Blood XXX: Square One
Savannah's Point of View
Looking at myself in the mirror with a blank and spiritless face while waiting for something to happen. I was at the place where no one's around, nobody-- Empty.
The only thing I could see is nothing but mirror.
"Hey, do you hear me?" My reflection spoke. Walang imik kong tinitigan ang sarili ko. Kung ano ang itsura ko, iyon din ang nakikita ko mula sa salamin.
Ang pinagkaiba lang, hindi kami pareho ng mukha. Itim ang buong mata niya at matalim ang kanyang mga tingin. Hindi rin nawawala sa labi niya ang ngisi. "Why don't you come over here?" She asked with her devilish smirk.
She's not me. Who is she?
"I am you." Sagot niya na para bang nababasa nito ang na sa isip ko. Inilahad niya ang kanyang mga kamay para alukin akong sumama sa kanya. "There's nothing to be afraid of. Come." Ibinaba ko ang tingin para tingnan ang kamay niya. Nagdadalawang-isip ako subalit bakit unti-unti kong inaabot ang kamay niya?
"That's right. Don't be afraid, you know yourself better than anyone, Savannah." Umangat ang tingin ko sa kanya at dahan-dahan ng inaabot ang mga kamay niya.
Is this even the right thing to do? She's trying to trap me inside a black hole.
Muli kong tiningnan ang sarili ko na lumalawak na ang pagngisi, pagkatapos ay binawi rin ang aking kamay dahilan para mapaawang bibig siya. Umatras ako. "This place reveals my other self, you're a part of me but I won't let you take my body as you please." Lumukot ang mukha niya dahil sa sinabi ko at ipinakita ang totoo niyang anyo. Lumabas ito mula sa salamin at naging isang anino. Pareho kami ng katawan but she's my hidden darkness.
Maliwanag na naging pula ang mata niya't mabilis na nakarating sa harapan ko. Sinakal niya ako't malawak na ngumanga kung saan parang hinihigop nito ang buong lakas na mayro'n ako.
Nalulula ako ako. "Stop!" Udyok ko pero patuloy pa rin siya sa ginagawa niya hanggang sa mapadilat ako sa realidad at mapaupo kasabay ang pagsigaw ko sa sakit ng katawan ko gayun din ang aking tagiliran.
Humawak kaagad ako sa tagiliran ko, itinaas ang blouse saka nakita na mayroon ng tahi ang sugat ko. Medyo mahapdi ito lalo na kung gagalaw, kumikirot pa.
Humawak ako sa noo ko kasabay ang pagbaba ng aking pawis. "A dream…" Paanas kong wika.
Pumitlag ako nang iurong ng kung sino ang kurtina. "Dad." Tawag ko sa kanya. Namilog ang mata niya pero ngumiti rin pagkatapos.
"Gising ka na pala." Bungad ni Dad saka siya pumasok. Umupo siya sa edge ng kama at hinawakan ang pisngi ko na basang basa ng pawis. "Did you have another nightmare?" Tanong niya saka ko napagtantong hindi pa rin pala tumitigil ang panginginig ko.
Hinawakan ko ang sariling kamay at yumuko. "Napapadalas na ba 'yan?" Dagdag tanong niya na inilingan ko bilang sagot.
"Ngayon na lang ulit." Mahina pero sapat lang para marinig ni Dad ang sagot ko. Pagkatapos ay inangat na ang ulo para tingnan siya. "Dinala niyo ba kami rito? Sa pagkakaalala ko, nandoon kami sa pangatlong building." Tanong ko na tipid lang niyang nginitian bilang sagot.
Ibinaba ni Dad ang mga kamay niya na nakahawak sa pisngi ko. "Naabutan kayo ng mga vampire hunters na walang malay kaya dinala 'agad kayo rito para gamutin mga sugat n'yo." Sagot niya sabay tingin sa tagiliran ko.
