" Ok class today is the day na my lilipat sa section A, tulad ng nakagawian we there 5 of you na malilipat for 5 months, that means till the end of the school year. " anunsyo n gaming guro.
" Sana ako ang malipat." Sabay sabay na sigaw ng mga kababaihan.
" bro sana babae ang malipat ngayon."
" sana si windy ang hot nun."
"Ok class be quiet. Ang mga tatawagin kung pangalan ay sila ang lilipat sa kabilang section. At maya maya rin ay darating na ang mga kapalit nila. Ok pagnarinig niyo ang mga pangalan niyo ayusin niyo na ang mga gamit niyo."
Nanahimik naman ang mga ito, na kanina pa excited na matawag ang mga pangalan.
Habang ang mag kaibigan ko naman ay busy sa kakalikot sa kanilang mga cell phone. At ako naman ay nanonood lang sa mga pangyayari.
"Ms. Agatha, Ms. Sammy, and Ms Rose. Please pack your things and go to section C."
Tili naman ng tili ang mga to.
" Waaah thank you miss." Sabay sabay na tili ng mga ito. Kasali ang mga yo sa fans club nung mga hambog.
Agad naman na lumabas ang mga ito sa aming room. Salamat naman at nabawasan ang toxic sa room na to.
"Mr Angelo and Mr Marvin please join the ladies in section C."
Agad naming tumayo ang mga ito at hinabol ang mga babae. Masayang masaya naman ang mga ito dahl maraming hot doon.
Hay salamat at wala saamng tatlo ang nalipat. Ayaw ko talagang nakikita ang mga yon. Ang yayabang kasi akala nila sakanla na ang campus na to. Kung makatili naman kasi ang mga babaeng to akala naman nila papatulan sila ng mga yun. Eh sa itsura ng mga lalaking yun mga pang model ang gusto.
Lumabas muna saglit si Ms Hannah my kukunin raw siya sa kanyang office. Habang wala ito ay nag ingay ang mga kaklase naming, nagtatanungan kong sino kaya ang kapalit nung lima.
Habang tahimik ako sa aking upuan naisipan kong magbas muna ng libro. Inilabas ko ang bago kong aklat atnagsimula ng magbasa.
Tahimik lang akong nagbabasa sa aking upuan. At parang tinangay na ako ng hangin sa sobrang ganda ng binabasa ko, parang pumasok na ako sa loob ng libro.
Magisa ko lang ditto sa likod dahil ayaw ng mga kaibigan ko. Mabaho raw, mga maarte lang. May umupo sa aking tabi ngunit hindi ko na pinansin. Hindi ko parin to tinitignan hanggang sa agawin nito ang libro ko.
"Wow nice book, akin na to ha." Mayabang na sambit nito.
Nagulat ako sa paghablot nito ng aking libro. Hindi ako makapaniwala na ang lalaking ito ang malilipat sa section naming.
"Oo miss alam kong gwapo ako kawa tama na ang pag titig." Sambit ulit nito.
"Excuse me. I'm not staring at you. Hindi lang ako makapaniwala na sa dami rami ng studyante ditto sa school na to ay ikaw pa itong nalipat dito."
"oooohhhhh" sabay sabay na sambit ng mga kaibigan nito na nakatingin saamin.
"And give me back my book."
"
Kunyari ka pa miss alam kong gay aka rin ng mga babaeng yun." Ani nito na hindi tumitingin saaking at sinimulan ng buklatin ang aking libro.
Hinablot ko ito at nakuha ko naman." Pasensya na kung sila nagkakandarapa sayo, pwes ako hindi." Tumayo ako at tumingin sa mga babaeng kanina pa titig na titig ditto sa katabi kong asungot.
" Meldred bilhan niyo nga itong lalaking to ng libro niya para hindi siya nang aagaw."
Sinimulan ko na ulit ang magbasa at hindi naman na nang gulo ang lalaking ito.
Natapus din ang maghapong klase. Pauwi nanaman kami ng mga kaibigan ko. Magkakasama kami sa iisang bahay. Sa bahay nina Gen, pabor na rin kina tito ang pagtira naim doon para may kasama ang nagiisang anak nila. Well my mga kasambahay naman sila, driver and guard.
Habang naglalakad kami sa may parking lot ng school papunta sa nakaparadang sasakyan ni Gen. sakto naman na pasakai sa mga kotse ang mga hambog.linampasan nalang naming sila, alam naman ng mga kasama ko na talagang banas ako sa mga lalaking yun. Sa hindi ko alam ang mga pangalan nila.
"Ang gugwapo nila no." sambit ni Stella.
