Chereads / Arcane Vampire: A Fabled Fiend / Chapter 35 - Entrench

Chapter 35 - Entrench

Blood XXXIV: Entrench 

Zedrick's Point of View 

Nanatili akong nakatingala habang nakatulala lamang sa kawalan. 

Akala ko biro lang nila 'yong sinasabi nila kanina tungkol sa pagpalit nila ng katawan at mga sabog lang pero sino nga 'tong niloloko ko? 'Di naman sila 'yung tipong tao na mahilig magbiro. 

 "But still, I'm so amazed on how you could handle the situation very well, Savannah. Ang kalmado mo despite that there's a perverted vampire who is inside your body." Naramdaman ko pa ang paglingon ni Vermione sa akin kaya ibinaba ko naman kaagad ang ulo upang makita siya. 

 Sumimangot ako. "Malaki ang respeto ko kay Sav! Saka parang nung una lang, tinutulak mo 'ko sa kanya, ah?" 

 Pinitik niya 'yung buhok niya't tumagilid ng tayo. "Iba ang dati sa ngayon. Saka bampira ka, walang kaibigan ang gustong masaktan ang kaibigan! Yes, you'll just hurt her!" Tukoy niya kay Savannah at pag emphasize niya sa bawat salitang inilalabas ng bibig niya. 

 Itinaas ko ang dalawa kong paa upang mag indian seat sa inuupuan ko. "I won't hurt her!" Bulyaw ko at umiwas ng tingin. "Ah… Siguro, masasaktan ko siya kapag kinaga--" Naputol ang sasabihin ko dahil tinaliman niya ako ng tingin. 

 "I actually want to kill you right here and now." Nanggigigil nitong sabi. 

 "I have no idea kung bakit nag-aaway kayo in the first place, both of you." Parang nakukunsume na wika ni Savannah na nakasandal lang sa pader. Kahit pala na sa ibang katawan siya, ang cool pa rin ng dating niya-- Oo, ang cool tingnan ng katawan ko ngayon lalo na 'yung paraan ng pagtaas ng talampkan niya para idikit doon sa pader. "Mas maganda kung magkakaroon tayo ng ideya kung saan nagtatago 'yung bampirang may gawa nito sa atin." 

 "Speaking of, sa ating tatlo nga lang ba mangyayari itong phenomenon na 'to? Pa'no kung mangyari pa 'to sa ibang tao na hindi natin kilala at mapunta sila sa mga katawan natin?" Nag-aalalang tanong ni Vermione dahilan para mapaisip din ako. Delikado nga kung mangyayari iyon. "Saka kung hindi man, may mga bagay pa ring risky." Dugtong ni Vermione. 

 Lumingon ako sa kanya. "Tulad ng?" Tanong ko. 

 

 Tumayo si Vermione at tumikhim. "May mga bagay na hindi natin pwedeng makita sa bawat isa. I'll be bold, pero may pangangailangan ang katawan natin na hindi natin pwedeng maranasan o makita tulad ng--" Mabilis na tinakpan ng pulang pula na si Savannah ang bibig ni Vermione dahil sa kahihiyan samantalang pilit lamang akong humagikhik. 

 

 "I don't even know what you're talking about, but let's just keep it that way." Sambit ni Savannah saka binitawan ang naguguluhang si Vermione. Pagkatapos niyon ay tiningnan naman niya ako. "And you, huwag kang gagawa ng mga bagay na hindi ko magugustuhan. I'm watching you." Sabi ni Savannah na parang binabalaan ako. 

 Nakaawang-bibig lamang ako nang sumaludo ako na animo'y isang police. "Yes, Ma'am!" Pagsunod ko na parang isang maamo na aso. 

 "Err, ayoko 'tong sabihin 'to sa 'yo, Savannah. Pero pwede bang huwag ka munang lumapit sa akin habang na sa katawan ka ni Zedrick?" Vermione asked her in a nice way. 

 Tumango naman si Savannah. "Yeah, no problem."

 Talagang ayaw niya sa akin, ano? 

*** 

KASALUKUYAN KAMING NAGLALAKAD ni Vermione palabas ng U.B. 

Naiwan si Savannah dahil mayro'n lang daw siyang iche-check sa other room kaya pinauna na niya kami. 