Napahawak naman ako ro'n ng 'di oras. I see, but it's a miracle na buhay pa rin ako ngayon. Despite na maraming nawala na dugo sa katawan ko.
Tiningnan ko ang paligid ko saka ibinalik ang tingin kay Dad. "How 'bout Vermione? Is she okay? Where is she?" Hanap ko sa kanya na siya naman ang kasabay ng kanyang pagdating. Inurong din niya iyong kurtina. Nakabenda ang ulo niya saka ako ngiting kinawayan.
"Hi." Bati ni Vermione kaya nabunutan naman ako ng tinik. I'm glad, she's safe!
I smiled at her. "Are you okay?" Tanong ko na may pag-aalala.
"You should be more worried about yourself, Savannah." Sambit ni Vermione at ibinaba ang tingin sa tagiliran ko. Makikita sa mukha niya iyong kaunting pagkairita. "Lalo na't ilang araw rin 'yang sugat mo." Nagawa na niyang ngumiti pagkatapos.
Ngumiti lang din ako nang pilit. "Sabagay, feeling ko nga rin magkakasakit pa ako."
Bigla namang inilapit ni Dad 'yung mukha niya sa akin. "Kung ganoon, magde-day off ako para maalagaan ka." Pagsabat ni Dad na hiya kong tinulak paalis sa kama ko.
"Stop it." Nahihiya kong sambit at napatingin sa labas ng bintana. Tirik na tirik na ang araw at maririnig na ang himig ng mga ibon na nakatambay ro'n sa sanga ng puno.
Pero sandali, nasa'n nga pala si Zedrick?
"If you're looking for him, na sa kabilang kwarto siya." si Dad. Namula naman ang mukha ko pero ikinalma rin ang sarili.
"I'm not looking for him." Pasimpleng palusot ko nang hindi nagpapahalata saka tumayo si Dad.
He smiled. "You can be honest sometimes, Savannah. Boto naman ako kay Zedrick, eh." May pumitik na kung ano sa sintido ko. You're the worse.
Tumayo na si Dad para magpaalam. "Oh, siya. Maiwan ko na muna kayo rito, aasikasuhin ko na muna 'yong mga nasira para makabalik na ang mga estudyante rito on time. Chineck ko lang kayo."
"Thank you, Mr. Okabe." Magalang na pasasalamat ni Vermione habang sumimangot lamang ako. Lumabas na si Dad kaya naiwan lang kami ni Vermione rito sa kwartong ito.
Nanahimik kaming dalawa ng ilang minuto nang magpasya na akong magsalita. "Vermione, iyong tungkol sa totoong identidad ni Zedrick. I'm sorry for not telling you about it, wala lang akong karapatan na sabihin iyon--" Pinutol niya ang sasabihin ko.
Umiling siya at umupo sa edge ng kama kung saan nakaupo si Dad kanina. "There's nothing for you to apologize about, Savannah. In fact, kulang ako sa pagkakaintindi sa sitwasyon. As a member of your team, I should trust my comrades." Litanya niya. "Whether I like it or not, I shouldn't act selfishly. I must not let my emotions control me."
The more that the person is going to dwell the past, the more they will suffer.
I guess, the reason why we lost the battle was because we were lacked of coordination and team work. As a team, we should know what are the strong and weaknesses of one another so we would know how to act whenever we're in crisis.
"So, I'm sorry." Paghingi niya ng tawad. Sumulyap ako sa bandang bintana bago mapabuntong-hininga at mapangiti na ibinalik ang tingin kay Vermione.
"Sa kanya ka dapat mag sorry."
Nagtaka si Vermione sa sinabi ko bago ko nilingon ang bintana kung saan nagtatago si Zedrick. Hinahangin din papasok ang puting kurtina. "Pumasok ka rito, kung may ordinaryong nakakita sa 'yo diyan. Makakagawa ka pa ng problema."
Pumasok nga si Zedrick gaya ng sinabi ko na nagpatayo kay Vermione sa gulat. Nginitian ko si Vermione bago ibinalik ang tingin kay Zedrick na nagawa pang mangatwiran. "Wala namang tao, eh."
