Chereads / Ang Mahiwagang Paglalakbay ni Itong / Chapter 3 - Ang Mahiwagang Paglalakbay ni Itong Chapter 3

Chapter 3 - Ang Mahiwagang Paglalakbay ni Itong Chapter 3

Agad na pinahiran ni Itong ang sugat na natamo ng kanyang Ina mula sa kalmot ng aswang na nag-anyong pusa, Pinahiran niya ito ng natitirang Lana na gawa ng kanyang Ama para sa kanyang panggamot. Laking pasasalamat nya at tumigil ang pagdurugo ng sugat buhat ng maipahid nya ito.

" Ina, sumasalakay na sila ng walang pakundangan halos gabi gabi nalang meron silang nabibiktima, kailangan na may pumuksa sa kanila para matigil na ito. Alam ko na mapanganib ang gagawin kong ito, pero hindi ko hahayaan na may mangyari sa inyo ni Ara na wala manlang ako magagawa. "

Kinukumbinsi ni Itong ang kanyang Ina para payagan na ito na maging isang Albularyo at ibigay na ang bakanting bertud.

Hindi umimik si Linda na para bang nag-iisip, at makaraan ang ilang minuto ay sumagot ito. " Pag-iisipan ko mo na ito anak " .

Hindi na nakipagdebati pa si Itong kay Linda at tumango na lamang sya.

Kinaumagahan ay nag-empake ng mga damit si Linda, doon na muna sila titira pansamantala sa kanyang Kuya Lando sa kabilang baryo, si Lando ay isa ding albularyo.

Bagamat isang Albularyo si Lando ang kanyang orasyon ay napakahina kumpara kay Armando, si Lando din ang naging tulay ni Armando para maging silang dalawa ni Linda dahil ayaw na ayaw noon ni Linda na makapangasawa ng isang Albularyo. Subalit sa sobrang tiyaga at kulit ni Armando ay napasagot din nya si Linda.

Galit na galit noon si Lando ng malaman ang gustong gawin ng aswang sa kanyang pamangkin, subalit wala sya gaanong lakas para sagupain ang mga halimaw. Gayon paman ay nakapang gagamot parin sya gaya ng na-engkanto, na nuno at iba pa. Ngayon ay binabantayan nya at ginagamot ang sugat ng kanyang kapatid.

Ang Lolo ni Itong sa Ina ay may sakahan doon sa bundok, kaya para makatulong ay nagpresinta sya na magkokopra para magkapera. Pumayag naman ang kanyang Tito at Ina sa kundisyong hindi sya magpagabi masyado sa bundok dahil delikado at marami ng mga kuwento ukol sa kababalaghan na nangyayari kagaya ng WakWak na dumadagit ng tao.

Ang WakWak ay isang uri ng Aswang at ito ay kapamilya ng Manananggal, ngunit hindi kagaya ng Manananggal na kailangan pang hatiin ang kanilang katawan para makalipad. Sila ay lumilipad na buo ang katawan, dinig na dinig mo ang bawat hampas ng kanilang pakpak sapagkat bawat pagaspas ay animoy isang malakas na bayo ng hangin. Sila din ang tinaguriang Royal blood ng mga Aswang, dahil kaya nilang gayahin ang anyo ng isang hayop, wala silang pili sa pagkain pero ang pinaka paborito nila ay dugo ng tao at atay ng sanggol, dahil nahihigop nila ang enerhiya na syang nagpapalakas sa kanila.

" Kunti lang po yung kokoprahin kong nyong, para mabilis akong matapos at makabalik kaagad. "

Sagot ni Itong sa kanila para di na sila mag-alala masyado.

Dali dali syang tumungo sa bundok para magkopra, subalit inabot na sya ng hapon at pinapausokan palang niya yung mga bao ng nyog.

" Mukhang gagabihin ata ako nito ah "

Usal ni Itong sa kanyang sarili.

Lumipas ang oras at hindi niya namalayan na medyo malalim na ang gabi, Nagulat na lamang ito at nakarinig sya ng magkasunod na hindi pangkaraniwang huni ng isang hayop.

BRUHEHEHE! UUUUUUKO!

BRUHIHIHI! UUUUUUKO!

Ng marinig nya ang huni na iyon ay nangilabot ang kanyang katawan, pinakiramdaman nya muna, at hayan na naman ang huni ng Uko!

" P*TANG INA, UKO NGA! AT PALAPIT NG PALAPIT ANG TUNOG SAKIN. " Napapamura nalang sya sa sobrang kaba, kaya agad nyang pinutol ang malalapad na dahon ng gabi sa tabi nya at tinakpan ang mga nyog saka binungkal ang apoy para hindi masunog ang ilalim, sabay karipas ng takbo pababa ng bundok.

Ang UKO, o mas kilala sa pangalang Sagittarius. Pangalang Uko ito ay hango sa kanilang huni, Ang matulis na huni ay babae. Sila ay malapit na kapamilya ng Tikbalang. Subalit sila ay may apat na paa, kalahating tao mula ulo kamay hanggang baywang at ang natitirang parte ay kabayo, gumagamit sila ng pana o palaso bilang kanilang sandata. Ang Uko ay meron din gintong buhok na gaya ng tikbalang at pagnakuha mo ito ay sila magiging alipin at didinggin ang lahat ng ibig mo.

