Chereads / Endless Love and Pain / Chapter 4 - Impossible

Chapter 4 - Impossible

Chapter 3

Shanaia's

"Ivan, c'mon bakit ka pumayag sa gusto ni Cary?" kausap ko sa skype si Ivan, ang president ng kompanyang pinagttrabahuan namin ni Cary.

Yeah, kaibigan ko siya. Manliligaw to be exact.

"Why? Is there something wrong? Wala naman akong nakikitang mali babe." kumindat pa siya sa akin, Gosh! Napa face-palm na lamang ako sa sinagot niya.

"Oh c'mon, Shei. Stop doing that. Fine! Pupunta din kasi ako jan sa Pinas para magbakasyon." napaangat naman ang tingin ko.

"What?! Are you serious, Ivan?!" napasigaw na ako sa narinig ko. Totoo baaaa? Para bang nagwawala ang puso ko sa sinabi niyang iyon. Masaya lang siguro ako. Ewan.

"Yup. I can sense that you're excited babe. Hahaha. I miss you so much." nag pout naman siya. Hays. Paano naging President ng isang prestigious company ang isip batang ito?

"Shut up, Ivan. I miss you too." bigla naman siyang ngumiti. Fine, i admit it. I like him. He makes me smile. He makes me comfortable. He makes me laugh and at the same time, he taught me how to be strong. Maging independent. Siya lang ang meron ako at si Cary nung unang taon ko NZ.

"Really babe? I knew it. Sasagutin mo na ba ako?" nakangiti niyang saad. Napangiti naman ako. 2 years na rin siyang nanliligaw sa akin at masasabi kong napakabait niyang tao. Hindi marunong tumingin sa ibang babae. Sakin lang. Pinaramdam niyang kamahal mahal ako.

"Soon. Hahaha sige na got to go. Pupunta ako sa project point para makita yung lugar." saad ko. Maliwanag ang kanyang mukha at tila ba parang tangang tumatango tango. Oh God!! I really like him.

"Alright babe. See you on 22nd of August." napalaki naman ang mata ko sa narinig ko. What?!!! Today is August 20. Shit.

Magsasalita pa sana ako nung in-off na niya yung skype niya. Oh, Ivan. You never failed to surprise me.

Calling Unknown number....

Napatingin naman ako sa cellphone kong nagrring.

Unknown? I don't know, pero kinakabahan ako. Haynako! Baka isa lang ito sa mga client.

"hello." kinakabahan kong sagot.

"iha anak!" para bang namanhid ang buo kong pagkatao sa narinig ko.

"m-mom?" gusto kong ibaba ang tawag, pero ayoko namang maka bastos lalo na at alam ko namang walang kasalanan si Mommy.

"iha, anak. Hindi ka man lang nagsabi na uuwi ka na. Kung hindi lang sinabi ng kuya mo hindi ko pa malalaman." may bahid ng pagkatampo ako boses nito. Hays. Namiss ko rin naman si Mommy, it's just that hindi ko alam kung paano sila haharapin.

Umalis ako ng hindi nila nalalaman. Si Kuya Zeke ang nagayos ng mga papeles ko para makaalis ng bansa. Kaya ko ito naisakatuparan.

"Okay lang naman po ako. No need to worry. And hindi ko na rin po sinabi sainyo dahil pansamantala lang din naman ako dito sa pinas. Sige na po. Gotta go may mga important matter pa po akong gagawin. Bye." hindi ko na hinintay pang sumagot si Mommy at agad na itong pinatay.

Ayoko pa. This is not the right time.

Padabog kong nilapag ang cellphone ko sa table.

After kong ipaglaban kay Daddy yung gusto kong maging buhay, pinalayas niya ako. Without anything. Lahat ng cards ko pina-cut niya. Mabuti na lang at may inopen akong account para sa sarili ko. Kahit papaano meron akong nahuhugot.

Nakaka miss din ang buhay ko noon. Siguro kung sinunod ko si Daddy. Mas maganda ang buhay ko ngayon. Pero hindi naman ako magiging masaya. So what's the use of getting alot of money kung hindi naman ako masaya diba.

-----

"Ms. Shei, this is Mr. Esteban and his company ang constructor natin. I assure you that the team will put all of their best to finish this project as soon as possible." saad ni Mr. Ramos one of the architecture na makakasama namin. Isang malaking project ito kung kaya marami ang kinuhang tao para magawa ito. And I must say na we are all sure na matatapos din ito bago matapos ang contract namin.

