[LOUISE'S POV]
Humarap ako sa salamin.
I'm wearing very elegant wedding dress na dinisenyo ni Ate Kath.
"Gosh Bes! Ang ganda mo. Blooming na blooming ka today." puri sa 'kin ni Kate habang nakatingin sa salamin.
"Yes, I'm sure mapapanganga ang future husband mong si Billy kapag nakita ka na niya sa simbahan." puri naman sa 'kin ni Ate Kath.
I can't believe na ikakasal na ako ngayon.
I feel nervous because this is my first time na maranasan ko ang ganito.
But I also feel happiness at excitement. Happiness dahil ikakasal na ako sa lalaking mahal ko at excitement dahil magiging Mrs. Williams na ako.
I'm ready for the new chapter of my life with Billy.
- SIMBAHAN -
Pagpasok ko pa lang sa simbahan ay naluha na agad ako.
Ganito pala ang pakiramdam kapag ikaw na ang ikakasal. Tears of joy.
Naalala ko tuloy bigla ang masasayang moments namin ni Billy.
Pero ang pinakapaborito kong moment ay ang sinagot ko si Billy.
Diyan kasi lahat nagsimula.
*flashback*
Papasok na kami ni Kate sa school nang may mapansin ako.
"Teka, bakit parang walang tao? Wala bang pasok?" tanong ko bigla kay Kate.
"I dunno, tanungin na'tin si Manong Guard." sagot sa 'kin ni Kate.
Tumango naman ako at saka kami lumapit kay Manong Guard.
"Manong guard, wala po bang pasok?" tanong ko kay Manong Guard.
"Nasa gymnasium ngayon ang mga estudyante pati na ang mga faculties. May unexpected visitors kasing dumating. Pumunta na kayong dalawa sa gymnasium dahil may attendance daw." sagot ni Manong Guard.
"Sige po." tugon ko kay Manong Guard. Naglakad kami ni Kate papuntang gymnasium.
- GYMNASIUM -
Pagkarating namin sa gymnasium ay papasok na sana kami nang hinarang kami ng isang lalaki.
"Sino sa inyo si Louise Perez?" tanong sa 'min ng lalaki.
"A-ako po." nauutal kong sagot sabay taas ng kamay.
May tinawagan ang lalaki sa cellphone niya.
"Nandito na po siya at may kasama siyang isang babae." narinig kong sabi ng lalaki sabay baba ng cellphone niya.
"Pasok na kayong dalawa." sabi sa 'min ng lalaki. Ang weird naman no'n.
Pumasok na kami ni Kate sa loob ng gymnasium.
"This way po Miss Louise." salubong sa 'kin ng babae at inalayan niya akong pumasok sa loob. Napahiwalay tuloy sa akin si Kate. At bakit ako inaalayan ng babaeng 'to? Ano ba tingin niya sakin, matanda na?
"Diyan lang po kayo Miss Louise." sabi sa 'kin ng babae at iniwan niya akong nakatayo rito.
Pagkatapos niya akong alalayan, iiwan niya ako? At saka saan ba nagpunta si Kate?
"Louise."
O_______O
Teka, si Billy 'yon ha.
"Billy?" tawag ko sa kanya at hinanap ko siya.
*hanap*
*hanap*
*hanap*
Ayun siya.
Nakita ko siyang nakatayo sa stage. At may hawak pa itong mic.
May biglang nag-abot sa akin ng mic. Teka, anong meron? Akala ko ba may unexpected visitors.
Tapos nakangiting nakatingin pa sa akin ang mga estudyante pati na rin ang mga faculties ng DGUP. Tapos isama niyo pa ang dean.
Kinuha ko naman ang mic.
"B-billy, anong nangyayari?" tanong ko sa kanya.
"May itatanong ako sa 'yo Louise. Sasagutin mo lang 'to ng OO o Yes." sagot sa 'kin ni Billy.
"OO o yes? Anong klaseng choices yan?" tanong ko sa kanya.
Ano na naman kaya 'tong paandar niya?
"Basta sagutin mo na lang." sabi niya sa 'kin.
"O sige, anong tanong yan?"
"Louise?" tawag niya sa 'kin.
"Ano?" simpleng tugon ko.
"Will you be my girlfriend?"
O_________O
>__________<
"Yieeeeeeeeeeee!"
My ghad! Feeling ko namumula na ako sa kilig. Eh kasi naman, tinanong pa talaga niya sa akin 'to sa harap ng maraming tao.
"OO o yes?" dagdag pa niya. At OO o yes lang talaga ang choices.
"OO NA YAN! YES NA YAN!" paulit-ulit na sigaw ng mga estudyante at mga faculties. Nakisabay pa talaga ang mga faculties. Ano pa ba ang magagawa ko. Mahal ko siya eh.
"Yes."
"KYAAAAAAAAAAAAAAA!"
Biglang nagsigawan at nagtalunan ang mga estudyante sa sagot ko. Feeling nila ay nanalo sila sa pustahan.
"Paki-ulit nga ang sagot mo." hindi makapaniwalang sabi sa 'kin ni Billy.
"YES!" masayang sigaw ko.
"Talaga?"
Paulit-ulit Billy?
I just nodded.
Nakita kong tumakbo si Billy papalapit sa akin at niyakap niya ako.
"I love you so much Louise. Hinding-hindi ko sasayangin ang matamis mong OO and I will treasured it in my heart." sabi sa 'kin ni Billy.
"I love you too Billy." tugon ko at niyakap ko rin siya pabalik.
Narinig ko naman ang palakpakan at hiyawan ng mga tao.
*end of flashback*
Haaaaay! Ang sarap talagang balik-balikan ang mga moments na 'yon.
"And now, by the power vested in me. I hereby pronounced you husband and wife. You may now kiss the bride." sabi ni Father.
Nagharap kami ni Billy sa isa't isa.
Inangat niya ang veil ko at hinalikan niya ako sa labi nang matagal.
Narinig ko naman ang palakpakan ng mga bisita.
Now, I'm legally Mrs. Williams and I'm so happy. I feel complete.
At wala nang hahadlang pa sa pagmamahalan namin.
[SAMANTHA'S POV]
Hindi ko mapigilang maikuyom ang kamao ko sa inis.
I came back para balikan siya.
Kahit kasal na siya ngayon ay hindi pa rin ako susuko.
I want him back at naniniwala akong may nararamdaman pa rin siya sa akin kahit konti.
He's mine. Only mine.
At sisiguraduhin kong maghihiwalay sila ng asawa niya.