Chereads / Arcane Vampire: A Fabled Fiend / Chapter 30 - Trump Card

Chapter 30 - Trump Card

Blood XXVIV: Trump Card 

Zedrick's Point of View 

Matalim na tiningnan ni Vermione ang dalawa na sa harapan namin nang tawagin niya ako. "Zedrick!" Tawag niya at mas pumusisyon. "Kalimutan muna natin kung ano ang pinagtalunan natin nung nakaraan, but if you are going to help me. I will also assist you." Litanya niya na nagpabuka ng bibig ko. "So, don't hold me back." Pagkasabi niya no'n ay mabilis pa sa cheetah ang pagtakbo niya. Nakarating kaagad siya sa harapan ni Zoe at tumalon para mai-swing ang scythe sa manika nang iwasan iyon ni Zoe. 

Sinunod naman niya 'yung babae na nakasuot ng hood. Pinaikot ikot niya ang Scythe sa kanan niyang kamay saka iyon ibinato sa babaeng bampira. Tumalon siya pero nagkaroon ito ng daplis sa braso kaya nang lumanding siya ay patalon din itong umatras. Tiningnan niya ang nakuhang sugat at tahimik na ibinalik ang tingin sa amin. "You're making me mad." 

Bumalik na ang Scythe sa mga kamay ni Vermione na kaagad din akong sinenyasan. Lumabas muli ang vampire instinct ko at sinundan ang amoy ng dugo nung naka-hood dahilan para makapunta kaagad ako sa likuran niya at akmang sasapakin sana siya nang kunin niya ang kamao ko't ipinunta ako sa harapan. Nagsasaluhan kami ng mga kamao't sipa. Si Vermione naman, nandoon kay Zoe. 

"I do not desire a falsely embellish future so I've got to do this." Inangat niya ang tingin para ako naman ang isunod na gagamitan niya ng hallucination. Umiwas kaagad ako ng tingin kaya hindi ko nakita ang mukha niya pero ang sunod naman niyang ginawa ay naglabas siya ng makapal na itim na apoy mula sa kamay at inihagis ito sa akin. 

Umilag lang muli ako kaya ngayon ay tatama iyon kay Savannah kaya mabilis akong lumingon, hindi ko na iyon maabutan. "Sh*t!" Sinubukan ko pa ring pumunta papunta sa kanya. Ngunit tumama sa likod ko ang Black fire ball na inilabas nung babaeng iyon kaya mas hindi ako nakagalaw. 

 Tatama na ang makapal na apoy kay Savannah nang laking gulat ko na lang noong may ibang sumalo noon. 

Savannah's Point of View 

Nakadapa ako sa malamig na simento. Hindi ako makagalaw sa kung nasaan ako ngayon, na-paralyze ang katawan ko dahil sa naging epekto na ibinigay na drugs sa akin. Kahit na ano ang gawin kong pagkilos, hindi talaga ako makagalaw. Kaya ngayong tatama na ang makapal na apoy sa akin, nanatili lang ako sa pwesto ko.

 Pinilit kong tumayo pero mas lalong nanginig ang katawan ko't hindi makagalaw. Unti-unti kong inangat ang ulo ko para tingnan ang paparating na itim na apoy. Hanggang ngayon, palpak pa rin talaga. 

 Titig na titig lang ako sa apoy no'ng mapatingin ako sa babaeng biglang pumunta sa harapan ko upang siya ang sumalo ng apoy na dapat ay tatama sa akin. Napanganga ako lalo na nang makilala ko ito kahit likod lang n'ya ang aking nakikita. Ganitong ganito rin 'yung ginawa niya sa akin noong hawak-hawak ko ang Savannah Cat at mababasa sana ako ng tubig mula sa pagkakatalsik sa gulong ng Truck. 

 "Melo...Dy." Marahan kong pagtawag sa pangalan niya.

Napaawang-bibig ang babaeng may suot-suot na hood. "Hindi siya tinablang ng gamot?" Hindi makapaniwala sambit nito.

Lumingon si Melody sa akin kung saan nakikita ko ang ngiting matagal ko ng gustong gustong makita. 