"Thank you Mr. Ramos. Hindi ko naman kayo nappressure, right? It's just that our client, Mr. Del Valle is very meticulous in terms of his establisments. So we must double check our work areas to make him satisfy and massecure natin siya as our client for future projects." agad naman silang sumang-ayon at dali daling nagusap para sa magiging hatian ng trabaho.

Sanay na ako sa mga big projects katulad nito, ang pinagkaiba lang nasa Pilipinas ako at wala sa NZ. Mas mabilis ang trabaho sa NZ, bawat segundo, minuto o oras napakahalaga sa mga tao doon. Walang petiks kumbaga. Kaya gusto kong siguraduhin na before matapos ang contract kailang tapos na ang lahat. Walang palpak kahit na ano. Ayoko nang magtagal dito sa Pinas, sa ilang araw na nagdaan hindi ko na gusto ang mga nangyayari what more pa kung abutin kami dito ng ilang bwan.

"Shan! Andito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap." biglang sulpot ni Cary sa likuran ko. Nag kunyari akong busy sa pag aayos ng disenyo at inignora siya.

"Yuhooo! Shanaia Shei!! Andito ka baaaaa?" maingay niyang komento. Napairap na lamang ako at hinarap siya.

"What? Importante ba yang sasabihin mo?" sagot ko habang nakatingin pa rin sa Ipad ko.

"Sobrang busy mo naman jan mamsh! Haynako ka. Inaaya tayo ni Lucy para sa opening ng restaurant niya along BGC, and you can't say no! Binilhan na din kita ng damit para hindi ka na umuwi to change." masayang sabi ni Cary. Napabuga na lamang ako ng hangin sa sobrang pag kainis.

" Cary! We're here dahil may Project tayo na kailangang tapusin within a month or two hindi tayo pwedeng maging petiks lang okay?" bumagsak ang mga balikat niya habang nanlalaki ang kanyang mga mata.

"Yes I know, hun! But lemme tell you somethin'. This is our bff's special day!!! Hindi pwedeng iwan lang natin siya. Isang araw lang, ngayon lang. Ipagdadamot mo pa ba sa mga kaibigan natin yun?" halata na sa boses niya ang pagkairita sa akin. Masyado ba akong nagiging selfish?

basta ang gusto ko lang, matapos on time ang trabaho na 'to para makabalik na ako.

"Alam ko, Cary! Hindi porket kaibigan natin at special day niya, e hahayaan na lang nating ang ibang tao na gumawa ng hakbang sa trabaho nila. Kailangan natin mag focus dito, Cars! We need to stay focus para matapos na ang project na 'to at makabalik na ng new Zealand." mariin kong sabat.

"What the fuck?! What's happening to you Shan?! Asan ang utak mo? Lucy is our friend.. hindi siya ibang tao. We've been together for years tapos yan lang sasabihin mo, na para bang ibang tao yung nag imbita sayo. I can't believe this. Ang selfish mo, Shan! Binago ka na ba ng galit mo sa nakaraan mo? " napatigil ako sa ginagawa ko sa Ipad at tumingin sakanya. Umiiyak siya. Yes! Pero ako, nagagalit ako! Hindi niya alam ang mga pinagsasabi niya. Nagagalit ako! Nilapag ko ang Ipad sa table saka siya nilapitan.

"Wala kang karapatang sabihin sa akin yan, Cary! Sa lahat ng taong pwedeng makaalam, ikaw ang bukod tanging may alam ng lahat lahat nang nangyari sa akin. Ikaw ang nakakakita kung anong hirap ang pinagdaanan ko. So, don't you dare say that again." humihikbi siyang nakipagtitigan sa akin at tinulak ako palayo. Kita ko sa mga mata niya ang takot at pagka dismaya sa inasal ko. Dapat ba akong magsisi? No! I don't care.

"If that's what you want, Ms. Shei. Sorry" she wiped her tears at agad ding tumalikod sa akin at umalis. I don't care. Sanay na ako sa mga taong tumatalikod at umaalis sa buhay ko.

PEOPLE COME AND GO. NASA SAYO NA YAN KUNG PAANO MO IHHANDLE YUNG PAIN AT IAACCEPT SA SARILI NA, YOU'RE NOT ENOUGH FOR THEM! no matter what you do.....