 Napag-usapan namin na hindi kami masyadong lalayo dahil baka mamaya ay nandiyan lang sa tabi-tabi 'yung bampira dahilan para magkapalit-palit kami ng katawan. 

 Honestly, this is a big crisis more than what I expected. Kapag naglalakad ako, hindi ko mapigilang ibaba 'yung skirt na suot suot ko ngayon, pakiramdam ko kasi ay para akong makikitaan anytime. Bago lang 'to sa akin. Saka talaga bang nakasuot ng shorts si Savannah? Ba't ramdam ko iyong hangin sa loob? Hindi ba siya sinisipon? 

 "Kanina ka pa hindi mapakali diyan. Saka ayusin mo 'yung lakad mo, ang awkward mong tingnan. Gusto mo bang masira 'yung reputasyon ni Savannah?" Ngiting tanong ni Vermione sa akin. 

 "H-Hindi naman sa gano'n. Saka okay naman 'yung lakad ko, ah?" Ibinaba ang tingin ko't lumingon sa lakad ko. Narinig ko ang pagbuga ng hininga ni Vermione kaya humawak ako sa likurang ulo ko na may ngiti sa aking labi. 

 "Ayaw mo pa rin ba sa akin?" Tanong ko nang nakangiti kaya itinabingi niya kaunti ang ulo niya at mas ngumiti kaysa kanina. 

 "What are you talking about? Kailan ba kita nagustuhan?" She asked me. Ang sakit talaga nitong magsalita, kahit marahan at pagalang 'yung sinasabi sa akin, tagos pa rin sa puso. 

 Humalukipkip ako't ibinaling ang tingin. "Hmm, I see, I see. Edi hintayin ko na lang na mawala 'yung galit mo sa akin hanggang sa mamatay ako." Pagkasabi ko niyon ay huminto siya bigla kaya napatigil din ako sa paglalakad upang lingunin siya kasabay ang pagtanggal ko sa pagkakakrus ng aking mga kamay. "Ba't ka huminto?" Taka kong sabi. 

 Tungo lang siyang nakatingin sa sahig. Wala na rin ang ngiti na nakalinya kanina sa kanyang mga labi. Lintek, meron kaya akong nasabing hindi niya nagustuhan? 

 Iwinagayway ko ang dalawa kong kamay sa harapan ng aking dibdib. "A-Ah! Sorry! Kung may nasabi man akong ikinakagalit mo ngayon, sorry! Napaka insensitive k--" 

 Inangat niya 'yung ulo niya, napaatras ako dahil sa itsura ng mga matang ibinibigay niya sa akin. She's going to eat me! 

 Umawang-bibig ako't tangka pang magsalita nang ibuka na rin niya ang bibig niya. "How am I supposed to hate you if continue to act like this?" 

 Wala akong nahanap na salitang pwedeng maibigay sa kanya, kung magsasalita man ako, baka hindi pa iyon maging mabuti para sa kanya. 

 "I want to disappear for acting immature and blame things even if it's not your fault. And don't you know? I'm a selfish person, so I don't want you to make me feel like sh*t!" Sigaw niya sa akin na nagpatitig sa akin sa mukha niya. "Don't ever be so kind to me, it's a lie! A lie! Lie!" 

 Naglabas ako ng hangin sa ilong at inangat ang tingin para tingnan sandali ang araw na sumisilaw sa mata ko. Pagkatapos ay inilipat na lamang ang tingin sa mga ulap na mabagal kung gumalaw. "Honestly, wala pa rin akong maintindihan sa gusto mong mangyari. Gusto mo bang manatiling ganito tayo pero in good terms? O talagang ayaw mo sa akin? But either of the two is okay." Ibinaba ko ang tingin kay Vermione. "Take it slowly, kung trauma mo ang dahilan kaya ka nagkakaganito, tatanggapin ko. May mga bagay kasi tayong hindi maipaliwanag dahil hindi umaayon ang puso natin sa kung ano ang iniisip ng utak natin." 

"Now, you're acting like you understand everything?" Parang naiinis niyang tanong sa akin na inilingan ko. 