Subalit kumpara ngayon, walang emosyon ang mukha niya pero tumutulo ang kanyang luha. Pulang pulang mga mata't tuyong tuyong mga balat. "Do you remember that day when you have shown me I had my own courage?" She asked me and widened her smile. "You gave me everything, 'till now." Mas napaawang pa ako sa sinabi niya. Her voice…

 Pumaharap siya ng tingin noong muli nanamang naglabas ng isa pang apoy ang babaeng may itim na hood. Sa sobrang bilis nito ay hindi na rin ito pwedeng mailagan. 

 Tila nag slow motion ang pag-atake nito habang tinititigan ko lang ang likod ni Melody. "I never told you this before but, I'm glad that I met you. I got to meet you-- a person who gave us a joyful smile. We're unlocked in this hellish cell where we were bound to stay. We didn't regret living 'cause we have you. But the thing is," She paused, "It's sad to know na hanggang dito na lang." Sambit niya kasabay ang kanyang paglingon. Nagtama ang tingin naming pareho. 

 Humagikhik siya kasabay ng pagtulo ng luha ko. "This is the last, good-bye." 

Umiling ako. "No... Wait, don't go." Nanginginig ang kamay ko na umaangat para abutin siya. This time, she bid me farewell. Right now, I can't stand firm that she's no longer here. 

They are already leaving me… for good. 

 Sa isang iglap. Lumiwanag ang paligid. Tumama na sa kanya ang nagliliyab na itim na apoy dahilan para mabilis na naging abo si Melody. 

Nawala na rin ang apoy at sumabay sa paglipad ang mga abo niya kung saan siya dadalhin ng hangin. Nakaangat pa rin ang mga kamay ko at naalala ang mga mukha ng mga kaibigan ko sa nakaraan. 

"'Till we meet us again." Rinig kong boses ng mga kaibigan ko. 

 May muli nanamang sumulpot sa harapan ko kaya inangat ko ang tingin. Bigla niya akong sinakal para iangat sa ere. I can't breathe! 

Iminulat ko ang kaliwa kong mata para makita ang taong ito. Siya 'yung lalaki na nakita namin sa supermarket. Iyong may abilidad na mapahinto ang oras gayun din ang mga living things. Ipinagsamang Time Manipulation and Chronokinesis. 

Hinawakan ko ang mga kamay niya na sinasakal ako. 

 "LET GO OF HER!" malakas na tinig ni Zedrick at itutusok ang Jian Sword sa bampirang ito nang malakas niya akong ihagis kaya tumama ang likod ko sa malamig na poste't bumagsak sa simento. 

Tapos napatingin na lang ako sa Jian Sword ni Zedrick na bumagsak at tumusok sa mismo kong harapan. Kaunti na lang ay pwede na rin akong matamaan niyon. 

"Stand back." Sumunod naman si Zoe at ang isa pang bampira sa sinabi nung lalaki na iyon at umatras. Ngayon ay pati si Zedrick ay sinasakal na rin ng lalaking iyon. 

 Nanghihina na rin siya at hindi na makalaban pa. "This is disgusting, Zedrick. You're still weak." He said as he underestimated Zedrick. Pagkatapos ay parang tinapon na lamang niya ito na parang wala lang para muli akong lapitan. 

Noong makarating sa harapan ko ay kinuha niya ang kwelyo ko't binuhat sa ere. "We meet again, huh?" Ngisi nitong sambit pero lumunok lamang ako ng sariling laway. 

 I still can't move. 

 "Hindi ako nakaganti sa 'yo nung nakaraan. Pero hayaan mo, matatapos din 'yan. So, If you excuse me, little girl." May inilabas siyang patalim mula sa likuran ng kanyang bulsa. 

 "What are you going to do with her?!" Sigaw ni Zedrick. 

 Umismid lang ang lalaking may hawak sa akin. Pinaikot niya ang patalim sa kanyang daliri, hindi ko inaasahan na ibabaon niya kaagad ang patalim sa aking tagiliran dahilan para maglabas ako ng dugo mula sa aking bunganga. Tumalsik ang pulang likido sa lupa habang nanginginig ang mga mata kong nakababa ang tingin. 

Ang hirap makakuha ng sapat na hangin. Ang sakit! Ang sakit! 

 Tumawa sa tuwa ang lalaking ito at muling inulit ang pananaksak sa akin dahilan para mas mapasigaw ako sa sakit. "Your scream is too gaudy, can't go on anymore? How pitiful. Come on, enchant me with your skills. Don't waver." 

