"Gago! Hindi yun. Masama lang talaga ang pakiramdam ko."
"Halata nga eh. Dapat pumunta ka na sa clinic, para makapagpahinga ka."
"Ok na ako!"
"Ano tara kain tayo." Aya pa ng isa.
Pagtayo nito nalaglag ang jacket na pinahiram ko sakanya. (wow wala man lang bang thank you, ganun nay un.) sabi ko sa isip isip ko. Pinulot ko nalang ito at tinupi. Pagkatapus ay bumalik na ako sa pagbabasa.
Ilang sandali pa pumasuk na ang mga classmate namin kasunod si Miss Mae. Habang nagdidiscuss si Miss, tahimik lang kaming nakikinig habang ang katab ko ay busy na natutulog.
Discuss
Discuss
Discuss
Discuss
Discuss
"Ok class let's have a quiz. Bring out ¼ sheet of paper."
Naglabas naman kaming lahat ng paper. Kinalabit ko ang katabi ko.
"Pssst gising may quiz tayo."
Bigla naman itong umayos ng upo at nag labas ng ballpen, tumingin siya saakin at tinignan ang paper na hawak ko. Binigyan ko naman siya agad.
"Ok class let's start."
Nakakalimang question na si Miss pero wala pa rin itong nasasagot sa paper niya. Hanggang sa matapos ang question ni Miss hindi pa rin ito nagsusulat. Kinuha ko ang paper niya at sinulatan ko iyon pero hindi nito napansin ang ginawa ko.
Hanggang sa nacheck ang mga paper ay wala pa rin itong kibo ako na rin ang nagcheck sa paper na napunta sakanya.
Nang iaannounce na ang mga score ay gulat ang mga kaibigan niya at nagkantyawan.
"Wow pre totoo you got a perfect score."
Hindi naman umimik ang katabi ko, ako naman ay tahimik lang din na nagbabasa ulit ng libro. Nang tumahimik ang mga ito ay may inabot siya saaking small paper na my nakasulat na "THANK YOU". Tumango lang ako nang hindi tumitingn sakanya.
Nagdaan ang maghapong pag-aaral. Ganun parin DISCUSS, QUIZ, DISCUSS, QUIZ.
"Alam niyo ban a ngayon lang daw nakakuha ng high score sa quiz yang si Gian." Stella
"Oh puro gwapo ang alam. Wala naming utak."
Tahimik lang akong nakikinig sa usapan nila. Kawawa naman, matalino rin naman siguro tinatamad lang.
"Kaya nga nalipat siya sa section natin para siguro mahawaan din ng talino. And he choose the right spot to seat girls." Sabay sabay silang lumingon saakin. Nag-iwas naman ako ng tingin at di sila pinansin.
"Nako siguro nangopya siya sa katabi niya."
"Uyy di naman siguro. Baka naman kasi tinamad lang siya noon, ngayog nasa section na natin siya saka lang siya nagseryoso."
GIANS POV
Narinig ko ang usapan ng mga babaeng yon, first time in my life na may nagtanggol saakin. First time na mayroong taong hindi ako hinusgahan. Umalis na ako sa kinatatayuan ko. Pumasok na ako ng kotse para makauwi at makapaghinga.
Pagdating ko ng bahay ay sinalubong ako n gaming mayordoma.
"Oh iho kumusta ka, maaga ka ngayon ah."
" Masama po kasi ang pakiramdam ko lola, kaya nauwi ako ng maaga."
"Oh siya umakyat ka na sa kwarto mo at dadalhan kita ng gamut.'
"Salamat po lolo. Wala po si daddy? Si mommy po nasa."
"Ang daddy mo my business trip, ang mommy mo naman ay nag bakasyon sa Island ng tita Aimee mo."
"Sige po lola." Lagi nalang silang wala sa oras na kailangan ko sila. Ewan ko ba. Bakit kaya nila ako hinahayaang mabuhay ng magisa.
Pagkapasok ko ng kwarto nahiga na ako sa kama at agad naman akong dinalaw ng antok.
Nagising ako sa ingay na nanggagaling sa labas ng kwarto ko.