 "Hindi, hindi. Ang sinasabi ko lang, because of confusion, nandoon iyong idea na baka masaktan tayo kaya natatakot tayong--" Nag-iba ang paraan ng pagtingin ni Vermione at dahil nandoon ang pakiramdam ko na aatakihin niya ako ay mabilis akong nag bend para hindi matamaan ng sipa niya pagkatapos ay patalon na umatras. "Pakinggan mo muna kaya ako!" 

 Ibinaba niya ang paa niya na nakataas nang kaunti pero hindi pa rin nawawala sa mata niya ang sobrang talim nito. Lumunok na muna ako. 

Tae, bigla akong nawala sa sasabihin k-- Ah, oo nga. 

 "It's not bad to be weak at a time like this, if there are people who're willing to help you, they'll immediately be there. These certain people will be the reason for your strength. Hindi man makakatulong ang mga ito na maging maayos ang problema mo, pwede ka namang magkaro'n ng ideya sa kung ano ang dapat mong gawin. Ikaw pa rin naman ang tutulong sa sarili mo, ikaw pa rin ang magdedesisyon para sa sarili mo. Kami ni Savannah, nandito lang. Handang makinig sa 'yo hanggang sa maging buo ka ulit." Mahabang litanya ko kung saan unti-unti ko nang nakikita ang pag-amo ng mukha niya. 

 Dahil nakaramdam ako ng hiya, niyakap ko ang sarili ko. "That's embarrassing. Hindi ko inaasahan na magsasabi ako ng mga cheesy things--" 

 "I still hate you, though." Ngiting sambit ni Vermione na nagpatigil sa akin sa pagsasalita. 

 Tumaas ang kaliwang kilay ko kasabay ang pag ngiti. "I also hate how honest you are." Nauna na nga akong naglakad habang hindi natatanggal sa labi ko 'yung ngiti. 

Vermione's Point of View 

Noon, akala ko wala na akong pag-asa na magkaroon ng pagkakataon na makita ang mundo. Ilang buwan o baka nga taon akong nakakulong sa lugar na iyon para lang sa pansariling kagustuhan ng mga bampira sa aming mga tao. Sa mga araw na iyon, halos 'di ko na maalala kung ano ang itsura ng mundo. Talaga nga bang nabubuhay ako sa dilim? Ano nga ulit ang pakiramdam mapunta sa liwanag? 

 Iyan ang madalas kong tanungin sa sarili ko. 

Inangat ko nang kaunti ang ulo ko upang tingnan ang mga kasamahan ko na patuloy pa rin sa paghagulgol at paghiyaw sa sakit habang paunti-unting inuubos ng bampira ang natitirang buhay na mayro'n sila. 

 Walang emosyon akong nanonood sa bawat pagpapahirap sa mga kapwa ko nang may lumapit sa akin. Marahas niya akong itinayo mula sa aking pagkakaupo sabay hablot ng aking beywang at hawak sa aking batok upang ibaon ang kanyang matutulis na pangil sa aking leeg. 

 Ngumiwi ako sa sakit at sinusubukang kumawala pero sa tuwing gagawin ko iyon ay siya naman sa mabilis na pag-ubos sa aking dugo. 

 "Huwag mong ubusin ang dugo ng batang iyan." Rinig kong sabi ng bampira na nagngangalang si Bryan Olson. "Don't forget that she's a special case, marami pa tayong kailangang gawin sa kanya." Huling sabi niya bago umalis. 

Inalis naman nung bampira ang pangil sa aking balat at tinulak ako na parang isang basura na pagkatapos gamitin ay itatapon na lamang sa kung saan. Pinunasan niya ang bibig niya at tinaliman ako ng tingin. 

 "Swerte mo at nabubuhay ka pa ngayon." Sambit nito bago nagpamulsang umalis. Nanginginig ang katawan ko habang nakababa ang tingin sa sahig, hawak hawak ang aking leeg bago ibaling muli ang tingin sa mga kasamahan ko na pinagpapapatay na ng mga bampira. Iyong iba naman ay pinagsamantalahan muna bago ubusin ang kanilang dugo. 

 Hanggang sa dumating sa punto na bigyan na ako ng scar pattern sa itaas ng aking pusod. Wala pa rin akong ideya sa kung ano ang ibig sabihin niyon pero kapag nilagyan ka ng gano'ng klaseng pattern ng mga bampira. 