Tumingala ako nang hindi nawawala ang pagnginig ng aking mata. Unti-unti na ring dumidilim ang paningin ko. Pero bago pa man ako makatulog ay nakita ko pa ang pag-inum niya sa dugo ko. 

 I can't win this battle if I can't beat this guy. How? How can I... 

 …how can I avoid DEATH? Once I am gone, that's it. It's game over. 

Vermione's Point of View 

 Umatras sila Zoe pagkatapos silang bigyan ng salita ng lalaking iyon habang nakatulala lang ako sa bampirang buhat-buhat ngayon si Savannah. 

Hindi kaagad ako nakagalaw dahil sa aking nakikita. 

 Hindi ako pwedeng magkamali, siya iyong lalaking iyon! Ang nag-utos na pasuin ako sa mainit na bakal para mag-iwan ng nakakadiring peklat sa aking tiyan, ang nagkulong sa akin sa madilim na lugar na iyon. Ang dahilan ng pagdudusa ko, ang pumatay sa magulang ko. 

Kinuyom ko ang paghawak ko sa Scythe. Hindi mapigilan ang sarili na atakihin siya. 

Hindi kaagad nasundan iyon nila Zoe kaya nagawa kong atakihin si Bryan Olson. 

Pero gaya ng pag-atake ni Zedrick kanina ay nabigo rin ako dahil pagkatapos niyang umikot para umilag ay malakas nito akong sinikmuraan sa pamamagitan ng pagsiko niya. Nanatili ako sa ere habang napaubo ng dugo. 

Hinipan ako ng ilang sandali bago ako mabilis at malakas na tumalsik. Nagpagulong gulong ako sa lupa kung saan mas nahihirapan na akong tumayo. Mas lumakas siya pagkatapos niyang inumin ang dugo ni Savannah. 

 "I will kill you, kill you, kill you, kill you, kill you, KILL you!" Nanggigigil kong sabi na binigyan lamang niya nang mapang-asar na ngiti. Hindi pa nakuntento dahil tumawa pa siya ng bahagya't dinilaan ang ibabang labi kung saan may natitira pang dugo si Savannah doon. 

 Nanggagalaiti ako sa galit. Hindi ko mapapatawad ang nilalang na 'to. 

 

 Naglakad palapit sa akin si Zoe saka niya tinadyakan ang tiyan ko. Napagulong nanaman ako dahil ang lakas din niyon. Umubo ako ng dugo pero nagawa ko pa ring iangat ang aking tingin para makita si Savannah, ngunit inilipat ko ang tingin kay Zedrick noong malakas niyang tawagin ang pangalan ni Savannah habang patuloy sa pagbagsak ang luha sa kanyang mata. 

 Unti-unting namilog ang mata ko. Why is he crying…?

 Sinipa naman ako ni Zoe sa bandang mukha at sa pagkakataon na ito ay nakatingin na lamang ako sa pulang buwan matapos kong gumulong. "SAVANNAH!!!" Malakas ang sigaw ni Zedrick na habang tumatagal ay humihina na ang pandinig ko. Ang tanging naririnig ko na lamang ay ang malakas na pagtibok ng puso ko. 

 Naramdaman ko ang pagtulo ng dugo mula sa ulo ko. Wala pa rin akong kayang gawin hanggang ngayon, kailan ba ako magiging ganito? 

 I'm weak, I have no rights or choice. But I can't let them die, right? Even if fate is too persistent to end and break by these vampires. 

 Dahan-dahan akong tumayo kahit hirap na talaga ako. 

 This will be the last time but I will do it because I want to. 

 Huminga ako ng malalim, handa ng ilabas ang isa sa trump card ko ngunit 

biglang nagkaroon ng liwanag mula sa gawi nila Savannah. 'Di ko na nagawang makita pa dahil malakas na tumibok ang puso ko isabay mo pa ang ulo ko na biglang nanilim. 

 Napaluhod ako't napadapa. Hindi namalayan na nakatulog ako. 

Zedrick's Point of View 

Hindi ko na nagawang makagalaw matapos ang huling pag-atake ni Bryan sa akin. Hingal na hingal, pawis na pawis na nakadapa sa malamig na simento habang patuloy pa ring nakahinto ang tingin ko sa babaeng nakapikit na ngayon. 