"Bro ikaw na ang magsabi sakanya."boses ni Angelo.
"Bro ikaw ang nakabasa at sayo din nagconfirm si Amber na totoo ang lahat ng mga nabasa mo sa page niya."
Pagkarinig ko sa pangalan ni Amber ay agad akong tumayo para buksan ang pinto.
"Anong tungkol kai amber?"
Gulat naman ang tatlo na napatingin saakin. Tinulak nila si Angelo paharap. Lumingon naman ito sa dalawang nasa lokuran niya.
"Go bro sabihin mo na."
Tumingin na siya saakin pero hindi pa rin ito nag sasalita. Tinitigan ko lang siya ng masama. Inabot niya ang cell phone niya saakin, at naka open ang message ni Amber. Binasa ko ito, hindi naman gumalaw sa kinatatayuan nila ang mga ito.
"Amber totoo ba ang lahat na nasa page mo?"
"Oo Angelo."
"Paano naman yung kaibigan ko. Masasaktan yun."
"Matagal ko ng gusting makipaghiwalay sakaniya, siya lang ang may ayaw."
"Mahal ka niya kaya ayaw niyang maghiwalay kayo alam mo yan."
"Oo mahal niya ako, pero Angelo naman anong ipapakain niya sakin pag nagkatuluyan kami, ni hindi man lang siya mag aral ng maayos, lagi siyang bagsak sa mga exams. Oo alam ko mayaman sila, pero sa tingin mo ba sakanya ipapamana ng daddy sab obo ng kaibigan mong yun."
"Hindi naman bobo ang kaibigan ko, hindi lang siya nagseseryoso."
"Basta Angelo, ngayong malayo na ako sakanya gagawin ko lahat ang gusto ko. Pakisabi nalang sakanya na tapus na ang lahat saamin."
"Ano nalang ang gagawin ng kaibigan ko pag nalaman niya to. Alam mo naman na mahal na mahal ka niya diba."
Doon na nagtapos ang pag uusap ng dalawa. Gusto kong magwala, gusto kong sumigaw pero bakit hindi ko kaya, bakit ayaw gumalaw ng katawan ko. Ibinalik ko sakanya ang phone niya saka ako pumasok sa kwarto. Sinarado naman nila ang pnto saka umalis na rin. Bakit ganito ang sakt, parang pinipiga ang puso ko. Para akong patay. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung anung iisipin ko. Bakit ganito ,binigay ko lahat sakanya, saan ba ako nagkulang, bakit ba ganito, ganito ba talaga ang pag ibig. Oh pag-ibig ba ang ang pinaramdam niya saakin o hindi.
Humiga nalang ulit ako sa aking kama at tumitiga sa kisame. Ang daming tanong na naglalaro sa isipan ko. Naalala ang mga sandaling masaya kami. Mga araw na nagsasabihan kami ng I LOVE YOU. Totoo ba ang mga sinabi niya saakin noon, na mahal niya ako.
Hindi ko alam kung ano ba ang kulang, hindi ko alam kung nakanino ang problema. Oo bobo ako sa school pero kaya kong mag aral ng mabuti para saknya kung sinabi niya lang sana. Hindi yung ganito na agad meron na siyang iba. Hindi yung ganito na ibabasura niya agad lahat ng pinagsamahan naming. Kaya ko naman magbago eh. Kaya ko para sakanya.
Ring, ring, ring, ring,
"Hello"
"Bakit?". Hindi ito sumagot agad. "bakit mo nagawa saakin to. Sana sinabi mo nalang sakin na magbago gagawin ko naman eh para sayo. Alam mo naman na gagawin ko lahat para sayo."
"Tama na ok, pagud na akong magpanggap na mahal kita, pero ang totoo niyan ay hindi. Pagud na ako sayo. It's about time naman na sarili ko ang isipin ko."
Tulala ako sa mga sinabi niya. Nabitawan ko ang phone ko, pero bakit walng luha na lumalabas sa aking mata. Bakit parang namanhid na ako. Humiga nalang ako at pinkit ang mga mata.