Chereads / Endless Love and Pain / Chapter 5 - Mixed Emotions

Chapter 5 - Mixed Emotions

Chapter 4

Ilang araw na ang nakalipas walang sino man sa mga kaibigan ko o kahit sa pamilya ko ang gumambala sa akin. Para sa akin, masaya. Tahimik. Walang magulo. Mas mabilis ang trabaho.

And tanging makulit lang sa tabi ko ay si Ivan. Kahit na pakiramdam ko si Cary ang dapat na kasama ko. Pero wala eh, lahat ng tao may limit ang pasensya. Siguro nga sumuko na rin siya sa akin.

"Sup babe!" nabaling ang atensyon ko sa lalaking umakbay sa akin. Ivan.

"Pwede ba, Ivan! Stop calling me babe. At pakitanggal na lang ng braso mo sa balikat ko. Pinag titinginan tayo ng mga trabahador dito." irap ko sakanya at marahang umiwas.

"I don't care at all, Shan! Isipin na nila lahat ng gusto nilang isipin....gusto ko naman yun. Hahaha." sabat niya. Siniko ko siya sa kanyang tagiliran at marahas na tinanggal ang kanyang braso. Aaminin ko namang gusto ko ang side niyang ganito, pero ang trabaho ay trabaho. Hindi naman pwedeng makita kaming ganito ng mga tao ano na lang ang sasabihin nila diba.

"Ehem. Well, kidding aside Shan. Nakausap ko pala si Cary and ang sabi niya papuntahin na lang siya dito pag okay na yung pinaka draft ng establishment para maiayos na rin niya yung mga dapat ayusin." seryosong saad niya. Nagkibit balikat na lamang ako at tumayo upang pumunta sa opisina namin.

Bakit kailangang kay Ivan niya pa sabihin ang mga iyon kung pwede namang direkta sa akin. Dahil ba sa naging alitan namin? Hindi ba't kailangan namin maging Professional pag dating sa trabaho....hay nako

"May alitan ba kayong dalawa? As far as I know, dikit yata ang pusod niyong dalawa ni Cary so bakit ganun? May nangyari ba nung wala pa ako?" napatingin ako kay Ivan na umupo sa visitor's chair.

"Nothing serious, Ivan. Naging mainit lang siguro kaming dalawa. Anyways, this is the final draft na ginawa ko. Okay na rin iyan kay Mr. Del Valle. Final decision mo na lamang ang kailan then kung wala ka ng problem sa draft, si Joy na ang bahala na kumausap sa sekretarya ni Cary." iniabot ko sakanya ang folder na nag lalaman ng draft ko. Pero tinitigan lang niya ako.

"You're acting weird, Shan! Is there something wrong? May problema ba? What's bothering you?" marami niyang tanong saakin. Binaba ko sa harapan niya ang folder at tumalikod sakanya at hinarap ang mga papeles.

May problema nga ba?

"Ahm, bakit ka nga pala pumayag sa request ni Cary na mag stay kami dito until December?" i asked.

"So? Yan ba problema mo? Gusto ko lang naman kayong maka pag relax and maka bonding niyo ang family niyo. Especially, you." napatingin naman ako sakanya ng may pag tataka.

"What? Dahil lang sa reason na yan? Di mo ba naisip na maraming mattenggang trabaho sa NZ?"

what the hell.

"Kaya nga pumayag ako. For Pete's sake, Shanaia. You're working your ass for so many years sa company ko..take note walang leave yun. Kaya, I decided to give you time for yourself and your family." tumayo siya at lumapit sa akin.

"You know the whole story, Ivan. Napaka useless ng vacation na 'to. Well not for Cary. I know na masaya siya sa bakasyon na 'to. Pero sa akin, wala. Walang kwenta." nakatitig lang ako sa office table ko. Naiiyak ako. Ayoko ng arguments about my family.

