwanag ng siyensya katulad ng Multo, Maligno at kung ano ano pa. Tara at samahan nyo ako sa aking paglalakbay, dito sa hiwaga ng ating daigdig.

Ako si Lito, ngunit tawag sakin ng mga taga sa amin ay Itong. Ewan ko ba bakit mahilig tayo ibahin ang mga pangalan natin, well anyway, 19 years old na ako, may tamang pangangatawan, di gaanong mataba at di gaanong mapayat. Ang taas ko ay 5'8", solo kayod ang nanay ko sa pagtitinda ng kakanin sa tabi ng simbahan at minsan kapag wala masyadong bumibili eh, nilalako nya ito sa aming baryo.

Tumigil muna ako sa aking pagaaral para makatulong sa aking ina, kitang kita ko ang paghihirap nya sa araw araw para mairaos nya lang kami ng kapatid ko na si Ara. Si Ara sampung taong gulang at kasalukuyang nagaaral sa ikatlong baitang, dati nung nandito pa ang aming ama ay di kami gaanong nahihirapan. Isang sikat na albularyo sa buong syudad ang aking ama, Armando ang pangalan nya. Halos lahat ng uri ng sakit ay napapagaling nya, may nagbibigay ng pagkain, damit, pera at kung ano ano pa.

Ngunit tatlong taon ng lumipas buhat ng mawala ang aking ama, may nagsasabi dinukot sa ng mga makapangyarihang engkanto, meron din naman nagsasabing namatay sya sa gitna ng gubat habang kinukumpleto nya ang kanyang bertud.

Ngunit sa di maipaliwanag na pangyayari kaninang madaling araw, bandang 02:30am araw ng linggo, habang ako mahimbing na natutulog sa aking silid.

Biglang may malamig na simoy ng hangin na bumalot sa aking katawan, at kasabay yaong malamig na hangin ay nakita ko ang aking ama.

Hindi ko mawari kung ito ba ay panaginip o tunay na nangyayari, basta't ang alam ko ito ay nangyayari tuwing madaling araw ng linggo.

Oo, kasama ngayon ito pangatlong beses nang dumadalaw sa akin ang aking ama, kada madaling araw ng linggo.

Sa una'y binabalewala ko lamang ito pero kinukwento ko ito sa aking ina, tahimik lamang sya habang sya ay nakikinig sa aking kwento.

Pero ngayon ay iba ang nangyari dahil nakausap ko na mismo ang aking ama.

" Anak sa wakas dininig din ng diyos ang akin dalangin na maka-usap ka. Anak pasensya na kayo sa aking pagkawala, marami pa akong gustong sabihin pero wala na akong oras. Ito na ang huling linggo na makikita mo ako, Anak, kailangan mong ipagpatuloy ang ating tradisyon bilang isang Albularyo. Nasaiyo ba ang blankong bertud? "

" Ama, sabik na sabik na po kaming makita kayo, saan po ba kayo? wala na po ba kayo? yung blankong bertud ay nakay ina. " tugon ko sa aking ama.

" hays, hindi ko masasagot ang iyong mga katanungan anak, pag naging ganap ka nang Albularyo malalaman mo. Sa ngayon kailangan mong makuha sa iyong ina at dapat ay kusang loob na itong ibibigay sayo. Kung hindi, ito ay walang silbi. Anak kailangan ko nang umalis. "

Yan ang mga bilin ng aking ama sakin.

Nagising nalang ako bigla dahil sa malakas na bulyaw ng aking ina.

" Naku tanghali na pala"

Ito ang katagang nasambit ko.

" ITONG!!! BUMANGON KANA! TANGHALI NA! "

sigaw ng aking ina.

" Oo! andyan na! andyan na! "

sagot ko.

" Mama naman eh, sigaw ng sigaw. Nakakahiya sa mga kapitbahay, nakakabulahaw ka. "

Pagrereklamo ko sa aking ina.

Biglang sumimangot ang aking ina at pinagalitan ako.

" At ako pa ang nakakahiya ha? tingnan mo anong oras na 7:30 am na! naku, naku, Lito. Bilisan mo at kudkurin mo na yong niyog para sa palitaw!

naku! kung nandito lang sana ang iyong ama. " Bigla syang napahinto at malumanay na ang kanyang boses noong tanongin nya ako.

" Tapos idadahilan mo na naman, napaginipan mo ang iyong ama? "

Tanong ng aking ina habang niluluto nya ang palitaw.

" Sa katunayan Opo ina, napanaginipan ko na naman si ama, pero ngayon nakausap ko sya. " Sagot ko sa aking ina habang nagkukudkod ng niyog.

Biglang napatigil sya sa kanyang ginagawa at sinabi.

" Hmm, naku Lito, ano naman ang kanyang sinabi? "

" Kailangan ko daw ipagpatuloy ang ating tradisyon bilang isang Albularyo at nasaiyo daw ang bakanting bertud. "

Sagot ko sa kanya.

Biglang napatigil sya at biglang uminit na naman ang kanyang ulo.

" Gusto mo! sige! tapos bigla ka nalang din mawawala! gaya ng iyong ama! ni hindi nga natin alam kung buhay pa sya!"

Huminto sya sandli at huminga ng malalim. Tapos nagsalita ulit sya ng mahinahon.

" Lito anak, kayo na ngalang ang natitira sa kin tapos mag-gaganyan ka pa. Kung kinakailangan kung putulin ang ating tradisyon, gagawin ko. kaawaan sana ako ng diyos sa gagawin ko. Di bale na ako ang maghirap huwag lang kayo mga anak ko. Lito! ipangako mo na hindi mo tatahakin ang landas na yan. "

" AHH!! CELIA!! HINDI!! "

Bigla kaming nagulat sa sigaw na iyon.

Agad agad kaming dumungaw sa bintana, tiyempo naman na nandoon si Tsismosong Dolpo. Agad syang tinanong ng aking ina.

" Dolpo! anong nangyari bakit sumigaw si Aling Mila? "

" Naku! Linda, nakakakilabot na! halos araw araw nalang may namamatay, si Celia asawa ni Berting dinali ng Aswang.

Nag-anyong pusa daw at pumasok sa kwarto ni Celia, hindi manlang namalayan ni Aling Mila. Walang hiyang mga demonyo na iyan ang lalakas ng loob nila sumalakay ngayun, dahil ba sa wala na silang kinakatakutan? " Sagot ni Dolpo sa aking Ina.

" Eh, si Berting? asaan sya? bakit di nya binantayan ang asawa nya? "

Tanong ng nanay ko.

" Nasa laot pa si Berting, pero parating na iyon. Kawawang Berting, tsk, tsk, kung nandito lang si Armando. Teka nga Linda, diba si Armando naging Albularyo sya sa edad na 16? Si Lito 19 na naipinamana ba sa kanya ni Armando ang kanyang Bertud? "

Tanong ni Dolpo.

" Hay naku Dolpo! huwag mong maidadamay si Lito dito sa usapan, hindi nya maaring tahakin ang ganyang ka peligrosong trabaho. Sige na Dolpo at may niluluto pa ako. "

" Pero Ina... "

Sabi ko.

" Hindi! pagsinabi kong hindi! hindi! "

Ewan ko ba kung bakit ako napasabat, ni hindi pa nga ako nakakatapos sa aking sasabihin binara nya kaagad.

" O sya sige Linda, aalis na ako. Pero ito lang ang masasabi ko, hindi mo maaaring mapigilan kung ano ang itinakda ng diyos. "

Tapos lumakad na ang tsimosong si Dolpo.