Iniabot ni Tan ang hawak na medical chart sa nurse matapos pasadahan iyon mabilis na tingin. Ibinaling niya ang tingin sa pasyenteng tahimik na nakaupo sa gilid ng hospital bed. Tatlong araw na ito sa ward na iyon. Hindi gaano nagsasalita at kumikibo simula nang ma-confine. Colon cancer ang diagnosis at nasa stage 3 na ito.
Jhun Madrid, sixty doesn't want to be treated. At lalong ayaw nitong ipaalam ang kalagayan sa nag iisa nitong anak na nagtatrabaho sa Japan. Pirma na lang at consent ang kailangan para matuloy na ang surgery pero nade delay sila dahil sa pagtanggi ng matandang lalaki.
"Try to contact someone from his family again." aniya kay Giselle, ang attending nurse.
Natatandaan niyang palaging may kasama ang pasyente sa dalawang beses na check up nito noon. Bagaman mag isa na lang itong nagpunta nang ma confine.
"Kahapon pa ako nagta try, Doc. Hindi sumasagot ang Ate niya sa mga tawag ko."
"Try again until she answers." sagot niya. Iniabot niya dito ang medical chart saka lumabas ng ward.
"Yes, Doc.. Eh Doc, may kasabay ka bang mag lunch mamaya?" Habol ni Giselle na pinipilit sumabay sa mga hakbang niya.
"I eat alone. Asikasuhin mo ang pasyente mo. Gusto ko ng feedback bago matapos ang araw na 'to." Nilakihan ni Tan ang mga hakbang, leaving the nurse behind.
Ngumuso si Giselle. Nilingon ang mga nurses na nasa nurse station. Sumenyas ng bigwas nang makitang nagtatawanan ang mga ito.
Dumeretso si Tan sa opisina niya pagkatapos ng rounds. Hinubad niya ang suot na doctors gown at isinabit iyon sa rack bago naupo sa swivel chair.
He was not just a surgeon now. Board member na rin siya. Kung tutuusin, hindi na siya kailangan sa surgery room sa dami ng competitive at magagaling nilang surgeons pero mas gusto niyang nasa loob ng malamig na lugar na iyon, ginagawa ang lahat para magsalba ng buhay ng pasyente kaysa maupo sa opisina niya at mag isip.
He hates thinking and doing nothing since three years ago. Halos sa ospital na nga siya nakatira kaysa sa bahay na nabili niya sa Makati. Going home alone makes him feel sad and lonely.
Binuksan ni Tan ang tablet, ni review ang medical diagnosis ng mga pasyente. Nasa ganon siyang ayos nang mag ring ang cell phone niya. Ang kakambal na si Sean ang tumatawag.
"Are you free tonight?" bungad nito nang sagutin niya ang tawag.
"Why?"
Malalim na buntong hininga ang isinagot nito sa kanya.
"Lets grab some drinks.. Matagal na since we last drink together.."
"Sa dati." maiksing tugon niya saka pinutol ang tawag.
Eversince his strange wife left a year ago, his brother has been hurting. Nailing si Tan. What a cruel life. Wala yata sa kanila ni Sean ang makakasunod sa mga yapak na dinaanan ng mga magulang nila. Chase and Charry was the perfect example of happily married couple.
❤️
Bahagyang nagulat si Melanie nang may lumanding na paper bag sa lamesang inuukopa niya. Si Jasmine, ang nag iisang kaibigan ang nakita niyang nakatayo sa harap niya.
Nasa coffee shop siya ng DMM Hospital. Isinama siya roon ng kaibigan matapos niyang kulitin na tulungan siyang makapasok bilang Janitress doon.
Dating head nurse ang trenta y sinco anyos na si Jas sa kalabang Hospital. Nagresign ito tatlong taon na ang nakakaraan - - ilang buwan matapos mamatay ang kakambal nito sa sakit sa puso.
"Kumusta?" excited na tanong niya. Itinabi niya agad ang ginagamit na notebook at ballpen na nasa ibabaw ng lamesa.
"Hindi pa ba obvious ang sagot?" inginuso nito ang paperbag saka naupo sa harap niya.
Inabot ni Mel ang paperbag. Nagliwanag ang mukha niya nang makitang uniform ang laman niyon.
Nag angat siya ng tingin sa kaibigang
mayabang na nakangiti sa kanya. Kinuha niya ang kamay nito, nagpasalamat ng paulit ulit.
Resume lang at dasal at ang tulong ng kaibigan ang kailangan, nakapasok na siya sa wakas bilang janitress sa DMM Hospital. Sa tulong syempre ni Ate Jasmine at ng kakilala nitong Doktor doon.
"I-treat mo kami ni Francis ng milk tea sa unang suweldo mo. Para kahit paano gumaan gaan na ang loob non sa 'yo." tukoy nito sa asawa.
Niyakap niya ang paperbag.
"Thank you, Ate! Salamat talaga!"