"At hihintayin mo pang may makakita sa 'yo?" Taas-kilay kong tanong sa kanya na ikinahagikhik niya.
Kumamot siya sa likurang ulo niya. "Ipagtatanggol mo naman ako, eh."
"How egocentric of you." Paghawak ko sa aking noo. Napatingin na si Zedrick kay Vermione na tahimik lamang na nakatayo at nakatingin sa kanya. Akmang lalapitan upang humingi siguro ng pasensiya nang mapatingin ako kay Vermione dahil sa biglaan niyang pagyakap sa akin na animo'y inilalayo ako kay Zedrick. Kumurap-kurap ako bago ngumiti si Vermione, pero makikita mong hindi iyon totoo at pilit lamang na kumakalma.
Sa hindi malamang dahilan. Parang napapalibutan siya ng itim na aura, medyo nakakatakot.
"Huwag kang lumapit lapit kay Savannah. Baka gusto mo talagang tuluyan kita ngayon." Babala ni Vermione gamit ang malalim niyang boses kaya hindi napigilan ni Zedrick ang mapaatras. Napalunok lamang ako.
"What? Magso-sorry lang sana ako--"
Kinuha ni Vermione ang isa sa baril ko na nakapatong sa side table para itutok iyon kay Zedrick dahilan para magulantang kaming pareho. "Mag sorry ka man o hindi, it doesn't matter anymore. Wala namang magbabago sa kung ano ang tingin ko sa 'yo. You're still a vampire, your kinds who gave me all this sufferings ever since then." Sinabi niya iyan ng hindi pa rin tinatanggal ang ngiti sa labi pero matalim na ang tingin niya. "Hindi ko kayo mapapatawad, mahirap, eh. Kung umaayon sa lahat ang gusto ko, wala na sana kayo. Pero kung hindi dahil sa nangyari sa nakaraan, wala ako rito para pilit na mabuhay. Kayo ang pinaka dahilan kung ano ako ngayon." Mahabang litanya niya na pinakinggan lang namin.
Lumuwag ang paghawak ni Vermione sa baril ko. "Kung hindi lang talaga kay Savannah, hindi rin ako makikisama sa 'yo." Tumaas ang dalawa kong kilay samantalang nakatitig lang si Zedrick. "Pero ito tatandaan mo, vampire. 'Pag sinaktan mo si Savannah." Nawala na ang nakalinyang ngiti sa labi ni Vermione at napalitan iyon ng panggagalaiti. "Swear, papatayin talaga kita."
"Vermione…" Paanas kong tawag sa pangalan niya.
Hindi pa rin nagawang magsalita ni Zedrick pero napangiti rin pagkatapos. "Thank you for trusting m--" Hindi pa nga niya natatapos ang sinasabi niya ay kinasa na ni Vermione ang baril ko kaya hinawakan ko na ang kamay niya upang pigilan siya.
"Hindi ko sinabing nagtitiwala ako sa'y-- Savannah!" Natatarantang tawag ni Vermione dahil sa biglaan kong pagbagsak sa kama. Sumakit kasi 'yung katawan ko lalo na ang aking tagiliran. Mukhang na-pwersa, nahihilo pa ako.
Lalapitan sana ako ni Zedrick pero mabilis na itinutok ni Vermione ang baril ko sa kanya. "Have mercy on me!"
Pumikit na lamang ako't napahawak sa noo habang nagsisimula na ang pagtatalo nilang dalawa.
Ngunit biglang pumasok sa isip ko kung paano nangyari't buhay kami? May nagligtas ba sa amin? Sabi kasi ni Dad kanina ay naabutan lang kami ng Vampire Hunters, kaya ang ibig sabihin ay hindi sila ang dumating para tulungan kami?
