Dahil linggo ngayon kasama ni Mama si Ara sa pagtitinda. Samantalang ako ay hayahay na kasama ang aking mga tropa. Sa baryo Masagana, kaming grupo ang sikat na Tirador, Oops! hindi magnanakaw kundi literal na tirador ng ibon. Sa aming grupo mayroong limang miyembro, Si Victor, si Bern, si Hector, ako, at si Doming. Masaya kaming nagkukwentuhan habang inaantay si Doming, balak namin pumasyal na naman sa kakahuyan para manghuli ng ibon para may maiulam.
" Mga tropa, alam mo bang nabaliw si Mang Berting ng makita ang nangyari sa kanyang asawa at magiging anak? "
Kwento ni Bern sa amin.
" Talaga ba Bern? "
Tanong ni Victor naman kay Bern.
" Oo! tumatawa sya ng tumatawa tapos kinuha nya ang itak at nagpakamatay. "
Kabuoan ng kwento ni Bern.
" Lang hiya ka Bern! dapat sinabi mo nalang ng diretso! hindi iyong daming paligoy-ligoy pa. "
Binatukan tuloy no Hector si Bern.
" Aray! Hector naman eh, "
Reklamo ni Bern.
" Mga pare! mga pare! "
pahangos na sigaw ni Doming sa amin.
" Doming bat ang tagal tagal mo? kanina kapa namin inaantay ah! "
Pagalit na tanong ni Hector.
Si Hector sya yung pinakamatapang sa aming grupo, kaya sya ang pinaka pinuno namin.
Kabaliktaran naman kay Bern sya yung pinaka matatakutin sa grupo.
" Pasensya na kayo mga pare koy, halikayo puntahan natin ang bahay ni aling Sila ."
Sambit ni Doming habang naghahabol ng hininga dahil sa sobrang pagod kakatakbo.
" Bahay ni Aling Sila? yung Albularya? "
tanong ko.
" Oo! tama ka Itong! may na engkanto daw at dadalhin sa bahay nya halikayo tingnan natin! "
Panghihikayat ni Doming sa amin.
" Ma.mga ba.brad! u.u.uwi mu.muna ako sa.samin, yung tiyan ko su.suma sa.sakit. " Laging dahilan ni Bern pag natatakot sya.
" Duwag ka talaga! lalaki kaba Bern? tara na. " Hinawakan ni Hector ang kamay ni Bern at napilitan nalang ito sumama.
Kitang kita namin ang isang babae edad 30 lumaki ng sobra and bibig nya, animoy isang Taong Pato.
Nangangayayat na dahil hindi makakain.
" Naku! naku, may naduraan ka na hindi dapat, kaya ayan pinalaki yang nguso mo. " Iyan ang sabi ni Aling Sila sa babae.
" Di bale, ipahid mo itong Lana sa iyong bibig at tiyak , gagaling ka sa loob ng isang linggo pero kung gusto mong mapadali mag-alay ka ng isang puting manok at heto kamangyan ilagay mo ito sa bao ng nyog, iyong bandang pwetan, ha? wag iyong bandang mukha. Tapos sindihan mo itong kamangyan pausukan mo ang sarili mo at humingi ka ng tawad, sabay gilit ng leeg ng manok at ikalat mo ang dugo ng manok ng puti hindi manok na pula. Tiyak dalawang araw lang wala na yan. "
Tumango lang yung babae sapagkat hindi din sya makapag salita.
Pagkaalis ng babae ay napansin kami ni Aling Sila.
" Aba Itong! binatang binata kana ah! kamukhang kamukha mo talaga ang iyong ama. "
Hayss napabuntong hininga si Aling Sila,
"naipamana ba nya sayo ang kanyang mga Orasyon?"
Tanong ni Aling Sila sa akin.
" Eh, hindi po eh, tsaka ayaw ho ng nanay ko na tahakin ko ang ganyang
landas. "
Sagot ko sa kanya.
Biglang sumingit si Hector.
" Aling Sila gusto ko po maging tunay na albularyo papaano po ang gagawin ko?"
Hinawakan ni aling Sila ang alimpuyo ni Hector.
" Maraming paraan para maging isang Albularyo, ipinamana sayo o binigyan kayo ng langit ng pagsubog para maging Albularyo, Ikaw Hector hindi ka maaring maging Albularyo sa pamamagitan ng pamana. Umaapoy ang iyong alimpuyo, sa taong sobrang mapusok, ang kaalaman ay mapanganib. "
" Pagsubok ng langit? eh ano po yun "
Tanong ni Hector para bang desidido sya sa kanyang gusto.
" Hayss, O sige tapos nito umalis na kayo madami pa akong gagawin.
Ang pagsubok ng langit ay sa pamamagitan ng librito na lilitaw sa tubig, iluluwa ng lupa, ihuhulog ng mula sa puno. Kapagnabiyayaan kayo ng langit na kanyang pagsubok, pagpatak ng alas 12 ng hating gabi pumasok kayo sa simbahan. At doon ay sambitin o usalin nyo ang lahat ng naisusulat sa librito ito ay salitang latin. Huwag kayong magpapaapekto, marami ang mang iisturbo sa inyo, basta't usalin nyo lang ng usalin ang nasusulat at huwag kayong papaapekto. Pagkatapos na ay lunukin nyo ang librito upang maitatak sa inyong isipan at inyong maintindihan. Lumuhod kayo sa altar may lalabas doon, isang Paring hawak-hawak ang kanyang pugot na ulo sa kaliwa at baston naman sa kanan. Huwag nyo syang katakutan, bibigyan nya ng basbas kung sino man ang makatapos.