"Alam mo kung hindi lang ako nagdadrive malamang nasapak na kita, itsura mo parang tanga."
"Eh bakit ba kasi. I think I'm in love na talaga." Bigla akong nagpreno, muntik naming nasubsub ang mga ito.
"Ðahan dahan naman."Joh
"Nako sinasabi ko sayo pag pumatol ka isa man sakanila mapapatay kita."
"Joke lang baliw di ko naman ipagpapalit ang boyfriend ko noh."
"Very good." Saka ko inandar ulit ang sasakyan. May routine kami ng pagdadrive. Ngayon ang toka ko.
Nang makarating kami ng bahay ay domeretso kami agad sa kanya kanya naming kwarto. Ako nagbihis na ako agad para makagawa ng assignment. At nag review na rin for quizzes. Hindi ko n akas magagawa ito mamaya pag lumabas na kami ng mga kwarto namin.
"Key kain na iha." Tawag saakin ni Manag Melba.
"Oho susunod na po Manang." Sagot ko naman. At dali daling nayos ang mga gamit ko't nilagay na rin sa bag ang mga kailangan ko sa school bukas. Pag labas ko ng pinto ay sakto rin ang paglabas nung tatlo. Sabay sabay na kaming nagtungo sa dining room. Nakahanda na ang mga pagkain.
**NEXT MORNING**
Habang nag hihintay ng Instructor ay nagbasa muna ulit ako ng libro. Ung mga kaibigan ko ay nagpunta muna sa canteen, nagpabili nalang ako ng pagkain ko. Pati ang ibang classmate namin ay nag nagsilabasan din muna. Mukhang walang pasuk. Habang nagbabasa ay my tumabi saakin. Ilang sandal pa ay tahimik pa rin ito. Nilingon ko siya nakayuko ito sa lamesa niya at mukhang tulog. Nakita ko na parang mabigat ang paghinga nito kaya sinapo ko siya sa noo. Oh may main tang lalaking to. Mag lagnat siya. Kinuha ko ang bag ko saka ko kinuha ang gamut at tubig na lagi kong dala.
Hinawakang ko ang balikat nito at inalog ng konti. "Hoy gising!" Sorry hindi ko talaga alam ang pangalan ng taong to. Umungol lang ito at hinawi ang pagkakahawak ko sa kanya. " Hoy gising inumin mo to."
Bahagya naman nitong iminulat ang mata niya.
"Mamaya nalang matutulog muna ako."
"Saglit lang to dali na." wala naman na itong nagawa at unti unting umayos ng pagkakaupo. Inalalayan ko naman siya at baka matumba ito. Inopen ko ang dala kong gamut saka nito ko inabot sakanya pati na rin ang tubig na agad naman nitong ininom.
"Salamat sabi nito." Saka ito bumalik sa pag tulog. Nakaharap ito sa kabilang derecsyon, at ako naman ay itinuon na ang attention sa pagbabasa. Ilang sandal pa ay makumakalabit saakin nilingon ko naman ang katabi kong nakaharap na sa gawi ko.
"May dal aka bang jacket?" Mahinang tanong nito. "Nilalamig ako eh." Agad ko naman na kinuha ito sa tabi ko at ako na rin ang nag lagay sa likod niya.
"Ok ka lang ba?" tanong ko. "punta ka na kaya sa clinic?" ngumiwi lang ito at bumalik na rin sa pagtulog.
Tama nga ang sinabi ko walang klase, at ang tagal din nung mga babaeng un. Kanina pa kaming dalawa dito sa room. Ayaw ko naman siyang iwanan. Di kaya ng konsensya ko, baka kung mapano pa ito. Hinapo ko ulit ang noo nito, ganun pa rin mainit. Hinayaan ko nalang itong matulog, hanggang sa nagsidatingan ang mga kaibigan ko.
Habang papalapit sila sakin, ang mga mata nila'y nagtatanong.
"Oh bakit ung jacket mo nasakanya?" Stella
"Oo nga bakit kayo lang ang nandito, kaya hindi ka sumama para masolo mu siya noh?" Gen
"Mga baliw, manahimik kayo may sakit ung tao, mataas ung lagnat niya. Hiniram niya yung jacket ko kasi nilalamig raw siya."
"Oh kaya kayong dalawa manahimk na kayo." Jah.
"Thank you." Sambit ko naman sakanya.
Ilang sandal pa ay dumating ang mga kaibigan nitong nag iingay. Nilapitan nila ang kaibigang natutulog at ginulo.
"Hooo tol love sick lang yan wag kasi masyadong mamiss si Amber."