"Kuuh. Sana ganyan din ang passion na nakikita ko sa mga mata ng nurses at Doktor ngayon. Mula security hanggang nurses, sukang suka na sa amoy ng ospital at pasyente, padami na sila nang padami. Wala lang silang choice kundi mag stay."
Lumabi siya. Hindi ganon ang nakikita niyang rason kung bakit mas pinipili ng mga nurses at doktor na mag trabaho sa ospital sa kabila ng maliit na pasahod.
"Paano mo naman nasabi? Kung hindi nila gusto ang trabaho nila, sa tingin mo ba mapu-puwersa mo silang maya't maya ngumiti?"
Naiiling na tinapik ng kaibigan niya ang kamay niya.
"Ang naive mo talaga, girl. Sa barko ba talaga kita nakilala noon o bumagsak ka galing sa langit? Tatlong taon ka na sa Maynila ang inosente mo pa rin. Kaya hindi kita maiwan iwan mag isa kahit inaaway na ko ni Francis."
Maluwang siyang ngumiti. "Thank you."
"Hoy, pumayag akong tulungan kang makapag trabaho dito kapalit ng pagpapagamot mo, okay? Nangako ka sa 'kin. Ipapatanggal kita agad sa trabaho oras na hindi ka sumunod sa usapan natin."
Mabilis siyang tumango. Inilabas ang uniform sa loob ng paperbag. Sinipat iyon.
"Small yan." sabi ni Jasmine. Napangiti na rin nang makitang hindi mabura bura ang ngiti sa mga labi niya.
Hindi nito maiintindihan ang totoong dahilan kung bakit mas pinili niyang mamasukan sa ospital bilang janitress kaysa tanggapin ang alok nitong trabaho sa opisina ni Francis.
May sariling rason si Mel. Si Aaron Sandoval. Ang lalaki ang pangunahing rason kung bakit gagawin niya ang lahat makapasok lang sa DMM Hospital.
Dalawang buwan na ang nakakaraan nang malaman niyang sa ospital na iyon nagta trabaho ang lalaki. Doktor ito roon. Hindi siya nag atubiling manghingi ng tulong kay Ate Jas.
Pagkatapos ng mahaba habang kumbinsihan at diskusyon, napapayag niya rin itong tulungan siya.
Jas was almost like a sister to her. Nakilala niya ito sa pier dalawang taon na ang nakakaraan. Noong mga panahong pinanghihinaan siya ng loob at gusto nang bumalik sa Aklan, ang bayan kung saan siya ipinanganak.
Jas was still grieving then. Namatay ang kakambal nito at mag isa itong bumyahe papuntang Iloilo.
She took her in. Sa kabila ng pagtutol ng asawa nito. Hanggang sa mga oras na iyon sa bahay siya ng mag asawa nakatira. Ayaw siyang pakawalan ni Jas sa kabila ng pakiusap niya.
Few months ago, aksidenteng nasaksihan nito ang pagha hyperventilate niya. Kinulit siya nitong magpa check up. Bukod sa kanya, si Jas lang ang nakakaalam ng kondisyon niya.
"Puwede ka ng mag umpisa sa Lunes. Kaya mamili ka na ng mga kailangan mong gamit."
"Sasamahan mo 'ko?"
Binitbit ni Mel ang paperbag matapos sinupin at ipasok sa bag ang notebook at ballpen. Palabas na sila ng hospital nang masalubong nila ang isang matangkad na lalaking nakasuot ng doctor's gown.
Bahagyang bahagya, nasagi ng paper bag na bitbit niya ang lalaking busy sa hawak na tablet. Mahina siyang umusal ng 'sorry'. Nagkibit balikat nang likod lang lalaki ang nalingunan niya. Dahil masyado itong engrossed sa binabasa, hindi sigurado naramdaman na nabunggo niya ito.
Kumapit siya sa braso ni Jas at nagpaakay dito palabas sa revolving door ng ospital.
Ilang hakbang paglagpas nila sa isa't isa, huminto sa paglalakad ang lalaking nabangga niya. Saglit na natigilan bago marahas na nilingon siya.
Kumakabog ang dibdib ni Tan sa hindi niya maipaliwanag na dahilan. Ang babaeng dumaan, her scent smelt familiar.. It almost spells B-E-T-R-A-Y-A-L.
Mabilis na tumalima si Tan para sundan ang babaeng tuluyang nakalabas ng ospital pero pagkalabas na pagkalabas niya ng revolving door, tumunog ang cell phone niya.
Si Giselle ang tumatawag.
"Doc, bad news eh..'Yong sister ni Sir Jhun, namatay na bago pa man siya ma confine.."
Nagpakawala ng hangin sa baga si Tan nang maputol ang tawag. Sinuyod ng tingin niya ang daan. Wala na ang babae.
Bumalik siya sa loob. Ipapaisa isa niya ang CCTV sa palapag na iyon sa security. Kailangan niyang masiguro na tama ang hinala niya.
That woman from three years ago. He vowed to find her.. And make her pay for what she did to him.