"Hey! look at me. Look at me baby!" iniangat niya ang nakayuko kong ulo. Nakikita ko sa mga mata niya ang pagka dismaya dahil na siguro sa mga sinabi ko.

"Shan. Hindi useless tong idea na 'to. I can feel it. Gusto mo silang makita. Gusto mo silang makausap. Pero ito, itong isip mo ang pumipigil sa iyo. Try to hear what's inside here...here inside your heart." napaiyak na ako ng tuluyan sa sinabi niya. I don't know, pero tinamaan ako. Feeling ko napaka selfish ko para isantabi ang nararamdaman ng mga tao sa paligid ko.

"But how? What if hindi nila ako pakinggan? What if hindi nila tanggapin yung kung anong narating ko? What i---."

"No more what ifs, babe. Di mo pa nga sinusubukan, suko agad? If ever hindi ka nila pakinggan, then that's it... I'll join you pabalik ng NZ. A.S.A.P!" niyakap ko siya at saka umiyak ng umiyak.

I never expect na darating sa point na magiging ganito kami kaseryoso ni Ivan.

"Sasamahan mo ba ako?" it sounds like a child begging for his father to come and play. But I don't care.

"Nope. Ayoko namang pagkamalan nila akong asawa mo. Masakit lang isipin kasi wala namang tayo. Hahaha kidding aside. Kaya mo yan. You can do it all by yourself. I trust you, Shan!" napalo ko siya sa sinabi niya. Well, this is the true Ivan. Makulit.

"Alright. Thank you for trusting me, Ivan."

"Well I don't accept thank you, Miss. May nakita akong Restaurant nearby. We can try it. And it's your treat this time." napangiti na lamang ako at kinuha ang gamit ko.

"Let's go." hinila ko na siya at parehas kaming nagtawanan.

----

"Hoy Mr. Ivan Alvarez, baka pwede mo namang bagalan sa pagkain." awat ko sa kaharap kong lamon ng lamon. Nakaka limang set na kami ng pork and beef sa server.

"What?! Babayaran naman natin to ah, I mean, mo. Babayaran mo." kuha pa din siya ng kuha ng niluluto ko. Tumawa na lamang ako at sumubo kaunti bago nag luto muli.

"You know what, ang sama na ng tingin sa atin nung mga staff dito. Hahaha luging lugi na. Saka kung alam ko lang na dito mo ako dadalhin, hindi na ako pumayag. Ginawa mo kong tagaluto." nag kunyare akong nagtatampo at nakita ko naman siyang napatigil sa pagkain.

"Why so matampuhin babe. Haha. Kasalanan ko bang masarap magluto ang future wife ko? hahah. Here, eat this. Gawa ko yan babe." inilapit naman niya sa akin ang lettuce na nakaroll na may lamang beef and pork.

"Ayaw. Nakakahiya, Ivan! Loko ka talaga." saway ko sakanya pero ang loko-loko hindi nagpatinag. nakataas pa rin ang kamay.

"C'mon babe." I have no choice kundi sinubo ang ginawa niya para sa akin.

"Sarap diba? Future hubby mo yan! Haha." pang aasar pa niya at tinuloy ang kanyang pagkain.

Di ko alam kung bakit siya nagpupumilit sa akin na makasama ako when in fact ang daming nag hahabol sakanya. Pero alam niyo yung feeling na, sa sobrang dikit niya sayo at ikaw na nilalayo siya palayo, aminin niyo pag wala sa tabi niyo...hinahanap hanap niyo. Para bang kulang ang araw pag walang nangungulit o nangaasar sayo. I don't know, yun kasi nararamdaman ko eh. Masaya ako. Feeling ko napaka special ko pag anjan siya.

"Ehem." napakurap ako at napansing nakatitig pala ako kay Ivan, na ngayo'y nakatingin sa likuran ko.

Napatingin din ako. syempre.

"Kaya naman pala! Kaya naman pala ayaw magpakita!" Shookt ako mga besh!

"L-lucy? Kuya Zeke?"