Chereads / Ang Mahiwagang Paglalakbay ni Itong / Chapter 4 - Ang Mahiwagang Paglalakbay ni Itong Chapter 4

Chapter 4 - Ang Mahiwagang Paglalakbay ni Itong Chapter 4

Pagkatapos ay agad silang lumabas ng kakahuyan at diritsong nagtungo sa bahay ni Aling Sila para humingi ng payo.

" Ayaw ko pong maging Albularyo Aling Sila ano po ang gagawin ko? " Nanginginig na tanong ni Bern kay Aling Sila.

" Naku! Bern, wala akong magagawa yan ay pagsubok sa inyo ng langit. Masuwerti nga kayo at mabait ang naghandog sa inyo ng librito. Yaman din lamang na matatahak nyo ang landas ng Albularyo ay pahahapyawan ko na kayo. Hindi lahat ng nagiging albularyo ay masuwerti kagaya nyo, karamihan ay may kundisyon, ito ay ang buhay ng pinakamamahal mo. Ngayon ay meron na kayong Pagsubok ng Langit natatandaan nyo pa naman siguro yung mga sinabi ko ukol dito, at may nakaligtaan lang akong idagdag. Dapat ay gagawin nyo ang seremonyas kapag bilog and buwan at kailangan din nyong tapusin ang pagdarasal, huwag na huwag kayong tatakas oras na nagumpisa na ang seremonyas. Sapagkat kayo ay mababaliw kapag ito'y inyong ginawa, ika ko nga napakaswerte nyo at napakabait ang naghandog sa inyo kung hindi ay buhay ng pinakamamahal nyo ang kabayaran oras na kayo ay nabigo. "

Sa labas ng bahay ni Aling Sila ay nagusap-usap sila kung kailan nila gaganapin ang seremonyas at napagpasyahan nila na bukas makalawa na nila gaganapin sapagkat buo na ang buwan.

Alas 5:00 ng hapon ay bumalik si Itong sa bahay nila at tyempo naman na bumuhus ang malakas na ulan, kaya umupo muna sya saglit subalit sa sarap ng simoy ng hangin, sya ay nakatulog at alas 8:00 na ng gabi ng ito ay magising, agad syang tumayo at kinandado lahat ng bintana at pinto.

Sobrang dilim na noon, kaya ang hawak hawak nya ang gasera at sukbit naman nya ang isang itak ng kanyang ama. Wala ng gustong bumyahe pa Baryo Masigla dahil sobrang putik ng daan kayat naglakad na lamang sya.

Isang lugar lang ang kinakatakutan nya, yun ay ang dadaanan nya ang sementeryo. Kahit saang lugar siya pumunta ay dito lamang ang pinaka mabilis na daan, tuwang tuwang naman sya sapagkat walang masamang nangyari habang dumadaan sya sa may sementeryo.

Habang tinatahak ni Itong ang daan pa Baryo Masigla, ay napansin nito ang grupo ng mga baka na nakaharang sa daan. May isang baka ang tumayo at biglaang sinuwag sya ng sungay nito, buti nalang at naka-ilag sya, iniisip lang nya na baka nasilaw lang sa gasera nya kayat ipinuwesto nya ito sa likod pero sinusuwag parin siya nito.

kung saan sya pupunta ay hinaharang sya ng baka na iyon, mas lalo pang uminit ang kanyang ulo ng akala nya ay nakalagpas na sya sa baka. Subalit mabuti nalamang at agad syang kumaripas ng takbo ng napansin nyang ito ay tumalon at balak syang sipain.

Malayo na sya sa baka, siguro ay nasa 200 meters na ang kanyang distansya at laking gulat na lamang nya at ng mapansin nyang hinabol sya nitong baka. Kayat hinugot na nya ang itak sapagkat sa isip nya ay hindi na natural ang bakang ito. Maslalo pa na ng maaninagan nya na tumatakbo ang baka ngunit una ang puwetan kaya't sumigaw sya ng " Sige! lapit ka ditong Demonyo ka! at ng makita mo hinahanap mo! "

Sinadya ni Itong na mapahiga sa putikan pagkasipa ng baka, " Patay ka ngayon! " sigaw ni Itong, sapagkat itatarak na nya ang itak sa tiyan ng baka dahil nasa ilalim na siya nito ngunit bigla itong tumalon ng napakataas at di na bumalik.

" Bumalik ka dito WakWak! magtuos tayo! " galit na sigaw ni Itong.

Ngunit humuni ang WakWak ng malapit sa kanya kaya alam nya na wala na ito. Ngunit hindi sya nagpakampante sapagkat minsan hindi umaalis kaagad ang WakWak pagnaibigan nila ang biktima. At di nagtagal ay may mga tanod na dumarating sapagkat nadinig din nila ang huni ng animal, ilang araw na din nila itong hinahanting, hindi lang matiyempuhan.

