Chereads / Talk Back and You're Dead! / Chapter 81 - Chapter Eighty-One

Chapter 81 - Chapter Eighty-One

"Nakakainis ka!" sabi ko sa kanya nang magpahinga kami sa isang bench malapit sa fountain na nasa loob ng mall.

"You'll get over it."

"Kasi naman eeehh!" pinadyak ko ang dalawang paa ko sa semento at nag-pout

"A deal is a deal Miracle," he said in a sing-song voice.

"Psh! Ako dapat ang panalo! Nandaya ka lang!"

"Where's your proof?"

"Che!" tinignan ko sya nang masama.

He laughed. "Hmm. What should I wish first?"

Bigla akong tumingin sa kanya "May naisip ka na?"

"Meron na."Tumingin sya sa akin. "Tawagin mo ulit ako.." ibinulong nya ang sumunod nyang sinabi.

"Ano?"

"You said my name," tinignan nya ako.

"Huh?"

"K-Kanina. When you were chasing me. You called my by my...real name."

"Ah Timothy? Oo nakakainis ka kasi eh. Nasabi ko tuloy. Ayaw mo ba?"

"Say it again."

"Okay lang sa'yo?"

"If it's you Miracle then it's more than okay," seryosong sabi nya sa'kin habang nakatingin sa mga mata ko.

Ngumiti ako. "Timothy."

Kumislap ang mga mata nya. Natutuwa ako na sa simpleng bagay na katulad nito ay napapasaya ko sya. Kung alam ko lang na ganito sya kadali pasayahin, sana tinawag ko na syang Timothy noon pa.

"Ano pa ang wish mo?"

"Malalaman mo kapag nakauwi na tayo."

"Na-ka-u-wi?"

"Yep," he smiled. Hinawakan nya ang kamay ko.

Nabura ang ngiti ko. Teka! Pag-uwi? Hindi kaya hihilingin nya na ang aking perlas ng silanganan? HINDEEE!!

"Bakit ka namumula?"

"H-huh?" Napalunok ako.

Pinitik nya ang noo ko. "Ano'ng iniisip mo?"

"W-Wala!"

"Retard! Alam ko kung may iniisip ka o wala!"

"Pano mo alam?"

"Ang mukha mo," nilapit nya ang mukha nya sa'kin. "Nagiging weird at retarded kapag may mga iniisip kang retarded na bagay."

"Lumayo ka nga!" tinulak ko sya, ang lapit kasi ng mukha nya. "Hindi ako retarded!"

"Right."

"Bakit kasi hindi nalang natin gawin ang three wishes mo ngayon na? Bakit kailangan sa bahay pa?"

"Ayokong sayangin, ang tagal ko din naghintay para gawin ang ipapagawa ko sa'yo."

ANO RAW? Matagal naghintay? Oo nga! Matagal na syang naghihintay para gawin namin ang... bagay na 'yon. Ang sabi nga nila, ang mga lalaki ay mainipin na tao at palaging iniisip ang 'ano' with their girls. Ang needs nila, urges.

"Bakit? Naiinip ka na ba?"

"Oo. Ang tagal mo kasi tumanda."

"H-Hindi ba pwedeng next time nalang?"

"Tss. Mas maganda na malaman mo 'yon. Para naman alam mo na sa susunod ang mga galaw at maging expert ka na din habang maaga pa."

"G-Galaw? E-Expert?" Nanlaki ang mga mata ko.

"Oo. Para ikaw na ang bahalang gumalaw kapag alam mo na."

NAKUPO!! SINASABI KO NA NGA BA!! O HINDEEH!! MASYADO PA AKONG BATA!!

"Hubby," gusto kong umiyak.

"Bakit?"

"Mmm.." hindi ako nakapagsalita, nagtremble ang lips ko, maiiyak yata ako.

"Bakit?" gulat syang napatingin sa akin. "Teka anong nangyayari sa'yo?" nakita nya siguro ang expression ng mukha ko.

"Hwag..."

"Ano'ng hwag?"

"Hwag po..." at lumayo ako sa kanya na parang takot na takot at tinakpan ko ang sarili ko gamit ang dalawang kamay.

"Hindi kita maintindihan," hinigit nya ang kamay ko.

"B-Bata pa ako.."

"At?"

"Ayoko. Hwag kasi. Hindi pa ako ready."

"Ready saan?"

"S-Sa ipapagawa mo."

"Hindi excuse yan Miracle, maraming mas bata sa'yo pero marunong na non!"

"Eeehh! Timothy naman eeehh! Pwede bang maghintay ka na lang? Kapag kasal na tayo?"

"Hindi Miracle, bakit ba? Ayaw mo? Bakit?"

"Eh natatakot ako."

"Saan?"