"Hindi ba, Sav?!" Iminulat ko ang mata ko nang marinig ko ang palayaw ko. Tiningnan ko silang pareho na animo'y kinukuha ang sagot ko. Nakangiti si Vermione habang parang dikit-kilay naman si Zedrick na nakatingin sa akin.
Ano ba'ng pinag-uusapan nila?
"Who's more important to you?!" Sabay nilang tanong kasabay ang paglapit nilang pareho sa mukha ko.
Lumingon si Vermione kay Zedrick at mas binigyan ito ng matamis na ngiti. "Sorry to say this, vampire. But I am more capable of protecting her than you do. Mas importante ako kaysa sa 'yo." Kumpara niya sa sarili niya kay Zedrick.
Mukha namang napikon si Zedrick sa sinabi ni Vermione kaya magsasalita pa sana ito nang mapabuntong-hininga na ako. "Alam n'yo, imbes na magpahinga tayong tatlo. Nandito kayo, saka ano ba'ng pinagtatalunan n'yo?" Taka kong sabi at dahan-dahang umupo mula sa pagkakahiga. Humawak pa ako sa tagiliran ko dahilan para bubuka ang sugat ko kaya sumandal din ako sa headboard. Nagbuga muli ng hininga at tiningnan silang pareho. "Nagsisimula pa lang tayo as a team, but don't forget that we are protecting everyone-- including each other."
Napakamot naman si Vermione sa kanyang pisngi. "I'm sorry."
Marahan namang inilipat ni Zedrick ang tingin kay Vermione bago ibaling sa akin. Ikinuyom niya ang kanyang kamao bago pasuntok na itinapat sa ere na tila parang nakikipag bro fist sa amin. Ibinaba ko ang tingin doon gayun din si Vermione.
Labas sa ilong kong ikinuyom ang kamao ko para idikit iyon sa kamao ni Zedrick. Ngayon ay pareho naming tiningnan si Vermione na parang nag-aalanganin pang gawin ang isang unity na bubuoin namin.
Nginitian namin siya ni Zedrick na nagpataas sandali sa mga kilay ni Vermione bago mag give in at itapat iyon sa mga kamao namin bago idinikit. "Whatever happens." Pareho naming sambit.
Nabigo man kami sa pagkakataon na ito ngunit ito ang magiging dahilan namin upang mahanap ang nakatagong kakayahan, isang rason para matapos lahat ng ito. Wala akong ideya sa kung ano man ang mangyayari sa hinaharap, o sa kung ano ang naghihintay sa akin. Pero sa pagkakataon na ito, sisiguraduhin kong wala akong pagsisisihan.
The real fight finally starts with their bloodstained hands and uncontrollable thirst. In the darkness, when will they come out?
Okabe's Point of View
Pumasok ako sa System room at lumapit sa isang miyembro ng particular team na nagta-type sa harapan ng screen. Dinadala na niya ito sa files na pinapatingin ko. "Nakuhanan ba?" Tanong ko sa kanya saka niya iniikot ang swindle chair para makaharap sa akin. Tumango ito at tumayo para ako naman ang umupo roon at imbestigahin ang nangyari sa lugar kung saan nakita ng Platoon XXIII sila Savannah.
Pinapanood ko lang ang record video sa oras na iyon nang may makita ako sa screen na nagpapukaw sa atensyon ko.
Sumeryoso ang ekspresiyon ng aking mukha. "An angel who lost her wings, huh?" Sambit ko saka napangisi nang maramdaman kong na sa likuran ko siya. "What are your plans? " I asked him as I glanced over my shoulder.
Na sa madilim siyang parte nang tumalikod ito at unti-unting naglaho. Umismid ako at muling tiningnan ang screen kung saan makikita ang mga walang malay na sila Savannah. Ito na rin 'yong oras na kinukuha na sila ng mga vampire hunters sa Platoon XXIII.
Tumayo na nga lang ako at sinenyasan ang dalawang team na sumama sa akin palabas ng System room. Ipapaasikaso ko na sa kanila ang report.