 Ibig sabihin ay mananatili kang buhay pero magiging pagkain ka nila. 

 This is also the reason why I still hate Zedrick Olson lalo pa noong makita ko ang pag-inum niya sa dugo ni Savannah. Kapag nakikita ko siya, para siyang walang pinagkaiba sa mga bampirang kumulong at nagpahirap sa akin sa nakaraan at gagawin lang kung ano ang gusto nitong gawin. 

 Pero, 

 …All living things has their own needs. Kung iisipin ko, wala rin namang pinagkaiba ang mga tao kapag kumakain sila ng hayop. 

Kaya ano'ng pinagkaiba niyon sa bampira? Hindi ba't parang ang hypocrite ko rin? 

'Di naman kasalanan ni Zedrick na naging bampira siya at kinakailangan niya ng dugo. 

 Ano ba'ng dapat kong isipin? 

***

TUMAMBAY NA muna kami ni Zedrick sa waiting shed sa Junior High School Building at hindi na muna bumalik sa classroom. 

Tutal, wala naman din kaming gagawin kaya rito na muna kami habang hinihintay si Savannah. Pero umalis sandali si Zedrick dahil mayro'n daw kukunin pero ilang minuto na rin yata ang nakakalipas at wala pa siya. 

 

 May malamig na dumikit sa pisngi ko dahilan para mapasigaw ako sa gulat. Muntik pa akong bumagsak sa simento. Tiningnan ko ng masama si Zedrick na nakabuka ang bibig pero nginisihan din ako pagkatapos. "Here." Abot niya ng Juice-In-A-Can sa akin.

Ibinaba ko naman ang tingin doon bago ibinalik kay Zedrick. "Treat ko." Ipinakita niya ang wallet na kung hindi ako nagkakamali, kay Savannah naman talaga. 

 Ngumiti ako at itinabingi kaunti ang aking ulo. "Hindi 'yan sa 'yo" Tumawa lang siya't ipinasok ang pouch wallet sa bulsa.

"Okay lang 'yan, babayaran ko rin naman siya. Kaya kunin mo na." Pag-abot pa niyang muli sa Juice-in-a-Can ko. Wala naman akong nagawa kundi ang kunin iyon, tutal medyo nauuhaw rin ako. 

Binuksan ko na nga lang ang inumin ko at napatingin kay Zedrick na nakaupo lang doon sa arm rest nung upuan. "Ayaw mong umupo? Arm rest 'yan kung hindi mo alam. At ginagamit 'yan para ipatong ang--" 

 "You're making me stupid." Sinabi niya 'yan na may bored look sa kanyang mukha. 

 Uminum naman ako ng juice ko. "I want to ask you something." Panimula ko pagkababa ko ng juice-in-a-can ko 'tapos ay tiningnan siya na nakatingin din sa akin. "Ano ang gagawin mo para pagkatiwalaan ka ng ibang tao lalo pa't nalaman nilang bampira ka?" Tanong ko. 

 "Are you referring to yourself?" He asked me. 

 I nodded. "Maybe." Sagot ko naman.

 Narinig ko ang paglabas niya ng hangin sa kanyang ilong. "Nothing." Simpleng sagot niya at muling uminum, medyo nagulantang ako sa naging sagot niya. Wala? Wala siyang gagawin? 

 "You can't convince other people to trust you kung choice nilang 'di ka pagkatiwalaan. It's better for you to act normal and let them think about you. Hindi naman natin hawak ang utak ng iba, kaya wala akong dapat na gawin." Pagkibit-balikat niya. 

 "Hindi ko sure kung tama ba na iyan ang mindset mo." Hindi ko siguradong tugon. 

 Naging seryoso bigla ang tingin niya sa akin. "Kapag ba sinabi kong pagkatiwalaan mo 'ko, pagkakatiwalaan mo 'ko?" Tanong niya na medyo nagpaurong sa akin. "Kapag gumawa ako ng maganda, I don't think you'll be convinced. Pwede mong isipin na pakitang tao lang ako." Inikot niya ang laman ng iniinum niya. "Kapag kino-kontra ng utak mo ang gusto ng puso mo, diyan ka magkakalito-lito hanggang sa hindi mo na alam kung ano na ang gagawin mo at mas magkakaroon ka lang ng doubt sa sarili mo, pati rin sa ibang tao." 

