"Nasan na ba yung mga yun? Sabi nila nasa ground sila wala naman." hinahanap ko yung mga kaibigan ko lagi naman silang andito sa ground, pero bat ngayun. Saan kaya nag susuot yung mga yun.
"waaahhhh ang gwapo" sigaw ng mga babae. my kumpulan sa gawing entrance ng school.
"Gian I love you." Sigaw pa ng iba. Nako mga babae nga naman.
"Carl akin ka nalang."
"Kyle my prince charming."
Ay nako bala kayo jan. Asan na ba yung mga yun kanina pa ako dito ah. Hanap lang ako ng hanap dito sa ground. Kung saan saan na ako napapadpad.
"Makabalik na nga lang sa room."
Naglalakad na ako patungo sa room ng mag ring ang phone ko. Kinakalkal ko ang bag ko, bat ba di to makita, nang biglang bumangga ako sa isang tao.
"Nako sorry po."
"Miss lumang style na yan, gusto mo lang dumikit sakanya eh." sambit ng mga babaeng nakasunud sa lalaking nabangga ko.
"Hah?" nagtatkang iniangat ko ang aking mukha at tumingin sa mga tao bago tumingin sa nabangga ko. Ang mga hambog. Wala lang ayaw ko sakanila eh ehehehehe.
"Papansin ka rin no?" sambit naman ng babaeng clown.
"Ah pasensya na po." sabi ko saka umiwas nalang ayaw kong mapagtripan ng mga fan girls nila.
"Not so fast miss, inapakan mo ang sapatos ko, nadumihan oh." saad nito di ko kasi kilala eh basta.
Hambog talaga pshh. Kinuha ko yung tissue sa bag ko at iniiabot sakanya. " Oh tissue." inabot naman nito saka ko siya nilampasan.
"Aanhin ko to?" Tanong nito.
"Gwapo nga tanga naman." bulong ko sa sarili.
"Anong sabi mo?"
"Wala. tinatanung mo kung aanhin mo yan. Baka nakakain yan try mo." Sambit ko saka ako tumakbo paalis. Pero narinig ko pa ang kantiyawan nila.
"Boom pare hanep yun ah hahahahahaha."
"Pare basag ah hahahahahaaha."
"Isip isip din kasi pre hahahaha."
"Manahimik nga kayo." sabi naman nito.
Nako lagut ako sa mga fan girls nila. Sa pangalawang pagkakataon nag ring ulit ang phone ko na hawak ko na ngayun.
"Hello! Nasan ba kasi kayo kanina pa ako naghahanap ah."
"Kyliey Martinez! Kanina pa kami naghihintay sayo madam asan ka na ba?" sago naman ni Stella.
"Malapit na ako sa room natin."
"Pumunta ka muna ditto sa canteen."
"Sige I'm coming."
Habang naglalakad ako sa hall way ay hinarang ako ng limang babae.
"Hoy ikaw babaeng papansin. Anong karapatan mo para pagsalitaan ng ganun ang prince charming naming?" Sabi ng nasa gitnang babae na akala mi payaso sa sobrang kapal ng blush on.
"Huh? Sino?"
"Maang maangan ka pa akala mo naman kung sino ka para iganun mo siya." Sabat naman ng isa na subrang kapal ng kilay
"Ate girl sino ba kasi?"
"Si Gian! Sino pa ng aba? Yung gwapong lalaki na binangga mo kanina lang."Si blush on girl.
"Ah hindi ko siya bingga, Nabangga ko siya. At sino naman siya para hindi ko iganun?"
"Ano hindi mob a siya kilala ha?" Sabat naman ng isa pa na lampas pa ang lipstick.
"Hindi. Bakit importante ba siyang tao para dapat kung kilalanin?"
"Pwes kung hindi mo siya kilala ipapakilala ko siya sayo." Galit na sabi ni blush on girl.
"Nako teh wag na di ako interesado." Sagut ko sakanya at nilampasa ko na sila pero hinablot niya ang braso ko.
"Hoy babaeng pangit akala mo maganda." Wow nagsalita ang payaso.