Ng siya ay pabulusok na tumatakbo paibaba ay may nadinig na naman siyang huni. " Wakwak" yun ang huni na nadinig nya kaya agad syang humiga at winasiwas paitaas ang kanyang itak para hindi sya madagit.

Habang nakatingin sya sa taas ay kitang kita nya ang isang WakWak malapit na sa kanya. Ang huni ng WakWak ay baliktad ang kanilang tunog, kapag ang huni nya ay malapit ibig sabihin ay malayo sya, ngunit kung malayo ang tunog, ay maghanda ka 80% malapit sya sayo. Sa tuwing Lumilipad ang WakWak paitaas ay tumatayo si Itong at tumatakbo, ngunit kapag mabilis naman itong bumababa ay agad syang humihiga at winawasiwas ang kanyang itak.

Sa palabas ng bundok ay may putol na puno, at ng malapit na sya dito ay may bumulaga sa kanya. "BULAGA" malakas na sigaw ng tao para siya gulatin.

Agad nyang iwinasiwas ang itak sa harapan at natakot ang taong nanggulat sa kanya.

" Itong itigil mo yan! ano ba ang nangyayari sayo? ako ito ang Tito Lando mo! " Sigaw ng Tito Lando niya na habang umaatras para hindi ito matamaan ng itak ni Itong.

Ang tito Lando pala nya sinundo sya dahil nag-aalala na sa kanya ang kanyang Ina baka kung ano na ang nangyayari sa kanya, sobrang lalim na kasi ng gabi at wala pa sya.

" Hindi ikaw ang Tito Lando ko! nagkukunwari kalang! " sigaw ni Itong habang paabante nyang winawasiwas ang kanyang itak.

" Diyos ko Jesus! ang batang ito! ako ito ang Tito Lando mo! itigil mo na yan!. "

Pangkukumbinsi ni Lando na siya talaga ang Tito Lando nya.

At doon lang tumigil si Itong ng marinig nya ang unang sinambit ng Tito Lando nya. Ang Aswang o Maligno ay hindi kayang sambitin na diyos nila si Jesus na anak ng dakilang Ama o minsan ang salitang Jesus mismo. Agad nyang ipinasok sa lalagyan ang kanyang itak, at ikinuwento naman niya ang mga nangyari. At napagpasyahan nalang nila na huwag ng ipaalam kay Linda para di na mag-alala pa. Alas 10 na ng umaga habang si Linda ay nagluluto sa kusina at si Lando ay nasa Meeting, meron ding asosasyon ang mga Albularyo at doon ay nagkikita kita sila at ang mga bagong miyembro para kung sakali may kailangan ang isa ay madali silang makakaresponde.

Paboritong gawin ni Itong ay ang magkape kahit tirik and araw at

uupo sya sa tabi ng pinto, ng may isang matanda ang lumapit sa kanya na isang mabahong matanda at nanghihingi ng tubig sapagkat ito'y nauuhaw. Wala ng tanong tanong pa at pinagbigyan nya ang hiling ng matanda, pagkainom ng matanda ay inusal nya ang salitang ito.

" Pagpalain ka sana anak, may darating na pagsubok sana ay maraos mo ito, tibayan mo lang ang iyong loob. "

Sabay alis ang matanda at patuloy na naglakad.

Hindi naman pinansin ni Itong ang sinabi nong matanda, kinatanghalian ay nagpaalam sya sa kanyang Ina na uuwi sa bahay nila para tingnan at linisin.

Hapon na noon bandang alas 3:00 ang limang magkakaibigan na sina Hector, Victor, Doming, Itong at Bern ay nasa loob ng kakahuyan at nanghuhuli ng ibon. Subalit sobrang tahimik na para bang nakakabinging katahimikan at ni isang insekto ay walang naglalakas ng loob na mag-ingay. Dinig na dinig nila ang tibok ng kanilang mga puso.

" Hindi na naman ba tayo na engkanto? wala manlang ibon na nais magpakita "

Usal ni Hector habang kami ay patuloy na naghahanap.

Hindi naman napansin na sa paghahanap namin ay halos umabot na kami sa gitna ng kakahuyan, ng biglang napansin namin ang isang batang lalaki, basi sa laki nito ito ang bata ay mga edad na anim na taong gulang. Ito ay na nakaupo sa putol na puno at sa kalapitan ay may naipon na tubig na parang isang paliguan ng kalabaw. Inisip namin na naliligaw siguro ang batang iyon kaya dali dali namin tinungo ang batang iyon at ng aming tinanong kung nasaan ang mga magulang nya o saan sya nakatira, ang bata ay hindi umimik bagkos ay iniunat nito ang kanang kamay sabay turo sa paliguan ng kalabaw. Pagkatingin namin ay biglang nagsilitawan ang maliliit na libro na sin laki ng kaha ng pusporo, limang maliliit na libro ibig sabihin ay tig-iisa kami. At pagbalik namin ng tingin sa aming batang katabi ito ay wala na, naglaho bigla na parang isang bula. Agad tinakbo ni Hector at kinuha ang mga librito.