Chapter 93 - Kabanata 20

[LOUISE'S POV]

I'm wearing my red lava gown at nakatingin ako ngayon sa salamin. Parang masyado yatang exposed ang boobs ko rito.

"Wear this." sabi ni Jameshin sabay bigay sa akin ang isang mask.

"Ha? Bakit ko naman susuotin 'to?" tanong ko sa kanya.

"Binago ang theme ng ball. Ginawang masquerade." sagot niya sa 'kin.

Kinuha ko sa kanya ang mask at sinuot ko ito.

"Sana pala hindi na ako nag-makeup pa." sabi ko kay Jameshin.

"Tatanggalin mo yan pagpatak ng 12 midnight sa harap ng lalaking huli mong makakasayaw." sabi niya sa 'kin.

"Talaga? Parang fairytale lang?" tanong ko sa kanya.

"Yeah." tipid niyang sagot.

"Ang corny naman." sabi ko na lang.

"Yeah." - Jameshin

"Dapat ginawa na lang party-party yung ball para mas exciting."

"Yeah." - Jameshin

Puro yeah na lang ba ang sasabihin ng lalaking 'to?

"Tara na nga." sabi ko sa kanya.

At pumunta na kaming dalawa ni Jameshin sa Dyosa's Ball.

- FAST FORWARD -

Pagkarating namin ni Jameshin sa isang hotel kung saan gaganapin ang ball ay konti pa lang ang bisitang pumupunta. Halatang elegante yung ball. Hindi siya puchu-puchu.

Lahat ng mga bisita rito ay nakamaskara rin. Hindi mo sila makikilala pati na rin ang mga celebrities.

Nandito na kaya si Billy sa ball? Hindi ko rin siya makita eh.

"Watch out." - Jameshin

Nagulat ako nang bigla akong hilain ni Jameshin. Napayakap tuloy ako sa kanya.

May dumaan palang isang waiter sa direksyon ko na may dalang tray na may mga baso at wine. Halatang nagmamadali ito.

Pero napalayo agad ako kay Jameshin nang ma-realize kong nakayakap pala ako sa kanya.

"S-sorry." sabi ko sa kanya.

Hindi naman siya nagsalita at blanko lang ang expression niya. Ano kaya ang nasa isip niya?

Biglang may nagsalita. Yung MC ng ball, kaya naman ang lahat ay tumahimik at naghanap na rin kami ni Jameshin ng mauupuan.

"Good evening everyone and welcome to Dyosa's Ball." -MC

Nagpalakpakan naman ang mga bisita. Pati na rin kami ni Jameshin ay nakipalakpak na rin. Sa totoo lang ay nabobored na ako rito. Kung hindi lang ako inaya ni Jameshin ay makakapanood pa ako ng Ang Probinsyano.

Pagkatapos ng napakahabang speech ay sa wakas makakakain na rin ako. Yung iba ay sumasayaw sa gitna. Yung iba naman nagchichikahan. At yung iba naman ay nagseselfie.

Habang ako naman ay lamon lang nang lamon sa mga pagkaing nakahanda sa table. Ang sasarap kasi. Mukhang tataba ako nito.

"Dahan-dahan lang sa pagkain Miss. Baka mabilaukan ka."

Teka, ba't parang si Billy yung nagsabi?

Napatingin naman ako sa nagsalita.

Pero wala ng tao. Ang bilis naman niyang umalis.

"Ako ba ang hinahanap mo?"

"Ay kabayo!" sigaw ko sa gulat. Napatingin tuloy sa akin ang mga bisita. May bigla kasing nagsalira sa likod ko.

"Ano ba Jameshin! Nakakagulat ka naman." naiinis kong sabi sa kanya.

"Pasensiya na kung nagulat kita. Parang hinahanap mo kasi ako. At saka huwag mong banggitin ang pangalan ko. I told you to call me J since we're in a masquerade ball." tugon niya sa 'kin.

"K fine J. At hindi kita hinahanap ah." sabi ko sa kanya.

"At sino naman yang hinahanap mo?" tanong niya sa 'kin.

"Yung asawa ko. Parang narinig ko kasi ang boses niya." sagot ko sa kanya.

"Baka mali ka lang ng narinig. Sobrang ingay kaya rito." - Jameshin

"Siguro nga." tugon ko na lang kahit alam kong narinig ko talaga ang boses ni Billy. Baka sigawan lang ako ni Jameshin. Nasa ball pa naman kami.

[SAMANTHA'S POV]

My gosh! Ang ganda ng gabi ko today. Maliban sa sobrang ganda ko ay ka-partner ko pa si Billy my loves sa ball. I feel that I'm the winner. Noong nagpasabog yata si Lord ng kagandahan ay nasalo ko lahat ng 'yon at walang natira sa inyo kaya ampapangit niyo lalo na si Louise. Hahahaha! *evil laugh*

"Wash room lang ako." sabi ko kay Billy.

Tumango lang siya habang nakatingin sa MC.

Syempre kailangan ko pa ring magpaganda kahit nakamaskara ako. Dahil alam kong magiging partner ko si Billy pagpatak ng 12 midnight. Pagtanggal niya sa maskara ko ay mas lalo siyang maiinlove sa kagandahan ko. Oh diba? Ang bongga ng plan ko.

*krrrriiiiiinnnnngggggg!*

Tumunog ang phone ko kaya kinuha ko ito sa purse ko.

Si Ate Nikki, tumatawag.

"Hello Ate Nikki? Napatawag ka?" tanong ko sa kanya.

("May naghahanap sa 'yo ritong isang pulis.") sabi sa 'kin ni Ate Nikki.

"Ha? Bakit naman ako hinahanap ng pulis?" tanong ko bigla.

("Tinatanong daw sa 'yo kung kilala mo ba raw si... ano nga ba 'yon? G...george. Tama, George. Dahil hinahanap nila ang pumatay sa kanya.") sagot niya na nagpakaba sa akin bigla.

Teka, si George?

"S-sabihin mo sa kanila na hindi ko siya kilala." sabi ko kay Ate Nikki. Hindi nila pwedeng malaman na pinatay ko siya.

("Kanina ko pa nga sila sinasabihan pero gusto raw nila sa 'yo manggaling ang sagot. Pero since nasagot mo na ang tanong nila ay hindi na nila ako kukulitin.") - Ate Nikki

"S-sige." nauutal kong sabi.

Kapag nalaman ng mga pulis na ako ang pumatay sa matandang 'yon ay katapusan na ng career ko lalo na ang plano kong mapasaakin si Billy.

Siguro naman hindi nila malalaman na pinatay ko 'yon dahil wala naman silang makikitang ebidensiya.