"Ops wait lang teh tumingin ka na ba sa salamin? Bakit akala mo ba maganda ka?"
"Bulag ka ba hindi mo ba nakikita ang kagandahan namin?"
"Huh? My birthday party ba dito? Bat kayo andito?"
"What do you mean?"
"Bat my clown ditto? Saan ang party."
"Sinong clown ang sinasabi mo hah?"
"Malamang kayo sino pa nga ba? Ang kakapal ng make up niyo psh" Sabi ko saka ako umalis. Malaks na nagtawanan ang mga kaninay nanonood. Wag ako teh iba nalang di kayo uubra saakin kala niyo ha. Sabay karipas ko ng takbo baka balika pa ako ng mga yun sabunutan pa ako ay.
Paliko na ako ng makasalubong ko ang mga kaibigan ko. Na naka busangot na. nako kasalanan ko bang harangin ako ng mga babaeng un.
"Wow ate anong petsa na namuti na kami kakahintay sayo ah." Stella
"Hinarang ako ng fan girl's nung mga hambog eh."
"Bakit ano bang ginawa mo?"Stella
"Nung unang tawag mo kasi nabangga ko ung isang hambog, naapakan ko ung sapatos niya. Tapus binigyan ko siya ng tissue. Tinanung niya kong anung gagawin niya dun sa tissue ayon sabi ko try niyang kainin baka pwede."
"Hahahahaha grabe ka d mo pinalagpas, kaya pala galit sila sayo nabasag mo ang crush nila." Gen
"Oh ano naman ang sinabi mo sa mga babaeng yun at pinagtatawanan sila."
"Sabihan ba naman akong pangit, sabi ko naman akala ko my birthday party, akala ko kasi clown sila."
"Haahahah ikaw na talaga."
Tawang tawa naman tong mga kaibigan ko. Nako baka mamaya anung gawin ng mga yun sakin.
Sila pala ang mga kaibigan ko. Stella Arsena, pinaka kikay saamin, Geninevive Montes ang pinaka maarte saamin palibhsa mayaman, Joanna Mae Fuente ang pinaka mature mag isip. Ako naman si Kyliey Martinez pinaka simple sakanila at tahimik oh diba hahahaha.
Lagi kaming magkakasama, nagtatalo sa ibang bagay but at the end of the day nagkakasundi rin. Ang sarao magkaroon ng tunay na kaibigan, ung sasabihin sa harao mo yubg maling nagawa mo, yung kakausapin ka pag may ayaw sila sayo. Hindi yung pag uusapan ka pag nakatalikod ka na. Gusto ka pag nakaharap ka, pag wala ka kubg ano ano nang sinasabi. Thank God I have a friend like them.
Minsan nag aaway din kami. Pero pinag uusapan namin ng maayos para hindi ma lumaki amg gulo. Ung iba kasi papalipasin pa ang ilang araw o di kaya'y maglalabasan ng secreto.
"sino kaya ang malilipat?"tanong ni Stace
"Huh! Malilipat saan?" Balik tanong ko naman.
" Uso kasi ang makinig paminsan minsan noh."
"A ung exchange student."
"A saan daw na section?"
"section C to section A."
"Psh! Sana lang wag ako malipat dun at wag din malipat ang mga hambog na un."
"Ewan ko sayo bulag ka ba, ang gugwapo kaya nila." Stacy
"Whatever."
Nasa section A kami. Mu talino rin naman kahit papaano hahahahaha. Wag naman ung puro ganda lang, haluan din natin ng talino ganun.
Every year nagaganap ang ganitong pakulo ng school na to, pinagpapalit palit nila ng section ang mga student.
Pero seryoso ayaw kong malipat ako o sila. Kahit sino na wag lang sila. Bakit ba hate ko sila hmmm bakit nga ba.
" Nung minsan kasi na may nang bully sa akin ung pinaka bully dito sa school si Martoni ang mayabang na baklang yun nadaanan nila ako. Humingi ako ng tulong sakanila ngunit hindi man lang ako tinulongan. Tumingin lang sila saaking,pero parang walanh nakita. Mabuti nalang at my napadaang guard doon at dinala kami sa Dean's office."