Subalit ang nadatnan nalang nila ay si Itong na puno ng putik ang likod, at ikinuwento nya ang nangyari. Kaya hinatid sya ng mga tanod sa Baryo Masigla.

Pagdating nya ng bahay ng kanyang Tito Lando ay di na kumibo pa si Lando para hindi na magalala pa ang kanyang kapatid.

Isang oras ang lumipas nakahiga na si Lando at Itong sa iisang kwarto, mapansin ni Itong na tumayo ang Tito lando nya at kinuha ang buntot pagi.

" Tito!..." Usal ni Itong subalit ngunit sinabihan sya ng Tito nya na mahiga na lamang.

Umupo si Lando sa harap ng pinto ng kwarto ng kanyang kapatid at pamangkin. " Ahem! Ahem! Subukan mo lang at malilintikan ka sa akin, diyablo ka. " usal nito ng mahinang boses.

Magdamag hindi nakatulog si Lando, sa pagbabantay ng kanyang kapatid at mga pamangking. Nasa syudad kasi ang kanyang magiina at hindi sya pumayag na doon manirahan. Ikinuwento nk Tito Lando kung bakit ayaw silang lubayan ng WakWak, sapagkat malakas ang enerhiya nilang magkapatid. Ito ang dahilan kung bakit gustong gusto ng diablo ang kaluluwa ng tao, dahil sa enerhiya nito, kapagmalakas ang kanilang kapangyarihan ay maliit ang tyansa sa panganib. Kaya nilang magpapalit palit ng anyo at higit sa lahat ay kaya nilang makontra ang kapangyarihan ng langit kapag ang mas malakas ang kanilang enerhiya kumpara sa kanilang kalaban.

Sumapit na ang gabi ng kanilang seremonyas, hindi nagsabi si Itong sa kanyang Tito at Ina ng totoo para hindi ito mag-alala, paalam lang nya ay may gagawin silang magkakaibigan. 11:45 na ng hating gabi, si Bern nalang ang inaantay para pumasok na sila sa simbahan. Ang simbahan ay hindi kalayuan sa mga bahay, ngunit sa ganitong oras ay bilang lamang ang gising kung meron man, walang maglalakas ng loob na lumabas pa.

Naaninag na nila si Bern na naglalakad animo'y walang buto ang mga paa sa sobrang takot kaya kinarga na lamang siya ni Hector, habang putlang putla ang kanyang mga mukha, hindi namin alam kung tatawanan namin o maaawa kay Bern. Nagtinginan nalang kami na may mga ngiti, muntik ng matumba si Hector ng mawalan saglit ng ulirat si Bern. Kitang kita namin ang isang napakalaking higanti na nagbabantay sa simbahan, nakatayo ito sa harap ng simbahan na sin taas lang ng kanyang sakong. Nakitatingin ito sa amin na nandidilat ang dalawang malalaki at pulang pulang mata, habang ito ay nakapamewang.

" Tabi tabi po, magdadasal lang po. "

Usal ko.

Ang higanti ay tumayo ng matuwid at ibinuka ang kanyang mga paa para hindi maharahan ang pinto, gulat na gulat kami sapagkat sobrang laki nito eh, ni wala manlang tunog o bakas ang yabag ng paa. Nagising na noon si Bern habang nangangatog na, umupo kami sa kanya kanyang pwesto. Ako ang pinaupo ni Hector sa harap, nakakaramdam na ito ng takot, umupo naman ako habang sila ay nasa likuran nya.

Lumuhod na silang lahat at sabay sabay na ibinuklat at binasa ang librito. Unang sambit ng salitang latin, isang napakalaking ulo ng ahas mas malaki pa sa isang bus ang lumabas at tiningnan silang lahat at ito ay umalis na, subalit nandoon parin ang katawan nito dahil sa sobrang haba ng ahas. Ng biglang may batang umiiyak ang nagpakita "Tulungan nyo ako, tulungan nyo ako nasa ilalim ng tulay ang katawan ko" sabi bata habang umaalingaw ngaw ang tunog. May white lady ang lumabas at tumabi sa kanila na wari'y nakikinig, tapos isang lalaking kulang ang parte ng kanyang mukha, ang tumagos mula sa librito. Muntik na syang mapasigaw ngunit nilakasan na lamang i nya ang loob, napansin nya na apat nalang sila wala na si Bern tumakbo na.

Tunay palang nakaraming katawan sa sementeryo, pero mas maraming kaluluwa sa simbahan ang nagdarasal at humihingi ng kapatawaran. Sobrang ingay sa loob ng simbahan na para bang nasa loob ka ng palengke, may mga batang gumagapang, may mga nuno na naglalaro, may pugot ang ulo na haharap sayo at ididiin ang kanyang ulo sa iyong taenga at uusal ng " Itigil mo na yan " ng patuloy tuloy. Subalit hindi sya nagpatalo sa kanyang kaba ito lang ang paraan para maprotektahan nya ang kanyang Ina, kapatid, kaibigan at pamilya mula sa madilim na henerasyon.