Chereads / Talk Back and You're Dead! / Chapter 84 - Chapter Eighty-Four

Chapter 84 - Chapter Eighty-Four

Ang sarap ng tulog ko ah. Teka, umaga parin? Parang ang tagal ko natulog pero sunrise parin? Ilang minuto lang ba ako natulog? Five? Ang dilim parin ng paligid. At sobrang lumamig yata? Uulan ba? Kinuha ko yung digicam. Kinuhanan ko ulit yung araw. Yung clouds parang kulay orange na mapula. Pati yung dagat! Ang ganda ng repleksyon ng araw sa dagat. Tumunog na ang tyan ko. Hala. Nagugutom na ako. Makauwi na nga.

Naglakad na ako pabalik ng beach house. Kaso napatigil ako sa paglalakad dahil sa view na tumambad sa akin. Bakit may mga kotse sa tapat ng bahay? ANG DAMING SASAKYAN!!! Wala naman ang mga yan kanina ah. Sino kaya ang bibisita nang ganito kaaga? O baka naman hindi bisita? MGA TAUHAN NI KUYA LEE?!?

Pagkapasok ko sa loob ng bahay sumalubong sa akin ang napakaraming lalaki. Ang Lucky 13? Ano'ng ginagawa nila rito?!

"Pano kayo nakarating dito?!" turo ko sa mga gulat na mukha nila.

Napatingin sila sa akin at napatulala. Napatayo sila mula sa pagkakaupo sa sofa. Mukhang nakakatawa ang mga mukha nila. Nanlalaki ang mga mata at nakatingin lang sa akin. Hindi gumagalaw.

"Ang sabi ko pano kayo nakarating dito?" ulit ko.

"SAMANTHA!!!" sigaw nila.

"BAKIT?!" sigaw ko pabalik.

"Saan ka galing?!" malakas na tanong ni Red.

"Sa beach. Ang ganda ganda dun alam nyo ba?"

"Sa beach?! SA BEACH?!" sumigaw ulit si Red.

"Oo! Bakit ka ba nakasigaw?!" tanong ko.

"Ano'ng ginawa mo sa beach at nagtagal ka ng isang buong araw doon?! Hindi ka pa nagsabi?!" tanong ni Red na parang galit.

"Problema mo? At anong isang buong araw?! Mga thirty minutes nga lang ako sa labas eh! Look! seven am palang oh!" turo ko sa wall clock.

"Sam," tawag ni Six sa akin.

"Bakit?"

"Tumingin ka sa labas," utos nya.

Tinignan ko. Bakit ang dilim yata sa labas? Uulan siguro.

"It's seven pm Sam. You were gone for almost twelve hours," paliwanag nya.

I was shocked! Ganon ba talaga ako katagal nawala?! Imposible! Pano nangyari yon?!

"Si Timothy?"

Nagkatinginan silang lahat.

"Si TOP nasan sya?" ulit ko. Baka kasi hindi nila kilala kung sino yung Timothy.

"Nasa labas, hinahanap ka nya kanina pa."

"Huh?" Tatakbo na sana ako palabas nang pigilan ako ni Red.

"Hwag ka nang lumabas, tinext ko na sya na nandito ka. Hintayin nalang natin sya na makabalik," sabi nya. "Ano ba ang nangyari?"

"W-Wala naman." Umiwas ako ng tingin. "Sige ha, akyat lang ako sa kwarto," paalam ko sa kanilang lahat.

Dali-dali akong umakyat ng hagdan at pumasok sa kwarto. Kinakabahan ako. Ang tagal ko palang nawala. Lagot ako kay Timothy, sigurado galit na naman sa'kin yun. Nakatulog kasi ako. Hindi pa nga kami nagkakaayos nadagdagan na naman atraso ko sa kanya. Saan kaya sya nakarating? Saan ba nya ako hinanap?

Kumuha nalang muna ako ng damit ko at pumasok sa banyo para magpalit. Napatingin ako sa salamin habang nagpapalit ng damit, medyo mapula ang mata ko.

Naghilamos na rin ako at nagsuklay. Itinali ko ang buhok ko. Nagsepilyo na rin ako. Patapos na ako nang narinig ko na bumukas at sumara ang pinto ng kwarto. May pumasok. Lumabas ako pagkatapos sa loob.

Nakita ko si Timothy na nakaupo sa gilid ng kama. Nakapatong ang dalawang siko nya sa hita nya at naka-takip ang dalawang kamay nya sa mukha nya. Parang ang lalim ng iniisip nya.

Kinurot ang puso ko nang makita sya. Hindi pa kami nagkakaayos na dalawa. Ayoko talaga kapag nag-aaway kami nang ganito. Kung lalapit ako sa kanya.. lalayuan kaya nya ulit ako katulad nang nangyari kagabi? Ayoko naman na lumabas sya ng kwarto. Mag-sosorry nalang ako sa kanya.

Atras abante ako sa paglapit sa kanya.

"T-Timothy.."

Bigla syang tumingin sa akin. Nag-iba ang expression ng mukha nya. Mabilis syang tumayo at naglakad palapit sa akin. Bigla nya akong hinatak at ikinulong sa mahigpit nyang yakap. Naramdaman ko na hinalikan nya ang pisngi ko. Huminga sya nang malalim. Parang kinakalma nya ang sarili nya. Galit ba sya?

"I'm sorry," bulong nya sa tenga ko na ikinagulat ko. "I'm sorry. I'm sorry. I'm sorry." Mas hinigpitan nya ang yakap nya sa'kin. "I'm so sorry. I'm sorry. Please Wifey.. I'm so f*cking sorry."

Niyakap ko sya at naiyak. "I'm sorry din."

Hinalikan nya ako sa pisngi, sa noo, sa ilong at sa labi. "I'm sorry Miracle. I'm sorry I hurt you. I'm so sorry." Ibinaon nya ang mukha nya sa gilid ng leeg ko. Hindi nya ako pinapakawalan sa yakap nya. "Don't ever leave me again like that okay?" Hinaplos nya ang buhok ko. "Please Wifey.. I'm really sorry."

Lumunok ako. "Okay. I'm sorry too Timothy. Hindi ko na uulitin. Sorry." Pinunasan ko ang luha ko at niyakap sya nang mahigpit.

"Where have you been? I really thought you were gone."

"Bakit? Saan mo ba ako hinanap?"

"Bus terminal."

"Haay Timothy."

Bigla syang bumigat.

"T-Timothy!"

Humiwalay sya ng yakap sa akin pero nakahawak sya sa isang kamay ko. "I'm exhausted."

Napansin ko ang itim sa ilalim ng mga mata nya. Mukhang hindi rin sya nakatulog nung gabi na mag-away kami. Hinila ko sya papunta sa kama.

"Matulog ka na muna Timothy."

"Stay here with me."

Tumango ako. "Of course. Dito lang ako, tatabihan kita."