"Masakit kasi. Masasaktan ako.." Oo masakit yon balita ko!

"Don't worry Wifey, we'll do it slowly since it's your first time."

"Hubby.." tinignan ko sya.

"Don't worry Miracle, hindi kita pababayaan," ngumiti sya sa'kin.

Ang ngiti nya ay puno ng pagmamahal. AACK! O SIGE NA NGA!

"Ay ang bastos naman ng pinag-uusapan nyo!" may lola na nagsalita.

Napatingin kami ni Timothy kay lola na nakatayo sa harap namin.

"Ang bata bata nyo pa para gawin 'yon! Kaya ang daming buntis na dalagang ina eh!"

"Ano ba ang sinasabi nyo lola?" tanong ni Timothy.

"Ikaw! Bakit ka ganyan sa nobya mo? Pinipilit mo syang gawin 'yon? Kapag nabuntis iiwan?!" biglang sumugod si lola at pinalo si Timothy gamit ang pamaypay nya.

"Aray! Aray! Ano ba ang kasalanan ko sa inyo?!" todo iwas si TOP sa pamaypay ni lola.

"Kayong mga kabataan ngayon masyadong mainit!" sige parin sa paghampas si lola.

"Ano'ng mainit?! F*ck!"

"Masyadong mapusok! Makasalanan!"

"Ah! What are you saying old woman?"

"Ikaw na bata ka! Pinipilit mo pa talaga ang nobya mo ha! Heto pa!" at patuloy sa paghampas si lola.

"Lola tama na po yan!" awat ko kay Lola.

"Naku! Naku! Hindi! Kailangan matuto ang batang ito kung paano rumespeto sa mga babae!" inawat ko si lola pero inabot nya ang tungkod nya at iyon ang ginawang pamalo. Hala!

"Aray!" reklamo ni TOP nang tamaan sa ulo.

"Hubby!"

"Ang sama mong bata! Napaka-pilyo! Dapat sa'yo kinukurot ng pino sa singit!" dagdag pa ni lola.

"What the hell?" namutla si TOP at pinigilan ang paparating na pamalo ni lola. Ang baston ni lola.

"Bitawan mo ang baston ko!"

"Ano ba ang mali sa pagturo sa magiging asawa ko kung paano magluto?" tanong ni TOP.

Natigilan kaming pareho ni Lola. M-Magluto? May umihip na hangin. Parehas kami ni Lola na hindi nakagalaw sa pagka-shock. Nakatingin lang kami kay TOP. Si Timothy naman seryoso ang mukha na naguguluhan.

"Eh ano yung expert? Yung gumalaw?" tanong ni Lola na inaayos ang salamin.

"Gusto ko syang matuto kung pano gumalaw sa kusina at maging expert sa pagluluto," paliwanag ni TOP.

"Eh yung masakit?!" tanong pa ni Lola.

"Na dulot ng mantika at kutsilyo. First time nya magluluto."

Mahabang katahimikan. Binitawan ko na ang hawak ko kay Lola. Err. May umihip ulit na hangin

"Ahh..." tumango-tango si lola "Ganon pala..." at inayos ang kanyang damit

"Lola ano po ba ang iniisip nyo na gagawin ko?" tanong ni TOP.

"LOLA!" may sumigaw na babae at tumakbo palapit kay lola. "Kanina pa po kita hinahanap! Aalis na po tayo."

"Shannen apo! Ah pasensya na, naligaw kasi ako eh."

"Lola talaga!" tumingin sya sa'min "Pasensya na kayo kay Lola. Ulyanin na kasi sya."

Nilapitan ko si TOP. Kawawa naman.

"Okay lang," sagot ko sa babae na mukhang kasing tanda ko lang.

"O sige, pasensya na kayo ha," at umalis na sila ni Lola.

"Masakit ba?" tanong ko kay TOP.

"Ano ba ang iniisip nya na gagawin ko sa'yo?"

"Uhh.." kung alam mo lang, parehas kami ng iniisip ni Lola kanina. "Masakit ba ang hampas sa'yo?"

"Ano sa tingin mo?" hinawakan nya ang pisngi nya, medyo namumula.

"Hubby! Namumula!" turo ko sa may cheekbone nya.

"Hayaan mo na, mawawala rin yan," walang pakialam na sabi nya.

"Bakit kasi hindi mo pinigilan si Lola sa paghampas sa'yo?"

"Hindi ako napatol sa matanda."

"Hindi mo naman sya sasaktan. Pipigilan mo lang."

"Natatakot akong hawakan sya, baka masaktan. Matanda na kasi kaya malambot na ang buto."

Napatingin ako sa kanya. Natatakot syang baka kapag hinawakan nya si lola, mabali nya ang buto nito? Napangiti ako.