Ang amoy ng dugo ni Savannah ay nagkalat sa paligid habang tuwang tuwa na iniinum ni Bryan ang likido sa kanyang katawan. 

 Inangat ko ang balikat ko habang nakasuporta ang kaliwa kong siko. "ARE YOU GOING TO REPEAT THE CRIME YOU DID?!" Patuloy pa rin siya sa pagtikim ng dugo ni Savannah at animo'y walang naririnig sa sinasabi ko. Hanggang sa ilapit na niya ang mga pangil niya sa leeg ni Savannah kung saan biglang nanumbalik sa mga alaala ko 'yung pangit na nakaraan. Mas bumagsak ang luha sa aking mata at mas lalong nakaramdam ng paghihinagpis. "Stop it, Stop it!" 

May narinig akong isang click at nagulat nang biglang lumiwanag mula sa gawi nila Savannah. Napapikit ako at nakaramdam nang biglaang antok. 

Nagmatigas akong imulat ang mata ko upang makita ang nangyayari, ngunit sa hindi malamang dahilan. 

 Nawalan na lamang ako ng malay. 

*** 

 NAGISING AKO KINAUMAGAHAN. 

Umupo kaagad ako sa pagkakahiga at napahawak sa likod ko nang maramdaman ko ang matinding sakit. Napayuko ako nang kaunti at napangiwi. 

May bandage ng nakapulupot sa katawan ko at walang suot na pang itaas. Iginala ko ang paligid, tanging kama at mga gamit sa clinic ang makikita. 

 Nakarinig ako ng mga yapak ng paa. Inurong ng kung sino ang kurtina saka bumungad sa akin si Mr. Okabe. "Mr. Okabe!" Gulat na tawag ko sa kanya habang ngumiti lang siya. 

"Rise and Shine." Bungad niya saka siya sa umupo sa upuan na nasa gilid ng kama ko. 

"Eh? Na sa ano lang ako kanina, ah? Bakit ako nand-- Si Savannah!" Tatayo sana ako pero pinigilan niya ako't ibinalik sa pagkakaupo ko sa kama. Ang lakas niya! O baka sadyang mahina ako ngayon?s

"Easy, okay lang silang dalawa. Na sa kabilang kwarto sila at ginagamot." Kumbinsi niya at inalis ang eye glasses para punasan ang lens nito. "Tinatahi ngayon ang sugat ni Savannah gano'n din 'yung kay Vermione."

I leaned closer. "L-let me heal them!" Udyok ko pero umiling lang siya. 

"Look at your wounds." Tukoy niya sa mga natamo kong sugat na sinundan ko naman ng tingin. "Kahit gamitan mo sila ng abilidad mo para pagalingin sila, it's useless. Mahina ka ngayon." 

 Mahina… 

 Bumalik sa utak ko 'yung paraan ng pananakit ni Bryan Olson kay Savannah kaya mabilis na namuo ang galit sa aking dibdib at hindi na kontrol ang sarili kaya napasuntok ako sa pader na nasa likod ko. "Sh*t!" 

 Mas nagagalit ako dahil sa wala akong nagawa para kay Savannah, gano'n din kay Vermione. Kung magpapatuloy pa 'to. Hindi ko sila pwedeng ma-protektahan. 

Bryan's Point of View 

Luhod akong nakaharap sa panginoon kong si Beelzebub-- The Prince of Darkness. Ibinibigay ko ang balita tungkol sa nangyari ngayong gabi. "Did you find her?" Tanong nito ng hindi nagpapakita sa akin. May nakaharang na puting kurtina at tanging anino lang niya ang nakikita ko. Wala pa talagang nakakakita sa kanya, ni kahit na sino sa amin dito ay wala pa. 

Nakapikit lang ako nang ngisi kong iangat ang ulo ko para sagutin siya. "Yes, I finally found the Trump Card, my lord. The prophecy's is about to come." Ani ko, "By the help of that child, the Demon King will be resurrected again."

Umismid ang panginoong Beelzebub saka unti-unting nawala. Tumayo na ako at tiningnan ang babaeng nasa likuran ko. "You, just keep on observing the Princess while I'm not around. May bago akong aasikasuhin." Nakita ko lang ang pagtango niya kahit na sa madilim siyang parte bago siya tumalikod at umalis.

Muli akong humarap kung nasaan kanina ang panginoon bago matawa't maglaho.