May mag sasabi sa inyo kung ano ang susunod nyong gagawin. Ang pagiging Albularyo ay hindi para sa mga taong maluluho at sakim, ang pagiging Albularyo ay gaya ng isang ibon na ang dyos ang nagpapakain. Ibig kong sabihin ay makuntento kayo kung ano man ang meron ka at ibibigay sayo, huwag kayong manghihingi ng bayad o magbibigay ng presyo. "
Yan ang mga bilin ni Aling sila sa amin bago kami umalis.
Habang nagtitinda ng mga kakanin ang aking Ina sa tabi ng simbahan ay kasama niya si Ara ang bunso kong kapatid na babae. Sa bawat pagtitinda nya ay may dala siyang isang maliit na bote na puno ng Lana, itong Lana ang ginagamit ng aming ama sa kanyang panggagamot. Napakabisa nito at malalaman ng mo kung isang aswang makakasalamuha mo, sapagkat, ang Lanang iyon ay kukulo kung mapalapit ka sa iyang aswang na nabihiran na ng dugo ng tao ang mga labi. Napansin ng aking ina ang isang babae na nakatitig kay Ara, hindi niya lang ito pinansin ngunit naalala nya ang ang bote at ng makita nya ay ito'y kumukulo na para bang may apoy sa ilalim nito.
Agad niyakap ni Mama si Ara, at ang babae ay napa ngiti na animoy nakakita ng masarap na putahi saka umalis.
Hapon na noon bandang 4:30, nagdalawang isip ang grupo kung pupunta paba kami sa kakahuyan, ngunit mapilit talaga si Hector kaya sumama nalang kami. Habang ikot kami ng ikot sa kakahuyan ay iisa lang ang aming kinahihinatnan, napaglaruan kami ng enkantong Tikbalang. Ang isang Tikbalang ay isang uri ng Engkanto o isang kabayo na nakatayo, kagaya ng tao ito ay may kamay subalit ang ulo at mukha ay gaya ng isang kabayo, sikat sa mga kwento ang Tikbalang sapagkat pagnakuha mo daw ang kanyang buhok na ginto ay magiging alipin mo ito. Hindi po yan totoo, bagkus ay magiging kaibagan mo siya, gagawa kung may nais kang ipagawa pero hindi lahat ay gagawin nya. Kabaliktaran sa mga kuwento na magiging alipin mo ito. May mga paraan para makaalis ka kanyang mahika una baliktarin mo lang ang iyong damit. Ang Tikbalang ay likas na masiyahin at mapaglaro, kayat paghindi umubra ang unang paraan ibig sabihin ay galit sayo ang Tikbalang o may nagawa kang mali na hindi nya naibigan, kaya mahirap itong tumawa. Itong huling paraan ay itinuro sa akin ng aking ama, bagaman nakakahiya eh, kailangan mo itong gawin para makaalis ka sa kanyang mahika at itoy tumawa, kailangan mong maghubad, walang matitirang saplot sa katawan at sumayaw ka ng nakakatawa, gaya ng tumatalon talon yong junior mo at dalawang bugok na alalay. Ito ang pinaka mabisang pangontra sa mahika ng Tikbalang para ito ay tumawa, sapagkat gingawa din ng Tikbalang ang ganyang patalon talon si junior kaya mas matatawa sya.
At buti nalang ay gumana ang unang paraan, at nakawala kami sa mahika ng Tikbalang at agad kumaripas ng takbo papalabas ng kakahuyan.
Madaling araw na at hindi ako makatulog at mapakali, na para bang may pumipigil sakin matulog at may humihila sa akin sa kwarto nina Mama at Ara. Tiyempo naman namatay ang ilaw noon, kayat kumatok ako sa silid ni nina Mama.
" Ma, di ako makatulog eh pwedi dito muna ako matulog sa kwarto nyo? " paalam ko sa kanya.
" Hmm, naku! bata ka, ang tanda tanda mo na't takot ka pa din sa madilim, o sya sige, halikana't madaling araw palang baka tanghaliin ka na naman ng gising."
sambit ng aking ina.
Habang ako'y nakahiga nakapatong ang aking kanang kamay sa aking noo habang tinititigan ko ang gasera. Bigla kong napansin ang isang malaking pusa na pumasok at pinapatay ang apoy ng aming gasera, bigla akong napabulyaw ng ganito.
" P*TANG INA KA! HINDI KA PUSA! "
Mabuti na lamang at alam ng aming ina kung sino ang pakay ng nag-anyong pusa. Agad tinakluban ni Mama si Ara ng kanyang katawan at kasabay ng namatay ang apoy ng gasera ay napasigaw si Mama.
"ARAY!"
Dali dali kong sinindihan ang gasera at wala na yung pusa subalit nagtamo ng malaking sugat si Mama sa kanyang likod, ngunit lubos ang aking pasasalamat sapagkat, hindi tumama kay Ara ang kalmot, base sa posisyon at sugat ni Mama naka sentro sa leeg ni Ara ang kalmot na agaran nya sanang ikakamatay.