 Umangat pa ang ulo niya kaysa kanina. "You can't trust a person-- or even a vampire like me if you still have your doubts, can you?" 

 Ngumanga ako sa mga binitawan niyang kuwestiyon at litanya, at labas sa ilong sa napangiti. "I see." 

Sino ba namang mag-aakala na mayro'ng wisdom of words 'tong lalaking ito? 

 Pumikit ako nang hindi inaalis ang ngiti sa aking labi. "Fine, I'll trust you."

Suko na ako, kaysa pinapahirapan ko ang sarili ko sa paglingon sa mga bagay na nagbibigay lang sa akin ng sakit. Mas maganda kung ibabaling ko na lang ang tingin ko upang magsimula ng panibago. 

 Pero hindi ibig sabihin ay kakalimutan ko ang nakaraan. The past will be my reason to continue and fight. 

Savannah's Point of View 

Malakas na bumuntong-hininga si Dad nang maipaliwanag ko ang sitwasyon pagkatapos ay napapailing-iling, tila para bang nadismaya siya na hindi mo malaman. "What is it?" naiirita kong tanong. Kanina pa kasi siya umaarte ng ganyan, wala namang sinasabi.

"Savannah, anak. You know what it means when you're in his body. You're not fully aware of what's happening to it but because of the influence of one's actions and feelings, parang ikaw na ang humahawak nito. Pa'no kung biglang nauhaw ang katawan ni Zedrick at hindi mo napigilan ang sarili mo?" Tanong niya kaya mas sumeryoso ang mukha ko. "You could actually kill someone." 

"That's why I'm telling you this to come up with an idea." Giit ko. Hindi lang alaala ang pwede kong maranasan kundi ang nararamdaman nung katawan ng taong gamit gamit ko. 

 Though, I still can't distinguished their exact emotions and memories dahil nagsama ang soul ko sa body nila kung saan nagkakaroon ng conflict sa heart and minds. Kaso ang gusto ko ring malaman ay kung nararamdaman din ba nila Zedrick itong nangyayari sa akin ngayon, kaso hindi naman sila nagsasalita kaya hindi ko na tinanong. Pero paano kung ayaw lang nilang sabihin sa akin? 

 Tumalikod si Dad at inilagay ang dalawang kamay sa likod. "Wala akong pwedeng maitulong, anak. Kayo lang ang makakalutas nito, ikaw lang ang makakapag kontrol sa katawan ni Zedrick." Medyo kumunot-noo ako sa sinabi ni Dad. He's always leave everything to me, wala man lang ba siyang ibibigay ni isang idea sa akin? Kung sabagay, ako nga lang ang pwedeng kumontrol sa katawan niya dahil ako 'yung gumagamit. 

 Huminga ako nang malalim at ibinuga iyon pagkatapos. "Got it, thank you." Huling wika ko bago ako nagpaalam umalis sa kanyang office. 

 Isinarado ko na ang pinto at hinayaan na lamang na dalhin ako sa kung saan ng mga paa ko. O baka bumalik na lang din ako sa classroom. 

 Nakalabas na ako sa office building at nagpatuloy sa paglalakad nang makaramdam ako ng malakas na pagtibok at pag-ipit ng puso ko. Napahawak ako roon, nanlalaki't nanginginig ang mata na nakababa ang tingin. Hindi ako makahinga, masakit. 

Mas tumibok pa ito kaya mahigpit akong napahawak sa damit ko, pinagpapawisan na ako ng malamig samantalang tumataas na ang balahibo ko. 

 Binagsak ko ang dalawang tuhod sa simento. Sinusubukan kong kumalma pero hindi pa rin magawang kumalma ng puso ni Zedrick. Ano 'tong nangyayari sa katawan niya? 

 Pumasok sa utak ko 'yung araw na nakita ko si Zedrick sa isang eskenita nang tangka niyang patayin ang pusa sa sobrang pagkauhaw niya sa dugo. 

Don't tell me… 

 Ito na 'yung sinasabi ni Dad?